Isa-isa kong nililipag ang mga importante kong mga gamit na dadalhin sa ibang bansa. Desidido na akong iwan si Jacob ng tumigil ang taong gusto kaming patayin. Naniniwala ako na ako ang dahilan kung bakit may mga nagtatangka ng buhay niya. At iyon ang gusto kong malaman. Gagawin ko ang lahat para matulungan si Jacob. Nasa kabilang silid si Jacob at mahimbing na natutulog. Isang linggo na siya sa mansyon at nagagawa na niyang tumayo at maglakad-lakad. Kung minsan pa nga ay nakatutok na siya sa laptop niya para sa mga zoom meetings niya. Tanging si mama lang ang nakakaalam na aalis ako. Siya rin ang bumili ng ticket ko at kung saan lugar ako tutuloy sa Amerika. Pinili ko talagang may makaalam na aalis ako para magkaroon pa rin ako ng balita sa mga nangyayari kay Jacob. "Tapos na." Sinarado