KABANATA 7

2520 Words
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5: ALARIC AEGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 7 SAOIRSE–SEERSHA NAGISING SI SAOIRSE dahil sa hindi karaniwang ingay sa kanyang silid. Dali-dali niyang kinusot ang mga mata at nang medyo ayos na ang kanyang vision ay rumehistro sa paningin niya ang nag-iisterikong si Donya Agatha. Nakatutulig ang tili nito habang tinatawag ang driver nitong si Larry at nagmamandong bilisan nito ang kilos at may kukuhanan daw ito ng litrato. Pinuwersa ni Saoirse na ilagay sa tuwid ang puyat na diwa. Parang kakaidlip pa nga lang niya nang magising sa ingay ni Donya Agatha. “G–good morning po, Don— waaahhhh aaaahhhhh....” Hindi magkamayaw sa pagsigaw si Saoirse nang mapagtantong hindi siya nag-iisa sa kanyang higaan. In an instant ay nagmistulang karnabal o sabungan sa ingay ang loob ng kanyang silid dahil sa sabay nilang tili at hiyaw ni Donya Agatha. At ang magaling niyang amo na dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng matiwasay ay mapayapang natutulog sa kama niya. Nakadapa ito at walang kasaplot-saplot maliban sa boxer briefs nito. Ang kaliwang kamay ay nalaglag sa gilid ng kama habang ang isa ay nakapatong sa kanyang dibdib. Sa dibdib ko nga. Lalong nag-frantic si Saoirse at hindi alam ang gagawin. Sa huli ay lumundag siya paalis ng kanyang higaan. Lubha siyang nawindang sa mga oras na iyon. Napaluhod siya sa harapan ni Donya Agatha. Mangiyak-ngiyak at nanginginig. “Donya Agatha, w–wala po akong maaalala sa nangyari kagabi, maniwala po kayo. Sorry po. Sorry po. H–hindi ko po talaga alam kung bakit nasa kama ko po ang apo ninyo.” Pagsusumamo niya sa Donya kahit pa hindi naman hinihingi ng sitwasyon ang sumamo niya basta’t pakiramdam niya ay may utang-na-loob siyang magpaliwanag sa Donya baka kasi pag-isipan siya nito ng masama. “No, no, no. Stop it, hija. Stand up. Stand up.” Banayad na utos nito at sa kabila ng katandaan ng Donya ay nagtangka pa rin itong tulungan siyang makatayo. Nagtataka si Saoirse dahil hindi naman pala ito galit. So bakit sigaw ito ng sigaw kanina? Naestatwa na lang bigla si Saoirse nang yinakap siya ni Donya Agatha ng makailang beses. Iyong yakap na naghahatid na grateful ito na para bang may nagawa siyang overrated na pabor para rito. “You have no idea how much you made me happy today, hija, apo ko.” Naluha ang Donya habang masuyong hinawakan ang kanyang mga kamay. She looked at Saoirse with so much pride in her eyes. Flabbergasted, she tried to speak. “Po, Donya Agatha? B–bakit po kayo masaya?” Hindi niya lubos maunawaan ang nangyayari. Ni hindi pa siya nakakahuma sa reyalidad na nagising siyang katabi si Alaric at ang mas nakakahibang pa roon ay ang kamay nitong nagpapahinga sa ibabaw ng kanyang dibdib. She wasn't freaking wearing a brassiere. Goodness gracious! Kung paano at bakit naligaw ang kumag sa kuwarto niya ay iyon talaga ang aalamin niya. Humanda ito! “An Amiga of mine is selling their house just a few kilometer away from our house. I'm guessing that it would be perfect for you and Alaric, hija. Medyo may kaliitan iyon with two bedrooms, a master's bedroom and a maids quarter. Malawak din ang front yard so we can at least build a safe playground for my great-grandchildren. Kahit walong apo lang ay ayos na ako, hija. Alam mo kasi iyang apo ko ay ayaw sa malalaking bahay, masyado raw kasing nagkokonsumo ng pera. You know, he's being prim and proper with everything. Pero kung ano naman ang gusto mo ay iyon pa rin naman ang masusunod, hija. It's your call after all, so...” Bahay? Walong apo? It got her more confused. “B–bahay ho? P–papaalisin n’yo po ba ako? Donya Agatha, maniwala po kayo. Kung paano man po napunta sa kama ko si Sir Alaric, promise po hindi ko po talaga alam. W–wala pong nangyari sa ‘min. Huwag n’yo po sana akong paalisin. Nagmamakaawa po ako.” Wala naman sigurong namagitang malaswa sa kanila ni Alaric, hindi ba? Nakadamit pa naman siya. Hindi naman tabingi ang pajama niya and she doesn't even feel something unusual anywhere her body. No soreness. “W–walang namagitan sa inyo? Sigurado ka, hija?” Himig nabigo ang Donya na lalong ipinagtaka ni Saoirse. “Ho? D–dapat po bang mayro’n?” “Santisima!” Bumalik ito sa pag-iisteriko at lumapit sa kama. Binirahan nito ng palo ang natutulog na apo gamit ang arnis stick niyang nadampot nito. Makailang ulit nitong hinataw ng arnis stick si Alaric bago ito nagising. Kagaya niya ay napatalon din ito paalis ng kama. Pupungas-pungas pa ito at hinahagod ang parte sa katawan nitong tinamaan ng arnis stick. “What’s the commotion all about? What's happening?” Naguguluhang piksi ni Alaric at inihilamos ang palad sa mukha nito. “Anak ng tatlong bibe! Sa panaginip ko, para akong hari na pinapaligaya ng isang dosenang dilag pero sa reyalidad, binubugbog pala ako.” He harshly brushed his disheveled hair backwardly. His eyes were a little bit red and restless. Dahil sa taglay nitong kaputian kaya bistado ang pamumula ng balat nito. He looked rugged yet sexy and attractive at the same time. Partida, lasing pa nga yata ito at bagong gising pa. Hindi iyon simpleng description lang mula kay Saoirse kundi compliment. Did she really just complimenting him? Sexy and attractive? She must be out of her mind. Totoo bang nagagawa na niyang purihin ng ganoon si Alaric? Hindi kaya nananaginip lang siya o hindi kaya’y nasaniban ng malanding espiritu? “Abuela? Ano po bang ginagawa ninyo? Aray!” Hindi ito nakaiwas nang binato ito ni Donya Agatha ng arnis stick. Tumama lang naman iyon sa dibdib ni Alaric. Namula kaagad iyon. Makailang ulit na napalunok si Saoirse bago nagawang umiwas ng tingin. “Alam mo bang gusto kitang itakwil bilang apo, Alaric Aege! Nakakahiya ka!” Galit nitong pahayag. Nalilitong nagpabalik-balik ang mga mata ni Alaric mula sa kanya at kay Donya Agatha. “Abuela naman o! Solong apo lang po ninyo ako at alam kong hindi ninyo kayang gawin iyon.” He said confidently like he totally composed himself within a shortest span of time. That fast! “Hey, good morning.” Tila nasamid si Saoirse nang walang babalang bumaling sa kanya si Alaric. Flirty ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Bumuhos tuloy sa utak niya ang alaala kagabi nang nakawin nito ang first kiss niya. Dahil doon kaya nagkaroon siya ng insomnia. Sinadya nitong ituwid ang tindig at epektibo naman ang taktika nito sapagkat nahulog ang kanyang mga mata sa nakaumbok na bagay sa boxer briefs nito. Napaubo si Saoirse. Ibig niyang tumakbo papuntang kusina at lumagok ng malamig na tubig mga limang pitsel. Pakiramdam niya ay nilagnat siya bigla. “You disappointed me, Alaric!” Nag-iba ang ihip ng hangin at biglang nanghina si Donya Abuela at napahawak sa dibdib nito. Kapwa naman natauhan si Alaric at Saoirse at kagyat na dinaluhan ang Donya. “Donya Agatha, relax lang po.” Nag-aalalang wika ni Saoirse. “Abuela, would you relax a bit? Breath!” Pinakalma ni Alaric ang Donya. “Ano po ba kasing dinadrama ninyo? And it's so early, Abuela yet you are already here, interrupting my house.” “Bakla ka ba, hijo?” Alaric and Saoirse gasped scandalously in unison. “Abuela! It came into your knowledge that I almost bedded half of my girl college classmates before and now you're suspecting that I am gay? It's horrible!” Napangiwi si Saoirse. Kalahati ng bilang ng naging classmates nito ay naikama nito? Ano’ng resistensiya mayroon ang Alaric na ito? Panghalimaw siguro. “Napakayabang mo pero pagdating kay Saoirse ay nagiging inutil ka! Nakakahiya ka, hijo. Nakakahiya!” “Donya,” “Abuela, naman! Ano pong sinasabi ninyo riyan?” At tumingin sa kanilang dalawa si Donya Agatha. “Hindi ba’t magkatabi kayong natulog sa kamang ito? Magkasama kayo at paanong walang nangyari sa inyong dalawa? It's disappointing, my God! Kaya minumulto na ako ni Mama at Tiya Saturnina dahil bigo pa rin ako sa misyon ko.” Napalunok si Saoirse. Napaatras nang mapansin nakasulyap sa kanya si Alaric. “Kailangan po bang merong mangyari sa amin ni Saoirse, Abuela?” Alaric questioned about it just like her. “Aba’y dapat! Alam ninyo mga apo, pito sa sampo kong mga Amiga ang kinuha na ng Diyos at ayokong maubos sila nang hindi nakakadalo sa kasal ng nag-iisa kong apo. Kaya, Saoirse utang-na-loob, hija, panagutan mo ang apo ko!” HINAMPAS NI SAOIRSE ang kamay ni Alaric nang magtangka ito ulit na hawakan ang nanlalamig niyang kamay. Nininerbiyos siya na ewan. Isinama kasi sila ni Donya Agatha sa mansion ng mga Alkaide dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanilang dalawa ni Alaric. “Drink, you want? Pampapanis-nerbiyos.” Inalok siya ni Alaric ng juice at wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon at lagukin. Kinakabahan kasi talaga siya. “S–salamat.” At inilapag niya sa study table ang baso. Nang mapasulyap kay Alaric ay nabisto niya ang pilyo nitong ngisi. “Uminom din ako sa basong iyan e. Paano ba iyan? What do we call it? Indirect kissing, right?” “Walanghiya!” Angal niya pero huli na rin naman para umaalma. “What? You don't like indirect kissing? Ano ang gusto mo, a direct one just like last night?” He playfully said, tucking the corner of his lip upward. “Alaric, f–first kiss ko iyon. Ang sama mo!” Hinaing niya. “Masama ang loob mo dahil ako ang nakakuha ng first kiss mo, ganoon ba?” Sumeryoso ito. “Sa totoo lang ay oo. Alam mo kasi, Aege pangarap kong ialay iyon sa first boyfriend ko pero sinabotahe mo. Nakakaimbyerna ka! Ang sarap sindihan niyang malandi mong nguso.” She grunted. “Problema ba iyon? E ‘di isipin mo na lang na ako ang first boyfriend mo.” Preskong suhestiyon ni Alaric. “No thanks! Ayokong magkaroon ng boyfriend na ikinakama ang sangkatauhan.” Inirapan siya ni Alaric. “E sa wala ka nang magagawa ro’n. I gave you your first kiss already. Pasalamat ka nga at smack lang dahil kung ako ang masusunod, with tongue pa iyon at half-body romance kaso apurado ako that time.” “Huwag mo nang uulitin iyon!” She warned dangerously. “What if I will?” He challenged. “Lalayasan kita na may bali-baling buto.” “You can never do that.” “Try me, Sir Alaric!” At naalala niyang itanong, “Bakit ka nga pala naligaw sa kuwarto ko?” “Nalasing ako masyado kagabi dahil sa pakikidalamhati kay Sergius. Bigo iyon kasi na-inlove nga, sa kapatid pa ng Tatay n’ya. Problematic na problematic iyong tao. Naalala ko namang hinatid ako sa pinto ni Kajima at Fitzroy pero hindi ko naalala na sa kuwarto mo ako pumasok. By the way, sigurado ka bang hindi kita ginalaw kagabi? You know, baka nagkakamali ka lang. Did you check yourself?” Fuck! C–check myself? How? Dinudumihan na naman nito ang utak niya. “Aren't your v****a sore?” Fuck! “Uror! Wala nga!” Pinamulahan ng matindi si Saoirse. “Nanghinayang ka bang wala?” Tudyo nito at ikinainit ng pisngi niya. “Tumigil ka nga, Aege! Nakakailang iyang mga tanong mo. Ang awkward. Puwede ba, hindi tayo talo. Shooo!” Prangka niyang sabi. “Really huh?” She caught him staring straight into her eyes, intimidating her all over again. Hindi na naman siya makaiwas at sadyang nilalagay sa gulo ang sarili. Nag-uumpisa na siyang pagdudahan ang sarili sa mga hindi pamilyar na emosyong napapadalas ang dalaw sa kanya lalo na kapag nasa malapit si Alaric. Umayos ng upo si Saoirse nang bumalik sa kinaroroonan nila si Donya Agatha. May dala itong antigong kahon. Kapwa silang naka-focus sa matanda nang magsimula itong ibunyag ang mga nakatago sa kahong iyon. Mga sinaunang larawan ng dalawang magagandang dilag ang unang inilapag ng Donya sa study table. “Iyan ang Mama at ang kasama niya sa larawan ay si Tiya Saturnina— your great-grandmother, Saoirse.” “Ho?” Hindi niya maalalang naikuwento ng yumao niyang Lola Sorona ang tungkol sa Nanay nito pero alam niyang Saturnina ang pangalan nito. “Ang kuwento niyan ay ganito. Nagkakilala si Mama Ambrosia at Tiya Saturnina noong panahon ng mga Hapon. Kapwa silang naging comfort women ng mga sundalong Hapon. My mother and Tiya Saturnina were both survivors of Japanese military s****l slavery.” Natulala si Saoirse habang si Alaric ay naningkit ang mga mata. Interesanteng nakinig sa kuwento si Saoirse habang si Alaric ay halatang nababagot. “So what do you want us to do now, Abuela? Why are we here? Gusto mong magsanib-puwersa kami ni Saoirse at hanapin ang pamilya ng mga sundalong Hapon na umagrabyado sa ancestors namin para gumanti? Ganoon ba? Iyon ba ang dahilan kaya sinanay mo akong gumamit ng baril tapos si Saoirse naman sa karate?” “Lintik kang bata ka! Sabat ka nang sabat diyan baka batukan kita, makikita mo. Tahimik!” Nakinig naman ang binata. “Kasama sila sa ilang s*x slave na hindi lumantad sa publiko. Matapos ang World War 2 ay nangibang-bayan ang dalawa at doon lumago ang kanilang pagkakaibigan at hindi na naghiwalay hanggang sa nakapag-asawa ang Mama ko ng isang Spanish-American na negosyante habang taga Padre Burgos naman ang napangasawa ni Tiya Saturnina. At ang antique Japanese coin na ito,” At nagpasinghap si Saoirse nang ilabas nito mula sa kahon ang antique Japanese coin na kapareho sa baryang ibinigay sa kanya ng kanyang Papa bago ito pumanaw. Na ayon sa kuwento ng Papa niya ay malaking bahagi ang gagampanan ng baryang iyon sa future niya. Ngunit ninakaw nga iyon ng dating nobya ni Alaric at wala na sa pangangalaga niya. “Here,” Saoirse ran out of words when Alaric pulled out the coin from his pocket. Kung paanong napunta iyon sa binata ay hindi niya rin alam. “That’s the pair, hijo. These coins symbolizes their undying friendships. Halos magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa kaya ipinangako nilang ipapakasal ang kanilang magiging supling upang manatili ang koneksiyon nilang dalawa. Ngunit ang kinalabasan ay pareho kaming babae ng Lola Sorona mo tapos kapwa lalaki rin ang mga anak namin—na mga Tatay ninyo ngunit kahit ilang henerasiyon pa ang dumaan, buhay na buhay pa rin ang legacy na iyon at kayong dalawa, Alaric at Saoirse, kayo ang tutupad sa kasunduan ni Mama at Tiya Saturnina.” “A–abuela, you mean, Saoirse was the woman you want me to marry for a long time now?” “Siya nga, hijo at wala nang iba.” Bahagyang napaigtad si Saoirse nang marahas na tumayo si Alaric mula sa kinauupuan nito. “Damn this s**t! I am sorry, Abuela pero hindi kita mapagbibigyan sa bagay na iyan. Still, I'm not into an arranged marriage. Not now and not ever.” At walang lingon-likod itong nagmartsa palabas ng study room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD