KABANATA 5

2087 Words
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5: ALARIC AEGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 5 SAOIRSE–SEERSHA NAGKAYAYAAN ANG magkaibigang Saoirse at Oshi na dumaan sa isang food cart na nagtitinda ng mga street foods pagkatapos ihatid ni Saoirse ang mga pre–loved stuffs kay Oshi. Si Saoirse ay pabalik na sa bachelor's flat ni Alaric samantalang si Oshi ay patungo sa trabaho. Limang lumpiang tahong ang binili ni Saoirse at tatlong stick ng calamaris habang si Oshi ay panulak lang. On diet daw ang bruha. “Shocks, memsh! Atapang atao ka nga talaga. Saludo na ako saiyo noon pa man.” Naibuga ni Oshi ang cucumber-lemon juice na iniinom nito hustong nabanggit ni Saoirse ang huling pag-uusap nila ni Alaric. “Biruin mo, isang ‘siyanang–nothing na katulad mo ay susumbatan ng ganoon ang isang Alaric Aege Alkaide na isang kilalang mabagsik at buwitre sa mundo ng business at bukod doon ay miyembro pa ng prominenteng brotherhood. Memsh, ano ang vitamins ang tinira mo at ang lakas ng loob mo? Kaloka ka!” Exaggerated na litanya ni Oshi. Umikot naman ang eyeballs ni Saoirse. Inaasahan na niya ang exaggerated na reaction ni Oshi oras na ikuwento niya rito ang tungkol doon. “Mainam na rin iyon, Oshi kaysa naman kimkimin ko lang sa sarili ko ang sama ng loob ko sa kanya hanggang sa magpantay ang mga paa ko. Wala iyon sa tiyempo pero at least naitawid ko.” Aniya atsaka sinibasib ang isang stick ng calamaris. “Umiyak ka?” “Anong klaseng tanong iyan?” In denial siya kapag ganoong tanong ang ibinato sa kanya. Para kay Saoirse ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan kaya buong-buhay niya ay iniiwasan niyang humantong sa ganoon lalo na kung may nakatingin sa kanya. “Umiyak ka ba? Napakasimpleng tanong, Saoirse. ‘Susko naman.” “O–oo.” Umiwas siya ng tingin kay Oshi. Nahihiya. “At sa harap ni Mister Alkaide?” “Malamang.” Kumibot-kibot ang plakadong kilay ni Oshi. Inismiran naman ito ni Saoirse. “For real, memsh? Ikaw? Umiyak sa harap ni Mister Alkaide? Ay naku ha! May naaamoy akong amorosa rito.” “Sabog ka na naman.” “Ay sus! So, magkuwento ka pa. Dinaluhan ka ba niya habang nag-eemote ka? Hinawakan, pinatahan, hinagod ba niya ang likod mo? Yinakap?” “Excuse me! Kung isa sa mga iyon ang ginawa niya, I swear, Oshi dalawa sa mga daliri niya ang nawala sa katawan niya!” An ounce of vexation coiled in her chest. Biglang napaisip si Saoirse. Kung sakali mang ginawa iyon ni Alaric sa kanya, magagawa nga ba niyang pilipitin ang kamay nito at bigyan ng malakas ng suntok? Maaaring oo ngunit ano na lamang ang sasabihin ni Donya Agatha sakaling malaman nitong pinisikal niya ang nag-iisang apo nito? Ngunit ang isiping dumampi sa kanya ang palad ni Alaric sa masuyong paraan, ano kaya ang pakiramdam? Mabilis na napailing si Saoirse at itinaboy ang ideyang iyon. “Pero, Oshi noong gabing iyon, alam mo bang narinig kong ibinulong ni Aage ang ‘it was you all along’ doon sa parteng isiniwalat ko ang tungkol sa gabing may dumukot sa aking tatlong lalaki? Kinabahan ako ng marinig ko iyon pero wala naman akong presumption kung ano ang ibig niyang sabihin do’n.” Matagal na napatitig kay Saoirse ang kaibigan. Hindi katulad kanina, ngayon anmy sumeryoso na ito. “It was you all along? Parang riddle ang dating, memsh. Parang may laman ang sentence niya. Sana inusisa mo siya kung ano’ng ibig niyang sabihin no’n.” “Umalis bigla e.” Tumango-tango si Oshi. Naudlot ang pagkagat ni Saoirse sa lumpia nang biglang may kamay na dumapo sa balikat niya. Gawa ng gulat at prediksiyon na baka isang holdaper iyon ay maliksi niyang hinuli ang kamay na iyon, pinilipit ng sobrang lakas at pinagana ang siko patungo sa sikmura ng taong nagmamay-ari niyon. Sisipain pa sana niya ito nang makakuha siya ng wastong posisyon nang mahimigan niya ang umaaray na lalaki. “f*****g s**t! I'm going to die a virgin for my ball's sake!” Napaatras si Saoirse sa gilid ni Oshi nang rumehistro sa paningin niya ang mukha ni Alaric, Primus, North at ang nagmamay-ari ng kamay na halos baldahin niya, si Uno. Kilala na niya ang tatlo at ilan pa sa mga kaibigan ni Alaric gawa ng minsan kapag dumadalaw siya sa Lola niya noon sa mansion ng mga Alkaide ay naroon din ang mga ito. Palakaibigan naman iyong ibang kaibigan ni Alaric, kaso mas lamang ang bilang ng mga hindi magiliw sa kapwa o elusive. At nangunguna sa mga iyon ay ang dalawang founder ng fraternity na kinabibilangan ni Alaric, si Dagon at Tank. Dalawang beses pa lamang na nakita ang mga iyon ni Saoirse ngunit naipalagay na niyang komplikado ang mga personality ng dalawang nabanggit. “Hi, ladies.” Primus greeted them nicely while wearing a lopsided smile. Si North ay tinanguan lamang sila at kaswal na nag-wave. Alinlangang ngumiti si Saoirse at hindi makatingin sa lalaking nakahalukipkip sa likuran ng tatlo, si Alaric. Kailangan siguro ang serbisyo niya sa flat nito kaya ito naroon. “Hooy, hoy teka, ikaw ‘di ba si Atty. Primus Philippe? Iyong ubod ng yabang na abogado ng gahamang pamilya ng mga Placido na umangkin sa mga lupain sa bayan namin? Saoirse, kilala mo pala ang tarantula na ito?” Oshi snapped out of the blue. Lalong bumagsak ang balikat ni Saoirse dahil sa wala sa oras na angil ng kaibigan niyang si Oshi. “Woah. Easy on me, bunny-cake! Glad you know me.” Wika ni Primus na hindi tumitiklop ang confidence. Lahat naman ng kaibigan ni Alaric ay nagtataglay ng ganoon. “Glad? Hoy, ako hindi ako natutuwa saiyong tarantula ka!” “I am Primus Philippe Placido by the way. I'm officially and humbly introducing myself. And your name, bunny-cake?” “Iyon naman pala! Placido rin kaya mayabang.” “Oshi, tumigil ka nga muna. Kaibigan iyan ni Aege– Sir Alaric pala.” Suway ni Saoirse sa pag-aalburuto ng kaibigan. Imbes na bigyan ng apologetic look si Primus ay tumagos na naman ang mga mata niya papunta kay Alaric nang hindi sinasadya. Ano ang mayroon? Bakit ang lakas yata ng hatak ng presence nito? “It is alright, Saoirse. Don't interrupt your friend to show her real emotions. It's kinda good for the heart. Kahit sakalin pa niya si Primus at gulpihin, it's all fine.” Malumanay na saad ni Alaric na nakaderetso lamang ang tingin sa mukha niya. Naiilang siya sa titig nito ngayon. Dati naman ay hindi. May kakaiba kasing hatid ang simpleng sulyap at tingin nito sa kanya. “‘Tado ka, dirk! Hinatak mo lang pala kami rito para ipahamak.” Reklamo ni Primus. “Kaya nga e. Ang sama ng sinapit ng kamay ko, dirk. Papalya na yata ang mga finger job kong performance.” Segunda ni Uno na ngayon ay nakatuon na ang pansin sa mga street foods. “I am going to check something in the car. Excuse me.” North spoke then walked out. Parang may gustong takasan o sa madaling sabi ay sini-secure na ang sarili baka sakaling gulo ang sumunod na tagpo. Si Oshi naman ay hindi mapigil sa pagtataray kay Primus. Kulang na lang ay lundagin nito ang lalaki at gulpihin. “Can we talk, Saoirse?” Umabante ng bahagya si Alaric. “Hindi mo na kailangang humingi ng permiso. Siyempre naman oo kasi amo kita kaya natural lang naman na kausapin mo ‘ko, Sir.” She replied as casual as she could. “Akala ko ba iaabot mo lang kay Saoirse ang scar removal gel na binili mo pa abroad? Bakit gumaganiyan ka pa, Alkaide?” Sita ni Primus na mukhang gusto na ring umalis. Agaran naman itong sinamaan ng tingin ni Alaric. “Hoy ikaw, abogagong tarantula, puwede ba huwag kang sumawsaw sa usapan nilang dalawa? Moment nila iyan, atribido ka!” Si Oshi kay Primus. “Iyang isang kaibigan ninyo ang pakialaman mo dahil sinawsaw ang fishball niya sa banlawan ng sandok ni Mamang vendor. Jusko!” Napatulala si Saoirse dahil totoo ngang doon sinasawsaw ni Uno ang fishball. Dahil hindi na napigilan ni Primus ang sarili kaya pinatulan nito si Oshi. “S–sandali, bakit mo ako hinahatak? Gusto mong magulpi, Alkaide?” Protesta ni Saoirse nang hilain siya ni Alaric palayo sa nagbabangayang si Oshi at Primus. “I never knew you talk a lot until now, Saoirse.” Anito sabay para ng taxi. Walang nagawa si Saoirse kundi ang pumasok dahil mahigpit na nakahawak si Alaric sa siko niya. Umayos na lamang siya ng upo sa backseat katabi ni Alaric. Siguro naman ay hindi magtatampo si Oshi sa biglang pang-iiwan niya rito. “How’s your back?” Napakurap si Saoirse nang maungkat ang tungkol sa injury niya. “P–pagaling na rin.” At may inilapag si Alaric na maliit na paper bag sa kandungan ni Saoirse. “Here. That's a scar removal gel for your injury. Use it and tell me if you need more. Siguradong magagalit si ‘Tay Simeon kapag nagka-peklat ka.” Her eyes blinked in disbelief then she felt some sort of appreciation. “Salamat. Ikaltas mo na lang sa suweldo ko.” “Are you sure about that? Its total cost is equivalent to your four months living salary, Saoirse. Make up your mind, little one.” Nanood si Alaric sa reaksiyon niya at hindi maitago ang saya. Napalunok si Saoirse nang mapatitig siya sa ngiti ni Alaric. Bistado ang pantay-pantay nitong mapuputing ngipin habang nakangiti. Abot ang ngiti nito sa mata kaya mas lalong gumwapo ito ngayon. Teka lang! Bakit bigla naman itong g’wumapo sa paningin niya? “H–huwag na lang pala. May mumurahin naman sa Mercury drug.” Aniya at ibinalik kay Alaric ang paper bag. He laughed throatily. “I am giving it to you, Saoirse. For free, alright. Kinda peace offering.” She was startled when Alaric’s warm hand held hers. Ibinalik nito sa kanya ang paper bag atsaka kumindat. “Uuwi na ba tayo?” “No.” He answered all too quickly. “Bancroft Heights po tayo, Manong.” “Bancroft Heights? Ano ang gagawin natin ro’n?” Nalilito niyang usisa kay Alaric. “Before, your father told me how desperate you are to learn all about firearms. So, today, since we're both free kaya naisip kong turuan ka. Is it fine with you?” Sandaling hindi kumibo si Saoirse. Para sa kanya ay isang panaginip lamang na isa sa mga hinahangaang miyembro ng isang Gun Association ang magtuturo sa kanyang bumaril. Siya na nga yata ang pinakapinalad sa lahat kapag hindi siya niloloko ni Alaric. “Niloloko mo yata ako, Aege. Makakatikim ka sa akin, makikita mo.” Tumawa ito ulit, iyong tawa na naghahatid ng saya sa kalooban niya. Malaking katanungan sa parte nu Saoirse ang mistulang panibagong atmosphere na tumutubo sa pagitan nila ni Alaric. Nasanay siyang sama ng loob ang nararamdaman para sa lalaki kaya mabilis niyang napupuna ang hindi pamilyar na atmosphere na iyon. “I am dead serious here, Admiral. I want to teach you everything I know about shooting, really.” Mukhang hindi naman talaga ito nagbibiro pero, “Bakit, Aege?” Saoirse caught his eyes when he bored them into hers. He was silent for a few seconds, so as her. Ang dramatic jawline lamang nito ang gumagalaw. Dati ay walang kahulugan ang tingin ng mga mata nito sa kanya, subalit sa mga oras na iyon ay naipapalagay niyang nanghihipnotismo iyon. Animo’y inaapula ang dilim na nakabalot sa puso niya. Posible kaya iyon? Hindi kaya ay nagdedeliryo lamang siya. “Just like you, uhaw din ako sa atensiyon ng isang Ama, Saoirse. Maniwala ka man o hindi, hindi ko sinasadyang iparamdam saiyo noon na inaagaw ko si Tatay Simeon saiyo. Naging makasarili ako, aminado ako kaya ngayon ibig kong bumawi saiyo sa paraang alam ko upang ma-familiarize ang puso sa pagmamahal ng isang ama. Susubukan natin punan ang mga emptiness sa pagkatao natin.” Her words flattered her heart. That's hard to deny. “Ano klaseng ama ka naman, Alaric? Sugar-tatay kagaya ng ginagawa mo sa mga nakakarelasyon mo na pinapaliguan mo ng mga materyal na bagay? Puwede ba!” Natatawang saad ni Saoirse. “You are not like them, Saoirse. I'm not gonna treat you the way I treated those women from now on. I guess you are special to me now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD