CHAPTER 10

2193 Words
"Laura, mabuti naman at gising ka na," sabi ni Daddy nang lumabas ako ng kuwarto. "Bakit po, Daddy?" "Halika may ipapakita ko sa iyo." Nakahawak siya sa braso ko habang papunta kami sa bakuran namin. Nang lumabas kami ay nakita kong maraming mga bisita. "Anong meron?" Ngumiti sa akin si Daddy. "Forty days ng Mommy mo ngayon kaya nagpamisa kami. Maagang nagising ang mga kapatid mo at ang stepmom mo para paghandaan ito." "Totoo ba ito?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sink in sa utak ko ang nangyayari ngayon. "Si Conchita ang nagluto ng ibang handa ni Mommy ngayon." "Totoo ang lahat nang nakikita mo." "Hindi ko alam na gagawin nila ito kay Mommy," pinipigilan kong huwag umiyak sa ginawa nilang effort. "Inimbitahan ko ang mga kaibigan at kamag-anak ng Mommy para sa forty days niya." "Thank you, Daddy." Hindi ko napigilan ang mga luha ko tumulo sa pisngi ko dahil sa labis na ligaya. Hindi ko akalain na mangyayari pa ang araw na ito. "Alam kong hindi naging maganda ang tingin mo sa akin dahil sa pag-aasawa ko ng maaga pero hindi ibig sabihin na wala na akong pakialam sa iyo. Ang tanging hangad ko lang ay mapabuti ka, kaya gusto kong hawakan ang kayamanan naiwan ng mommy mo habang hinahanda kita." Tumingin ako sa kanya. "Hayaan n'yo po Daddy kapag nailipat na sa akin ang kayamanan ni Mommy ay ipapahawak ko ito sa inyo. Niyakap ako ni Daddy. "Thank you, anak." "Welcome, Daddy." "Laura, tikman mo ang luto ni Mommy na pansit bihon," sabi ni Amelia. Binigay niya ako ng plato at kutsara. Napilitan akong kumain ng pansit na luto ni Conchita. "Anong lasa?" tanong ni Amelia. "Masarap siya." Lumapad ang ngiti ni Conchita sa sinabi ko. Gayunpaman, hindi ko pa rin kayang tanggapin para maging pangalawang ina. "Amelia, kagabi pala nakalimutan mong i-lock ang pinto ng kuwarto mo. Huminto si Amelia at biglang namutla. "N-Nakita mo kami?" Umiling ako. "Hindi ko nakita kung sino ang boyfriend mo. Narinig lang kitang umuungol pero hindi ko sinubukan na alamin kung sino ang lalaki na kasiping mo." Lumingon siya sa paligid. "Hindi alam ni Mommy na may boyfriend ako. At lalong hindi niya alam na dinala ko kagabi sa kuwarto ang boyfriend ko. Huwag mo sanang sasabihin sa kanya ang nakita at narinig mo kagabi. Siguradong kakalbuhin niya ako kapag nalaman niya ang tungkol sa boyfriend ko." Tumango ako. "Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanya ang nakita at narinig ko." "Thank you, sis." "Saan mo nakilala ang boyfriend mo?' tanong ko. "Nakilala ko lang ang boyfriend ko sa tabi-tabi. "Sabay ngiti niya. "Okay, 'wag mong kalimutan na magtira para sa sarili mo." "Thank you, Sis." Niyakap niya ako. "Welcome." Naging busy ako nang dumating ang mga kaibigan at kamag-anak ni Mommy. Pumunta rin si Ferdinand sa damayan ako. "Laura, paano mo nasisikmurang pakisamahan ang bagong pamilya ng Daddy mo?" tanong ng isa sa mga kaklase ni Mommy noong college na si Tita Gianna. "Mabait naman po sila sa akin." "Tsk! Hindi talaga ako komportable diyan sa bagong pamilya ng Daddy mo. Kung ako sa iyo ay hindi ako magtitiwala sa kanila. Lalo na diyan sa Daddy mo. Ang kapal ng mukha. Hindi man lang hinintay na mag-isang taon ang Mommy mo." Tumahimik ako. Iyon din ang lagi kong sinabi kay Daddy. "Laura, 'wag kang magpapauto sa mga 'yan." "Tita Gianna…" "Kahit anong talino ng Daddy mo ay hindi niya mauutakan ang Mommy mo. Napansin mo ba? Hindi niya inimbitahan ang bestfriend ng Mommy mo." "Sinong bestfriend?" "Si Lourdes. Hindi niya inimbitahan 'yon dahil tutol 'yon sa pinaggagawa ng Daddy mo." "Nagustuhan n'yo po ba ang mga pagkain?" pag-iiba ko ng usapan. "Yeah, masarap siya." "Si Conchita ang nagluto niya para kay Mommy." Tumawa si Tita Gianna. "Huwag kang magpapaniwala sa kanya. Gusto lang nilang makuha ang loob mo." Tumahimik ako. Napapaisip tuloy ako sa sinasabi ng kaibigan ni Mommy. "Laura, hindi na ako pupunta sa puntod ng Mommy mo, dumaan na kami kanina bago kami pumunta rito. Mag-ingat ka palagi." Nakipagbeso-beso siya bago umalis. Pagkatapos pamisahan si Mommy sa bahay ay pumunta kami sa puntod niya at muli siyang pinamisahan. Hindi na sumama si Conchita sa puntod ni Mommy kaya sila Daddy ang kasama ko. "Baby, 'wag ka ng umiyak." Pinisil ni Ferdinand ang palad ko. Pinunasan ko ang luha ko. "Naalala ko lang noong mga panahon na buhay siya." "Masaya na siya ngayon kaya ang isipin mo ay kinabukasan mo." Tumango ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit habang nakikinig kami sa pari. Pangako Mommy, hindi ko sasayangin ang lahat ng pinaghirapan mo. Makikinig na ako kay Daddy. Nang matapos ang misa ay isa-isang umalis ang mga bisita namin. Naiwan kami nila Daddy sa puntod ni Mommy. "Anak, mauna na kami sa kotse," sabi ni Daddy. Tumango ako at muli kong tinuon ang pansin sa punto. Kasama ko si Ferdinand sa puntod ni Mommy. "Baby, umalis na tayo," wila ni Ferdinand. "Okay." Magkahawak ang kamay namin habang naglakad papunta sa kotse. Nang malapit na kami sa kotse ay may motor na huminto sa harap namin. Nakasuot ng bonet ang dalawang sakay ng motor. Nagulat ako nang bigla itong maglabas ng baril at tinutok sa akin. Tinulak ko si Ferdinand sa akin para hindi siya matamaan. Kaya nang pumutok ang baril ay tumama sa balikat ko at bumagsak ako sa lupa. Muling tinutok ng lalaki ang baril sa akin. "Laura!" sigaw ni Amelia. Narinig kong muling pumutok ang baril. Ngunit nagulat ako nang yakapin ako ni Amelia. "Noo!" sigaw ko. Tumama kay Amelia ang pangalawang putok ng baril. "Nooo! Amelia!" sigaw ko. Sa pangatlong putok ng baril ay nagdilim na ang paningin ko, kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. NAGISING ako na nasa loob ako ng hospital. Masakit ang kaliwang braso at kaliwang paa ko. Nakita ko si Ferdinand na nakasubsob ang mukha sa kama. Hinaplos ko ang buhok niya kaya tumingala siya. "Salamat sa Diyos at gising ka na." Nakangiting sabi ni Ferdinand. "S-Si Amelia?" tanong ko. "Maayos na ang lagay niya ngayon. Nadaplisan siya kaya okay na siya ngayon. Ikaw, kumusta ka na? Kung hindi sinalo ni Amelia ang bala para sa iyo ay tatlong bala ang tatama sa iyo." "Sino sila? Bakit gusto nila akong patayin?" "Ang sabi ng Daddy mo ay baka kaaway ng Mommy mo sa negosyo. Nakipag-usap na sa mga pulis ang Daddy mo. Pinaghahanap na ngayon ang mga taong bumaril sa iyo." "Patay na si Mommy. Bakit gusto nila akong patayin?" "Mas mabuting ang Daddy mo ang kausapin mo tungkol diyan. Ang mahalaga ay gising ka na." Yumuko si Ferdinand at dinampian ako ng halik sa labi. "I love you, Baby." "I love you too." "Bukas ay dadalawin ka ni Amelia." "Nasaan siya?" "Nakauwi na siya sa mansyon n'yo." "Tinaya niya ang buhay niya para sa akin. Utang ko ang loob ko ang buhay ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka patay na ako ngayon." "'Di ba tama ang sinabi ko sa iyo na hindi sila masamang tao." Tumango ako. "Babawi ako sa kanila kapag nakalabas ako ng hospital." "Baby, ano kaya kung magpakasal na tayo para may magbabantay sa iyo. Nag-aalala ako para sa kaligtasan mo." Saglit akong natahimik. "Pag-iisipan ko ang bagay na 'yan." Ngumiti si Ferdinand. "Kapakanan mo lang ang iniisip ko. Ayokong mawala ka sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka." Muli niya akong dinampian ng halik. "Salamat.." tipid akong ngumiti. "Gusto mo bang kumain?" "Gusto kong uminom ng tubig." Tumalikod siya sa akin para kumuha ng tubig. Pagsapit ng hapon ay dumating naman si Daddy, may kasama siyang pulis. "Anak!" Hinawakan niya ang palad ko at hinalikan niya ito. "Mabuti naman at nagising ka na. Natakot akong baka iwan mo ako. " Umiiyak na sabi ni Daddy. "Huwag na po kayong umiyak okay na po ako." "Mabuti naman anak." "Daddy, ang sabi ni Ferdinand baka kaaway ni Mommy sa negosyo ang gustong magpapatay sa akin. Kilala n'yo ba kung sino sa kanila ang gustong pumatay sa akin?" Pinunasan ni Daddy ang luha ko. "Hindi ko alam kung sino sa mga naging kaaway ng Mommy mo sa negosyo ang gustong pumatay sa iyo. Noong nabubuhay ang Mommy mo marami ng nagtatangkang pumatay sa kanya." "Bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?" "Ayaw ng Mommy mo na madamay ka sa problema niya. Gusto niyang mag-focus ka sa pag-aaral mo." Napansin ni Daddy na nakatingin ako sa pulis. "May mga ilang katanungan sila sa iyo." Nagsimula ng magtanong ang mga pulis sa akin. Tumulong na rin si Daddy at Ferdinand para sa ibang tanong ng pulis. "Laura, kapag nakalabas ng hospital 'wag ka munang lumabas ng bahay hanggat hindi nahuhuli ang tao na bumaril sa iyo," sabi ni Daddy. Sumang-ayon ako sa gusto niya. Mas mabuti pa ngang pansamantala nasa bahay ako hanggat hindi nahuhuli ang mga tao na bumaril sa akin. Kinabukasan, maaga akong dinalaw ni Amelia. May benta ang kanang kamay niya. "Laura, masaya akong ligtas ka." Nakangiting sabi ni Amelia. May namumuong luha sa mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. "Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko. Ngumiti siya. "Stepsister kita kaya ko ginawa iyon." Tumulo ang luha ako. "Salamat… pero hindi mo dapat sinugal ang buhay mo para sa akin. Paano kung napuruhan ka?" "Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa stepsister ko." Nag-uunahan tumulo ang luha ko. "A-Amelia, I'm sorry, kung naging masama ako sa iyo. Masyado akong nasaktan nang mawala ang Mommy ko. Feeling ko mag-isa na lang ako. Si Daddy, hindi na ako pinakikinggan at lagi pa niya akong sinaktan kaya mas lalong lumalim ang galit ko sa inyo. Huli ko na nalaman na mabait kayo at kaya mong ibuwis ang buhay mo para sa akin." Pinunasan ni Amelia ang luha ko. "Ang mahalaga ay ligtas tayong dalawa. Kapag magaling ka na mag-shopping tayo ni Atasha." Ngumiti ako. "Promise 'yan." "That's good. Si Mommy, masyadong nag-aalala sa iyo. Hindi siya nakatulog sa kakaisip sa iyo. Gusto niyang dumalaw dito kaya lang baka ayaw mo siyang makita." "Pakisabi kay Tita Conchita, salamat sa pag-aalala. Kung gusto niya akong bisita ay okay lang sa akin." Lumapad ang ngiti ni Amelia. "Siguradong matutuwa si Mommy sa sinabi mo." "Susubukan kong tanggapin na siya." "Salamat, Laura." Mahigit tatlong oras si Amelia sa hospital. Nang dumating si Daddy para magbantay sa akin ay hinatid ni Ferdinand si Amelia pauwi ng bahay. "Laura, ang katulong na lang ang magbabantay sa iyo ngayong gabi." Tumango ako. Tuwing alas-sais ng hapon hanggang umaga ay katulong ang nagbabantay sa akin sa hospital. Hindi na kayang pagpuyat ni Daddy dahil tumataas blood pressure niya. "Sabihin mo ang katulong natin na tumawag sa akin kung may problema." "Okay, Daddy." "Mayamaya ay darating na ang magbabantay sa iyo." Tumalikod siya at tuluyan ng umalis ng ward. "Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng movie. Nasa private ward ako kaya para lang akong nasa loob ng bahay. May telebisyon, refrigerator at mahabang sofa sa gilid. Biglang bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok ang nurse ko, ngunit nagulat ako nang pumasok ang businessman na si Timothy. Sa suot niyang tuxedo ay halatang galing ito sa trabaho. "Kumusta ka na Miss. Flores?" Nakade-kwatro ang mga paa niya nang umupo sa sofa. Kumunot ang noo ko. "Paano ka nakapasok dito ng hindi sinisita ng mga pulis sa labas?" Bahagyang umangat ang kanang kilay ni Timothy. "Walang pulis sa labas." "Totoo ba ang sinabi mo?" Ang sabi ni Daddy ay may nagbabantay sa akin na mga pulis sa labas. "Hindi ako makakapasok kung may pulis." "Ibig sabihin walang pulis na nagbabantay sa akin sa labas." "Wala ng pulis na nagbabantay sa iyo at kayang puntahan ng taong pumatay sa iyo rito ng walang kahirap-hirap." Bigla akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya. "Bakit ka nandito?" "Gusto lang kitang dalawin. Nabalitaan kong nabaril ka raw." "Salamat sa concern mo." "Alam mo ba kung ano itong hawak ko?" Napansin kong may hawak siyang pulang sibuyas "Sibuyas na pula." "Tama. Hawakan mo." Napilitan akong hawakan at pagmasdan ang sibuyas na binigay niya sa akin. "Bukod sa maganda ang sibuyas anong meron dito?" "Tama ka, kung titingnan mo maganda ang sibuyas sa panlabas na itsura niya." Umangat ang kanang kilay ko. "Ang weird." Kinuha niya ang bread knife na ginamit kanina sa paghiwa ng cheesecake na dala ni Amelia. Tinakpan ko ang ilong ko nang hiwain niya ang sibuyas. Amoy na amoy dahil may aircon ang loob ng kuwarto ko. "Nakita mo?" Bulok na bulok ang loob at may uod akong nakita. "Kadiri!" "Hindi lahat ng nakikita mong maganda ay maganda rin ang loob. Kailangan mo pa rin suriin maigi para hindi ka maloko katulad ng bulok na sibuyas na ito. Miss. Laura, 'wag kang magpapadala sa nakikita mong ganda. Baka katulad ng sibuyas ang pinagkakatiwalaan mo. Maganda sa panlabas at nabubulok sa loob." Sabay tayo niya. "Sino ka ba? Bakit hindi mo ako diretsahin?" Huminto siya at tumingin sa akin. "Huwag kang mag-alala hindi ako katulad ng sibuyas na ito." Sabay kindat niya. Nakatanaw ako sa kanya habang gulong-gulo ang isip ko. "Sino kaya siya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD