Chapter 15 - Makes you lovelier

1441 Words

"Successsss!" Nagtitiling pumasok si Lawrence sa mumunti namang opisina habang hawak nito ang sariling netbook. "Ano ba yan Lawrence, itago-tago mo nga yang kabaklaan mo. Ang sakit mo sa tainga." Iritadong saway dito ni Macky. Kasalukuyan kasi itong seryoso habang nakatutok sa loptop. "Tse! Inaway-away ka na naman ng asawa mo 'no kaya nagsusungit ka na naman? Kala mo naman ang guwapo mo para lagi kang pagselosan ng asawa mo." Pang-iinis pa lalo rito ni Lawrence. Akmang tatayo na si Macky para patulan ito kaya umawat na ko. "Hep, tama na 'yan. Ano ba kasi iyon bakla? Kung makasigaw ka diyan para kang manganganak." Paminsan-minsan talaga nagkakapikunan ang mga ito pero wala pa namang nauwi sa sakitang pisikal. Magkakaiba lang din talaga sila ng ugali. "Look at this madam!" Inilatag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD