Chapter 23 - Unlucky husband

1318 Words

"Grabe, ang galing mo kanina Ms. Lexy! Laglag ang panga ng mga taong nakapanuod sa'yo, lalo na ng mga afam! Kabogera ka madam!" Bungad ni Maggie ng makalapit ito sa'min ni Treece pagkababa ko ng entablado. "Naku, huwag mo na akong binobola. Libre naman ang autograph ko para sa'yo." Biro ko rito. "Pero bago iyon, meron bang restroom dito?" Naihi yata ako dahil sa kaba habang sumasayaw kanina. Sanay akong mag-perform pero hindi sa ganito karaming tao. Lahat yata ng tao sa bawat barangay dito ay dinayo ang plaza. "May malapit dito. Samahan na kita." Alok ni Maggie. Naiilang na tinignan ko naman si Treece. Nakakapit kasi ito sa baywang ko at base sa pagkakahawak nito roon ay parang ayaw nitong bumitaw. Ilang segundo muna itong tumitig sa mukha ko bago bumuntong hininga at pinakawalan an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD