HOMBRES ROMANTICOS SERIES
ALARIC AAGE ALKAIDE
UNTAMED
Kabanata 3
SAOIRSE–SEER-SHA
“I SAID I'M SORRY.”
Hindi na mabilang ni Saoirse kung pang-ilang ulit nang sinambit ni Alaric ang katagang sorry. Alam naman niyang naglolokohan lang naman sila. Bait-baitan naman talaga ito kapag nasa harapan sila ng ibang tao kagaya kanina na naroon sila sa pad ni Kajima Kwun.
Gusto lang nito na palaging mabango ang image nito sa iba. Bida-bida tulad pa rin ng dati. Saoirse already knew Alaric Aege when he was still a little boy who was fond of throwing dogshits into their swimming pool and ruining their neighbor's garden.
That long, yes. Alaric is a man of many sweet words but she is not an idiot not to realize that he is not a man of truth. His sorry is meaningless. A big joke.
“‘Kay.” Halos pairap niyang sagot.
“Ang lamig naman ng sagot mo, Saoirse. You know what, I would be forever grateful if you would say a longer phrase than just a spiritless okay.” He stated lowly. Himig namamanglaw.
Pinigilan niya ang magtaray. Ang tanda na niya para madala o pumatol sa drama ni Alaric. He wasn't really sorry. He wasn't even sorry for stealing her father's attention and affection for so long.
Nasa harapan na sila ng pad ni Alaric. Aabutin na sana ni Saoirse ang door handle ang kaso ay nauna nang dumapo roon ang kamay ni Alaric.
Nauna siyang pumasok. Kukunin na sana niya ang backpack niya na tangan ni Alaric subalit inilayo iyon ng huli. Dahil doon ay napatingin siya sa mga mata ni Alaric.
Even his eyes look so candid. They were gentle. Tipong hindi gagawa ng kasinungalingan o kagaguhan. A pair of beautiful, deceiving jet black eyes.
He gave her a worried look. “I truly am sorry, Saoirse. Believe me. I am regretting not to let you in last night. With your condition... Kung nalaman ko lang kasi—”
“Ano bang kondisyon ko na biglang inintindi at ikinababahala mo? Hindi naman ako naputulan ng kamay a.” She coldly retorted, subtly clenching her jaw.
Pagak na tawa ang pinakawalan ni Alaric. “Oh look at you now! Ngayong ako ang kaharap mo, kulang na lang ay lumabas ang pangil mo at sungay pero kanina nang si Kajima ang kaharap mo daig mo pa ang maamong kuting. Anak ng tatlong bibe naman, Saoirse!”
At sinama na naman sa usapan ang ibang tao. E kung dibdiban niya kaya ang tarantadong ito?
“Dahil mabuting tao si Kajima.” She reasoned out rationally.
She already wanted to end their nonsense conversation. For the first time after a long time, ngayon lang humaba ng ganoon ang usapan nila ni Alaric at hindi siya sanay sa ganoon. Kaya mas nanaisin na lamang niya na magkulong sa silid.
Usually ay mga utos lang nito ang nagiging usapan sa kanilang pagitan na palaging tango at masusunod, Sir lang naman ang nagiging tugon niya.
“At ano namang palagay mo sa akin? Phantom killer? Kriminal?” He was like glaring into her soul and wanted to burn it the way he looked at her.
Tinigisan ni Saoirse ang kanyang ekspresiyon.
“Anong kulay ng duvet ang gusto mong ipalit ko sa kama mo?” She diverted the subject, method for dismissing herself from the nonsense discussion.
Nakarating sa pandinig niya ang mumunting profanity na ibinubulong ni Alaric nang siya ay tumalikod.
“Just the plain sheets.” He replied annoyingly. “And for the curtains as well. Nagkaka-migraine na ako sa floral na paligid. How come most of the girls like floral, pinks and diamonds? They're terrible to look at to.”
She shrugged off his stupid complain.
E kung hindi ka ba naman isa’t kalahating gago na kung sinu-sino lang ang dinadala rito sa bahay mo? Kung close lang sila ay iyon sana ang ise-sermon niya sa lalaki.
Paano ba naman kasi, parating floral at makukulay na kurtina at duvet ang pinipili ng mga babaeng dinadala nito sa bachelor's pad na iyon? Kaya hindi nagkakaroon ng matinong ambiance ang bahay na iyon. Kapwa pa naman sila minimalist ni Alaric ayon sa pagkakatanda niya.
Pagsulyap niya rito ay sumalampak na ito sa couch, indikasiyon na manonood ito sa telebisiyon. Bumalik siya sa entertainment area upang ipagbukas ito ng TV.
Alipin na alipin ang dating niya ngunit wala naman siyang reklamo as long as hindi siya kakausapin ni Alaric na may kinalaman sa kanya.
Saoirse stole another quick glance at his direction and realized the stressed expression on Alaric’s face.
“Italian cuisine po ba ang ihahanda ko para sa lunch ninyo ng girlfriend ninyo?” Tanong niya ulit sa Señorito niya dahil iyon ang paboritong ipaluto ni Selena noong doon pa ito nakatira sa loob ng tatlong linggo.
Hinahanap pa rin ni Saoirse ang remote control na parang nagtatago tuwing hinahanap niya. May remote organizer naman siyang inilaan para sa mga bagay na iyon ngunit sadyang burara sa kagamitan si Alaric. Isa iyon sa kinaiinisan niya sa binata.
“May ipinabili akong isda kay Larry kanina. Iyon ang lutuin mo.” Si Larry ay ang personal driver ni Donya Agatha Alkaide.
“Ginataang paksiw na may talong at maraming sili. Iyon ang gusto kong kainin.” Excitement and youthfulness laced on Alaric’s voice.
Paboritong ulam nila iyon ng Papa niya. Her shoulder got tensed a little when she remembered that detail.
She silently got rid of the humps started to grow in her throat. “S–sige.”
“And I'd like to correct you. I have no girlfriend anymore. At least for the meantime.”
Kaya pala back to plain sheets, she concluded. Buong-akala niya ay nagkabalikan ito at si Selena kaya narito ito nang madaling araw kanina. Ano naman ang nangyari?
Hinahalughog pa rin niya ang entertainment area subalit bigo pa rin siyang makita iyon. Hula niya ay baka naiwan na naman sa banyo, sa kusina o sa loob ng refrigerator kagaya noong huli itong nawala.
Inis siyang umungol sapagkat wala sa mga nabanggit ang sagot dahil sa lababo lang naman niya natagpuan ang pakay niya. Kapiling ang mga panis na pagkain sa plato.
Ang taong iyon talaga, sobra na! Ingos niya habang nililinisan ng wipes ang nadumihang remote atsaka naglakad pabalik sa entertainment area.
Their eyes accidentally met. Alanganin itong ngumisi nang mamataan ang remote na hawak niya. He mouthed an apology but his expression was a bit cocky. Napalabi si Alaric at napakamot sa kilay nang irap ang isinukli rito ni Saoirse.
“Nga pala, Saoirse hindi si Selena iyong nakaalitan mo kaninang madaling-araw. It was her twin sister— Sirena.” He said softly.
Nabitin sa ere ang kamay ni Saoirse habang inililipat niya ang channel.
Naalala nga niya na hindi Selena kundi Sirena ang tinawag ni Alaric sa babae. Akala kasi niya na namali lang ito ng banggit kasi normal na kay Alaric ang malito sa mga pangalan ng mga babaeng idini-date nito. Sa dami ba naman ng ka-affair nito, she could not just blame him.
“And she tells me, she's planning to sue you for a physical injury.”
Sumasal ang kaba sa kanyang dibdib. Aksidente niyang nabitawan ang remote at nahulog iyon sa paa niya. She groaned harshly, hindi dahil sa pagtama niyon sa paa niya kundi dahil sa nanariwang sama ng loob niya para kay Alaric.
Marahas na tingin ang ipinukol niya kay Alaric.
“Sana kasi ipinaalam mo kaagad sa akin na kakambal niya pala ang sunod mong pupuntiryahin. Sana nagkaroon ako ng ideya at malito man lang ako kung sino sa dalawa ang may atraso sa akin. In the first place, kasalanan mo! Kasalanan mo! Lahat kasalanan mo! Ganito ako ngayon kasi kasalanan mo.” She roared like an angry wolf. Pakiramdam niya ay kulang pa nga. Gusto pa niyang tumili at magsisisigaw dahil sa sama ng loob na naroon sa dibdib niya.
Hindi naglaon ay may traydor na luha ang kumawala mula sa mga mata niya dahil sa sobrang bigat ng kanyang emosyon. Tumakbo siya sa silid na inuukopahan niya sa pad ni Alaric at doon pilit na pinakalma ang sarili.
Dumaan ang halos beinte minuto bago may kumatok sa kanyang pinto. Hindi na siya nasorpresa nang bumukas iyon dahil na kay Alaric naman ang spare key niyon.
Nakaupo habang nakayuko si Saoirse sa gilid ng kanyang higaan. Gustuhin man niyang humilata sa kama at tumingin sa kawalan ay hindi niya magawa dahil sa paso sa likuran niya.
“Your words were like freshly baked from an ignited pit. As always as a matter of fact every time I make a move to speak with you.”
Nagitla si Saoirse nang hawakan ni Alaric ang kanyang kamay. Kapagkuwan ay may ipinahawak itong baso sa kanya na puno ng alak.
“We need to talk just like an adults and we probably need this.”
She probably needs it. Tama ito. Sinaid niya ang kalahati ng alak na naroon sa baso. Pampalubag-loob.
It's about time, Saoirse.
“Maraming taon na ang lumipas. You're not an idiot not to realize how much I hate you, Aage.”
“And I wonder why.” Confused, he said.
“Nakarating naman siguro sa kaalaman mo na iniwan kaming mag-ama ng Nanay ko para sumama sa ibang lalaki. Alam mong pareho tayo ng kapalaran. Pinagkaitan ng ilaw ng tahanan ang mga pamilya natin. Alam na alam mo, Aege na si Papa lang ang pamilyang mayroon ako bukod sa Lola na inilaan ang buong-buhay niya sa pagsisilbi sa pamilya ninyo.
“Sa mga family day, recognition day, sa graduation ko, noong nagdalaga ako at may nagtatangkang manligaw sa akin, sana naroon ang Papa ko para bigyan ako ng payo. Sana naroon si Papa para pagalitan ako sa mga kasalanan ko at ituro kung alin ang dapat at hindi, alin ang tama at mali. Siya dapat ang gumagabay sa akin habang lumalaki ako pero wala siya sa mga panahong dapat ay naroon siya. Sa mga celebration na gusto kong kasama siya, nandito siya, mas piniling makasama ka, Aege.”
“S–saoirse...”
Isa-isa nang lumandas ang ilang butil ng luha sa pisngi ni Saoirse. Pilit niyang binabalikan ang mga tagpo sa nakaraan na ibinaon niya sa pinakasulok na bahagi ng puso niya. Mga malulungkot na nangyari noon na hanggang ngayon na lumilikha ng dilim na siyang bumabalot sa puso niya.
“Ang mga oras na dapat ay inilaan niya sa akin, inaagaw mo, Aege. Palagi kong tinatanong ang sarili ko bakit nakatuon saiyo ang atensiyon ng Papa? Nasa’yo naman ang lahat ha? Mayaman ka, matalino at kinagigiliwan ng lahat. Pareho tayong inabandona ng mga Nanay natin pero ikaw, napakarami mong kaibigan na palaging dumadamay saiyo. Si Runk, Si Kajima, si Battalion, si Eliazar, Si Dagon, Tank, Vasco, si North at lahat ng kasapi sa fraternity ninyo. Pamilya mo sila pero bakit kailangan mo pang agawin ang nag-iisang pamilyang mayroon ako? Bakit, Aege? Bakit ang damot mo? Bakit mas mahal ka ng Papa ko? Iyong oras, atensiyon at ang ngiti ni Papa na ibinibigay saiyo noon, ako, Aege isasangla ko ang kaluluwa ko makuha lang iyon. Samantalang ikaw, nakukuha mo ng isang kisapmata lang.”
Alaric went speechless. But his silence was so dangerous. His silence was filling up the whole damn room a menacing tensions.
“Noong eighteenth birthday ko, nangako si Papa na kakain kami sa mamahaling restaurant sa Manila. ‘Kako kahit BBQ lang kayla Aleng Aureng ay okay na basta umuwi lang siya. Naghintay ako, isa, dalawa, tatlong oras hanggang naging alas onse ng gabi. Hindi siyempre ako nawalan ng pag-asa kasi sabik ako sa yakap ng isang Ama. Alam mo iyong uri ng yakap na papawi sa lahat ng tampo mo sa kanya. Magical hug ika nga ng iba pero bangungot ang napala ko. N–nang gabing iyon, lumabas ako ng compound para doon maghintay.”
Lumakas ang iyak ni Saoirse at panaka-naka na niyang hinahagod ang kanyang dibdib dahil nagsusumikip iyon. Her voice was shattered. Broke. Her sobs were in pain. She's in pain.
“Madilim doon tapos may... may tatlong lalaki ang sumulpot at humablot sa akin, Aege. Mga lasing sila at wari ko ay lulong sa bawal na gamot. Kinaladkad nila ako sa loob ng sasakyan tapos ang dilim-dilim. H–hinawakan nila ako. Pinagtatawanan. Hinahalikan sa kung saan. H–hinawakan nila ‘iyong dibdib ko. At kinabukasan no’n, kumalat ang v–video sa bayan namin tapos mukha at boses ko lang ang malinaw. Durog na nga ako, isinuka pa ako ng mundo, Aege pero nagpakatatag ako para protektahan ang sarili ko dahil sarili ko lang ang mayroon ako.”
“Goddammit!” Tumalikod sa kanya si Alaric at marahas na sinuntok ang pader. Tatlong beses iyon.
Nagpasinghap si Saoirse at napatayo upang awatin ito sa p*******t ng sarili nito.
Dapat ay masaya siya dahil sa wakas ay naisumbat na niya rito ang pinag-uugatan ng galit niya para sa binata subalit sa reaksiyon ni Alaric ay mahirap na maging masaya siya. Her heart was free from her agony, she freed the dark secret that she was hiding for a long time but why does it is still stinking?
“A–ege,”
“It was you all along.”
Hindi tiyak ni Saoirse kung guni-guni lamang ba niya iyon o talagang sinambit ni Alaric ang katagang iyon.