Kabanata 7

1510 Words
Pagkarating nila sa mansion ng mga Briones ay ipinatawag agad ni Ciamara sa Isang katulong nila Ang kanyang mommy Elizabeth sa kuwarto nito at nagpapahatid Si Ciamara sa Isa sa mga katulong nila ng kanilang ma I-snacks ng kanyang kambal na si Gianna sa Salas.di Naman maiiwasang humanga si Gianna sa laki ayt lawak ng mansion ng mga Briones,naisip niya tuloy na napaka swerte Naman ng kanyang kambal dahil napakayaman Pala ng pamilyang naka ampon nito. ilang sandali lang Ang paghihintay nila at bumaba agad Ang Mommy Elizabeth na sinasabi ng kanyang kambal na si Ciamara at nakasunod lang din sa likod nito Ang katulong na may bitbit na tray at may lamang snacks nila. Saglit pang natigil si Mrs. Elizabeth Briones na tinitigan si Gianna. "Mommy.,Kasama ko si Gia ,Ang kambal ko. Gianna,Siya si mommy Elizabeth.." Wika at pakilala pa ni Ciamara sa isat isa sa kanyang Mommy at kambal. "M- magandang hapon po M- ma'am.." alanganing bati pa ni Gianna na medyo nahihiya ng kunti. Akala ni Gianna ay mataray ito dahil sa hitsura nito ngunit Bigla nalang itong ngumiti sa kanya ng matamis. Kaya parang nakahinga Naman Siya nag maluwag na Hindi Pala masungit Ang kinilalang Ina nito. "Magandang hapon Naman Sa'yo Gianna. pasensya kana at saglit akong natigilan nang Makita ka, nag- expect Kasi akong katulad ka ka sexy Kay iha Ciamara pero Hindi Pala dahil naka jersey ka at maiksi Ang buhok mo at naka sombrero pa.." Wika ni Mrs. Elizabeth na Hindi napigilang matawa. "P-pasensya na po ma'am, Hindi Kasi uso sa akin ang magpa sexy sa hirap Kasi ng Buhay namin eh..Wala akong pambili ng tube at crop top.." Seryosong Sagot ni Gianna na mas Lalong ikinatawa ng Mommy ni Ciamara. mahilig Kasi Siyang magsuot ng jersey at ngayon ay naka jersey din Siya na kulay blue at Ang kanyang buhok na Hanggang balikat ay laging nakatali at pinailaliman ng kanyang sombrero, Alam niyang nagdududa itong tomboy Siya pero Ang totoo ay Hindi Naman Siya tomboy,maliit pa lang Kasi Siya ay sinasanay na siyang magsuot ng mga panlalaking suot ng kanyang tatay Noey, gusto Kasi ng mga ito na lalaki ang adopt-in nila noon ngunit walang batang lalaki noon kaya Siya na lang Ang kinuha ng mga ito kaya nadala nalang niya Hanggang sa paglaki niya Ang ganoong pananamit. "Sobra ka Naman GIA,..sa Dami ng Pweding T'shirt na pambabaeng bilhin ay Crop top at tube talaga Ang naisip mo.." Natawa na ring wika ni Ciamara. Lalo na't nakita pa nito sa Mukha ni Gianna na Hindi ito nagbibiro sa Sagot nito sa kanyang mommy Elizabeth. "Ako ang hihingi ng pasensya sa' yo iha, sorry.. di ko maiiwasang ikumpara kayong magkambal sa isa't isa Kung Ano Ang pagkakaiba niyong DalawA. malaki Ang kaibahan niyo sa pananamit ngunit sa hitsura Naman ay Copy'ng-copy Naman.." Wika ni Mrs. Elizabeth. "Okay lang po.. ma'am huwag kayong humingi ng pasensya, ganoon talaga Ang magkambal, may mga pagkakaiba.." Sabi Naman ni Gianna. Ang mga katulong Naman ng Mansion ay Panay tingin Kay Gianna at palihim lang na nag-uusap Ang mga ito. Pati mga ito ay magkaiba Nagpasalamat ng lihim si Gianna na Mabait Naman Pala Ang Kinilalang mommy ng kanyang kambal na si Ciamara kaya nakisabay na rin siya sa mga ito sa pakikipag- usap habang sila'y magmeryenda. Halatang tuwang tuwa Naman si Mrs. Elizabeth sa magkapatid na kambal na kaharap nito ngayon. Naisip nitong Ang Ganda siguro kung Ang dalawa talaga Ang na ampon nila noon. Maitim si Gianna at Maputi Naman si Ciamara, syempre dahil Mayaman at Maraming pang- apply sa balat si Ciamara, samantalang Si Gianna ay Wala. Pagkatapos Naman nilang magmeryenda ay muling pumasok si Mrs. Elizabeth sa kuwarto nito at dinala Naman ni Ciamara si Gianna sa Kuwarto nito upang doon magpatuloy sa pag- uusap ng sekreto Ang mga ito at tungkol iyon sa trabahong nabanggit ni Ciamara Kay Gianna kanina. pagkapasok nila ng kuwarto ay agad na naupo si Ciamara sa malaking kama ng kuwarto nito habang si Gianna ay nakatayo lang at pinagmasdan Muna Ang loob ng buong kuwarto ni Ciamara. "Ang Ganda ng kuwarto mo...Ang swerte mo talaga.." Sabi Naman ni Gianna rito. "Oo nga Gia, Tama ka ma- swerte talaga Ako dahil Mayaman Ang mga naka - ampon sa akin." Sagot ni Ciamara. "at ngayon, pag- usapan na natin Ang tungkol sa trabahong sinabi ko Sa'yo kanina.." muling Sabi ni Ciamara Kay Gianna.. "ay oo nga, Sabihin mo na kung Ano Yan.." Tugon Naman ni Gianna habang abala naman ito sa pagmamasid sa buong paligid at nanatiling nakatayo lang. "una sa lahat ikuwento ko Muna Ang nangyari, kung Ano ang mabigat Kong problema ngayon Gianna..para kung tatanggapin mo Ang trabahong ito ay malinaw na Ang lahat Sa'yo,pero sana huwag mo Akong tatanggihan GIA..at sana tatanggapin mo Ang iaalok ko sa' yo ngayon.." panimulang wika ni Ciamara. Kusang naupo si Gianna sa kama paharap Kay Ciamara. "Sige,makinig Ako kung Ano Yan..Ciamara.." Tugon Naman ni Gianna. "Ganito Kasi yun Gia,napakahirap ng kalagayan ko ngayon at siguro ay pinagtatawanan lang nila Ako ng lihim..ito'y tungkol sa marriage ko at Ang pagtira ng Kabit ng Asawa ko Sa Mansion ng mga Fuentebella.." Wika ni Ciamara. Nanlaki Ang mga mata ni Gianna sa narinig.at Isinalaysay nga ni Ciamara Ang buong kuwento Kay Gianna upang maiintindihan ni Gianna Ang lahat.nang matapos magkuwento si Ciamara ay Awang -awa Naman si Gianna na nakatingin sa kanyang Kapatid.doon niya naisip na kahit marami itong Pera ay Hindi Pala sapat iyon upang ito'y lumigaya ng lubosan, dahil hindi sa pera lamang Ang ikakaligaya ng tao kundi mas kakailnganin niya rin Ang pagmamahal.labis siyang nakadama ng lungkot para sa kanyang Kapatid. "Bakit di mo nalang Siya iiwan..? marami namang lalaki at isa pa ,Hindi ka pa Talo dahil walang namagitan sa inyong dalawa ng Asawa mo kaya kung Ako pa sa'yo bigay mo na yun sa Kabit niya at maghahanap ka ng lalaking Bagay sa' yo at nagmamahal sa'yo Ciamara,." Sabi ni Gianna. "No,sinaktan nila Ako at paulit- ulit na tinatapakan Ang pagiging Asawa ko kaya gaganti Ako! iyan Ang dahilan kung bakit kinakausap kita ngayon,gusto Kong magpa america at makapag relax sa lahat ng stressed na Ibinigay nila sa akin! kaya sana tatanggapin mo Ang iaalok Kong trabaho sa' yo ngayon Gia..ipaghihiganti mo Ako!" Mahaba at matigas na wika ni Ciamara na nakipag sukatan ng mga tingin sa kambal. Halatang saglit na nagulat si Gianna sa sinabing iyon ni Ciamara,nagugulohan Ang expression ng kanyang hitsura sa mga tinurang iyon ng kambal na si Ciamara.napatayo Siya at saglit na tumalikod sabay huminga Muna ng malalim bago muling lumingon at nagsalita. "A- Anong ibig mong sabihin ,c- Ciamara..??" Alanganing Tanong niya rito. "G- Gia,.Magbibigay Ako sa'yo ng Five million pesos, para sa pagpapanggap mo na Ikaw ay Ako,at ipaghihiganti mo Ako sa mga taong nananakit ng damdamin ko!! ipaghihiganti mo Ako sa aKing asawa at sa kanyang kabit!" Galit at mariing wika sa kanya ni Ciamara. Nanlaki Ang mga mata ni Gianna at namangha Siya sa laki ng perang sinasambit ng kambal sa kanya! napalunok pa Siya ng laway sa Five millions na sinasabi nito! naninigas Siya at parang di makahinga sa kanyang kinatatayuan! Bigla tuloy siyang na e-excite na ipaghihiganti nga niya Ang kanyang Kapatid ,sino ba Kasing umayaw sa Five millions na Sabi nito? "Ano,deal ..or no deal..??" Tanong pa ni Ciamara sa kanya. parang bigla siyang nawalan ng boses na sumagot rito ng 'deal' kaya napahiya tuloy siya at muling inulit iyon . "D- deal!" malakas na niyang Sagot rito. Pero kinabahan Siya kung Ano Ang kahihinatnan sa kanya sa kanyang pagpayag sa gusto ng kanyang kambal. "oh,thank you! thank you Gianna na Pumayag ka,alam Kong kaya mo Akong ipaghihiganti,alam Kong kaya mong magpanggap na Ako! nakikita Kong matapang ka kaya nakikita Kong kakayanin mo Ang lahat! " Ani Ciamara. "p- pero,di Ako halos makapaniwala sa Five million pesos na sinasabi mo Ciamara.." Sabi Naman niya rito. "Ang totoo ay bilang tulong ko na rin Sa' yo Ang halaga ng perang iyan ..ito yung sinasabi ko sa' yo na tutulongan kita at tutulongan mo rin Ako..Gia.." Tugon Naman ni Ciamara. "S- Sige, pero..paano Ako maging tulad mo? baka mahirapan Akong sundin ka sa pananamit at pananalita..at maitim Ako kumpara sa' yo.." Sabi niya rito. Natawa si Ciamara. "Hindi ka Naman agarang pupunta Doon, syempre noh, tuturuan pa kita sa pananamit ko at kilos ,pati na sa pananalita ko,.at higit sa lahat..magpapaputi ka tulad ko..dadalhin kita sa Isang Bahay ni Daddy na bago niyang nabili,.walang tao roon at Doon ka Muna magpapaputi, ipa rebond ko 'yang buhok mo na lagi mong itinali..kailangang bago ka pupunta at papalit sa akin sa mansion ng mga Fuentebella ay kuhang kuha mo na Ang Pustora ko..at pag-nandoon ka na,kailangang mag- iingat ka doon na Hindi ka mabuking,gusto Kong ipakita sa kanila na matapang nga Ako at di umatras..kaya Gawin mo iyan para sa akin! igaganti mo Ako sa kanila!" gigil na wika ni Ciamara. "Mahirap pero gagawin ko Ang lahat na the best para sa' ipapagawa mo sa akin Ciamara.." Sabi ni Gianna rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD