Kabanata 6

1507 Words
Good mood sana Siya nang Araw na iyon Mula sa kanilang mansion ngunit nang siya'y umuwi sa mansion ng mga Fuentebella ay biglang nasira Ang kanyang mood sa kanyang nakita.nasalubong ng kanyang mga mata Ang pagkakatuwaan Nina Henry at Ng Kabit nitong si Elisse sa malawak na Hardin ng mga Fuentebella. napaka sweet ng dalawa habang nag memeryenda Ang mga ito. dinig na dinig pa ni Ciamara Ang malakas at malanding halakhak ng kabit nitong si Elisse. " Grrr!!! Ang sarap batuhin Ng babaeng 'to!" Mahinang wika ni Ciamara habang Nagdilim Ang anyong nakatingin sa kanyang asawa na may ahas na laging nakadikit rito. Kung Wala lang sana ito ay baka Minahal na Siya ng kanyang Asawa sa dalawang taon niyang nasa mansion. Subalit Hindi iyon nangyari dahil sa ahas na babaeng ito. Gusto niyang saktan Ang babae, gusto niyang ingudngod Ang Mukha nito sa lupa upang magamot Ang panggigigil Nita rito. Ngunit di iyon ganoon kadali na manakit Siya dahil baka mas Lalo lamang itong iibigin ng kanyang Asawa at nagmukha pa siyang kontrabida sa harap nito at Ang kabit Naman ay magmukhang kawawa at pabida style effect. Pero Hindi. hindi pweding ganoon nalang ka feeling at home Ang Kabit ng kanyang Asawa! mainit Ang ulong Bigla niyang nilapitan Ang mga ito sa Hardin. bahala na kung nagmukha siyang kontrabida sa paningin ng kanyang Asawa Hindi na Siya makakapagtimpi pa sa lahat. "Henry! Elisse! " Galit niyang sambit sa mga pangalan Ng mga ito nang siya'y makalapit na. Kahit Ano pa Ang sasabihin ni Henry ay nasa Tama parin siya dahil legal siyang Asawa nito at si Elisse na dinala nito ay Wala aring karapatan. Kahit baliktarin pa ito ng paulit -ulit ay Hanggang kabit pang talaga ito. Nagulat at natahimik Naman sina Henry at Elisse sa kanilang pagkakatuwaan sa biglang pagsugod niya sa mga ito. At walang pagdadalawang- isip na Winasak niya Ang mga nakalagay na meryenda sa ibabaw ng mesa sa harap ng Asawa at ng Kabit nito! Kapwa napatayo sina Henry at Elisse sa ginawa niyang pag wild roon. "Ciamara!" Galit ding sambit ni Henry. At si Elisse Naman ay napatayo at nagkukunwaring takot Kay Ciamara at napayakap Kay Henry. " Akala niyo ba ay ganoon nalang Ang lahat na magiging feel at lang home nalang Ang Kabit mong yan!?. Ikaw Miss Elisse De Vera masyado ka Feelingera dahil sa mga kilos mo rito na Akala mo'y legal kang Asawa! Hiya- hiya Naman kunti Miss Elisse !! And you Henry, Hindi ko mapapayagan na magpapakasaya Ang Kabit mong yan dito sa pamamahay niyo! Wala siyang karapatang maging Masaya dito at mag- enjoy dito ! dahil Kabit lang Siya!!" Gigil na gigil na Sabi ni Ciamara at Hindi nagsasawang laging ipamukha at ipaalala sa babae na ito'y kabit lamang upang maiinsulto ito. Subalit parang di tatablan ito sa kanyang mga sinasabi at nagmamatigas. "My god babe,mukhang papatayin Ako ng babaeng iyan..baka mabinat Ako ehh..dalawang taon pa si baby Angel..." Sabi pa ni Elisse Kay Henry na halos sumiksik na ito Kay Henry. Galit Ang mukhang nilapitan ni Henry Si Ciamara. "Yes,Kabit nga Siya kung matatawag,pero Ciamara wake- up! alam mo Naman Ang buong storya natin at Hindi ka inosente! Ikaw lang itong pinagpilitan Ang sarili mo dito kahit walang namagitan sa atin kahit Isang beses! Asawa nga kita pero sa papel lang iyon! kailan man ay walang nangyari sa atin,Ikaw lang itong ma pride,Hindi mo kayang tanggapin na Hindi kita kayang mahalin! Kung ayaw mong makita kami lagi ni Elisse sa ganitong tagpo ay pwedi kang umalis dito! pwedi Naman nating ma annul Ang kasal natin Ciamara! dahil may mga pera Tayo! kaya please lang..huwag kang magpaka Tanga sa taong hindi ka Naman mahal! ilang ulit ko bang sabihin Sa'yo,na Hindi kita kayang mahalin na si Elisse lang Ang minahal ko Mula pa noon !" Malakas Ang tinig na wika ni Henry Sa kanya. "H- Hindi, pagbabayaran mo Ang mga ginawa niyo sa akin Henry! pagbabayaran niyo 'to!!" di napigilan ni Ciamara Ang mapaiyak sa harap nina Henry at Elisse. "Tsssk,Tsskk..hayss..kawawa ka Naman Ciamara. Bakit Kasi nagpakasal ka pa ng tuloyan Kay Henry, alam mo namang May nagmanay- Ari na sa kanya at Ako yun .. ganoon Ako ka ganda sa paningin ni Henry at ganoon niya Ako ka mahal at hinding Hindi mo Ako kayang talunin sa puso niya, akin lang Ang pagmamahal niya ..Ako lang Ang babaeng makapagbigay ng kulay at kaligayahan sa Buhay ng Asawa mong si Henry..kaya kung Ako pa Sa'yo..umalis ka na dito..Hindi ka Naman kailangan dito eh,kahit Ano pang Gawin mo,ayaw ni Henry Sa'yo!" Singhal ni Elisse Kay Ciamara sa huling bigkas nito. Isang malakas na sampal Ang dumapo sa pisngi ni Elisse galing Kay Ciamara kaya halos matumba ito sa kinatatayuan,mabuti nalang at naagapan ito ni Henry.sa Galit ni Henry ay nasampal din nito si Ciamara na ikinagulat Naman ni Ciamara. "How dare you! sinaktan mo Ako! Ako pa itong niloko niyo ng harap- harapan at ngayon Ako pa Ang mali!? Henry, Ako itong nasasaktan!!!" Nabiglang Wika ni Ciamara sabay hawak sa pisngi niya na parang maiiyak na. "Dahil sumosobra ka na!! nag- eeskandalo ka! biktima na nga kami ni Elisse sa desisyon ng mga magulang natin noon ay sinasaktan mo pa Siya! Siya Ang dapat na maging Asawa ko ngayon Ciamara at Hindi Ikaw!!" Sabi ni Henry na namumula na rin sa Galit. "Gosh babe,.natatakot na Ako dito,tingin ko papatayin talaga Ako ng babaeng 'yan! parang napaka despirada niya kahit di mo Siya magawang mahalin.." Sabi Naman ni Elisse na nag- aakting na umiiyak. "Bruhita kang babae ka!!" Sigaw ni Ciamara dahil sa Inis niya Kay Elisse. "Tandaan niyo ito!! Hindi Ako aalis dito! gagawin kong impyerno Ang Buhay ng Kabit mong Yan Henry.. kahit Ano pang Sabihin niyo ay Kabit pa rin Siya..at Ako pa rin Ang legal na Asawa..!! mga hayop kayo!!" sunod- sunod na sigaw ni Ciamara. Dahilan upang marinig Ang pag- aaway nila ng mommy ni Henry na si Mrs. Lorenda Fuentebella. bigla itong dumating at kinuha si Ciamara at hinila palayo.awang - awa si Mrs. Lorenda Kay Ciamara sa mga sandaling iyon. Dahil sa nangyari ay laylay Ang mga balikat na muling umalis si Ciamara sa mansion ng mga Fuentebella at natagpuan nalang niya Ang sariling nagpunta kung saan nakatira Ang kanyang kambal na Si Gianna Mediana.mabuti nalang at naabutan niya ito,papuntang hospital pa Naman ito at dadalaw roon sa mga kinilalang magulang nito..Wala nang problema dahil tapos na Ang operasyon ng Ina nito at baka dalawang Araw nalang ay makalabas na Ang mga ito sa hospital. "Ciamara!" Gulat pang sambit ni Gianna. Akala niya kung Sino Ang kotseng biglang huminto sa tapat ng kanilang Bahay at nang umibis Mula roon Ang sakay nito ay nagulat siya nang si Ciamara iyon. "Gianna..maaari mo ba akong samahan..?" Ani Ciamara. "Ay,oo Naman! saan?paalis na sana Ako, papuntang hospital.." Sabi ni Gianna. "I want to talk to you..kung pwedi ay sa mansion namin..gusto ka ring Makilala at Makita ni mommy Elizabeth.. pagkatapos nating mag- usap ay Saka kana tutuloy sa hospital .." Sabi ni Ciamara. Nakita ni Gianna na parang may mabigat na problema Ang kambal niyang si Ciamara kaya walang pag- alinlangang sumama Siya rito.tinulongan Siya nito sa kanyang problema at sobra sobra Ang Ibinigay nito sa kanya kaya walang rason na di niya pakikinggan kung Anong problema nito ngayon.sumakay nga Sila sa kotse nito papuntang mansion ng mga Briones.habang nagmamaneho ito ay di napigilang magtanong ni Gianna. "Halata sa Mukha mo,may malaking problema ka ba?" tanong ni Gianna Kay Ciamara. "Oo,Malaki.nasasaktan Ako ngayon GIA.." Sagot ni Ciamara at di napigilang tumulo Ang luha nito. "Naku, Anong problema mo?? Sinong nanakit Sa'yo? ipa suntok mo nalang sa akin kung sino,.total sanay Naman Akong manuntok noon pa, binabayaran kaya Ako noon ng mga kaibigan ko kung may ipa suntok Sila sa akin! pero Ikaw, syempre,libre lang dahil bukod sa kapatid at kambal Pala kita ay Malaki Ang naitulong mo sa amin ng kinilala Kong mga magulang..kaya libre ka lang kung may ipapatira ka sa akin.." Sabi ni Gianna at sinabayan pa niya iyon ng pagtawa. "what?? Teka nga, tomboy ka ba GIA?" salubong ang kilay na tanong ni Ciamara. "ha!? Ako tomboy? Hindi Naman ah! babae Ako noh,kaya lang nasanay lang Ako sa ganito.. pasensya ka na sa akin ha.." Sabi Naman niya rito. "Ahh..ganoon ba.Kaya mo kaya Ang trabahong Ibibigay ko Sa'yo? tingin ko Kasi matapang ka..at kung tatanggapin mo Ang trabahong ito..magpa america Muna Ako para maka pag- relax.." Sabi ni Ciamara. "trabaho?? wow,Ano Yan!?" excited pang tanong ni Gianna. "Wait lang ...Doon na Tayo mag- usap sa mansion, pagkatapos kitang ma ipakilala Kay mommy Elizabeth.. at Ang trabahong Ibibigay ko Sa'yo ay bilang tulong na ko na rin ito Sa'yo..ganito lang yun..tutulongan kita at tutulongan mo rin Ako tungkol sa trabahong ito.." Sabi ni Ciamara. "okay! Ano kaya Yan, parang excited Ako sa trabahong Yan ah.." sabi Naman ni Gianna na nakatingin sa Mukha ng kakambal at napansin nz niya Ang pamumula Ng mga mata nito dahil sa pag- iiyak nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD