AMELIA'S POV: "SINABI ko naman sa inyo na hindi katulong ang nagsunog ng bahay. Bakit ibang tao ang pinagbibintangan n'yo? Iba ang gusto n'yong ipakulong pero ang totoo gumawa malayang nakakakilos," paliwanag ko kay Mommy. Kakaalis lang ng pulis na nag-imbestiga sa sunog. Tumayo si Mommy at nameywang na humarap sa akin. "Baka naman kayo ang nagsunog ng mansyon dahil sa sobrang kalasingan n'yo!" sigaw ni Mommy. Galit na galit siya dahil nasunog ang likod ang braso niya. Nabagsakan ang kamay niya kaya nasunog ang balat niya. May natamo rin kaming paso dahil sa sunog ngunit mas malala si Mommy, kaya galit na galit siya dahil wala siyang maipakulong sa nangyari sa kanya. Lahat ng mga katulong na pinagbintangan niya ay nasa barko ng nangyari ang sunog, sa katunay nang tawagin ng mga pulis