KABANATA 2

2724 Words
UNTAMED Kabanata 2 “RISE AND SHINE, my homewrecker grandson!” Ang napakapamilyar na operatic soprano na tinig na iyon ang pumukaw kay Alaric mula sa maiksi niyang tulog. Ang pinakamamahal niyang Abuela ay dumating na. Naroon na naman ito upang i-blackmail na naman siya at himukin na magpakasal sa babae na ni hindi pa niya nakikilala. Ni pangalan nga nito ay hindi pa niya kailanman narinig. Kagyat na bumalikwas si Alaric at inabandona ang couch na nagsilbi niyang higaan. Halos lundagin na niya ang distansiya papunta sa king size bed at ginising ang babaeng komportable na natutulog doon. Si Selena— este Sirena. How did this woman found his place last night after she stupidly rejected him yesterday? Ah yes. Humingi na lang pala ito ng one week getaway sa Macau plus a shopping spree and a condo unit after their affair kapalit ng Orriental Anklet na inaasam nito nang sa ganoon ay malaya itong makapunta sa isla de los hombres. A typical gold digger indeed, he thought with bitterness. “Jesus, woman! You have to f*****g wake up. Nandito na si Abuela.” Inalog-alog niya ang babae. Tila malaking hamon ang paggising sa isang iyon, sa isip ni Alaric. Hindi katulad ng housemaid niyang si Saoirse na kahit utot lang niya ay naalarma kaagad ang diwa nito kahit gaano pa kalalim ang tulog nito. Wala kasi itong tiwala sa kanya kaya napaka-attentive nito sa tuwing nasa paligid siya na para bang hahalayin niya ito oras na nakakaidlip ito. Napaka-assuming! Kaya naman mainit din ang dugo niya sa babaeng iyon. Kung tignan siya nito ay parang dinaig pa niya ang serial r****t. “Come out already, Alaric Aege! I so missed you, sweetheart and I have a good news for you, by the way. Tiyak na mabubuhay lalo ang dugo mo sa maririnig mo, hijo.” Pinigilan ni Alaric ang mapakamot sa batok. Naroon na naman ang mapanlinlang na tono ng kanyang Abuela. Hindi na siya magtataka kung may pasalubong na naman itong magdudulot ng stress sa kanya. Nang magtagumpay siyang gisingin si Sirena ay inutusan niya itong magpalit ng damit. Ipinasuot niya rito ang napaka-daring na nighties. Siya naman ay naghubad at tanging ang boxer shorts lamang ang iniwan niya sa kanyang katawan upang maisip ni Abuela na pinagsaluhan nila ni Sirena ang mainit na tagpo kagabi. “Kung sinabi mo lang sa akin na ganitong eksena ang ipapalabas natin sa harap ng Lola mo, dapat pala tinotoo nalang natin kagabi, Aric.” Namayagpag ang lust sa mga mata ng babae habang hinahagod ng malagkit na tingin ang almost naked na katawan ni Alaric. Natagalan itong tumitig sa takaw-pansin niyang umbok sa ibaba ng kanyang puson but he was not that erect sadyang blessed lang siya. “Nasapak ka na nga kagabi, haharot ka pa ba? Have mercy on yourself, Sirena. Let me remind you that you almost lost your sanity because of Saoirse’s punch.” Naudlot ang mabilisang pag-aayos ni Sirena sa harapan ng salamin nang masali sa usapan si Saoirse. Nandilim ang mga mata nito sa galit. “Kindly remind me to file a case against that lezbo troublemaker. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin. I think that b***h isn't a mortal one. She's tiny yet she could throw those kind of deadly punch. Dahil sa ginawa niya ay maaaksidente pa ang savings ko for a consultation in a medical-aesthetic clinic. Ipakukulong ko talaga ang babaeng iyon, I swear to God!” “Iyon ang huwag mong gagawin, Sirena. Ako ang makakabangga mo oras na kinanti mo si Saoir— ang katulong ko.” Disgusto ang hatid ng mga linyang iyon kay Alaric. Totoong may kinikimkim siyang inis para kay Saoirse subalit labag sa kalooban niya ang ibig mangyari ni Sirena. Para sa kanya ay mas bagay si Saoirse na maging kanyang tagapagsilbi habang-buhay kaysa mabulok sa bilangguan. And one more thing, she's one in a million. Kahit palaging stoical face at de numero ang kilos ay maayos naman siya nitong napagsisilbihan. She is a loyal and very efficient employee. Hindi reklamador at ubod pa ng sipag sa kabila ng hectic nitong schedule sa pagiging stuntwoman. Tingin niya ay hindi na siya makakahanap pa ng katulad ni Saoirse. Kung magreresign ang executive assistant niya ay iaalok niya kay Saoirse ang posisyon. Degree holder ito at nakapagtapos sa kursong Computer Science. Iyon ang matagal na niyang naiisip sa katunayan. Naalala niya bigla na minsan nang naikuwento sa kanya ni Tatay Simeon—ang ama ni Saoirse— na gustung-gusto ng batang Saoirse ang maging isang pulis o sundalo subalit hindi pumayag si Tatay Simeon. Peligroso raw kasi ang uri ng trabaho na iyon lalo na at dalaga ang anak nito. Malapit si Tatay Simeon sa puso ni Alaric. Ito ang pumuno sa pagkukulang ng kanyang Daddy at Mommy na may kanya-kanya nang mga buhay. Ito ang gumabay sa kanya noong mga panahong nagrebelde siya. Itinuwid siya nito. Pinatino. Anak na ang turing nito sa kanya at iminulat siya nito na kahit ano pa ang mangyari ay subaybayan niya ang buhay ni Saoirse at suportahan ito sa mga desisyon at gusto nito sa buhay. Iyon ang palaging hinihiling ni Tatay Simeon noong nabubuhay pa ito. “Are you defending her, aren't you, Aric?” Napapantastikuhan siyang tinitigan ng babae. Nayayamot na siya sa tagal nitong mag-ayos. Nababahala na siya dahil batid niyang hindi pasensiyosa ang kanyang Abuela at baka basta na lamang paliyabin ang bachelor's pad niya. “Are you, Aric? Do you have a crush on that lezzer, kitty puncher ha? Shucks! That gross idea made me want to throw up. Please tell me you are not. Jezz.” Suwabeng inismiran ni Alaric si Sirena. Nakakaawa ang pagkakitid ng utak nito. “Listen, Sirena. Una sa lahat, kasalanan ng kakambal mo kaya ka nasapak ni Saoirse. She stole a precious thing from Saoirse at inakala ni Saoirse na siya ay ikaw. To sum it up, karma is biting your ass up dahil kinakalantari mo ang fiance ng kakambal mo. Ikaw ang siningil ng kapalaran para sa kasalanan niya.” Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Sirena. Sana ay magsilbing eye-opener na rin iyon sa babae. “Secondly, yes I am defending her kasi kumpara saiyo ay mas malalim ang pagkakakilala ko kay Saoirse. She's a sister to me that I didn't have had. And lastly, it's not your goddamn business anymore. Get up now and you must be ready to act like you're in a stage play while we're in front of Abuela. Did I make myself clear?” The woman obeyed like a puppy. Nakaakbay si Alaric kay Sirena nang dinaluhan nila ang matanda sa living room. Mukhang maganda ang gising ng kanyang Abuela sapagkat hindi man lang nanliit ang mga mata nito nang makita ang kasama niyang babae. A new girlfriend in fact. Yayakap sana si Alaric kay Donya Agatha nang kagyat nitong itinaas ang kamay, sinyales na pinapalayo siya. “Just sit down, hijo.” Marahang mando nito sa kanya. Hangin ang turing nito sa babaeng kasama niya. “Abuela, this is Sirena Ordonez. We're together for a couple of weeks already. We have a lot in common dahilan para mapalapit kami sa isa’t isa.” Linya ni Alaric na mahirap punain na purong kasinungalingan lamang. “Donya Agatha, mahal na mahal ko po ang apo ninyo. Hindi ko po makakaya na mawala siya sa akin. Lahat po ng mayroon ako ay kaya kong isakrepisyo makasama ko lang si Aric.” Turn naman ngayon ni Selena. Tumikwas ang kilay ng Donya sa paraang tila ba ay mga palpak na komedyante ang nasa harapan nito. “Lahat? Sigurado ka, Miss Ordonez or should I call you, Mrs. Willson Lee? Lahat kaya mong isakrepisyo? Kasama ba roon ang dalawang taong gulang mong anak? Anong klase kang ina kung ganoon?” “Abuela, may usapan na kami ni Sirena tungkol sa bagay na iyon—” Sumubok si Alaric na saluhin si Sirena. “My Sweet Jesus, Alaric Aege! Bagay? Bagay ang tawag mo sa batang magiging collateral damage ng kabaliwan ninyo? Matakot nga kayo sa Diyos! Lalo ka na, Alaric. Maayos na buhay ang pinangarap ko para saiyo but look at you, kung saan-saang gulo ka sumisiksik. You're disappointing me, hijo. How come you are so fond of hanging yourself in troubles?” “Pero, Abuela. Let's just face it! Look, Sirena is also a product of fixed marriage and she's suffering from a failed relationship with her husband. She was depressed when I met her. Nasa stage siya of committing suicide dahil gusto niyang takasan ang buhay na pinili ng iba para sa kanya. Kung ganoong uri ng buhay ang gusto mong pasukin ko, hindi rin makakaya ng konsensiya mo na makakita ng batang naiipit at masisira dahil sa maling pamilya na nabuo ng walang pagmamahal.” Sandaling nanahimik ang Donya. Base sa mukha nito ay parang tumama sa puso nito ang mga sinabi ni Alaric. Sakaling sagutin ng nasa itaas ang panalangin niya na iatras ni Donya Agatha ang fixed marriage na iyon, ipinapangako niya na solo niyang lilinisin ang waternest ng lahat ng mga fratmates niya sa isla de los hombres. “Alright, hijo. Kung iyan ang observation mo sa bagay na iyan, rerespetuhin ko. Bueno, yaman din lamang na nandito kayong dalawa. Ibig kong sabay ninyong basahin at unawain ang nakasulat sa papel na ito. Especially you, Mrs. Lee.” Inabot ng Donya kay Alaric ang isang folder na kanina pa napapansin ni Alaric sa ibabaw ng center table. Maingay ang naging pagsinghap ni Sirena hustong naunawaan nito ang nakasulat doon. Mistulang maiiyak ito sa kinauupuan at parang kandilang nauupos. Si Alaric naman ay natameme at nadismaya ng husto. “H–hindi ito totoo. Hindi. Mali ang impormasyong ‘to. This is... this is impossible.” Nabasag ang boses ni Sirena, nanginginig na. “Sorry to say this, hija but I didn't spend a thousand bucks just to collect a false information. Everything that is written on the paper were all true. Willson Lee is a bisexual, that's his s****l orientation. He bedded his obsessed ex-girlfriend behind your back, sometimes your gym instructor neighbor, your nursery maid, his driver. At isa mga ka-affair niya ang carrier ng HIV, hija kaya nahawaan siya dalawang buwan na ang nakakaraan. I'm afraid to ask you this, but did he—” “Oh my God! No, no, no. This is not happening. Oh my...” Bago pa natapos ang tanong ng matanda ay kumaripas na ng takbo si Sirena palabas ng bachelor's flat ni Alaric. Malakas na napabuntong-hininga si Alaric at walang-ganang ipinikit ang mga mata atsaka isinandal ang likod sa backrest ng inuupuan niya. Pumalpak na naman siya. “Now tell me, Alaric Aege Alkaide. May nangyari ba sa inyo ng babaeng iyon? Are you infected too?” “What? No! I didn't touch her.” “Good. Sandali, kanina ko pa napapansin na wala sa buong kabahayan si Saoirse. Nasaan siya, Alaric?” Tumuwid kapagkuwan ang gulugod ni Alaric sa biglang tanong ng kanyang Abuela. Nasaan nga kaya ang babaeng iyon? “ELIAZ—” “Are you expecting for Eliazar, Kajima?” Medyo unthinkable na ini-expect ni Kajima si Earth Eliazar sa flat nito. Tintawag lang naman ng mga kaibigan niya si Earth tuwing may mga out of hand na sitwasyon related sa Medical na aspeto. Hindi naman napabalita na nagkaroon ng injury si Kajima sa laro nito sa ASEAN Basketball League kahapon kaya malaking tanong para kay Alaric kung bakit naghihintay ito kay Earth. Earth Eliazar Evariste by the way is one of the best doctor in Psychiatry today. Dahil sa lihitimong Medical knowledge nito ay ito palagi ang takbuhan ng mga miyembro ng fraternity kapag wala sa kondisiyon ang mga kalusugan nila. Also, Eliazar is one of the best adviser sa magkakaibigan. “Hey, stop sending daggers at me, Kaj and let me f*****g crash in.” Untag ni Alaric nang mapansin niya ang matatalim na titig sa kanya ni Kajima. “Gaesaekki!” Means son of a dog in Korean. Kú Kajima Kwun is a full blooded Korean who's now a popular basketball player around Asia, one of the best and toughest point guard in basketball history. “Told you to put a subtitle in every word you said using your Korean linggo, Oppa. Really can't understand you.” “No big deal. I am just cursing you, dickhead. What made you decide to crash in my place, by the way?” Pinatuloy siya ng kaibigan. Nasa iisang gusali lang ang flat nila ni Kajima kaya hindi na siya lumayo para maghanap ng cold compressor. “Abuela just hit me in the head with a f*****g flower vase. Imagine that? I have a... a f*****g bukol in my head. Hindi ako mamamatay sa tama ng flower vase pero sa English, madi–dehydrate ako ng wala sa oras. Putakti!” Ingos ni Alaric. Gusot ang mukha dahil sa sakit na dulot ng bukol nito sa ulo. Parang tigress na nawalan ng kaharian ang asta kanina ng kanyang Abuela nang madulas siya na hindi niya pinapasok kaninang madaling araw si Saoirse sa flat niya. Bukod sa pagbato nito ng vase sa ulo niya ay binantaan pa siyang lilimasin ang lahat ng pera at ari-arian niya oras na hindi niya maibalik si Saoirse sa lalong madaling panahon. The world doesn't really love him. He was surrounded by violent people for Christ's sake! “You are the one who's making our conversation difficult wherein I could do understand what bukol means, you idiot.” Sinamahan siya ni Kajima sa kitchen at nagbigay ng instructions para makakuha siya ng pakay niya. “Tsk! Huwag ka nang magtangkang magsalita ulit ng Tagalog, Kajima. Nakakaasiwa pakinggan.” Kinumusta ni Alaric ang laro ni Kajima sa Macau kahapon hanggang sa umunat ang kanilang usapan. “Kaj, sa’n ka?” Mistulang na-recharge ang dibdib ni Alaric nang umalingawngaw mula sa living room ang pamilyar na boses na iyon. Naniningkit ang mga matang napatingin siya kay Kajima. Nagtatanong ang kanyang tingin. Nag-kibit ng balikat lamang ang huli. Nabitawan ni Alaric ang hawak na cold compressor ng mag-materialize sa harapan niya si Saoirse. Suot-suot nito ang jersey shirt ni Kajima na napakaluwang sa maliit nitong katawan. Anak ng tatlong bibe! Ang puti at kinis pala ng legs nito. And she possessed a hot curved in her body? Is this real? Umeksena pa talaga ang manyak niyang utak sa tagpong iyon. “M–may bisita ka pala, Kaj. Balik muna ako sa kuwarto mo.” Laglag ang panga ni Alaric nang inisnaban siya ni Saoirse bago ito nagmamadaling bumalik sa pinaggalingan nito. Hindi niya napansin na nakakuyom na pala ang kanyang mga palad. Paanong naroon si Saoirse sa pad ni Kajima? “Runk was with Eliazar when I gave him a ring earlier, he told me that Admiral’s back was accidentally burned during their car explosion stunt last night. She has a first degree burn that's why I asked for Eliaz help. I found her in a dark utility room awhile ago, sleeping. She mentioned that she misplaced the spare key to your flat, reason why she couldn't get inside. And to tell you frankly, I didn't buy her excuse and I also want to shove my fist in your throat, Alkaide. I couldn't meddle with your issue, Alkaide but damn you for being an insensitive jerk! Saoirse is a family, Aric. Always remember that.” Nagbaba ng tingin si Alaric. His teeth were clenching while he was rubbing his nape angrily. Ang tiyak siya sa mga oras na iyon ay para sa kanyang sarili ang nararamdamang galit. Buong buhay niya ay isang bagay lang ang naalala niyang desisyon na ginawa niya na kanyang labis na pinagsisihan. Parang ito na ang pangalawa. Ang pagbabalewala niya sa mga taong nasa paligid niya. “Iuuwi ko nalang muna siya, Kaj.” May hiyang lumapat sa boses ni Alaric nang sabihin niya iyon. “Her call, Alkaide not mine.” Malalaki ang mga hakbang na ginawa ni Alaric patungo sa pintuan ng silid na kinaroroonan ni Saoirse. Kalmante niyang kinatok iyon subalit tumatahip ang banyagang kaba sa dibdib niya. Ilang tikhim ang ginawa niya bago nagpasyang magsalita. “A–admiral, Si Aege ‘to— ang gagong hihingi ng tawad saiyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD