HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5:
ALARIC AEGE ALKAIDE
UNTAMED
Kabanata 4
SAOIRSE is pronounced as SEERSHA
"IT WAS SAOIRSE."
Alaric voiced out in a weak tone and everyone in the room immediately quit moving and discontinued examining those brand-new imports sport's guns came all the way from Belgium.
Ang tinutukoy niya ay ang isang hindi malilimutang pangyayari isang gabi anim na taon na ang nakakaraan.
Simula kahapon ay hindi na siya tinantanan ng mga sumbat sa kanya ni Saoirse. Tila ugat ang mga kataga nito at sa loob niya ay tumubo at pinaparusahan ang kanyang kalooban. Idagdag pa ang mga rebelasyong gumimbal sa kanya kahapon.
Alaric went to Sergius' house not to pick for the best brand-new sports gun for him like he usually does, he came just to talk and talk and have a great listener s***h adviser sa katauhan ng mga kaibigan niya. Kampante siyang malaki ang maitutulong ng mga ito sa kanyang problema.
Trese sa miyembro ng brotherhood ay nagtipun-tipon sa cellar ng bahay ni Sergius na isa sa anim na shareholders ng SINEP Corporation. Ito ay ang nagbubudbod ng samo't saring klase ng sports gun o mga de kalibreng baril sa fraternity members katulad ni Alaric.
Ang SINEP Corp. ay isa sa pinakamalaking gun manufacturer sa buong mundo. Lima sa mga miyembro ng fraternity nila ang nagmamay-ari niyon. Si Sergius, Ivor, North, Eliazar at Primus. Hango sa mga initials ng lima ang pangalan ng korporasyon.
As usual, ang unang nakapagbigay ng komento sa puzzled phrase na inilahad niya ay si Uno o Unorazio Ursus Ugnayan na bagaman at mukhang important figure sa underworld organization ay siya namang pinaka-kuwela sa grupo.
Isinantabi nito ang pakikipagtawaran kay Sergius para lamang ihayag ang komento nito. Mainam na rin na ito ay magkomentaryo kasi baka hindi pa ito matunawan kapag isinarili lamang ang opinyon nito.
"Kabit ni Satanas naman! Bakit si Saoirse pa talaga of all people around the f*****g globe? Lord, why my Saoirse baby?" Nababahalang sumalampak ito ng upo sa isa sa mga high-tech recliner chair sa cellar.
Lahat ng atensiyon ay dumapo kay Uno habang ito naman ay mistulang namomroblema sa suliranin ng bansa.
"What the heck are you talking about, Unorazio?" Dudosong usisa rito ni Primus. Naaamoy na yata nito ang masangsang na mga litanya na lalabas pa lamang sa bibig ni Uno.
"Naalala n'yo pa ba iyong nag-viral sa social media three months ago, guys? 'Di ba kumalat ang bali-balita na sa ilog itinatapon ang mga basura ng Evariste International Hospital? Marahil ay totoo nga na itinatapon nga sa ilog ang mga waste nila tulad ng syringe. Do you get me, guys? Maaaring ang mga syringe na iyon ay ginamit sa mga carrier patients nila tapos nailipat ang virus sa mga lamang-dagat. 'Di ba seafood lover iyon si Saoirse? Tama ako, Aric, dirk, 'di ba?"
Lahat ng kasama ni Alaric sa cellar ay napatitig ng matagal kay Uno. Tulad niya ay hindi maipinta ang mga ekspresiyon sa mga mukha nito. Si Dagon nga ay hindi napigilang makasa ang pistol na hawak nito.
Umiling si Alaric atsaka ginawang takip ang kamay sa bunganga ng baril ni Dagon upang ito ay pigilan bago pa nito paasintahan ang direksiyon ng lapastangang komentarista. Siya kasi ang pinakamalapit sa puwesto ng ill-tempered na si Dagon de Fiore.
"Chill a little, people! Why all of you are staring at me like I am a moron who exactly delivered Theodore Roosevelt's greatest speech?"
"Forget about Roosevelt. You're just simply moron. Period!" Anas ni Onyx.
"Ipupusta ko ang testicles ko. Morge ang maglalabas saiyo rito dahil saiyo tatama ang unang bala ng bagong baril ni Dagon, gago." Sabat naman ng isa pang miyembro na si Fitzroy Fire Faulton.
Sinapo ni Uno ang kanyang noo, kunwari ay disappointed sa mga violent reaction ng mga kaibigan. "You don't get me, obviously. Lohiko ang aking teorya. Logical! Seafood lover si Saoirse at posibleng infected ng virus ang mga nakain niyang laman-dagat dati kaya nagkaroon siya ng HIV. Doon niya nakuha ang sakit na iyon dahil imposible namang sa lalaki kasi kindatan nga lang iyon ng mga lalaki, bugbog-sarado kaagad sa kanya. Matindi ang allergy no'n sa mga kabaro ni Adan. Alam naman natin iyan, guys at mas lalong alam mo iyan, Alaric, hindi ba?"
Napamaang ang lahat kay Uno lalo na si Alaric na lihim na kwinestiyon ang Diyos kung bakit naging kaibigan niya ang isang Unorazio hanggang sa hinataw ito ni Eliazar ng libro.
"Wala sa mga HIV transmission form ang ipinaglalaban mo, Unorazio. Para sa iyong kaalaman, mahahawa lang ang isang tao ng virus kapag nagkakaroon lang ito ng direct contact sa mga certain body fluids ng carrier tulad ng rectal at vaginal fluid, sa dugo, sa semen o pre-c*m o kaya naman ay sa gatas ng ina. Maaari rin na ma-transmit iyon kay Saoirse kung infected ang Nanay niya habang ipinagbubuntis siya. At uulitin ko, hindi pa naitala sa kasaysayan ng siyensiya na nailipat ang HIV o AIDS galing sa isda patungo sa tao." Mahinahong paliwanag ni Doc Eliazar tungkol sa paksa ng HIV.
Napakamot sa sentido si Uno, tumatango-tango pa na parang idina-digest ang sinabi ni Eliazar.
"So, ibig mong sabihin hindi sa seafood galing ang HIV ni Saoirse?"
Noon na napatayo si Alaric at ibinagsak ang mga kamay sa lamesa sa harapan ni Uno.
"Tangina ng tatlong bibe, Uno! Saan mo naman nasagap na may sakit na ganiyan si Saoirse? You're such a terrible case! Baka iyang utak mo ang may karamdaman." Alaric discreetly clenched his teeth.
Sa mga oras na iyon ay natutukso siyang hugasan ng disinfectant ang bibig ni Uno at banlawan ng acido.
"Ay, wala ba? E 'di ba iyon ang pinag-uusapan ninyo nina Dagon, Eliaz, Onyx at Fire kanina? Bukambibig mo pa nga si Saoirse tapos ang tungkol sa HIV, Aric." Rumason pa ito. "Naalarma lang ako sa narinig ko. Si Saoirse kasi iyon e. Naaawa ako kung ganoon man ang sapitin ni Saoirse baby."
"Uno, by the way, those people who are carrier of that retrovirus don't need pity. Ang kailangan nila ay acceptance sa mga taong nasa paligid nila. Encouragement, love, etcetera. Hindi kailangan na sila ay kaawaan lalo na't pandirihan. Tao sila katulad natin na may kinakaharap ding laban sa buhay kaya kung ganiyan ang reaksiyon ng lipunan, tiyak hindi mawawakasan ang stigma sa sakit na iyan." Patuloy pa ni Eliazar, nananatiling kalmante at pormal.
"Ganoon ba? Absent siguro ako niyan, dirk. May almoranas kasi ako noon nang ituro ng titser namin iyan sa Geometry." Si Uno.
"Tangina, dirk. Akala ko sasabihin mo sa P.E." Humagalpak ng tawa si Ivor. Ang kanina pang walang-kibo na si Lake Leviticus na nakaupo sa tabi ni Alaric ay hindi mapigilang ngumisi.
"Mabuti na lang pala at walang HIV si Saoirse baby."
"Bloody Mary!"
Iyon halos ang sambit ng lahat at kulang na lang ay pulbusin si Uno roon sa reclining seat. Ang ilan naman ay patuloy sa paghagalpak sa tawa habang si Alaric ay napakuyom ang kamay. Umiiling si Alaric palabas ng cellar at sumunod naman sa kanya si Fire at Dagon.
"Alam mo, Uno, sa lahat ng inambag mo rito sa araw na ito, may isa roon ang magbubunga ng matamis." Pangisi-ngisi na inakbayan ni Onyx at Primus si Uno habang nakasunod din sila kay Alaric.
"Ano?"
"You will probably be charged for declaring unlawful rumor or spreading false information against Evariste International Hospital. That's under Presidential decree number 90, dude." Attorney Primus informed Uno simply.
"As if my knees will shake off because of that kind of threat. Wala iyan, Primus as long as ikaw ang legal defender ko." Kampanteng wika ni Uno.
"Ang siste nito ay sa pagkakataong ito ay doon ako papanig sa team Evariste, dude. Takot ko lang kay Eliaz."
"Hayup! Traydor!"
"ITO NA BA IYON LAHAT, SAOIRSE? Hala! Doble ang dami nito kaysa noong nakaraan ah? Tapos may mga leather shoes at Armani suits pa." Bulalas ni Oshi o Zosima na empleyado sa isang cleaning service.
Si Oshi ay kinakapatid ni Saoirse at matalik niyang kaibigan na taga Padre Burgos din. Tulad niya ay nakikipagsapalaran din ito sa magulong mundo ng Manila para makatulong sa pamilya.
"Oo, Oshi mas madami nga iyan kaya lagot ka sa pamasahe niyan." Siste ni Saoirse sa kaibigan niyang may pagka-kuripot.
Tuwing natatapos ang three weeks affair ng amo niyang si Alaric sa kung sinong babae ay normal routine na sa bachelor's flat nito na idespatsa ang lahat ng bedsheets, kurtina, mga palamuti, damit at sapatos ng mga babae o kung ano mang kagamitan na may kinalaman sa mga nakakarelasyon nito.
Imbes na itapon 'gaya ng orihinal na instructions ni Alaric ay naisipan ni Saoirse na ipadala iyon sa mga kaibigan at kapitbahay nila sa Padre Burgos. Malaki kasi ang pakinabang ng mga iyon sa mga katulad nilang kapos sa buhay.
"Baka isang araw neto ay puro nakasuot na ng tuxedo ang mga magsasaka sa barangay natin, Saoirse."
"Lokarit! Oy, Oshi iyang violet na duvet, ibigay mo kay Merlita ha? Alam mo namang favorite color ng babaitang iyon ang violet." Paalala niya sa kaibigan.
"Kulay Plum 'to, memsh. Ano ka ba?" Natatawang itinama ni Oshi ang kulay ng duvet na itinutukoy ni Saoirse.
Kunwaring umirap si Saoirse. "Que plum o violet, basta iabot mo kay Merlita iyan."
"Siyempre! Hindi pa ba saiyo nababanggit ni Merlita ang balita?" Iniliko ni Oshi ang paksa nila.
"H-hindi. Na-shoot cellphone ko sa inodoro kahapon kaya hindi ko pa nakakausap si Merly. Pinilit mo kasi akong picturan iyong paso ko sa likod kaya dumulas ang cellphone sa kamay ko."
"Hahaha tangengot na cellphone mo no, memsh? Dumulas na kahit gusto mo pang hawakan? Atsaka, Saoirse uso naman ang mirror selfie, hello! Pabili ka na lang ng bago sa amo mong galit sa pera. For sure, sentimo lang iyan sa kanya."
Sumimangot si Saoirse. As if hihingi siya ng pabor sa taong iyon. Hello! Hindi pa sira ang utak niya para gawin iyon.
Pero maalala niya, umuwi kaya ng mansion iyong amo niya? Hindi kasi ito umuwi kagabi. Ang alam lang niya ay lasing na lasing daw ito kagabi ayon sa kaibigan nitong si Kajima. May victory party kasi si Kajima kagabi. Iyon lang naman ang sinabi ni Kajima sa telepono bago biglang naputol ang linya.
"Anyway, iyon nga. Sabi sa akin ni Merly, hindi raw natuloy ang kasal ng Kuya Ryker niya sa fiancée nito na Ilongga."
Bahagyang nalihis ang atensiyon ni Saoirse mula sa pag-iisip sa kinaroroonan ni Alaric nang marinig niya ang pangalan ni Ryker. Si Ryker lang naman ang makulit niyang manliligaw dati. Masugid ito sa panliligaw sa kanya subalit ni minsan ay hindi niya nakayang suklian ang pagtingin nito sa kanya.
"Sayang naman kung ganoon, ano? Kumusta naman daw ba si Ryk?"
"Depressed daw e. Paano ba naman ay ikinasal pala sa Hongkong ang babae bago pa ito nakauwi para sa preparation ng kasal nila. Ipinaglihi rin sa higad, memsh. Shít, memsh! Parang may laman ang bulsa ng suit na ito."
Hindi na napansin ni Saoirse ang sinabi ni Oshi. Sumentro na ang isipan niya kay Ryker at sa pinagdadaanan nitong pagsubok.
Hindi biro ang depression. Nanggaling na siya roon kaya alam niya ang pakiramdam na mas matimbang ang sumuko kaysa humakbang pasulong. Sigurado kailangan ni Ryker ng taong makakaintindi sa sitwasyon nito. Maaaring siya.
"Kailan ulit ang leave mo, Oshi?"
"Sa abentesinko, memsh. Ano, sasama ka sa akin pauwi ng Padre Burgos?"
Alanganin na gumiti si Saoirse ngunit hindi rin naman sumagot.