Chapter 7 - Undeniable Truth
Ang saya ko, tuluyan ng nawala ang pabibong si Milo. Haha teka. Kaso bakit ganon? napakalungkot ng kwarto ko? Kahit sanay akong mag isa, bakit ngayon parang may kulang? Napakalungkot talaga at tipong walang buhay….. tsss ano na naman ba nangyayari sakin? Namiss ko lang ba si Milo o sadyang nakakapanibago? Hay..anggulo!!!!. Hayaan ko na nga’t kahit napakabigat ng pakiramdam ko ay nakatulog naman ako…………….. ng maluwalhati??? Sana…. Hirap kaya ako sa pabaling baling. Tipong gusto kong maramdaman ng may katabi.. shettttttttt. Tangnang buhay to!
Ang saya ko dapat, dahil wala na sya, pero kulang ang pakiramdam ko. Kaya ang bilis ng araw. Lunes na agad. Heto ngayon ang tropa, kumpleto kami dito sa rooftop ng college of information and technology, nagkakasiyahan, alas tres na kasi, wala kaming klase kaya dito namin ise-celebrate ang tagumpay. For the first time ko lang manlibre. Syempre kahit papano, Malaki talaga naitulong nila upang magtagumpay ang plano ko hahahaha
‘’Alam mo dude! Bilib akosayo, napaalis mo na yung Milo na yun!!!” sabisakin ni Jake.
‘’OO nga!! Ibaka ding mag isip! Pati kami dinamay mo leste ka!!!” ani Darwin na tumungga pa ng softdrinks (syempre bawal alak)
“haha, ganon talaga” sagot ko na halos umabot tenga ang katuwaan. Syempre napupuri ako. Lam na. ako pa
“Pero pre, bakit ba kasi galit na galit ka sa kanya?” tanong ni Carlo.
“oo nga, nakakahiya talaga ginawa natin” segunda ni Mike.
“syempre ganun talaga, at tayo mahihiya? Baka nga sya dapat mahiya e! haha tinatanong mo ko kung bakit? Syempre lahat ng gaya nya di nararapat sa paaralang ito! Dapat dun lang sya sa bulok na school nya.” Sagot ko
“pero pare, tanong ko lang sayo, di ka ba naaawa dun sa tao? Alam ko, kuya mo lang pinoproblema mo, pero bakit kailangang mandamay ka pa?”
“Mike, pare naman, bakit mo pa pinaalala sakin ang walang hiya kong kuya?”
“Chill lang pre, sorry naman”
“Eh kaw kasi e!”
“Pero para lang sakin pre ha, totoo namang nakakahiya ginawa natin, nasira na natin buhay nung Milo na yun, kay baet pa naman”
“Pati ba naman ikaw Jake? Pwede bang magcelebrate na lang tayo?! Wag nyo ng pagusapan yung kuya ko at yung Milo na yon!! Wala na sila sa buhay ko OK???!!!”
“O sya, eto last na, inggit ka ba talaga sa kanya, sa KUYA mo, kaya yang galit mo sa mga exchange students mo binubunton”
“Huh? ano ulit sabi mo!!!???” nanggagalaiti kong pagbulyaw
“A-ano lang naman.Tanong l-lang”
“HUH? AKO INGGIT? NEVER!!!!”
“sigurado ka?”
“OO NGA!!”
“Eh bakit ganyan ka? Pati inosente pinagiinteresan mo?”
“TANG INA!!! PARE NAMAN OH!!! ANO BA PAKIELAM NYO?? AKALA KO BA TROPA KO KAYO? KAKAMPI BA KAYO O TAGA SERMON KO?!!!”
“Pre, bilang magkatropa lang ha, dapat sabihin mo naman samin ang totoong dahilan kung bakit galit na galit ka sa mga exchange students at ano kinalaman nun sa kuya mo. Atsaka gusto lang namin malaman para madamayan ka naman”
“WALA KAYONG PAKIELAM!!!”
“PEro pare naman!! Tropa mo kami!!! Gusto lang naming malaman ang dahilan!! O pano yan? Pano pag may nakaalam na tayo ang may pakana ng mga pictures na yan, siguradong lagot tayo! Atsapa, damay talaga kami!!! Pano pagtinanong kami kung bakit natin nagawa. Ano isasagot namin? WALA!!!”
“wait, wait, wait guys, natatakot kayo na malaman nila yon? Malalaman lang nila yon kapag may nagsalita sa inyo ni isa man lang okay!!! At kami ang may ari ng school kaya wag kayong matakot!!!”
“Kahit na Dio, pare, inaalala lang namin ang mga posibilidad na mangyayari”
“SHUT UP !!!!! pwede ba guys, wag nyong intindihin yon, ako ng bahala okay!!! Mahalaga, wala na yung MILO na yun! Kaya cheers nalang dyan!!!”
Kay kulit talaga ng mga tropa ko. Mga duwag, natatakot sila, e kapag ako naman ang kasama nila, dapat kampante lang haysss. Haha basta ngayon, masaya ako kaya kung sino mangherodes na bagong exchange student ang dumating, HUMANDA KA NA!!!!
ONE WEEK LATER
Chill chill lang ako, ganda ng gising ko although may namimiss ako. HA?? WHAT!!! ANO?? MISS?SINO?SI MILO? NO WAY!!! Ahhhh aga aga, nababahog na naman ako. Bakit ba lagi ko syang inaalala???
“Mr. Agustin, what’s your problem?” tawag ng prof namin sa programming.
“Ah, w-wala po maam” sagot ko tsssk. Letse! Di ko makondisyon sarili ko ngayon. Dalawa ang bumabagabag sa kaloob looban ko. Kay ganda pa naman ng mood ko ngayon para mangtrip kaso bigla na lang nabulyaso. Bakit kasi bigla bigla nalang pumapasok sa isip kosi Milo? Tapos idagdag mo pa ung isang bakla sa campus na gusto akong tikman, aba namblackmail pa. sabi may video daw sya na ikakapahamak ko at siguradong ikagagalit ng papa ko. Aba. Wala naman akong scandal ah. Virgin pa ko hehe. Kaya hayun panay banta sakin,. Napakakulit!! Kahit kailan di ako papatol sa bakla!!!
--------------------------------------------------------
Kasalukuyan akong kumakain ng lunch kasama ang tropa ng biglang……………………………..
“DIO!!!” ang malakas na sigaw ng papa ko. Ano kaya problema nun?
“Bakit pa'? katanghaliang tapat eh nagagalit na mga ugat nyo?”
“Tell me the truth!!! Bakit nyo pinagplanuhan na paalisin si Milo?!!"
"What? Papa, a-ano ba pinagsasasabi nyo?" tanong ko, paano ba naman kasi yung mga tropa ko namumutla na sa takot. Agaw pansin kaya kami.
"Wag ka ng magkaila!!! Alam ko na ang totoo!!! Kayo ng barkada mo ang gumawa ng mga katarantaduhan litratong pinagpapaskil nyo!!! Di na kayo naawa sa tao!!! Naparatangan sya ng napakasamang salita!! Pinahiya't pinagtawanan!!! Di ba kayo nakonsensya!!!"
"P-papa! Ano bang pinagbibintang nyo!!! Komot ba bully kami, kame na agad ang gumawa?"
"Oo!!! And please stop playing with me! Stop acting like you're an innocent!!"
"Papa!! Di nakakatawa pagbibintang nyo!!"
"Bintang? Watch this!!!" nanggagalaiting sabi ni papa sabay lapag ng isang cellphone. May video na pinapanuod sakin. At nagulat ang lahat maski ako sapagkat ang laman nito ay ang pag uusap avmin ng tropa ko last week sa rooftop.... At ng matapos..... "So, what you gonna say?"
"Papa?" nakayuko kong sabi. Nahuli na ako ng aking ama. Sa bibig ko na mismo ang nagsiwalat ng ginawa namin.... patay kami nito.......