HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5:
ALARIC AEGE ALKAIDE
UNTAMED
Kabanata 6
ISANG HIMALA na inalok siya ni Alaric para turuan ng wastong paggamit ng baril. Ngunit ang mas malaking himala ay ang makatapak siya sa lupain ng mga Bancroft.
Ang angkan ng mga Bancroft lang naman ay ang pamilya ng mga aloof. Que importunate na media o paparazzi o maging ordinaryong tao na ibig magkalkal ng mga impormasiyon tungkol sa nasabing angkan ay hindi maganda ang sinasapit.
Isang malaking misteryo ang bumabalot sa pamilyang iyon. Kaya naman hindi mapalagay si Saoirse habang naroon siya sa teritoryo ng mga Bancroft. Minus sa part na may kinalaman kay Beau Battalion Bancroft dahil kilala naman niya ito. Mabait naman or so she thought.
“S–susunduin lang naman natin si Battalion, ‘di ba?”
Iyon kasi ang akala niya kaya sa Bancroft Heights ang destination nila. Inaasahan niya na kukuha lang ng baril doon si Alaric tapos lilipat na sila ng lugar. Minsan na kasing nabanggit ng mga kaibigan ni Alaric na nasa loob ng Bancroft Heights ang showroom ng isang katirbang uri ng armas kasama ang mga collection na sports gun ng ilang miyembro ng brotherhood maliban sa bahay ni Sergius. Hula ni Saoirse na doon din nakatambak ang firearm collection ni Alaric kaya sila naroon.
Tila hindi narinig ng lubusan ni Alaric ang kanyang tanong. Nakatuon kasi ang atensiyon nito sa maidservant na hula ni Saoirse ay mas matanda pa sa kanya.
Magiliw at magalang ang naturang maidservant subalit hindi maikakailang mayroon itong ekstrang pag-istima kay Alaric.
“Bago ang lahat, let me know if you are married or unattached, bunny-cake.” Dinig niyang bulong ni Alaric sa kasambahay ng mga Bancroft. Halatang nilalandi ito ng kanyang amo habang inaagapay sila nito patungo sa receiving room.
Nahuli pa niya si Alaric na panaka-nakang nilalaro ang maliit na apron na naka-attach sa uniporme ng katulong. Magkatabi kasi ang dalawa habang naglalakad habang si Saoirse ay nasa likuran ni Alaric.
“Dalaga pa ho ako, Sir Alaric.” Kunwari ay mahinhing tugon naman ng katulong. Sobrang pinalambot at pinatamis ang tinig. Noon naman nagbago ang hilatsa ng mukha ni Alaric. Mukha itong disappointed.
“Oh really? Well, my bad, Miss but I am into engaged and married women only.” Hindik na napamata ang kawaksi kay Alaric.
Sino ba naman ang hindi? Ganoon din ang reaksiyon niya noong unang nalaman niyang nakikipag-date o nakikipag-hook-up si Alaric sa may mga sabit. Adventurist ito malamang. Tipong mahilig sa mga risky.
“P–pero...”
Muntik nang humagikhik ni Saoirse sa naging reaksiyon ng kawaksi. Obvious na hahabulin pa nito ng interogasiyon si Alaric nang bumaling ito sa kanya at pinauna ito. Umiiwas.
Nanliit naman ang mga mata ni Saoirse nang dumapo sa balikat niya ang kamay nito. Umakbay ang loko.
“I am sorry. You were saying?” He smiled brightly.
“Ang sabi ko, maaari bang sa may portico na lang natin hintayin si Battalion?” Saoirse looked down to Alaric’s impulsive hand resting on her shoulder.
“We are already here, Saoirse. Isa pa, mas natutuwa ang mga Bancroft kapag may bumibisita sa kanila. Lalo na kapag babae.”
Pasipol-sipol si Alaric at tila yata sinasadya na ignorahin ang matatalim na titig niya sa naakbay nitong kamay. Playing dumb ito kung baga.
Ang nakapagtataka sa nangyayari ay kung bakit hindi niya magawang iwaksi ang kamay ng amo. Dati naman ay masagi lang siya nito ay uusok na ang bumbunan niya.
“Babae? Paano kung tomboy? Baka kanyon ang ibungad sa ‘kin.” Aniya na parang matatawa sa sarili.
Panandaliang natigilan si Alaric at napamata sa kanya. “You are not like that, right? I mean wala naman kaso sa akin kung ganoon nga ang s****l orientation mo pero kumpirmado na ba?” Seryosong usisa nito.
“Oo.” Biro niya.
Hindi niya mabasa ang emosyon sa mga mata ni Alaric.
“Sa tingin ko ay kulang ka lang sa romansa ng lalaki kaya nag-conclude ka. Nasa confusion stage ka pa, I bet. Babae ka pa rin, Saoirse. Nararamdaman ko.” Seryoso ang titig nito sa kanya at nakakailang iyon.
“A–as if naman may pakiramdam ka.”
“Do I look like an insensitive jerk to you? Of course, may pakiramdam naman ako. Hindi pa naman ako nahahawa sa syndrome ni Tank at de Fiore na maging cold-blooded.” Depensa nito. “Atsaka distant lang ako saiyo noon kasi napaka-gerera mo. I can't stand you.”
“And now?”
“Ayos na. Lahat tumatayo.” Makahulugang sambot nito na ikinairap niya.
“Atsaka tiyak na malulusaw iyang homosexual theory mo sa sarili kapag nakatikim ka na ng katulad ko, Saoirse.”
At binirahan nga niya ito ng suntok sa braso.
May tumawid na mga eksenang Rated-SPG sa utak ni Saoirse. Pino-pollute yata ni Alaric ang utak niya. Kung hindi pa dumating si Battalion ay baka naapektuhan na ang kilos niya ng kanyang mga naiisip.
“Alright! Let's get this over with.” Anunsiyo ni Battalion matapos mabilisang binati at winelcome si Saoirse sa bahay nito.
Natupok ang mahigit apat na oras nilang tatlo sa pag-eensayo ni Saoirse sa paghawak at paggamit ng baril. Bonus na lang iyong ipinasyal si Saoirse ni Battalion sa showroom kung saan naka-display nga ang isang katirbang weapon.
Gabi na nang nakauwi sila sa bachelor's flat ni Alaric. Pinagtinginan pa sila ng mga SG sa lobby kanina dahil magkasama silang dumating at nakaagapay pa si Alaric sa likod ng dalaga which is very unusual.
“So, how was it? You know, besides worshipping Battalion all through out the rehearsal.”
Napahinto siya sa pagpasok sa kanyang silid nang magsalita si Alaric. Hindi niya nagustuhan ang tonolado ni Alaric. Para itong nagbibintang. “Ano na namang issue mo, aber?”
“Ang usapan natin ay ako ang magtuturo saiyo kanina pero ang kinalabasan, lapit ka nang lapit kay Battalion. Anak ng tatlong bibe, Saoirse. Nagmukha akong inutil kanina. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong rejection.”
“Aba teka naman, Sir Alaric. Tingin ko naman ay hindi iyon totoo. In fact, napaka-productive mo nga kanina. Biruin mo, halos lahat ng kasambahay ng mga Bancroft na babae ay nilibang mo. Pati nga yata chambermaid na halos kaedaran ng mga Tatay natin ay pinatos mo pa.”
“Heck! That's disgusting, Admiral.” Angal nito atsaka yamot na pumasok sa sariling kuwarto.
“Iyon ang mga type mo, ‘di ba? Mga cougar. Ayeee.” Tudyo niya.
“Shut up! It's gross. You're ridiculous!” Sigaw nito na ikinahagikhik niya.
Ilang sandali ring nakatunghay si Saoirse sa nakasaradong pintuan ng silid ni Alaric. Malawak ang ngiti sa kanyang labi na napikon niya ng ganoon si Alaric.
Kung alam lang niya na ganoon kagaan at kasarap sa pakiramdam na hindi nagtatanim ng galit sa kapwa sana ay noon pa niya sinubukang komprontahin si Alaric. Napakalaking bagay ang magpatawad.
“Are you thinking about me doing nasty things inside my bedroom, Saoirse?”
Mistulang sinabuyan ng malamig na tubig si Saoirse nang mapansin niyang nakasilip sa nakaawang na pinto ang ulo ni Alaric. Tinutudyo siya. Pinag-initan siya ng pisngi dahil sa nahihiyang nahuli siya nitong nakangiti na parang temang.
“Wanna see it yourself, bunny-cake? c*m over here.”
“B–bastos!” Pakli niya atsaka tumakbo sa kanyang kuwarto sabay lock ng pinto. Sinapo niya ang kanyang mukha at hustong pinigil na mapahiyaw sa kahihiyan.
“Ayaw mo? Ha! Anim ang abs ko may bicep pa. I am irresistible. Kung sakaling magbago ang isip mo, kumatok ka lang sa kuwarto ko, Admiral. Madali akong kausap.” Sigaw nito mula sa labas at dinig niya ang malakas nitong tawa.
Manyakis talaga!
“I’VE BEEN CALLING YOU!”
Madaling araw ng Miyerkules, napatalon sa gulat si Saoirse pagkaraang mai-lock niya ang pinto sa flat ni Alaric. Naaninagan niya ang binata ilang hakbang lang mula sa pinto. Parang matiyagang naghihintay.
Patay ang ilaw sa entrada at sa living room naman ay may kakaunting liwanag lang din na sinaboy ng dimmable halogen lamps.
Alas dos na ng madaling araw at bakit gising pa ito? Tapos kung mag-interrogate himig suspicious pa.
“Hindi ko napansin. Pasensiya ka na. Exhaustive ang shoot ngayon kaya naabutan ako ng madaling araw sa set. Kumain ka na ba?” She explained smoothly and didn't suppress her yawn. Kakabalik lang ni Saoirse sa trabaho kahapon at dahil nasa c****x na sila ng ginagawang action film kaya puspusan din ang mga stunt.
“And where's your phone?” Katulad kanina ay may kalakip na namang bagsik ang himig nito.
May problema na naman ba ang amo niya? Hindi kaya ito natunawan? Hindi ba okay na sila? They're already friends, she assumed. Miles from being civil to one another pa nga ang turingan nila nitong mga nakaraang araw tapos ngayon biglang back to being suplado at masungit ulit? Nakikisabay na nga siya pagdating sa asaran kay Alaric tapos biglang gan’to ulit.
“Sorry. Nakalimutan kong sira pala ang cellphone ko.”
“Is that so? Why didn't you tell me? Nasa mall tayo kahapon, you should have told me so that I would grab a brand new one for you as a replacement. Tuloy ngayon, medyo nabagabag ako na hindi kita ma–contact.” Sermon nito. Tatay na Tatay nga ang dating. Dahil sa hindi maayos nitong tono kaya hindi makaalis si Saoirse sa kinatatayuan niya.
Pagod pa man din siya at ibig na niyang humilata sa kama at magpatangay sa antok. Ang kaso mukhang nasa mood ang amo niyang manermon.
Namiss niya tuloy iyong dati na kahit magsalubong sila sa lobby ng madaling araw galing sa kanya-kanya nilang means of livelihood ay deadmahan lang. Ngayon parang inoobliga siya ni Alaric na i-elaborate ang bawat kilos niya.
“May matatanggap naman na akong TF sa weekend, kaya ko nang bumili para sa sarili ko kaya huwag ka nang magsuplado, Sir.” She half-joked.
Dinig ni Saoirse ang buntong-hininga nito. Humakbang na siya at didiretso sana sa kanyang kuwarto nang mapansing hindi pa gumagalaw si Alaric sa puwesto nito.
Siya naman ngayon ang nabagabag.
“A–aege,”
“Please go on. Wala ako sa mood, Saoirse. I'm gonna crash in Kajima’s flat. Sergius is there at sasabayan ko siyang maglasing.”
Parang nahuhulaan na niya kung ano ang pinag-ugatan ng annoyance nito. Napatingin na lang siya sa sahig atsaka sa isip niya ay hinayaan niyang pagalitan ang sarili.
“S–sorry na, Aege. Kung tungkol kay Runk—”
“Apologies are worthless if you do not mean it.” Maagap nitong putol. “Look, maayos naman ang request ko kay Runk na ihatid ka pero masyado kang suwail! Sa dinami-rami ng puwede mong sabayan pauwi, bakit doon ka pa nakisakay sa pornstar na Mico Lazaro na iyon?!”
“Aege, Mikael ang pangalan no’n at hindi Mico at lalong hindi siya pornstar.” Pinigil niya ang mapahagikhik. Nakakakiliti ang paraan nito sa pangangaral— kiliting nagpapasigla sa damdamin niya.
Si Mikael ay kasama niya sa set. Isa ito sa mga cast sa pelikula kung saan siya ume-ekstra. Sa set lang niya nakilala ang aktor na baguhan pa lang sa showbusiness industry. Full time Bench model ito noong wala pa ito sa mundo ng showbiz.
Wala siyang espesiyal na pagtingin ni paghanga sa aktor, paglilinaw niya. Sadyang napilitan lang siyang lumundag sa kotse ng aktor kanina dahil sa kakulitan na naman ni Director Runk. Habang umuusad ang shoot kanina ay tinimbrehan na siya nitong isasabay siya pauwi dahil iyon daw ang bilin ni Alaric. Kaso narinig niyang pinagtsitsismisan kaagad sila ng mga intrimitedang film crew kaya umiwas siyang sumabay kay Runk.
“Que pornstar, que hindi, ang pinupunto ko ay iyang katigasan ng ulo mo. E paano pala kung napahamak ka? Minsan ko nang nakasabay sa ilang country club iyang pornstar na iyan at masiba iyan sa mga babae. Anak naman talaga ng tatlong bibe, Saoirse! Pinapainit mo ang ulo ko.”
“Sus! Kung sakali mang nagtangka si Mikael na hawakan man lang ako, gulpi ang aabutin no’n. E lampa kaya iyon. Kahit iyong pag-akyat nga lang sa pader na 5 feet lang ang taas, nagpa-double pa.” Aniya as a matter of fact.
“So, hindi ka niya nilandi?”
“Jusko! Hindi ‘no! Hindi tatalab sa akin ang kamandag no’n.”
“Hindi ka hinawakan?” Lumambot ang tinig ng magaling niyang amo.
“Hindi nga.”
“Ano’ng topic ninyo habang nasa biyahe?”
“Wala naman. Naitanong lang niya kung kanino ako natutong bumaril kasi ang astig ko raw kanina sa shooting scene. Pang-lead character na raw ang level ko and I did tell him the truth.” Masayang kuwento niya.
“Truth? Na ako ang mentor mo?” Nasapian ng kayabangan ang himig ng binata. “Binanggit mo sana na previous champion ako sa Gun Association reality show at—”
“At sinabi ko ang totoo na si Bozz Battalion Bancroft ang nagturo sa akin.”
Burn, Alkaide! Pambubuska niya sa kahambugan ng amo. Sikreto siyang natawa nang nagmura ito ng malutong sabay approach sa pintuan.
“Heck with it!”
“Hoy, Sir. Sumaglit ka lang baka mapuyat ka. May trabaho ka pa bukas baka masibak ka ni Donya Agatha.” Hirit niya.
“Old news, Admiral. I am technically the CEO of our own empire and I wholeheartedly and emotionally invested myself to it. It's my pride and happiness in life so have no worries. Go, sleep now! At bukas humanda ka. Babawian kita, Saoirse Admiral.” Totoo iyon subalit hindi maganda na dinadaan minsan nito ang mga achievement sa kayabangan.
Nagkibit-balikat si Saoirse at tumalikod nang,
“Oh heck! I forget something,” hirit ni Alaric at hindi nasundan ni Saoirse kung ilang minuto siyang natulala bago ma-realize na ninakawan siya ng magaling niyang amo ng halik sa labi.
Tulala pa rin siya nang nangangatal niyang kapain gamit ang kanyang daliri ang labing medyo nabasa sa halik ni Alaric.
Sunod niyang kinapa ang dibdib niya. Her heart was pounding erratically. Few more minutes later until she found herself breathless.
Her first kiss was stolen by her douche Boss— Alaric Aege Alkaide!