Parang nagdilim Ang paligid niya Lalo na na ng masulyapan Ang mga dugo mula sa kanyang braso, nakita niyang bumaba Mula sa kotse Ang Isang Maganda at sexyng babae na halatang mayaman! at nagulat pa Siya nang matitigan niya Ang Mukha nito at maging ito rin ay halatang nagulat nang masilayan nito ang kanyang mukha. ngunit Bigla nalang siyang nawalan ng Malay..
Nataranta naman Ang babaeng ito at napilitan itong tulongan Siya. Hindi na niya alam Ang sumunod pang nangyari dahil sa biglang pagkawala ng kanyang Malay.
Isang malamig, maganda at mabangong kuwarto Ang kanyang nagisnan. Bigla siyang kumilos upang bumangon, subalit napadaingbsiua sa sakit ng sugat na natamo niya sa aksidenteng nangyari sa kanya.
"Outch, Ang sakit.." Sambit pa niya.
" Don't move and you can't get up yet because of your wound.." Sabi ng isang boses buhat sa kanyang likuran.
Nakaramdam si Gianna ng sobrang panghihina ng buong katawanna parang nawalan Siya ng lakas lahat at wala nang natitirang kahit kunti.
Nilingon ni Gianna Ang babaeng may Ari ng boses sa kanyang likuran at muli pa siyang nabigla nang muli Makita ang babaeng huli niyang nakita bago Siya nawalan ng malay.
At Nagtataka din niyang nilibot Ang buong paningin sa kanyang kinalalagyan. At muling tiningnan ang babaeng nagmamay-ari ng kotseng kanyang nakasalubong Nita kanina. At labis siyang nagtatakang muli kung bakit magkamukha Sila nito.
"S- sino ka!? b- bakit magkamukha Tayo??" gulat na gulat niyang Tanong rito.
"Kumusta na Ang pakiramdam mo? nasa private hospital kita dinala,.ginasgas mo Ang kotse ko, but..it's okay. Natutuwa lang Ako nang Makita kita at na curious sa pagkatao mo, Hindi ko alam kung bakit magkamukha Tayo..kaya sekreto kitang dinala dito sa private hospital.." Wika ng babae.
"A- Ano, p- pero bakit nga magkamukha Tayo?? naiiba ka lang dahil halatang mayaman ka at Ako ay mahirap lang.." Mangha paring wika ni Gianna rito at Hindi hiniwalayan ng tingin Ang babaeng Kamukha niya.
"Bye the way, I'm..Ciamara Briones Fuentebella, ikaw?" pakilala at Tanong nito sa kanya.
"A- Ako? ahh.. Ako nga Pala si Gianna Mediana.,pero tawagin mo lang Akong GIA.." tugon Naman niya rito.
Simpleng hinagod niya ito ng tingin. Napakayaman siguro nito dahil sa postura nito.
"Nang una kitang makita Akala ko, lalaki ka,.babae ka Pala..at Kamukha ko pa. Wait, may ginawa kang mali diba?? ano' to?" Tanong ni Ciamara sabay angat ng Isang bag na kanyang inagaw mula sa matandang babae kanina na alam niyang mayaman dahil sa porma din Ng matandang iyon.
Nabigla naman siya nang ipinakita nito ang bag na inagaw niya kanina Mula sa matandang babae. At mailap Ang mga matang umiwas Siya Ng tingin rito at kinabahan baka isumbong Siya nito sa mga police.
"P-Patawad, maawa ka sa akin huwag mo Akong isumbong, nagawa ko lang Naman dahil kailangan ko ng Pera..nasa hospital Ang nanay ko ngayon at kailangan siyang ma operahan.." Umiiyak na wika ni Gianna.
"Sa susunod huwag mo na itong gagawin, ibalik mo ito kung sino ang nagmamay-ari Ari nito at Ako na Ang Sasagot sa lahat ng gagastusin sa hospital ng nanay mo, alam mo ba , pasalamat ka na Ako Ang nakasalubong mo, Hindi kita isumbong, na curious lang Ako sa pagkatao mo, labis Akong nagtataka kung bakit magkamukhang magkamukha Tayo.." Wika ni Ciamara.
Sobrang natuwa si Gianna sa narinig mula rito. Pero paano niya maibabalik Ang bag na inagaw niya sa may- ari? kumilos Siya at gusto niyang bumangon ngunit muling sumakit Ang kanyang buong katawan kaya muli siyang napabalik ng higa.
"Huwag ka munang kumilos. May mga sugat ka sa braso at sa balikat mo..at Meron din sa paa. Nagdududa Ako na may connection Tayo sa isa't- isa, dahil bukod sa magkamukha tayong dalawa ay agad kong nararamdaman Ang pagkaawa Sa'yo.. kaya habang nandito ka sa private hospital ay pa iimbistigahan ko Ang pagkatao mo, para masagot lang ang lahat ng katanungan ngayon sa isipan natin..kung sino ka talaga at kakausapin ko Ang mga magulang ko tungkol dito.. kailangang Sabihin nila sa akin kung may inilihim ba Sila tungkol sa pagkatao ko..Malakas Ang kutob ko na may connection Tayo sa isa't- isa .." Mahabang wika ni Ciamara.
"Ang nalalaman ko ay adopted lang Ako ng mga magulang ko.." Tugon ni Gianna Kay Ciamara.
at saglit na natigilan si Ciamara sa sinabing iyon ni Gianna.
Isa sa mga katulong ng mansion Nina Ciamara Ang pinabantay niya Kay Gianna sa hospital at maging ito ay labis na nagulat kung bakit kamukha si Gianna sa kanyang among si Ciamara.
Inusisa nga ni Ciamara Ang kanyang inang Si Mrs. Elizabeth Briones kung may kakambal ba Siya nang siya'y isinilang, at nagulat Siya nang Sabihin nito ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Hindi Pala Siya tunay na anak Ng mga ito at adopted lang din siya. Matagal na daw sana Ng mga itong Sabihin sa kanya Ang katotohanang siya'y adopted lang din , baka kung malalaman pa niya iyon sa iba at magagalit pa daw Siya sa mga ito. kaya nang mag open topic Siya about Kay Gianna ay Saka ito nagkaroon ng pagkakataong Sabihin sa kanya Ang tunay niyang pagkatao na siya'y adopted lamang.
"Ciamara iha, patawad .gustohin man naming ilihim ito Sa'yo, pero alam Kong darating din Ang Oras na malalaman mo rin Ang katotohanan..Ang totoo ay inampon ka lang namin..gusto Kasi ng dalawang kuya mo ngayon na magkaroon ng bunsong kapatid na babae pero di ko na iyon kayang ibigay pa sa kanila kaya Ang ginawa namin ng Daddy Apollo mo ay inampon ka namin sa Bahay ampunan.yes anak,may kambal ka,sa panahong kinuha ka namin ay di na namin naabutan Ang kambal mo dahil may umampon na ritong mag- asawa.dahil kung naabutan pa namin Siya ay tiyak na DalawA kayong inampon namin ngayon ng daddy mo. Kung nakita mo Siya ngayon, Walang Duda, Siya Ang kambal mong nahiwalay Sa'yo.." umiiyak na wika ni Mrs. Elizabeth Briones.
Di napigilang tumulo Ang luha ni Ciamara.
"Karapatan ko namang Malaman kung Ano Ang tunay Kong pagkatao ,bakit di niyo agad ito sinabi sa akin..mommy?? napakasayang ng mga panahong nahiwalay kami ng kambal ko sa isa't Isa..Wala na nga kaming mga magulang noon ay nagkahiwalay pa kami.sino ba Ang totoong mga magulang namin ..? bakit hinayaan niya lang kami? Naging maganda nga Ang kapalaran ko dahil kayo Ang naka ampon sa akin..pero Ang Kapatid ko ay kitang kita ko Ang kahirapan niya..at nakita ko na sumubok nalang Siya sa mga bagay na maaring ikakapahamak niya dahil sa kahirapan nila.." Patuloy Ang pagluhang wika ni Ciamara.
"I'm sorry iha, pero Huwag kang mag- alala anak..pweding pwedi Siya dito sa atin,kung gusto mo tulongan mo Siya..gusto kong makita Ang kambal mo Iha,. excited Akong Makita Siya.." Sabi ni Mrs. Briones.
Wala Ang kanyang Daddy Apollo dahil may importante itong pinuntahan sa America.at mga two weeks ito roon.ikinatuwa Naman ni Ciamara Ang narinig Mula sa kanyang kinilalang Ina..at tutulongan niya si Gianna sa kalagayan nito sa Buhay.
Pagkalabas ng hospital ni Gianna ay Tinulongan siya ni Ciamara at inabutan ng sobre upang panggastos sa kanyang kinilalang Ina.isinauli nga ni Gianna Ang bag ng matandang babae,Tama nga Siya at may cash iyon at mga ATM.meron ding mga importanteng mga gamit roon tulad ng mga ID nito at mamahaling cellphone.tinawagan niya Ang Isa sa mga Kilala nito gamit Ang cellphone nito,nagkukunwari lang siyang nakita niya Ang bag nito at Akala niya ay napaniwala niya ito.
"Alam mo bang Pina blotter ko na sa mga pulis Ang ginawa mo,alam Kong Ikaw Ang kumuha dahil Tandang tanda ko Ang pagmumukha mo! kahit may sombrero ka noong inagaw mo Ang bag Kong ito!" Sabi ng babae sa kanya.
"S- sorry po,kaya nga ibinalik ko dahil nakokonsensya po Ako,at Wala namang bawas kahit kunti Ang cash mo ma'am..at nandiyan lang din lahat ng ATM at mga importanteng gamit niyo..may malaking problema Kasi Ako sa hospital tungkol sa nanay ko.. sorry po talaga.." Paulit ulit na hinging patawad niya rito.
Mabuti nalang at biglang nawala Ang Galit sa Mukha nito.
"Sige, pinatawad na kita,pero sana Naman huwag mo nang uulitin itong mga kalokohang ginagawa mo,mas Lalo ka lamang maghihirap kapag gumagawa ka ng mga Hindi magaganda,Hindi ka pagpalain ng Panginoon sa mga ginagawa mo.." Sabi pa ng matandang babae.
"S- salamat po,makakaasa po kayo,Hindi ko na po gagawin ulit iyon.." pangako Naman ni Gianna.
"oh Sige..".
Na kunpirma nga ni Ciamara na si Gianna ay Ang kanyang kambal dahil sa result ng pagpapaimbistiga niya tungkol rito.inampon nga lang ito ng mga kinilalang magulang nito sa Isang Bahay ampunan kung saan din Siya kinuha noon ng kanyang mga kinilalang magulang ngayon.kaya kailangang matutulongan niya Ang kanyang Kapatid sa kalagayan nito ngayon.
Paano kung siya Ang nakuha noon ng umampon nito? idi Siya sana ngayon Ang naghihirap kaya Hindi siya makakapayag na habang Buhay na maghihirap Ang kanyang kapatid. nakadama ng tuwa si Ciamara,feeling niya ay parang di na Siya nag- iisa at may kakampi na Siya sa kanyang mga problema maliban sa kanyang mommy Elizabeth.
May matatawag na siyang Kapatid na babae at may masusumbongan na rin Siya sa personal na mga problema niya..