CHAPTER FIVE

2342 Words
Switzel POV Tulala pa rin ako nang magawa kong bumalik sa dorm room ko. Hindi na ako nagkaroon ng lakas na bumalik sa room at kunin ang mga gamit ko dahil pakiramdam ko’y nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot at ayokong mahalata ng iba ‘yon. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na may nagtangka sa buhay ko? Paniguradong magpapanic lang sila gaya ko. Baka mapasama pa ang resulta kapag ginawa ko ‘yon. Nang makapaglinis ng katawan, minabuti kong lumabas muna ng aking kwarto. May parte rito sa building na kinaroroonan ko kung saan ay maaari mong matanaw ang malawak na open court ng paaralan. Kung gaano kabuhay ang RMA kapag umaga, mas buhay ito pagsapit ng hapon at mas lalo na kapag gabi. Kung nasanay lang ako sa ganitong sistema, iisipin ko na para akong nasa isang siyudad na may sariling mundo. Iyong tipong malayo sa nakasanayan pero may buhay. Tinanaw ko ang papalubog na araw. Nakita ko rin ang kakarampot na imahe ng buwan kahit na hindi pa naman tuluyang nilalamon ng dilim ang kapaligiran. Ang banayad na ihip ng hangin ang mas nagpalawak sa aking ngiti. “Switzel....” Agad kong nilingon ang may-ari ng tinig na tumawag sa akin. Nakita ko si Allyson at ang hindi maipintang mukha nito. Mukhang hindi naging maganda ang kinalabasan ng pakikipag-usap nila kay sir Orquez. “Can you accompany me to my room?” Nagtataka man sa pagkabalisa niya ay minabuti ko na ring samahan siya. Sana lang ay hindi ako maligaw pagbalik ko sa kwarto ko dahil sa dami ng pasikot-sikot dito sa girl’s dorm. She tapped her key card nang magawa naming marating ang kwarto niya. Pareho ang kulay no’n sa kwarto ko. Ang tanging pinagkaiba ay ang estilo namin ng pagdesinyo. “Maglilinis lang ako ng katawan,” aniya na agad ko namang tinanguan. “Feel comfortable, please.” I pressed my lips. Siguro’y nahalata niya na kahit papaano ay nag-aalangan akong gumawa ng kahit na ano sa kwarto niya. Nang makapasok na siya sa banyo ay saka lang ako naupo sa two seater sofa na naroon. Katapat lang no’n ang kama niya na hindi hamak na mas malapad kumpara sa kama ko. Wala siyang TV sa kwarto pero punong-puno ang kaniyang shelf ng maraming libro. Nang makatapos siya sa paglilinis ay nangiti siya nang bahagya sa akin. Siguro’y natatawa siya sa posture ko o hindi kaya naman ay dahil halata na hindi ako gano’n ka-komportable. “Sorry sa biglaang paghila sa’yo,” aniya. “Ayos lang ‘yon. Bakit nga pala?” Nanumbalik ang pangamba sa kaniyang mukha. Lumapit siya sa gawi ko at hinila ako palapit sa kama niya at do’n ay pinaupo ako. Siya ay nanatiling nakatayo at nagpapabalik-balik ng lakad. Halata ang pagiging kabado niya sa kung paano niya hinihilot ang kaniyang kamay. Nang hindi siya nagbibitaw ng kahit na anong salita ay minabuti ko nang sumabat ngunit para siyang walang naririnig. Inulit ko ang parehong kataga nang ilang ulit pero mukhang dedma ako sa lola niyo at kinacareer niya ang pagpapabalik-balik. "Allyson, please calm down." Hindi ko na alam kung pang-ilang beses kong sinabi sa kaniya 'yan. Hindi ko na natagalan ang pagkataranta niya. Tumingin ito sa akin 'tsaka umupo sa tabi ko. Salamat naman at kumalma na siya. Ako nahihilo sa kaniya, eh Ang sakit sa ulo na para siyang sirang plaka na paulit-ulit ang ginagawa. "Okay. Spill it! Anong dahilan at kanina ka pa parang sisilaban?" She sighed. "Ano kasi..may misyon kami ni Rain," aniya. Akmang tatayo na naman siya nang mabilis kong hinigit ang braso niya kaya muli siyang napaupo. Ayoko nang mahilo, please lang. "Okay, then. May misyon kayo and what's so scary about that? I'm sure sanay na kayo na binibigyan ng misyon. I mean, base na rin sa Academy kung saan kayo, well, lumaki or I don't know," sabi ko. I can't find the right words to say. She looked at me and I saw how worried she is by the way her jetblack eyes met mine. "Iba kasi 'to sa mga misyon na binigay sa amin noon. This time, may punishment kapag hindi kami nagtagumpay." My brow creased. "What punishment?" "Kick out." Napaamang ang bibig ko sa sinabi niya. Is she serious? Kick out?! Gano’n ba kalaki ang misyon nila para bigyan sila ng gano’ng parusa? Sa YG, tanging iyong may mabibigat na kasalanan lang ang nabibigyan ng ganyang parusa pero rito? Para lang atang rasyon ang gano’n. "Ano bang klaseng misyon 'yan at parang gano'n na lang kaimportante?" "Kailangan naming mahanap si mentor Athena..." and who's that pokemon? "Siya ang long lost elemental princess." I puffed my cheeks. "Long lost elemental princess? Eh, kung matagal na palang nawawala, bakit hahanapin pa? Also, kung gano'n kahalaga ang paghahanap sa kaniya, bakit hindi ang mga nakatataas ang gumawa?" "You don't understand Switzel," aniya at muling tumayo. Laking pasasalamat ko nang hindi na siya naglakad-lakad ulit, bagkus, tumingin lang siya sa akin sa gano’ng posisyon. "We were trained for this. We can't fail sir Orquez kasi parang sinabi na rin namin na walang silbi ang mga natutunan namin dito sa RMA." I was taken aback. "Ay, grabe ka naman! Hindi naman agad gano'n 'yon." "You don't understand, Switzel. Bawat misyon ay mahalaga. We can't fail." I bit my lip ‘tsaka tumango. Sa dalawang beses na inulit niya ang mga katagang ‘you don’t understand, Switzel’, siguro nga’y hindi ko pa maintindihan. "I'm sorry for that. Siguro kaya hindi pa kita maintindihan kasi hindi pa naman ako gano'n katagal dito but don't worry, naniniwala naman ako na kaya niyo. Hindi naman mahirap maghanap ng taong nawawala kasi imposibleng wala siyang iniwang bakas or clue man lang sa kung saan siya naroroon. Gano’n kasi napapanuod ko sa mga detectives sa TV.” Tumingin siya sa gawi ko na tila hindi makapaniwala sa huling tinuran ko. Hindi naman ako nagbibiro. Sa lahat ng detectives story, may clue. Kasi kung wala, edi goodluck. On second thought... “Pero Allyson, mahirap hanapin ang taong nagtatago. I really hope na hindi niya kayo tinataguan,” puno ng sensiridad na sabi ko. "Ako rin," she said. "I know she can hear me clearly kaya sana magpakita na siya kasi mukhang kakailanganin na naman siya ng Academy ngayon." Hindi ko siya magawang maintindihan but one thing's for sure, mukhang malaki ang naging papel sa Academy no'ng mentor Athena na 'yon. Base na rin sa parusang ibibigay sa kanila ni Rain kung sakaling hindi nila magawa ang pinapagawa sa kanila. Ilang minuto pa kaming nanatili roon, tahimik. Parehong nag-iisip. Alam ko na alam niya kung ano ang mga bagay na gumugulo sa akin but unfortunately, wala akong abilidad na gaya ng kaniya kaya hindi ko alam kung iyong tungkol lang sa misyon ang gumugulo sa kaniya. “Ally...” tawag ko sa kaniyang pansin. Agad niya naman akong nilingon. “Pwede magtanong?” “You’re already asking, Switzel,” aniya. Napakamot tuloy ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya naman iyon minemean sa mataray na paraan. Sa totoo nga’y, inosente pa ang kaniyang dating. "Medyo gulo pa kasi ako kung anong year na tayo rito o kung may gano'n ba," panimula ko. "Wala naman kasing nakalagay sa form na finill up-an ko noon." "Year?" She chuckled. "Walang gano'n dito. Pero kung itutulad sa pinanggalingan mo, siguro’y...” nagbilang siya sa kaniyang kamay bago muling tumingin sa akin. “Third year sa high school na. Incoming fourth year.” Napanguso ako. "Kaya ba wala rin tayong matinong subject? I mean, parang nakafocus kasi sa training ang curriculum. Nababother lang ako kasi hindi ko naman balak maging stunt woman pagkagraduate ko rito." Natawa siya nang bahagya dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa roon? Pangarap kong maging guro, malayo sa pagiging martial artist o kung fu master na tinuturo rito. "Ang funny mo," aniya. "Ganito na lang, sa madaling paliwanag, we were not called as defenders for nothing." "Paano kung sa mahirap na paliwanag?" She scoffed. "Seriously?" "Joke lang." Kahit papaano, nakaramdam ako ng saya dahil parang naalis ko siya sa mga bagay na iniisip niya. “Isa pa, bakit parang late kayo sa edad ninyo?” tanong ko. “I mean, don’t get me wrong pero mostly kasi, kapag third year ay kaedaran ko lang pero sa pagkakaalam ko, mas matanda kayo kumpara sa akin.” She nodded. “Tama ka, mas matanda kami kumpara sa’yo. I am eighteen and the rest of the defenders are eighteen na rin. Ikaw ang bunso actually,” aniya. “To answer your question, simple lang ang sagot. Magkaiba tayo ng kurikulum. Hindi umiikot ang buhay namin sa kung paano umiikot ang inyo.” “Allyson, hindi ka ba natatakot para sa sarili mo?” Puno ng pagtataka ang mga tingin na iginawad niya sa akin. “A great power comes with a great responsibility. Kung may ganyan kang abilidad, paniguradong nalalagay sa alanganin ang buhay mo.” She offered a warm smile. “We were born for this, Switzel. This is our destiny...” she paused. “Ikaw ba? Natatakot ka pa rin?” Hindi ako agad nakasagot. Do’n pa lang, marahil ay alam niya na na natatakot pa rin ako. Kung sakali nga na kagaya nila ako, ang daming panibagong tanong na uusbong. Kagaya ng kung paano nangyari ‘yon? May kakaiba ba sa katauhan ng mga kinilala kong magulang kung kaya ay may chance na kagaya ako nina Allyson? “Huwag kang mag-alala, hindi kita huhusgahan,” aniya. “Darating din ang oras na magagawa mong tanggapin lahat at sa oras na ‘yon, sana ay kasama mo pa ako.” Napangiti ako sa kaniyang sinabi. “Maraming salamat, Allyson.” “Maraming salamat din sa pakikinig, Switzel,” tugon niya bago muling tumayo. “Ihahatid na kita pabalik sa dorm room mo.” Agad akong tumalima sa alok niya. Hindi ko man naaaninag, alam kong gabi na. Kailangan ko na ring maghapunan at maghanda sa panibagong kabanata ng buhay ko bukas. Nang makaraan kami ulit sa pinanggalingan ko kanina, tanaw na tanaw ko na ang kabuuan ng buwan. Nangiti akong muli dahil sa tanawing iyon. “Ang ganda ng buwan,” wala sa sariling nasambit ko. “Ngunit kaakibat ng liwanag niyan ay ang dilim na nakapaligid dito,” ang sabi ni Allyson kaya nilingon ko siya. “Hindi maganda ang kahulugan ng buwan sa aklat ng propesiya kaya huwag mong masyadong mahalin ang ganyang tanawin. Masyadong mapanlinlang ang isang ‘yan.” Sa hindi mabilang na pagkakataon, hindi ko na naman makuha ang sinabi niya. Pero isa lang ang nasisiguro ko, napuno ng kaba ang aking dibdib sa kaniyang tinuran. Muli kong tinanaw ang buwan ngunit hindi gaya noong una, nag-ibang bigla ang pagtingin ko roon. SOMEONE'S POV Iminulat ko ang aking mga mata. Sinag ng araw ang siyang bumungad sa akin. Panibagong araw na naman pala. Kagaya sa mga nagdaang araw ay tila wala namang espesyal sa araw na 'to dahil gaya ng dati, hindi pa rin ako makalabas sa kung nasaan ako ngayon. Kumusta na kaya ang aking anak? Agad akong nag-ayos ng aking sarili nang may kumatok sa pinto ng aking silid. Pagbukas no'n ay bumungad sa akin si tata Eming. Binati niya ako ng magandang umaga at ibinalik ko iyon sa kaniya. Alam kong pansin niya na may bumabagabag sa akin. "Iniisip mo na naman siya ano? Ako'y lubos na nalulungkot para sa 'yo dahil hindi mo magawang puntahan ang iyong anak kahit na alam mo kung saan siya naroroon ngayon," aniya. "Siya nga pala, patuloy pa rin ang paghahanap sa 'yo nina Oliver. Mukhang wala siyang balak tumigil hangga't hindi ka lumilitaw. Anong balak mo?" Si tata Eming ang siyang tumutulong sa akin sa ngayon. Dati pa man ay isa na siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Kagaya ko, iba rin siya sa ibang tao sa mundo. Magaling siya pagdating sa panggagamot at maging sa pagbabasa ng mga nagaganap sa kasalukuyan. Siya ang nagsisilbing mata ko ngayong limitado ang kilos na maaari kong gawin. "Sa ngayon po ay hindi ko pa alam," tugon ko. "Ayokong gamitin ang kapangyarihan ko sa kanila. Ayokong makasakit ulit." "Kung ano man ang ginawa mo noon, ginawa mo 'yon dahil iyon ang tama at minsan may mga bagay na kahit ayaw mo ay kailangan mong gawin. Hindi na kita kailangang paalalahanan pa na huwag magpapahuli sa kanila dahil alam ko na alam mo kung ano ang kaya nilang gawin sa 'yo. Lalong-lalo na si Oliver," paalala sa akin nito. Agad akong tumango sa tinuran niya. "Alam na alam ko po 'yon tata. Pero hindi rin maalis sa isip ko na habang patuloy akong nagtatago ay mas lalo lang lumalaki ang gulo. Siguro ay oras na para magpakita akong muli. Oras na para magtuos kami ni Oliver dahil kung nakayanan ko siyang gawing masama, malamang ay kaya ko rin siyang talunin. Alam ko ang kahinaan niya." Pinanatili ko ang pagiging sigurado sa paraan ng pananalita ko ngunit isang buntong-hininga ang isinukli niya sa akin. "Sa aking palagay ay mas magkakagulo lamang kung magpapakita ka na," ang sabi niya. "Nararamdaman ko na hindi pa oras. Huwag mong kalilimutan na marami ang nagnanais na mahuli ka dahil ikaw ang may pinakamalakas na kakayahan. Alam kong kaya mong kontrolin lahat pero may kahinaan ka pa rin at 'yon ang gagamitin nila laban sa 'yo. At oo, marahil ay kilala mo si Oliver at alam mo ang kahinaan niya ngunit ilang taon na ba mula no'ng naglaho ka sa paningin nila? Hindi ka nakakasiguro na ang Oliver na kilala mo noon ay ang Oliver pa rin na makakaharap mo ngayon. Mahirap sumugal sa ganitong bagay." Napabuntong-hininga ako dahil sa tinuran niya. May punto siya at hindi ko nagugustuhan na masyado akong nagpapadalos-dalos sa aking desisyon. Hindi ko na naman alam ang aking gagawin. "Athena," pagtawag sa akin nito. "Konting oras pa." Bahagya akong napangiti."Konting oras na lang din ang hihintayin ko at maaari na akong bumalik ulit sa Academy. Kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin ko na walang mapapakinabangan sa akin ang mga kampon ng kadiliman." "Malapit na nga pa lang sumapit ang kaniyang ika-labing anim na kaarawan ano?" Agad akong tumango bilang tugon. "Hahayaan na kita sa kung ano ang maging desisyon mo. Sa ngayon, ihanda mo muna ang iyong sarili dahil hindi na biro ang iyong haharapin sa iyong pagbabalik. Nga pala, ako'y pumasok dito para sabihin na handa na ang agahan. Hihintayin na lamang kita sa labas." Mabilis siyang lumabas ng aking silid. Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumitig sa gawi ng munting bintana na nasa aking silid at damhin ang kakarampot na hangin na pumapasok doon. Hindi ko maiwasang mapaisip. Wala akong makapang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Ngunit iisang bagay lang ang sigurado ako at iyon ay ayokong madamay sa gulong 'to ang anak ko. Ayaw kong masaktan siya dahil sa akin. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nangyari 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD