CHAPTER 5 - The Game Is On
Kinabukasan, nauna na akong pumasok sa eskwelahan. I need to talk with the gang. I need their help, palilipasin ko ang unang lingo nya, ngunit sa ikalawa? Ito ang kanyang nakakaiyak na parte hahahahaha
Alas syete na nung mabuo ang tropa, huling dumating si Mike, asusual, ang pagong kong bestfriend. Anyways, naibigay ko na ang lahat ng impormasyong dapat nilang malaman at maging ang kanilang gagawin. Nagkabiglaan pa nga ang lahat nung sabihin ko ang plano ko, pero no choice sila, iba saltik ng ulo ko kapag kalokohan na, kaya wala silang magagawa kungdi pumayag. We are all I.T. students, sila Jake, Mike, Carlo, Darwin at ako ang bumubuo sa 5 knights. Mga sikat na bully ng school at ako ang pinuno hahaha.
Unang araw, si jake ang aking unang pinakilos, pagkapasok ni Milo, marami na agad ang natuwa at nakipagkaibigan sa kanya. Haixts, pabibo, bilang BA students, halos pataubin nya ang mga sikat na matatalino sa school. WOW. Unang araw pa lang yan, palibhasa kasi’y may kaangasan din siguro, mayabang, pero bakit ganon? Although tinalo sila ni Milo eh bakit agad agad close sila? Ganon na ba tao ngayon? Nakikikapit? Wala pang alas tres ng hapon, isang malaking grupo na ang kinabibilangan nya. Daig pa limang section sa dami!
Pero di kami papatalo. Sumabak na si jake sa pagpapacute, palibhasa gwapo kaming lahat. Hahaha. Habang nag iisa sa banyo si Milo, pumasok na si jake, at gaya ng plano, gumawa na sya ng moves. Lumapit sya kay Milo at niyakap nang nakahubad. Tuwang tuwa kaming tropa ng Makita ang reaksyon ni Milo. Hahahaha, parang nakakain ng isang baldeng sili sa sobrang pagkapula! Mission number 1? ACCOMPLISHED!!
DAY 2, si Mike naman, habang nasa library si Milo, lumapit si Mike at nakipag agawan sa librong kinuha nito, nakakatuwa ang pagkainis nya. At di nya ninais ang mga sumunod na kinilos ni mike. Tinulak nya si Milo, at tinaas ang dalawang kamay at unti unting lumapit ang mukha na tila hahalikan. Hahahaha, napapikit si Milo. Hahahahahaha. Akala nya gagawin talaga ni Mike? Syempre hindi! Ako lang ang pedeng humalik sayo!! What???? Ano ulit sinabi ko???? Ahhhhhh!!!!!!!!! Tangina. Di yon totoo!!!!!!!!!
DAY 3. Si carlo na, habang nasa klase si Milo, pumasok si Carlo at nag abot ng flowers at chocolates. Hahaha, na-interrupt klase nila, nagkagulatan ang lahat, lalo na nung hawakan ni carlo ang kamay ni Milo as in parang holding hands sabay hitak palabas ng room. Tapos nung dalin sya sa gym, iniwan na lang sya bigla ni Carlo. Hahahahaha, wag kang mag alala Milo, pag niregaluhan kita ng flowers at chocolates, maghoholding hands lang tayo, okay na, di pa kita iiwanan. WHAT???? Eto na naman lintik na bulong ng isang parte ng aking isipan!!!!! Tangna!!!!!!!!!!!!!
DAY 4, si Darwin, yung mokong na to, muntikan nang magback out, buti na lang at nabatukan ko ng napakalakas. Hahaha. Eto na, habang P.E class nila, basketball, yeah, 1st year kasi si Milo, ayun na nga, habang nagdidribol sya, nakisingit si Darwin, inagaw nya sabay shoot. Daming tawanan at nainis kay Darwin, ngayon lang kasi makikitang magshoot si Milo, inagaw pa nya, lakas trip ano? Syempre, ako pa! pero bandang kalaunan, pinayagan ng teacher nila na maki join sa laro si Darwin.
Last quarter, 3 minutes left, sinadya ni Darwin na patirin si Milo kaya natapilok ito, buti sinalo ni Darwin at pareho silang nadapa, nakapatong si Milo at todo higpit ang yakap kay Darwin, madami ang nagtilian at madami din ang nagtuksuhan. After nun, umalis si Darwin at iniwang nakayuko si Milo.
DAY 5, sabado na, malamang, Monday sya nung sinundo ko, yung day 1, Tuesday, day 2, Wednesday, day 3 Thursday, at day 4 Friday….at ngayong day 5, sabado, ako na ang in-charge. Nagkakainan kami ng lunch at naisipan ni papa na sa may pool kami magkainan. Habang kumakain kami, dinadama namin ang sarap ng foods at ang ambiance ng paligid. Maya maya’y naunang umalis si papa dahil may tumawag sa kanya at need sya agad. Kaya nung naiwan kami, awkward tingnan. Yeah. Date? No way, pero it’s a good idea. Ha? Ano daw?
Anyway, ayun, ini-offer-an ko sya na subuan ko sya ng pagkain, nung una tumanggi sya, pero napapayag ko syempre, magdabog daw ba ako. Hahahah syempre may pa slow motion effects pa ako. May pakilig factor pa akong ginawa, pa cute etc. at ganun nga ang nangyari, sinubuan nya din ako, yeah, nagsubuan kami. Yuck. Hahaha joke lang.
Nang matapos ang kainan, nagpahinga muna kami, feeling ko wala na yung awkwardness ng paligid, masaya kami ngayon. Maya maya, naghubad na ako ng damit at short, tanging boxer lang tinira ko, alam kong napanganga ko sya sa ganda ng katawan kong puno ng muscles. Napatunghod ko sya nung tumikhim ako ng isang ubo kaya nagbalik sya sa katinuan hahahah. Jaw breaker kakisigan ko
“Ano? Ligo na tayo?" Aya ko sa kanya. Hindi sya sumagot kaya ginawa ko, lumapit ako sa kanya at pilit kong hinuhubad yung damit nya, una, umiiwas pa sya, pero syempre di ako makapapayag na di matupad plano ko, kaya marahas kong hinawakan sya at hinubad ang kanyang mga suot. Napalunok ako ng Makita ang hubad nyang katawan, ang kinis at ang puti, ehem…. Syempre tinira ko brief nya.
Napayuko lang sya, nangangatog sa takot sakin hahahaha. No way, kaya binuhat ko sya at hinagis sa pool, lakas ng pagtilamsik ng tubig haha, nung makalabas na ang ulo nya at kumakampay sa tubig, tumalon na din ako, namayani katahimikan, tanging lagaslas ng tubig ang naririnig. Nagtampisaw kami, pinapalo ko pa ang tubig para humampas sa kanya, para kaming mga batang ngayon lang nakaligo sa pool.
Nang mapagod, umahon kami at umupo sa may gilid ng pool. Tahimik lang kami, pero umandar kalokohan ko, unti unting kumilos kamay ko para akbayan sya at nang magtagumpay ako, agad ko syang hinitak palapit upang sumandig sa aking balikat.
Umaayon ata kapaligiran, sa katanghaliang tapat, ala una y media, ang punong mangga sa amin ang lumilimlim upang hindi kami mabilad sa matinding sikat ng araw. Anino ng punong mangga ang nagbibigay kakaibang pakiramdam sa paligid namin. Tila kami magsyotang dinadama ang ganda ng paligid.
Dahan dahan akong lumingon kay Milo, maging ito’y napaangat ng ulo. Nakangiti lang ako sa kanya, alam kong ilang sya sakin pero wala na kong magawa. Nilapat ko na ang aking labi sa kanyang mapula pula at matamis na labi. Ninanamnam ko ang bawat sandaling kasama ko sya ngayon. Syempre next week? Malamang uuwe na sya hahaha. Pero bakit ganun? May bahagi ng puso ko ang nagsasabing nakakalungkot iyon?
Habang dinadama ang bawat paghalik, ako na ang unang kumalas, agad akong bumalik sa pinaghubaran ko, kinuha ito at nagmamadaling umalis. Iniwan ko siyang nakayuko’t nagugulumihanan.
“DIO!!! Ano ba pinag iisip mo!! Mali na bigyan mo sya ng parte dyan sa puso mo!! Katulad lang sya ng mga exchange students na dapat mawala sa buhay mo!! Mang aagaw din sya ng atensyon!!!” sinisigaw ng aking isipan.