ANG LAKAS ng kabog ng dibdib ko nang bumaba ang chopper sa rooftop ng isang mataas na gusali. Hindi ko alam kung anong gusali ito basta ang alam ko lang ay papunta ako kay Jacob. Habang naglalakad ako ay may isang lalaking sumalubong sa akin na nasa edad singkuwenta. Nakasuot ito ng itim na tuxedo at itim na pantalon. Yumuko siya. "Madam, ako nga pala si Ben ang butler ni Master Jacob, ako ang naatasan na magsusundo sa iyo para dalhin sa kanya. Bahagyang umangat ang kilay ko. "Gising na ba siya pagkaka-comatose niya?" "Hindi pa siya nagigising sa pagkaka-comatose niya pero bago pa siya naaksidente ay alam niyang pupuntahan mo siya." Tumango bilang pagsang-ayon. Kung sabagay alam naman niya ang nangyari sa akin. "Sumunod po kayo sa akin." Umalis na ang bodyguard na naghatid sa aki