CHAPTER 2

2265 Words
NARARAMDAMAN ko ng bumaba na ang talukap ng mga mata ko tanda ng nakakaramdam ako ng antok. Gayumpan, hindi ako puwedeng matulog agad. Tumingin ako sa wriswatch ko at nakita kong alas-dos na ng umaga. Ganitong oras dumarating sila Daddy at ang kasama niyang babae. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig ko ang busina ng sasakyan. Nagmadali naman binuksan ng security guard ang main gate. Habang papalapit si Daddy ay bumibilis naman ang kabog ng dibdib ko. Halo-halong ka ba ang nararamdaman ko ngayon. "Alfredo, bilisan mo gusto ko ng matulog." wika ng babae. Nanginginig ang panga ko sa galit nang makita kong niyakap ni Daddy ang babae at siniil ng halik. Galit at pandidiri ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nakatiis kaya sinalubong ko sila. "Laura!" Gulat na gulat si Daddy nang makita ako samantalang ang babae niya ay nakangiti. Halos patayin ko ng tingin silang dalawa. "Wala pa isang buwan namatay si Mommy bakit pinalitan mo na siya agad?" Pinipigil kong 'wag pumatak ang luha ko. "Laura, may pangangailangan ko at ang Tita Conchita mo lang ang makapuno ng iyon. Patay na ang Mommy mo at kailanman ay hindi na siya babalik sa atin." "Alfredo, bakit hindi mo sabihin sa anak mo ang totoo?" Nakataas pa ang kilay niya. "Anong totoo?" Bumuntong-hininga si Daddy. "Laura, si Tita Conchita mo— "Isang taon na kaming magkarelasyon ng Daddy mo ay may balak na kaming magpakasal," diretsang sabi ni Conchita. Yumuko si Daddy na tila nahihiya na nalaman ko ang totoo. Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Isang taon mo ng niloloko si Mommy! Isang taon mo na kaming niloloko!" sigaw ko. Buong buhay ko ay akala ko perpekto ang pamilya namin dahil hindi ko sila nakikita nag-aaway ni Mommy. Ang akala ko masaya ang pamilya namin isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat. "N-Nalaman ng Mommy mo ang tungkol sa amin ni Conchita…" "Mga hayop kayo!" Nilapitan ko ang kabit ni Daddy ay sinabunutan ko siya at sinampal "Alfredo! Tulungan mo ako." Umiiyak ang babae. "Laura! Tama na!" Sabay sampal ni Daddy sa akin. Gulat na gulat ako nang sampalin ako ni Daddy dahil sa kabit niya. Hinawakan ko ang pisngi ko habang umaagos ang luha ko. "S-Sinampal mo ako." Dinuro ako ni Daddy. "Mana ka talaga sa Mommy, masyadong selfish!" Tuwang-tuwa ang kabit ni Daddy habang pinapagalitan niya ako. "Patay na ang Mommy mo at may karapatan akong mag-asawa muli. Mula ngayong araw na 'to 'wag mo kaming pakikialaman ni Conchita, maliwanag ba!" "Hindi mo ba mahal si Mommy, kaya ang dali mo siyang palitan?" "Matagal ng wala akong pagmamahal sa Mommy mo kaya nga ako nambabae. Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya at siya lang ang may ayaw. Tigilan mo na ang pagdadrama mo dahil patay na ang Mommy mo. Si Conchita na ang magiging Mommy mo sa ayaw at gusto mo!" sigaw niya. Natahimik ako sa sinabi ni Daddy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong galit ngayon parang gusto kong pumatay ng tao. Nang dumaan sa harapan ko ang kabit niya ay pang-asar siyang tumingin sa akin. "Huwag ka ng umiyak, Anak." Nagdilim ang paningin ko kaya muli ko siyang hinila at pinagsasampal ko siya. Sumigaw siya at humingi ng tulong kay Daddy. Hinila ako ni Daddy at sinampal ng dalawang beses at pagkatapos ay sinuntok niya ako sa sikmura. Bigla akong nanghina at tila kinakapos ako ng hininga. "D-Daddy…" may luha sa mga mata ko habang nakatingin sa galit niyang mukha. "Subukan mong saktan si Conchita, hindi lang 'yan ang matitikman mo. Kung ayaw mo kay Conchita lumayas ka sa pamamahay na 'to. Sisiguraduhin kong kahit isang sentimo wala ka ng makukuha!" Sabay alis ni Daddy. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kirot ng sikmura, hirap na rin akong huminga kaya naman halos hindi ko narinig ang sinabi niya. Habang unti-unting nanlalabo ang mga mata ko ay nakita ko silang naglalakad palayo. "Daddy…" "Senyorita! Senyorita!" Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng isang katulong namin. Bumangon ako at nakita kong nakahiga ako sa sahig. Nagsimulang manginig ang panga ko dahil sa galit. Naalala ko kasi ang ginawa sa akin ni Daddy kagabi. Hindi man lang ako binalikan para silipin kung okay lang ako. "Senyorita, bakit diyan po kayo sa sahig natulog? Masyado ba kayong nalasing kagabi kaya hindi na kayo narating sa kuwarto n'yo?" Hindi ko sinagot ang katulong bagkus ay tumayo ako para bumalik sa kuwarto. Nang dumaan ako sa pinto ng silid ni Daddy ay parang gusto kong pasukin sila at pagpapatayin dahil sa matinding galit, pero may bahagi ng isip ko na nag-uutos ko na 'wag kong gawin. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at tumingin ako sa salamin. Dahil sa lakas ng sampal ni Daddy kaya nangingitim ang pisngi ko. Tumulo ang luha ko nang itaas ko ang suot kong damit may pasa ang tiyan ko na sinuntok ni Daddy. Kinuha ko ang picture ni Mommy. "Mommy, sorry ngayon ko lang nalaman ang totoo. Hindi man lang kita nadamayan nang mga panahon nalaman mong may ibang babae si Daddy. I'm sorry, Mommy… Hindi ko na kilala si Daddy. Sinaktan niya ako dahil sa kabit niya. Sobrang sama ng loob ko sa kanya at galit ang nararamdaman ko. Bakit niya nagawa sa atin 'to." Sabay yakap ko sa picture niya at humagulgol ako. Parang gusto ko na lang lumayas ng bahay para matapos na ang problema ko. Ngunit kapag ginagawa ko iyon ay parang binigyan ko sila ng kalayaan dalawa. Nang mahismasan ako ay naligo at nag-ayos ako ng sarili. Pupuntahan ko ang puntod ni Mommy para gumaan ang loob ko. Nang papalapit ako sa puntod niya ay nakita kong may dalawang babaeng nakakulay itim na damit at itim na sombrero ang nakatayo sa puntod ni Mommy, nakasuot din sila ng eyeglasses. Hindi ko tuloy sila makilala. "Excuse me!" Nang makita nila ako ay umiwas sila sa akin at naglakad papunta sa naka-park na kotse dalawang metro ang layo. "Sandali lang! Bumalik kayo! Sino kayo?!" Ngunit hindi nila ako pinansin at kahit lingon ay hindi nila ginawa. Nakatanaw ako sa kotse nilang papalayo. "Sino kaya ang mga 'yon?" Bumalik ako sa puntod ni Mommy at nag-alay ako ng dasal sa kanya. Umupo ako sa gilid ng puntod niya. "Mom, hindi pa natatapos ang museo para sa iyo pero pangako maganda 'yon." Bumuntong-hininga ako. "Ang sama ni Daddy, sinaktan niya ako dahil sa kabit niya. Kung nandito ka lang dalawa sana tayong kakaladkad sa kabit ni Daddy." Muli namang tumulo ang luha ko. "Bantayan mo ako ngayon wala na akong kakampi sa bahay." Sabay iyak ko ng malakas. "Ouch!" Bigla kasing may bumato sa mukha ko at nang makita ko kung ano ang binato ay nakita ko ang isang panyo. Sa disenyo nito ay malalaman mong lalaki ang may-ari. Nilingon ko ang bumato sa akin at nakita ko ang tao na nakasakay sa motor. Nakasuot siya ng black jacket at black helmet. Kung pagbabasehan ang tindig niya ay masasabi mong lalaki ito. Tumayo ako para lapitan siya ngunit bago pa ako makalapit sa kanya ay pinaharurot niya ang motor palayo. Malinis at mabango ang panyo na binigay ng lalaki kaya ito ang ginamit kong pamunas ng luha ko habang nakikipag-usap ako kay Mommy. Halos tatlong oras akong nasa puntod ni Mommy, gumagaan ang bigat na nararamdaman ko kapag kausap siya. "Laura!" Tumingala ako at nakita ko si Ferdinand. "B-Baby." Nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko sa mga mata nang makita ko siya. Simula nang mawala si Mommy lagi na akong umiiyak. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Kanina pa kita hinahanap." "Ferdinand, ilayo mo muna ako kahit ngayon lang." Huminga siya ng malalim. "Okay." Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako ng kotse niya. "Saan mo gustong pumunta?" "Kahit saan basta malayo sa Daddy ko." May ngiting namutawi sa labi ni Ferdinand. "May alam akong lugar na siguradong makakapag-relax ka." Tumingin ako sa kanya. "Hindi pa ako handa kung tungkol sa s*x ang gusto mo," prangka sagot ko. Napawi ang ngiti niya. Marahil iyon talaga ang nais niyang gawin. Simula kasi ang payagan ko siyang maka-second base ay lagi na niya akong tinitikman ang kahati ng katawan ko. May pagkakataon pa ngang muntik na akong matangay sa kanya. "Baby, puwede mo ba akong dalhin sa park?" "Ang daming puwedeng puntahan doon pa ang gusto mo. May alam akong ibang lugar na siguradong mag-e-enjoy tayong dalawa." "Sinabi ko sa 'yong ayoko pa nga." "Hindi naman kita dadalhin sa langit kung 'yan ang iniisip mo. Maghihintay ako kung kailan mo gustong ibigay." "Mabuti naman at naiintidihan mo ako." "Huwag kang mag-alala aalisin natin ang lungkot mo ngayon." Ngumiti siya sa akin. Isang tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Kung wala siguro si Ferdinand ay baka baliw na ako ngayon. Siya lang kasi ang palagi kong tinakbuhan sa problema ko kaya naman sobrang mahal na mahal ko siya. Kumain muna kami sa isang restaurant pagkatapos ay pinuntahan namin ay ang lugar na punong-puno ng rosas na umiilaw. Sobrang ganda ng paligid at nakaka-relax silang pagmasdan. "Okay, ka na ba?" Tumango ako. "Ganda rito parang ang sarap pitasin ng mga rosas na umiilaw." May lugar pa tayong pupuntahan tapos doon sabihin ang lahat ng sama ng loob mo." Tumango ako bilang tugon, pagkatapos ay ipinagpatuloy paglalakad-lakad sa lugar na iyon at kumuha rin kami ng selfie. Ang huli naming pinuntahan ay ang Enchanted Kingdom kung saan sumakay kami sa mataas na rides nila lalo na ang EKstreme Tower. Hindi lang sama ng loob ko ang nawala pakiramdam ko ay pati ang kaluluwa ko dahil sa sobrang taas ng binagsakan. Nakarating ako sa bahay ng ala-onse na ng gabi. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Daddy sa akin. Naabutan ko siya sa sala na mag-isa at nagbabasa ng magazine. Huminto ako upang titigan siya ng masama, pagkatapos ay hinakbang ko ang mga paa ko para lampasan siya. "Kinakausap pa kita 'wag kang bastos!" Sinalubong ko ang matalin na tingin niya. "Ako ba ang bastos o kayo?" "Lapastangan ka!" Sasampalin na sana niya ako pero pinigilan ko siya. "Sige! Sampalin n'yo ako! Saktan n'yo! Ganyan naman kayo gusto mo lagi kayong masusunod!" "Ako pa rin ang ama mo kaya may karapatan akong malaman kung saan na nanggaling!" "Tama ikaw ang ama ko at ako ang anak n'yo, pero bakit ayaw n'yong makinig sa akin? Bakit mas kinakampihan mo pa ang kabit mo!" "Matuto kang igalang si Conchita dahil siya ang magiging stepmother mo. Umalis siya kanina para kunin ang mga papeles na kailangan sa kasal namin, at isasama na niya ang mga anak pabalik dito." "Ano? May anak pa siyang dadalhin dito. Tsk! Ang kapal naman talaga ng mukha ng kabit mo! Gusto ba talaga ng patirahin ang mga anak niya rito! Magkaroon sana kayo ng konting hiya kay Mommy. Bahay 'to ni Mommy at minana pa niya ito sa magulang niya pagkatapos patitirahin mo sila rito?" Kung anuman ang meron dito sa bahay na ito ay pag-aari ko ng lahat at gagawin ko ang gusto kong gawin." Tumayo si Daddy at lumapit sa akin. "Tigil-tigilan mo ang pakikipagkita mo sa boyfriend mo hindi ako natutuwa sa inyong dalawa." Pumihit siya patalikod at naglakad papunta sa kuwarto niya. "Manang! Bakit maingay sa labas?" tanong ko sa katulong namin nang dalhin niya ako ng pagkain. "Dumating na po ang mga anak ng kabit ng Daddy mo." Nagsalubong ang kilay ko. "Ano?" Tumango ang katulong namin. "May party po yata dahil marami silang in-order na pagkain." Inis na inis akong lumabas ng kuwarto ko. Nang tanawin ko ang first-floor nakita kong nagkakantahan at sayawan ang mga tao sa baba. Nakabusangot ako nang bumaba pagkatapos at pinatay ko ang pinapatugtog nila. Sinalubong ko ang matalim na tingin nila. May dalawang babae ang hindi nalalayo ang edad sa akin. Biglang lumapit ang kabit ni Daddy. "Anong nangyayari rito?" Nakataas pa ang kila ni Conchita. Nameywang akong humarap sa kanya. "Pinatay ko ang pinatugtog n'yo masyadong maingay." "Mama, siya ang anak ni Daddy Alfredo?" Ang kapal naman ng mukha. Daddy rin ang tawag nila sa Daddy ko. "Hayaan mo na anak sa labas na lang tayo mag-party. Tumalikod sila at bitnitbit nila ang malaking stereo. Bumalik ako sa kuwarto ko at muli kong ipinagpatuloy ang kinakain ko. Kinse minutos pa lang ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa kuwarto ko. Binuksan ko iyon. "Dad— Isang sampal ang sinalubong sa akin ni Daddy. Galit na galit siya sa akin. Sa likod niya ay nakita ko si Conchita at mga anak niyang pang-asar na nakangiti. "Sinabi ko sa iyo na 'wag mo silang pakikialaman!" Muli niya akong sinampal na halos tumabingi ang mukha ko. Hindi ako umiyak sa halip ay tumingin ako ng matalim kay Daddy. "Alfredo, 'wag mong saktan ang anak mo." Lumapit sa akin si Conchita. "Okay ka lang, anak?" Nanggigigil ako sa kaplastikan ni Conchita sa akin. Kinabig ko ang kamay niya at nakita ito ni Daddy kaya naman mas lalo siyang nagalit sa akin. "Sinabi ko sa iyo na hayaan mo ang bata na 'yan! Manang-mana sa Mommy niya!" sigaw ni Daddy. Tumayo si Conchita at inalalayan si Daddy palayo sa kuwarto ko. Naiwan ang dalawang anak ni Conchita. Pang-asar silang nakatingin sa akin. "Huwag kang lumangoy diyan wala naman tubig." Sabay tawa nila ng malakas, at pagkatapos ay umalis na sila. Tumayo ako at humarap sa salamin. Nakita ko naman ang bakas ng kamay ni Daddy sa mukha mo. Hinaplos ko 'yon habang umaagos ang luha ko. "Pangako, hindi na ako iiyak, Mommy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD