KABANATA 8

1971 Words
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 5: ALARIC AEGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 8 SAOIRSE–SEERSHA “ARRANGED MARRIAGE? Uso pa pala ‘yun, Saoirse?” “Malay ko nga ba kung bakit sa akin pa nangyari ito? Sana nga hallucination o delusion lang ‘to at hindi totoo.” Matabang na sagot niya sa kaibigan bago nagpakawala na naman ng malalim na buntong-hininga. Tatlong araw na ang dumaan matapos ang nakakahindik na rebelasiyon tungkol sa kasunduan ng kanilang mga nuno-sa-tuhod. Sa madaling sabi ay tatlong araw na ring unstable ang isip niya na maging ang kanyang trabaho ay naapektuhan na rin. Lubhang unthinkable pa rin para sa kanya ang mga nilantad ni Donya Agatha. Subalit sa lahat ng iyon, ang hindi niya maintindihan ay ang dahilan ni Alaric kung bakit tutol na tutol ito sa kasunduan. Ganoon na lang ba ang pandidiri nito sa ideya na may posibilidad na siya ang maging kabiyak ng binata? Kung siya ang tatanungin, marahil ay ganoon din siguro ang mararamdaman niya kung nasa posisyon siya ni Alaric. Milya ang layo niya sa mga babaeng idini-date nito kaya suntok nga naman talaga sa buwan na maging sila. Kahit nga siguro ang maikumpara lang siya sa mga naging nobya nito ay isa nang mortal na kasalanan. “Pero, memsh alam mo bang madalas sa mga arranged marriage na iyan—” “Madalas na ano?” “Ang arranged marriage madalas ay inareglong kasal.” “Lokarit! Tinagalog mo lang e.” Angil niya atsaka sinimangutan ang matalik na kaibigan. “Pero seryoso, memsh kung ibang babae lang iyong nariyan sa kalagayan mo ay baka gumamit pa ng gayuma o pocíon del diablo matali lang sa Alkaide na iyon. Mighty big catch iyong fiance mo, memsh. Eredero na, hombre romanticos na fraternity member pa ng samahan nila. Kumpleto rekados, lalantakan mo na lang.” “Iyon na nga, Oshi. Hindi ako ibang babae. Ang ibig kong sabihin ay hindi ako karapat-dapat na ihanay sa mga nakarelasyon ni Sir Alaric. Ano na lang ang sasabihin ng madla? Na pumatol ang isang Alaric Aege Alkaide sa isang probinsiyanang-nothing? He won't stoop that low, you know!” Pangmamata niya sa sarili. Kailangan niyang panatilihing dilat ang mata sa katotohanan. Hindi naman mababago ng kasunduan ng mga ninuno nila ang katotohanan na langit at lupa ang layo ng estado nila sa buhay. “Ang lagay ay hindi na nga kailangan na humilera ka sa mga babae ni Alaric kasi nga ikaw na ang hinirang, memsh. Nahiya ang San Juanico Bridge sa haba ng hair mo. Taray.” “‘Raulo ka, memsh!” Pabirong inirapan ni Saoirse ang matalik na kaibigan. Kinita niya ang kaibigan sa isang bus station dahil pauwi ito ng Padre Burgos. Napaaga ang pag-uwi nito sa orihinal nitong plano dahil may emergency. Hinabol niya ito bago umalis ang sinasakyang bus upang mag-abot ng kunting halaga para sa Tatay nitong may sakit. Nagkaroon lang ng mabilisang chikahan session kaya ayon, na-open niya kay Oshi ang tungkol sa arranged marriage. Dahil medyo malaki ang natanggap na Talent Fee ni Saoirse kaya nagprisenta pa siyang bumili ng kaunting pasalubong para sa pamilya ni Oshi at para sa mga kaibigan nila sa Padre Burgos. Hindi naman tumanggi si Oshi kasi apisyon na nilang mag-give and take. Habang nasa loob sila ng pasalubong center malapit sa himpilan ng bus ay bigla siyang siniko ni Oshi. Marahan lang iyon sapat na upang makuha ang kanyang atensiyon. “S–si Sir Alaric mo, memsh. Ayon o.” Awtomatiko namang napasunod si Saoirse sa inginuso ni Oshi. Sa labas ng glass wall ng pasalubong center ay nasaksihan niya ng aktwal ang pinagsasaluhang sweet moment ni Alaric kasama ang isang morenang babae. Batay sa hula niya ay parang kakababa lang ng dalawa mula sa sasakyan ni Alaric. Siguro ay iyon ang bagong nobya ng kanyang amo at iyon din malamang ang kasa-kasama nito nitong nagdaang dalawang araw na hindi ito umuwi sa bachelor's flat nito. Hindi nagbigay ng komento o reaksiyon si Saoirse sa nasaksihan subalit hindi niya mapigilan ang unti-unting pagsikip ng kanyang dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na rason lalo na nang hindi nagpaawat ang dalawa at naglapat pa ang mga labi. They were sharing a torrid kiss publicly. Napakawalang-hiya ng amo niya. Sa harapan pa talaga ng publiko nakikipagharutan. “Alam mo, memsh. Kapag nakakaramdam ka ng sakit, it's painful.” Tudyo sa kanya ni Oshi. Pinanlisikan niya ito ng mata atsaka nagpatuloy sa pagpili ng ipapasalubong sa Padre Burgos. She admitted that she kinda feel that strange ache which punishing her heart since that day when Alaric gave her a cold shoulder. Hindi naman siya manhid upang hindi ipagpalagay na umiiwas itong magtagpo ang kanilang mga landas. Ang mainam niyang gawin ay maghanap na ng bagong matutuluyan. Ang poproblemahin na lamang niya ay kung paano ang tamang estratehiya upang hindi sumama ang loob ni Donya Agatha sa kanya. Tama! Iyon ang nararapat niyang gawin. ALAS OTSO PA LAMANG ng gabi ay nakauwi na si Saoirse sa bachelor's flat ni Alaric. Wala rin naman siyang ginawa kundi ang manood ng shoot sa set at magsilbing tagapakinig ng mga walang kabuluhang kuwento ng mga kasamahan niya. Kaya ayon, napaaga ang uwi niya. “Is that your housemaid, sweetheart?” Naudlot ang pagtuloy ni Saoirse sa inuukopahang silid nang marinig ang malamyos na boses ng isang babae. Kapagkuwan ay mga kaluskos at ungol naman ang sumunod na ingay. Nagmumula iyon sa bandang kusina. Ayos lang! Hindi naman bago sa kanya iyon sapagkat nasanay naman na siyang may inuuwing babae si Alaric tapos halos isang buwan pa nga nilang nakakasama sa iisang bubong. “I think so.” Boses ni Alaric iyon na medyo paos. Kanina pa siguro gumagawa ng milagro ang dalawa roon sa kusina. “Can you kick her out for the meantime, sweetheart? Ang awkward kasi kung may kasama tayong iba rito. You know, gusto kong solo natin ang lahat ng corner ng flat mo.” At balak pa talaga siyang paalisin? Antipatika! Kahit hindi lang corner ang solohin mo, pati alikabok at appliances isaksak mo na rin sa kuweba mong haliparot ka! “That could wait! So, no orders for now and f*****g take me deeper.” Imperious namang ganti ni Alaric at ang sumunod na ingay ay hindi na tolerable. Kaya naman ay hindi na siya tumuloy sa kanyang silid at tahimik na lamang na lumabas. Sa huli ay natagpuan ni Saoirse ang sarili na kumakatok sa unit ni Kajima. “Problem again, little one?” Accurate kaagad ang bungad ng Koreanong basketbolista ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit bigla siyang napayakap kay Kajima at tahimik na napahikbi sa dibdib nito. Pamilya. Iyon ang hinahanap niya sa mga sandaling tila naliligaw ang puso niya kagaya sa mga oras na iyon. KINAUMAGAHAN AY bumalik rin si Saoirse sa flat ni Alaric upang ipaghanda ito ng almusal at ang bago nitong nobya. Pagkatapos niyang magluto ay balak niyang gawin ang normal routine niya sa tuwing may bagong ibinabahay na babae si Alaric. Magpalit ng duvet, kurtina at mga palamuting naaayon sa kagustuhan ng nobya ng amo niya. Kagabi ay pinagnilayan niya ng husto ang mga hindi pamilyar na nangyayari sa kanya. Sa huli ay napagdesisyonan niyang mapanumbalik ang version ng Saoirse na may stoical attitude at walang pakialam sa taong hindi karapat-dapat paglaanan ng pansin at emosyon. She kept on tapping her fingers against the marble top of the kitchen as she waited for the hot water from the electric kettle. Nang tumigil na ang pagkulo ng laman niyon ay inabot niya sa cupboard ang tasa na pagtitimplahan niya ng tea para sa kanya ngunit may umanib na kamay sa cupboard. Napakurba ang kanyang gulugod at bahagyang napaatras. Ipinaubaya niya ang pag-abot sa tasa sa lalaking naroon. Si Alaric. Nakaroba ito ngunit hindi nakabuhol ang tali sa parteng bewang niyon kaya naman lantad ang dapat na malantad. Nagkasala na naman ang inosenti niyang mga mata. Dalawang tasa ang kinuha nito. Black coffee sa isa habang tea naman sa isa. Tila may malakas na puwersa ang sumapi kay Saoirse at natagpuan niya ang sariling nagsalita bago pa man siya talikuran ni Alaric na mistulang hangin ang turing sa kanya. “S–salungat ako sa kasal.” Tumahip ang kaba sa kanyang dibdib nang sa wakas ay nagawa siyang harapin ni Alaric. Ngunit sa abot ng kanyang makakaya ay sinubukan niyang panatilihing hindi matinag. “I don't want to talk about it.” Nagtagis ang bagang ng binata. Pagak na natawa si Saoirse. “Let’s talk like a grown adults, shall we? Kung ayaw mong pag-usapan, kailan naman dapat? Kumusta naman tayo, Sir Alaric? Dahil lang sa walang kuwentang kasunduan ng mga ninuno natin kaya tayo nagkakaganito. Might as well na tuldukan na natin ito habang maaga pa.” “Kung ganoon? Ano’ng plano mo? Magmamakaawa kay Abuela na itigil ang kahibangan na ito? Tapos ano? Papatayin natin siya sa konsomisiyon? Nag-iisip ka ba?” “So sinasabi mong ako ang hindi nag-iisip? Aba! Ayos ka rin ha! Ikaw nga itong harapan-harapan na binastos ang Lola mo tapos ako ngayon ang parang may malaking kasalanan. Hindi ba ikaw ang against sa kasal na ‘yon?” “And how about you? Gustung–gusto mo naman? Easy money, ganoon? Mas ayos ka!” Hindi naawat ni Saoirse ang sarili na masampal si Alaric. Mukhang pera ba ang tingin nito sa kanya? Nasisiraan ito ng bait kung ganoon kakitid ang utak nito. Nanginginig sa galit si Saoirse tipong parang may sasabog sa loob niya. “Para sa kaalaman mo, hindi ako kailanman magkaka-interes sa yaman mo, Alaric Aege!” Padaskol nitong initsa ang dalawang tasang may umuusok na laman sa sink atsaka galit na bumaling kay Saoirse. “Are you fooling around? Let's get real for once and for all, Saoirse. Alam kong kating-kati ka rin na maikasal tayo dahil magkakaroon ka ng access sa yaman ng angkan ko. Just so you know, hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na hindi ko kayang iharap sa publiko. Look at yourself! Ni hindi ka nga marunong mag-ayos ng sarili mo. Hindi ko gusto iyang inaasta mo. Kababae mong tao pero kung kumilos ka ay daig mo ang isang lalaki.” Naitikom ni Saoirse ang kanyang bibig. Reality stroke her the hardest and most painful way. Iyon na ang sinyales na pinakahihintay niya. Ang marinig mula kay Alaric ang mga katagang lulusaw sa kahibangan niya na may possibility na mag-work ang agreement tungkol sa kasal. “O–okay! Utang-na-loob ko ito saiyo, Alaric. Dahil saiyo, hindi na ako mangangamba sa kinabukasan kong kinatatakutan ko— iyon ay ang magkaroon ng asawa na estupido at namimintas sa kapwa. At iyang pinagmamayabang mong yaman, isaksak mo sa baga mo! Sana makabili ka ng babaeng kayang itolerate ang mabaho mong ugali. Naaawa ako saiyo! Nakakaawa ka. Ang gago mo!” At binirahan niya ng talikod ang amo. Binabati niya ang sarili sapagkat nakaabot siya sa loob ng kanyang kuwarto nang hindi bumibigay ang tila walang lakas na mga tuhod. Napasandal siya sa likod ng pinto at mariing sinapo ang naninikip na dibdib. Nahihirapan siyang huminga at kahit anong pangaral ang gawin niya sa sarili ay hindi niya magawang kontrolin ang umaapaw na sakit na iyon sa kalooban niya. Para na ring ipinamukha ni Alaric sa kanya kung gaano siya kapangit at kawalang-kuwenta. Bakit kasi nakipagkaibigan pa siya sa hudyong iyon? Bakit lumambot siya sa huwad nitong kabutihan? Ang estupida niya! Ang gaga niya! Nang gabing iyon habang nagpapakalunod sa stress si Saoirse ay nakatanggap siya ng email galing sa British Stunt Organization na nagsasabing narecognize ang registration niya at mayroon na siyang access sa kanyang numero unong ultimate dream. At last, Saoirse. May mapapatunayan ka na para sa sarili mo, naninikip ang dibdib na sambit niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD