MALAMIG na hangin ang sumalubong sa akin nang bumaba ako ng kotse. Sa tagal ng panahon ay nakarating din ako sa Laguna kung saan isinilang si mommy. Halos nakalimutan ko na kung anong itsura ng lugar dahil mabibilang lang sa daliri sa kamay na nakarating ako rito. Halos wala rin akong matandaan na kamag-anak namin dahil noong bata ako at lolo at lola ko lang ang pinupuntahan namin dito. "Let's go!" Sabay hawak ni Jacob sa kamay ko. Nakasuot siya ng shades at itim na jacket, magkapareho kami ng Jacket na suot. Ito kasi ang regalo ng biyenan ko sa amin. Tumango at ngumiti. Ang biyenan ko ay nauna ng maglakad papasok sa malaking bahay. Siya ang nakaisip na dumalaw kami rito upang malaman ko kung gaano kalaki at kalawak ang naiwan ni mommy sa akin. "Bakit kilala ni mama ang mga tao rito?"