"LAURA, dumating na ba si Jacob?" tanong ng biyenan kong babae. Hininto ko ang binabasa kong libro at tumingin sa kanya. "Hindi pa siya dumarating." Sinipat niya ang relong pambisig niya saka tumingin sa akin. "Ang tagal naman niyang umuwi. Ang sabi niya ay sasama siya sa atin para dalawin si Divina." "Iyon nga rin po ang sinabi niya sa akin. Huwag daw tayong aalis kapag hindi pa siya dumarating." "Hays! Kapag hindi pa siya dumating ng lampas bente minutos ay mauuna na tayong dumalaw sa sementeryo." Tumango ako. Sumusunod lang ako sa kanila kung anong gusto nilang gawin. Ang mahalaga sa akin ay makadalaw sa puntod ni mommy. Bumalik ang biyenan ko sa kuwarto niya at doon na lang maghintay kay Jacob. Bago ko ipagpatuloy ang binabasa kong story ay nagtext ako kay Jacob, upang ipaalam s