CHAPTER FOUR

1789 Words
SOMEONE'S POV "Master, may bagong estudyante ang Academy, baka siya na ang hinahanap natin," sabi sa 'kin ng isa sa mga taong inutusan ko na magmanman sa kabilang Academy. Agad ko munang isinalin sa isang kopita ang natitirang wine sa bote na hawak ko at diretsong ininom iyon bago ko siya nilingon. "Kumalap pa kayo ng maraming impormasyon tungkol sa bagong estudyanteng 'yon. Kung siya na nga ang matagal ko nang hinahanap, dalhin niyo siya sa akin.” Bahagya itong yumuko sa akin. Agad din naman siyang umalis sa paningin ko. Sumenyas ako sa nagbabantay sa may pintuan ng silid ko na magdala pa ng panibagong alak at mabilis naman niyang sinunod iyon. Iniabot niya ang panibagong bote sa akin at saka umalis na rin. Mula sa bintana ng silid na kinaroroonan ko, napatitig ako sa buwan na buong-buo ang pagkakabilog ngayon. Ang liwanag nito’y tunay na nakakahumaling. Napapangiti ako sa ideya na mukhang malapit na akong maningil sa mga taong may utang sa akin. Nang maibaba ko ang aking kopita, nagbigkas ako ng mga salitang ako at ang mga kauri ko lamang ang nakakaunawa. Sa isang iglap, mas nagliwanag ang sinag ng buwan na tumatama sa akin. Dinama ko kung paano ako tila sambahin nito. Ikinumpas ko pang muli ang aking kamay at may mga butil ng liwanag mula sa buwan ang napunta sa aking palad. Mula roon ay umusbong at nagliwanag ang tatak sa aking palad, isang tatak na mula nang bitawan niya ay ako na ang humawak.  Nawala lamang ang liwanag nang isara ko ang aking kamay. Kumusta na kaya ang dating tagapangalaga ng buwan? Switzel POV Sabi ni mentor Aphrodite ay wala muna kaming pag-aaralan sa ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano dahil walang klase. Naiisip ko tuloy na baka wala akong matutunan sa school na ‘to at puro kaba at takot lang ang maramdaman ko dahil sa araw-araw na nagwoworry ako sa mga nakakasalamuha ko. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang nangyari noong unang araw ko. Kung may sakit lang ako sa puso, paniguradong inatake na ako. Pakiramdam ko rin ay maaga akong magkakahigh blood dahil sa dalawang epal sa paaralang ‘to. Mukhang gagraduate ako rito na marami na akong sakit.  Imbes na makihalubilo sa ingay sa room ay naisipan ko na lang na maglibot-libot sa school, wala rin naman kasi sina Rain at Allyson dahil ipinatawag sila sa head office ni sir Orquez. Alangan naman tumunganga ako habang hinihintay sila. Hindi pa naman ako sanay sa masyadong tahimik, gawa na rin na napakadaldal talaga nina Yna at Aly. Speaking of, kumusta na kaya silang dalawa? Sa paglalakad, napadpad ako sa may baba ng burol na kinaroroonan ng Academy. Bumaling pa ako sa aking likuran. Tanaw ko pa rin ang paaralan mula sa pwesto ko pero hindi hamak na mas gusto ko sa parteng ito. Pinagmasdan ko ang mga punong nasa aking paligid. Hindi ko maikakaila na lamang na lamang ang school na ‘to kumpara sa dati kong paaralan. Napakaganda nito dahil para ka lamang nag-aaral sa isang lugar na hindi pa gaanong nilalamon ng modernisasyon dahil puro luntian pa ang kulay sa paligid at napakasariwa rin ng hangin. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon. Even the crunching of dried leaves can be heard. Nakakabother, at some point, na walang estudyante ang nagagawi sa parteng ito. Kung bakit, ay wala akong alam. Siguro sociable lang talaga ang mga estudyante rito at as gusto nila sa mga lugar sa paaralan na marami silang nakakasalamuhang tao. Kung gano’n nga, edi sana all. Hindi ko kayang makipagsocialize nang hindi inuunahan. Kung hindi nga ako pinansin ni Allyson ay sure ako na wala akong papansinin sa kanila sa classroom. Malay ko ba kasi kung gusto nila akong makausap, hindi ba? Dahil sa pagod, naisipan ko munang magpahinga sa isa sa mga malalaking puno na naroon. Sobrang nakakakalma ang tanawin sa ilalim ng lilim. Ngayon ko lang napansin na maayos ang pagkakahilera ng mga puno. Kumbaga'y nilaan talaga ang gitna para magsilbing daan. Ipinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang masarap na simoy ng hangin. In here, I am at peace. Ngunit hindi pa man ako nakakatagal sa gano'ng posisyon, nakaramdam ako ng kung anong tumama sa aking pisngi, dahilan para mapamulat ako at mapatayo agad. Ilang sandali pa ay may hapdi na akong nararamdaman sa bahaging iyon ng aking mukha. Nakita kong nakatarak sa puno ang isang uri ng patalim.   Dali-dali kong hinanap kung saan galing ang patalim na iyon. Napakabastos naman ng nagtapon nito! kita namang may nagpapahingang tao tapos tatapunan ako? Take note, hindi ng kalat kundi ng kutsilyo pa! Napahawak din ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang likidong umagos mula roon. Awit, nagsugat pa nga.  "Kung sino ka mang kumag ka na nagbato na lang basta-basta ng kutsilyo sa direksyon ko, magpakita ka!" sigaw ko. "Don't be a coward! Show yourself!" Hindi ba talaga uso sa school na ito ang good manners?! Lumakas ang ihip ng hangin at ramdam na ramdam ko ang kakaibang pakiramdam na dala no'n sa akin. Tila babala na dapat akong mag-ingat dahil may paparating na trahedya. At hindi naman ako nagkamali dahil bago pa ako makagawa ng kahit na anong galaw ay may biglang umatake mula sa aking likuran. His movements were too fast for my eyes to cope up. Ni hindi ko nakita kung babae siya o lalaki o kung kilala ko siya o hindi. Napasinghap ako nang maramdaman ang malamig na metal sa leeg ko. "Napakaganda ng sugat na aking binigay sa iyo, hindi ba? Nagustuhan mo ba ang markang iyan?” Bakas sa boses niya ang pagbabanta. Ang lamig no'n ang tuluyang nagbigay ng kilabot sa buong sistema ko. Hindi ako sanay sa rehistro ng boses niya, masyado itong malalim.  "Anong kailangan mo?" I tried my very best to sound calm. Sa loob-loob ko'y humihingi na ako ng tulong sa kung sino. Sana'y umabot kay Allyson ang naiisip ko ngayon. I badly need their help! "Ikaw ang sisira sa lahat ng pinaghirapan niya, kaya ngayon pa lang ay tatapusin na kita!" Napapikit ako dahil alam kong tuluyan niya nang itatarak sa aking leeg ang kaniyang hawak na patalim ngunit ilang segundo na akong naghihintay ay walang patalim na kumikitil sa aking hininga. Iminulat ko ang mga mata ko at do'n ko nakita ang isang lalaking nakabulagta sa aking paanan. May dugo na nagmantsa sa daan at ang dugong iyon ay nagmumula sa kaniya. Nakaitim ito at may maskarang suot. Tumingin ako sa paligid para hanapin kung sino ang may gawa no'n at do'n ko rin napansin ang lalaking unti-unting naglakakad palayo sa aking kinaroroonan. "Sino ka?" Hindi ko na napigilan na lumabas ang takot na nararamdaman ko nang bitawan ko ang mga salitang iyon. I took series of deep breathes upang pigilan ang nagbabadya kong luha. Pinilit ko ring tatagan ang tindig ko dahil nanlalambot talaga ang aking tuhod. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit may nagbabanta na agad sa buhay ko gayong baguhan naman ako rito. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha pero may napapamilyaran ako sa itsura niya. Siguro, dahil na rin sa asul niyang buhok kaya nahihirapan akong maalala kung saan o sino. Napansin ko ang pagbuntong-hininga nito at saka ito naglakad muli papalapit sa akin. Nang magkaharap na kami ay tinignan niya ang katawang nakahandusay sa may paanan ko bago ibinalik sa akin ang kaniyang mga mata. "Sa susunod, huwag kang magpahinga rito. Kung gusto mong maging ligtas, don't let your guard down," sabi nito sa kalmado ngunit sobrang seryoso na tono ng pananalita. “Walang barrier na poprotekta sa iyo.” My jaw dropped. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinignan bago ko nabitawan ang salitang, "Sa...lamat." Bumuntong-hininga ulit ito bago nagsambit ng kung anong mga salita. Hindi ko siya naintindihan ngunit pareho sila ng lenggwahe ni Doll. The last thing I know, wala na sa paanan ko 'yong katawan no'ng taong nagtangka sa buhay ko. Naramdaman ko rin ang paggaling ng sugat sa aking pisngi at paglinis muli ng damit na suot ko. Parang walang nangyari. Estudyante rin ba siya rito? "Mukhang ikaw ang bagong estudyante rito sa Academy at mukhang wala ka pa ring kakayanan na ipagtanggol ang sarili mo," aniya. Sa kabila ng panginginig, sinikap kong sumagot. "Hindi ko rin alam kung saan galing ang taong 'yon at hindi ko ma-gets kung bakit bigla-bigla ay may magtatangka sa buhay ko. Una pa lang ay alam ko na. Dapat talaga’y may security guards dito.” Sinubukan kong magbiro, hoping that it would ease my nervousness. His lips rose up because of it. "Sa tingin mo ba, kailangan ng mga estudyante rito ang manigbantay?" He asked me, bakas sa tono ang pangungutya. "Hindi mo ba nakita ang ginawa ko sa bangkay kanina? We are capable of doing everything. One piece of advice, mag-ingat ka na lang. Mainit ka sa mata ni...” He cleared his throat. "Never mind. Hindi pa oras para makilala mo siya." Akmang aalis na siya pero mabilis kong hinigit ang braso nito. Nang makita kong nakatingin siya sa kamay ko ay mabilis akong bumitaw. Nakakahiya. "Sino ka?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina na hindi niya sinagot. "Nag-aaral ka ba rito?" He sighed again. Favorite hobby niya ata ang bumuntong-hininga. "I'm Ry. Ry Guzman at hindi na ako rito nag-aaral. Estudyante ako ng Black Wizard Academy at 'yong umatake sa iyo kanina ay mula rin doon," sagot nito. "Hindi maganda na marami kang nalalaman. Aalis na ako, Switzel Valderama." Bago pa man ako makakontra, bigla siyang naglaho na parang bula. Halos atakehin naman ako sa puso dahil sa pinaggagagawa niya. Napakaraming palaisipan ang iniwan sa akin ng taong iyon. Una, Guzman ang kaniyang apelyido. I'm sure, I heard that surname before. Hindi ko lang matandaan kung saan o kailan. Second, nabanggit niya na hindi na siya rito nag-aaral so it means na taga-rito siya dati. What happened? Kusa ba siyang umalis o may nagpaalis sa kaniya? Third, mula rin sa kaparehong eskwelahan niya ang umatake kanina sa akin. Ang tanong, bakit? Bakit ako inatake ng taga ibang eskwelahan at bakit ako tinulungan ni Ry? Last, paano niya nalaman ang pangalan ko? Habang tumatagal ako sa lugar na 'to, lalo lang akong nahihirapan na sagutin ang mga katanungan sa isip ko. Napakaraming tanong na walang kasagutan. Nananatiling misteryo lahat. Napatingin ako sa huling pwesto kung saan ko nakita si Ry. Hindi ko na malaman kung ilang minuto akong nakatitig doon. Napahawak rin ako sa pisngi kong tinamaan ng kung anong patalim kanina. Ry...sa palagay ko ikaw ang sagot sa lahat. Nawa'y magkita pa tayong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD