Kabanata 8

1521 Words
"O- okay Sige, basta ha, totoo ' yang kinukuwento mo na Wala talaga kayong pakialaman sa isat isa ng Asawa mong yun?? baka Kasi Bigla nalang siyang Sisiping sa akin.. " panigurado ni Gianna. "Yes, Maniwala ka Gia, Hindi niya iyan gagawan Ang mga sinasabi mo dahil ayaw nga niya sa akin noon pa kaya ligtas ka at ang gagawin mo lang at kung paano mo Ako maipaghiganti sa Asawa ko at sa makapal na kabit niya. Wala kaming pakialaman believe me.kaya huwag kang mag- alala. at huwag mong hahayaang maging Masaya ang Kabit ng asawa ko, hmmmp! nagkamali Sila ng binangga nila!" Sabi pa ni Ciamara. "Ano rin kayang gagawin ko sa kanila upang maiganti kita?? Lagyan ko ba ng Maanghang na Sili Ang kanilang panty at brieft?" Tanong pa niya sa kambal. Hindi Naman napigilan ni Ciamara Ang muling matawa. " Dependi na Yan Sayo kung Anong gagawin mo kung paano mo Ako maiganti Basta ito lang Ang masasabi ko, mag- iingat ka na Hindi ka mabisto Gianna.." Sabi Naman ni Ciamara sa kanya. At saglit na muli siyang nag- iisip. " Teka, paano kung sasaktan Ako ng Kabit ng Asawa mo? at mag- away kami tapos kakampihan Siya ng asawa mo? naku, baka masuntok ko Ang pagmumukha niya at mawalan Siya ng Malay! at pag mangyayari Yan.. pwedi lang ba akong tatakbo paalis??" Napangiwing Tanong ni Gianna sa kambal. Napakamot sa ulo si Ciamara dahil sa kanyang mga sinasabi. "Sira ka Pala eh, bawat ka manununtok?? baka magduda Ang mga yun! hindi Ako manununtok noh at Hindi Ako sanay sa ganoon, Ano kaba.." Sabi naman ni Ciamara sa kanya. " Ay ganoon ba yun? Aahh Sige.. mag- iisip Muna Ako.. huwag kang mag- alala makakaganti ka rin sa kanila.." Aniyang sabay namaywang. "Hayss, Basta mag- ingat ka okay?" Napapailing na Sabi ni Ciamara. " Naisip Kong Ang hirap sa ipinapagawa mo, pero okay at Sige, gagawin ko Ang lahat para sa Five million pesos,." Napangising Sabi ni Gianna. Alam niyang Oras pag matatanggap niya Ang halagang iyan ay laking tulong iyon sa kanilang kalagayan kaya gagawin niya Ang lahat para sa' Five million pesos. Pagkatapos nagkasundo Ang magkambal ay Inihatid na kaagad ni Ciamara si Gianna sa hospital kung saan inoperahan Ang kinilalang Ina nito. Sinilip na rin ni Ciamara Ang kalagayan Ng ina-inahan ng kanyang kambal. Inoperahan at naputol na Ang Isang paa nito dahil sa Diabetes nito. At Wala nang problema pa dahil paid na Ang mga ito sa lahat na babayarin. sa hospital dahil sa Ibinigay niyang tulong sa mga ito. "Tay, Siya po si Ciamara, Ang sinasabi ko sainyong kambal ko na siyang tumulong sa atin." Sabi Naman at Pakilala ni Gianna Kay Ciamara sa kanyang tatay Noey. Tulog Ang kanyang inang si aling Elia kaya ito lang nagpakilala ni Gianna Kay Ciamara. " Magandang Araw Sa'yo ma'am.." Bati ni Mang Noey kat Ciamara. " Magandang Araw din po Sayo Manong.." tugon Naman ni Ciamara. Kung Hindi kang dahiomsa kantang kambal ay never siyang papasok sa loob ng Hospital na yun at never siyang makipag- usap sa mga taong estramghero sa kanya. Pero dahil tatay ito ni Gianna at siyang bag adopt rito ay pilit na Nakipag- usap si Ciamara rito. "Maraming salamat talaga Ma'am sa mga tulong po ninyo sa amin.. kung Wala kayo ay Hindi namin alam kung saan kami kukuha Ng magastos namin sa oprerasyon Ng aKing Asawa.." Halos makugang wika ni Mang Noey. " Tay, huwag na po kayong mag- alala Hindi na po Tayo maghihirap, gagawin ko po Ang lahat upang iahin ko po kayo ni nanay Elia sa kahirapan.." Tugon Naman ni Gianna rito. Dahil tumatak sa kanyang isipan Ang Five million pesos na ibayad sa kanya ni Ciamara kapag magsisimula na Siya sa kanyang trabaho, Ang magpapanggap bilang ito. " Walang Ano man yun Mang Noey.. Kaligayahan Kong tulongan Ang aKing kambal at dahil mahalaga kayo sa kanya kaya tinulongan ko rin kayo.." Tugon Naman ni Ciamara. Pag- alis ni Ciamara ay lumabas ring muli si Gianna upang mamili Ng masasarap na pagkain para sa' kanyang Ina at sa kanila Ng kanyang tatay Noey. Samantalang Si Ciamara ay nagbabal na bukas nalang ng Umaga uuwi sa mansion ng mga Fuentebella. Hindi Naman niya inilihim Ang mga napag kasunduan nila ng kanyang kambal sa kanyang Mommy Elizabeth at sinabi niya rito Ang lahat pati na rin Ang balak niyang pagbakasyon sa America. "What?? parang Ako Naman Ang kinakabahan sa mga ipapagawa mo sa kambal mo anak,makakatagal kaya si Gianna sa pinapagawa mo sa kanya? Ang maghihiganti at magpanggap bilang Ikaw?? paano kung mabulilyaso 'yan..? idi Mas Lalong magagalit Sa'yo si Henry.." Nag- alalang wika ni Mrs. Elizabeth Briones. "Mommy, may tiwala Ako Kay Gianna at alam Kong ..maigaganti niya Ako na di siya mabubuking..kaya need ko pong I train Muna Siya before ko Siya ipapalit sa akin Doon sa mga Fuentebella..and hope mommy na Tayo lang Ang nakakaalam nito at huwag na po itong makarating Kay Daddy Apollo.." Ani Ciamara sa kinilalang Ina. "Oh my god,okay..iha,Tayo lang Ang makakaalam nito..pero di ko lang talaga maiiwasang mag- alala.bakit ba Kasi Hindi mo nalang I give- up si Henry at I annul Ang marriage niyo.." Tugon ng kanyang mommy. "Never mommy, binasura Ako ni Henry at Hindi ko iyon matatanggap,Maraming lalaking nagkakagusto sa akin pero di ko pinansin dahil nga' y pihikan Ako sa lalaki pero si Henry ay sinayangan niya lamang Ako at paulit ulit na iniinsulto! inaapakan nila ng husto Ang pagiging Asawa ko,at nag Mukha Akong katawa- tawa ,kaya pagbabayaran nila Ang lahat! gigil na gigil Ako sa mga harap- harapang pag- traidor nila sa akin! " Sagot ni Ciamara na mariin Ang bawat mga katagang binitiwan. Napabuntong- hininga nalang si Mrs. Elizabeth Briones sa narinig Mula sa adopted daughter.at Hindi na ito nakikipag argumento sa anak. Si Gianna Naman ay Nakahinga na ng maluwag simula nang makalabas na sila sa hospital ng kanyang inang si Aling Elia. at lumipat Sila ng tirahan. Nag Renta Sila ng Bahay Sa syudad ng Santa Ana kung saan malapit lang Ang Mansion ng mga Briones. At iniwan na nila Ang kanilang lupa at Bahay at nilagyan nalang nila iyon ng karatula na ibebenta nila. Nabilhan na rin ni Gianna ang mga pangangailangan Ang kanyang mga magulang at Hindi na niya Pinapa trabaho Ang kanyang tatay Noey dahil gusto niyang ito nalang Ang mag- aalaga ng kanyang inay na bago lang na operahan at pinutolan ng Isang paa. Sinabi niya pa sa mga ito na may magandang trabaho na Siya at papasok na Siya bilang artista. "talaga anak!? mag aartista ka na!? sino ang nagpapasok sa' yo?" tanong Naman ng inosente niyang tatay Noey. "Ahh..Ang kambal ko pong mayaman Tay..Yung na ikuwento ko sa Inyo na siyang tumulong at sumagot sa gastusin natin lahat sa hospital ..nagpunta Siya rito habang nasa hospital pa kayo ni inay.." Seryoso namang Sagot niya sa kanyang itay. "Hindi mo ba kami niloloko ng itay mo Gianna?? baka kung Anong kalokohang trabahong sinasabi mo?" Sabad Naman ng kanyang nanay elia. "Naku,legit po ' to! makikita niyo nay, Tay..sa unang pelikula ko ay may Marami na akong Pera..kaya huwag kayong mag- alala ,kung gusto niyo pa pupuntahin ko dito si Ciamara..para maniwala po kayo na magiging artista na Ako.." Kindat pa ni Gianna sa kanyang mga magulang. "Nakaka proud Naman kung ganoon anak.,Anong unang rule mo sa pelikula mo?" Maaliwalas pa Ang mukhang Tanong ng kanyang tatay Noey. "Ay Ako Yung kontrabida dito Tay,at napaka easy lang po nito,haha!" Sagot niya sa itay. "Hmmmm..Hindi talaga Ako kumbinsido sa mga sinasabi mo Gia..Kilala kita,puro ka kalokohang Bata ka.." pairap pang Sabi ng kanyang nanay elia. "Oh Sige ganito nalang nay,dadalhin ko dito Ang mayaman Kong kambal..para maniwala po kayo ." Sagot Naman ni Gianna. Napaniwala Naman ni Gianna Ang kanyang mga magulang sa kanyang pagsisinungaling Lalo na' t sinang- ayunan na lang ito ni Ciamara.nagsimula na Sila ng kanyang kambal sa pag- train sa kanya at Doon nila ginagawa sa bagong nabiling Bahay ng Daddy Apollo ni Ciamara.doon Muna siya pina-stay ng kambal niyang si Ciamara at halos araw- araw ay nagpupunta ito sa Bahay Na kanyang tinambayan upang siya'y tuturuan.. Nakalipas Ang Isang linggo ay pumuti na si Gianna sa tulong ng Hindi niya pagbibilad ng Araw at sa mga apply niyang mamahaling whitening Lotion with Gluta.nag request si Ciamara ng Isang bakla na siyang may- ari ng sikat na parlor sa kanilang City upang e-rebond Ang buhok ni Gianna para ito'y humaba ng kunti at lumampas sa balikat nito. At sa mahigit Isang linggong pagtuturo ni Ciamara Kay Gianna ay madali Naman itong natuto..kaya sa Araw na iyon ay sinubukan ni Ciamara na ipa suot Kay Gianna Ang mga damit nito. "Grabe Naman ' to, Ang sexy naman nito.nakz! kitang - kita Ang cleavage ko nito ah! makakakilos pa kaya Ako ng maayos pag- ito Yung suot ko doon sa mansion ng mga Fuentebella?" Sabi ni Gianna habang nakaharap sa malaking salamin. Napahalakhak Naman sa tuwa si Ciamara. "Pinagtatawanan mo lang ako ha,porke't Five million Yung bigay mo pagtatawanan mo nalang Ako.." Sabi Naman ni Gianna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD