ES1 - CHAPTER 6 - 2nd Week: Hell Week

640 Words
CHAPTER 6 - 2nd Week: Hell Week Nagkulong lang ako sa banyo buong hapon, wala akong ginawa kundi mag isip ng mag isip at pigilan ang sarili na mahulog sa ginagawang pang aakit nung Milo na yun!! Nililinlang nya ako! Inaagaw nya sakin si papa!! Katulad lang din sya ni kuya Ronan!! Pabida!!   Alas otso na nung lumabas ako, oras nang dinner. Kahit nasa hapag kami, tahimik lang ang lahat. Pansin ko na normal lang ang kinikilos ni Milo, di nya pinapahalata na may problema sya. Hahaha he is a great pretender, galing nyang di magpaalam ng nararamdaman, galing nyang magtago hahaha. Good for you, next week, aalis ka na dito!!!   Di ko na tinapos pagkain ko, mas gusto kong mapag isa.   Mabilis lumipas ang isang araw. Lunes na yeah!!! I’m so excited sa mangyayari. Pero bakit ganun? Parang kinakabahan o natatakot ako sa kahahantungan ng lahat ng mga plano ko?? Tss.. kalimutan! Kalimutan! Dapat kong isiping mapaalis ang Milo na yan agad. Haha yeah!! Tama! Hahaha   Pagpasok naming tatlo, ako, si papa, at si Milo, agad pumukaw samin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa bulletin board. Teka? May balita ba? Agad kaming nagtungo. Ang lahat ng andun ay may matalim na pagtingin sa paparating na si  Milo. At nang kami ay makarating, laking gulat nila papa at Milo sa litratong nakapaskil!                                                             “Si Milo, nakahubad! Kayakap ang nakahubad ding si Jake!” WHAT THE f**k!! Ganda ng camera shots! Parang s*x scandal lang hahahahaha XD XD di makapaniwala si papa sa nakita nya!   Samantalang si Milo, napapaiyak na at hayun, dali daling kumaripas ng takbo. At gaya ng inaasahan, isang malaking issue ang nangyari, di na din sya nakapasok. Si papa? Ayun kamot ulo, di makapaniwala. Maging pagdating sa bahay, galit na kinompronta ni papa si Milo. Todo tanggi naman ang ulol na pabida! Kaya ang ending? Katabi ko syang nakahiga sa kama, panay ang pag iyak.   Ikalawang araw, MARTES. Gaya kahapon, isang litrato na naman ang nakapaskil. Si Milo at si Mike, kapwa nakaakmang maghahalikan sa may library. At gaya ng inaasahan, tulad kahapon, di pumasok, gaya din sa bahay, ngawa hahahaha . Ikatlong araw, MIYERKULES. May litrato ulit, si Milo at si Carlo, nakaholding hands, may hawak pang bulaklak at chocolate ang bugok.   Ikaapat na araw, HUWEBES. Litrato naman ni Milo at Darwin na nakapatong ang nakapaskil. Halos ang buong eskwelahan ay nayanig sa mga balitang ito. SI MILO ISANG BAKLA!!!! AT MAY APAT NA NAG GWAGWAPUHANG SCHOOL HEARTTHROB AY ISA ISANG TINUTUHOG!!!!!!!!!!!!!. Hahaha. Ang lahat ay nandiri sa kanya, maging ang lahat ng mga nakaclose nya. Hahaha. Si papa? Ayon, nagmamaktol, mainit ang ulo kay Milo! At nagbabalak nang tanggalin sa scholarship program at bilang exchange student si Milo. Ni hindi na nga makasabay samin na kumain yun e. wala ding pansinan.   HULING ARAW NG PASABOG . Bumungad samin ang malaking litrato at madaming shots ng litratong, nagsusubuan kami ng pagkain, buhat buhat ko siya, nagtatampisaw sa pool, magkaakbay at ang huli, ang naghahalikang si Milo at si Ako. Yeah…. Nasa center of attraction pa. lahat ng nakakita ay halos mabaliw sa gulat. Ako na gwapo at sikat sa school at anak ng may ari. Ay di pinaltos at kahalikan nya.   Nagdilim ang paningin ni papa kaya isang malakas na sigaw at kung ano anong masasakit na salita ang inabot ni Milo (syempre may ari ng school. Kaya nagpipigil na makagawa ng kung anong bagay na makakasira sa image nya). At agad itong pinatawag sa guidance office. Doon, puro masasakit pang salita ang kanyang  inabot. At as what as I expected, tanggal na sya sa program. Goodbye Milo. Hahahaha.   Sa kanyang paglabas, ang lahat ay namumuhi sa kanya. Nandidiri at pinangingilagan sya. Hahaha kawawa ka naman, agad agad na lumabas ng eskwelahan si Milo at nung kami’y umuwi ng bahay ni papa, wala nang anumang bakas ni Milo ang natira, ni anino at kung ano pang gamit. Hahahahaha MISSION ACCOMPLISHED, I WON!!!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD