Nauwi sa munting ungol ang kaninang pagpupumilgas ko ng tahasang halikan nito ang mga labi ko. Mariin, marubdob at tila sabik na sabik ang paraan nito ng paghalik. Nakakadala ang init ng hininga at dila nito na sumusuyod sa loob at labas ng aking bibig. Masarap, nakakaliyo. "f*****g lips, the sweetest I've ever tasted." Daing nito nang saglit na bitiwan ang mga labi ko para sumagap ng hangin. Sa muli nitong paghalik sa akin ay unti-unti na ring lumawag ang pagkakapiit ng kamay nito sa aking magkabilang pulso. Gumapang ang palad nito patungo sa aking pisngi habang ang isa naman ay mariing nakakapit sa aking baywang. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang mga palad. Nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa aking kalamnan. Nakakapanghina at nakakawala ng huwesyo ang pakiramdam na