CHAPTER SIX

2080 Words
Switzel POV Papunta na kami nina Allyson at Rain sa cafeteria dahil break time na, Pagpasok ko kanina, sobrang ipinagpapasalamat ko na walang nawala sa gamit ko na naiwan ko sa room matapos may mangyaring kakaiba sa forest na parte ng paaralang ito. Mukhang wala namang magkakainteres sa gamit ko dahil, well, mas lamang naman sila kumpara sa akin. Aanhin pa nila ang gamit ng isang mortal na gaya ko? Cellphone ko lang naman ang nando’n na wala namang signal dahil pinagkaitan ng cell site ang lugar na ito at ang aking wallet na ang laman ay ang allowance na bigay nina mommy at mayroon ding binigay ng school sa akin. Hindi ko rin alam kung para saan ko pa iyon gagamitin dahil ayon sa rule book ng school na ito, pwede kaming pumunta sa kahit na anong bilihan na gusto namin at malilibre naman kami roon. As long as nasa loob ito ng Academy. Hindi ko tuloy mapigilang hilingin na sana ay mayroon ding gano’ng patakaran sa mundo ng mga mortal dahil nakakaurat na simpleng kanin at ulam lang sa school ay seventy five pesos na. Partida, giniling pa lang ang ulam mo no’n! Nang makarating kami sa cafeteria ay hindi kami nahirapang maghanap ng mapepwestuhan. Feel ko rin ay parang may weird sa araw na 'to pero araw-araw naman ata weird habang nandito ako sa Academy na 'to. Speaking of Academy, ‘di ko pa rin alam kung bakit ang weird ng pangalan ng school na 'to. Mahilig ba si sir Orquez sa mga prinsipe't prinsesa kaya gano’n ang naging pangalan? Epekto nga naman ng mga fairy tales. "Earth to Switzel. Yohoo!" kumakaway na kamay ni Allyson ang bumungad sa akin. Masyado na ata akong nilalamon ng mga iniisip ko. "So, pumunta ba tayo rito sa cafeteria para tumunganga? Kaloka kayo!" ang sabi ni Rain. Napakamot ako sa batok ko. "Hindi pa ba kayo umoorder? Dapat nauna na kayo pasaway!" Allyson rolled her eyes on me. "Alangan naman iwan ka namin na nakatunganga jusko! Sumasakit ang ulo ko sa kakaintindi ng mga naiisip mo. Pati pangalan ng school ay napagdiskitahan mo pa isipin.” “Nagtataka lang naman kasi ako. Tunog pang-disney kasi ‘yong name ng school.” “Disney?” Rain laughed. “Iyon ba ‘yong may spongey like character na nakatira under the sea sa isang pinya?” Natawa ako sa way ng pagdedescribe niya kay Spongebob. “Nickelodeon ‘yon. Iyong Disney ay iyong may mga prinsipe’t prinsesa na kadalasan ay nag-uumpisa sa once upon a time.” “Na nagtatapos sa happily ever after,” dugtong ni Allyson. “Wow, alam mo ‘yon?” Bakas ang pagkamangha sa tinig ko. Nagkibit balikat ito. “Nakapanuod ako ng isa noon. Iyong may mahabang buhok na ginto na umiilaw. Kung hindi ako nagkakamali, nakakulong siya sa tore no’n. Maganda.” "Tangled! Isa rin sa mga paborito ko 'yon!" Hindi ko napigilan ang maexcite dahil do'n.  "Grabe 'yong feels no'ng nagpalipad na sila ng mga lanterns, 'no?" "Paramdam lang ako kasi baka lang naman makalimutan n'yo na nandito ako," ani Rain. "Hindi ako makarelate." Natawa kami pareho ni Allyson sa sinabi niya. Nagkwentuhan pa sila ni Rain tungkol doon. Tanong na kasi nang tanong ang isa kay Allyson. Hindi naman nakakagulat dahil bukod sa walang signal sa lugar na ito ay wala ring TV sa bawat kwarto. Kung paano nakapanuod si Allyson noon ay wala akong ideya. Iniisip ko na nakapunta siya sa mundo ng mga mortal at some point pero mukhang malabo naman dahil ayon sa rule book ay bawal lumabas ng paaralang ito. Bale, makakakita ka lang talaga ng ibang tao kapag may bumisita sa iyo na mga mahal mo sa buhay.  Inagaw ng presensya ng kakapasok lang na damuho ang pansin ko. Agad na nag-init ang ulo ko. Nakapamulsa ito ay tila ramdam na ramdam ang dinadaanan niya. Napairap ako dahil doon. Tss, akala mo naman kung sinong model! “Lipad ka na naman!” Napadaing ako sa pagtapik ni Rain sa braso ko. “Ano na naman iniisip mo this time?” "Ano nga ba ang dapat na tanong o sino?” Nangiti sa gawi ko si Allyson. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tono ng pananalita niya. “Hala, bakit sino? May nakita ka bang gwapo sa paligid?” Agad na inikot ni Rain ang mata niya. Huli na para pigilan ko siyang makita rin si Ace. Napasimangot ako lalo no’ng pareho silang nagpakita ng ngiting aso. “Kaya naman pala okupado,” panunukso pa ni Rain. I rolled my eyes on them. “Hindi ko iniisip si Ace, kung siya ang tinutukoy ninyo,” depensa ko. "Pahalata ka masyado!” Muli akong tinampal ni Rain sa braso kaya napadaing ako ulit. Ang bigat ng kamay niya! "Wala kaya akong sinasabing pangalan. Ikaw ha.” "Uwian na po mga kaibigan dahil may nanalo na,” panunukso ni Allyson na animo’y tatayo pa. Agad ko namang hinigit ang kamay niya paupo. “Nabihag na po ni Ace ang puso ni Switzel Valderama.” Sabay silang natawa matapos iyon. In all fairness, nagrhyme. Lumingon ako sa gawi ni kupal Ace at nakatingin din ito sa gawi namin. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naiiling na lang siyang nag-alis ng tingin sa amin. Muli kong nilingon sina Allyson. Nakangiti pa rin sila na parang ewan. "Walang kagusto-gusto sa kumag na 'yon kaya huwag niyo ipilit.” Inakbayan naman ako no’ng dalawa at alam kong may kasunod ang pag-akbay nilang 'yon. "Alam mo, okay lang naman magkacrush,” ani Allyson. “Normal 'yan. Hindi ka rin naman namin masisisi if crush mo si Ace kasi—" hindi natapos ni Allyson ang sinasabi niya dahil may biglaang sumingit. Sa boses nito, hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino 'yon. Mukhang uso naman sa lugar na ito ang singitan. Thankful naman ako sa pagsingit niya atleast naputol ‘yong pang-aasar sa akin. "Sinong may crush kay Ace?" mataray na tanong no’ng impaktita—este ni Doll. Mukhang kasama rin sa ability ng isang 'to ang sumulpot bigla-bigla sa kung saan-saan.  "Eavesdrop much?" balik tanong din ni Rain sa mas mataray na tono ng pananalita. Napangisi naman ako. Heto inaabangan ko sa school, kahit noon pa man. ‘Yong mga suntukan o kahit na anong uri ng gulo. "Kelan pa naging sagot sa isang tanong ang isa pang tanong?" tugon ni Doll. Reyna rin talaga ng katarayan 'tong isang 'to, eh. Siguro puro ampalaya tinira no'ng mmmy niya no'ng pinagbubuntis siya. If that's the case, dapat magpasalamat si Doll dahil ugali lang ang mapait sa kaniya. Kung naging kulubot pa ang appearance niya, ewan ko na lang. Kung naging green siya tapos kulubot, mas ewan ko na lang.  "Ngayon-ngayon lang," pamimilosopa pa ni Allyson. “Pwede ba, Doll? Nananahimik kami rito.” Woooh! Let's go guys! Sapakin niyo na dali. Promise, ‘di ako aawat! Napansin ko ang pag-alis ni Ace sa lugar. Bigla naman akong pasimpleng kinurot ni Allyson sa tagiliran kaya naibalik ko sa kanila ang tingin ko at saka impit na dumaing. Tinignan ko siya nang masama. “Privacy naman, oh!” ani ko. Nang lingunin ko si Doll ay matatalim na tingin nito ang sumalubong sa akin. Oh, anong kasalanan ko? Nang mapagtanto ko na kung bakit, dali-dali kong natakpan ang bibig ko. "Oh look! Ang ating magiting na transferee. And say what? Privacy? I don't care about privacy kung si Ace ang pinag-uusapan," sabi ni Doll sa akin. Great! Ako na naman ang napagbuntunan. Hindi naman kasi para sa kaniya 'yon eh. Tsk. Epal. "Wait,” Doll paused at saka lumapit sa akin. “Feeling ko ikaw ‘yong sinasabi nilang may crush kay Ace.” Bigla siyang tumawa. Iyong tipo na nakakainis sa pandinig dahil sa arte ng tunog. I scoffed. "Kahit si Ace na lang ang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko siya papatusin. Mataas naman ang standard ko sa lalaki like duh! Iyong-iyo siya kaya huwag kang mag-alala!" "Ikaw transferee, huwag kang masyadong pabida, ha!” Napaamang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hala! Ako pa nga ang pabida! 'Teh, sana okay ka lang. Nang akmang magsasalita na ako ay tinulak niya nang bahagya ang balikat ko. Dahilan para mapaatras ako nang konti. Masakit 'yon, ah! “Kung ano o sino man ang akin ay akin lang. Hindi ako mabait para ishare kung ano man ang mayro’n ako," sabi nito. "Alam mo I pity you. Kasi bukod sa wala kang ability, mukhang hindi ka rin naturuan ng tama ng mga magulang mo. Tell me, ganyan din ba kahaliparot ang nanay mo?" Awtomatikong sumama ang mukha ko sa narinig. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabi niya tungkol kay mommy. How dare her! "Doll, please, leave us alone,” ani Allyson. “Labas ka sa kung ano ang pinag-uusapan namin. Besides, you don't own anyone. Sa pagkakatanda ko, bestfriend mo lang si Ace noon.” Hinawakan ni Allyson ang braso ko na parang pinipigilan niya akong gumawa ng ikasasama ko pero huli na ang lahat. Kung hindi magawang prenuhan ni Doll ang bibig niya, hindi ko na rin pipigilan ang sarili kong gumawa ng masama sa kaniya. Besides, she asked for this. Kinalas ko ang pagkakakapit sa akin ni Allyson at lumapit ako kay Doll. Ngayon ay magkatapat na talaga ang aming mga mukha. Mas matangkad siya sa akin nang konti pero hindi iyon sapat para maintimidate ako sa gaya niya na walang respeto sa magulang ng iba. I slapped her! Rinig na rinig ako ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko dahil sa ginawa ko kay Doll. Ramdam ko rin ang bilis ng aking paghinga matapos kong gawin 'yon, maging ang pag-init ng palad ko. Inis na inis siya nang muli niya akong lingunin. Napahawak din siya sa kaniyang pisngi kung saan dumapo ang palad ko.  "Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang inis mo sa akin but still, I'm handling that very well. Pero ‘yong idadamay mo ang mga magulang ko, lalong lalo na ang mommy ko, that's over the belt, young lady.” Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso at hinila pa siya papalapit sa akin. "Ouch! Bitawan mo nga ako!" Hindi ko pinansin ang pagpupumiglas niya, bagkus ay mas diniinan ko pa ang pangkakahawak ko sa kaniya. "Kung may galit ka sa akin, sa akin mo lang ibuhos lahat. Wala man akong ability, atleast I'm not like you that will stooped this low para lang sa isang lalaki na hindi mo naman pala pagmamay-ari. You know what, if gusto mo si Ace, go on! Gusto mo lagyan mo pa siya ng 'personal property of Doll' para malaman ng lahat na sa 'yong-sa 'yo siya. Kung gusto mo si Ace, isaksak mo siya sa baga mo! Tandaan mo 'to, bago ka manghusga, tingnan mo muna ang sarili mo dahil baka ang mga pinupuna mo sa ibang tao, sa sarili mo dapat ipuna. Sana kung gaano ka kaganda, gano’n din kaganda ugali mo. Huwag kang puro panlabas na anyo lang.”  This time, I was the one who pushed her. Muntikan pa siyang ma-out of balance dahil do’n. Sinalubong ko ang nangangalaiti niyang ekspresyon. "Ang kapal ng mukha mo para sampalin ako at sabihan ako ng kung ano-ano! Bakit sino ka ba sa tingin mo, ha?! Hindi hamak na bagong salta ka lang dito! I can kill you, right here, right now!” "I may be a nobody for now pero one day, I'll make sure na magiging sunod-sunuran ka sa akin.” I smirked at saka muling bahagyang lumapit sa gawi niya. “Kill me? Delusional. Ienjoy mo na ang araw mo with your manipulating ability na hindi naman gumana sa akin.” Her face is red and I bet, I am, too. Nangangalaiti ako dahil sa sinabi niya kay mommy. Anong karapatan niya na ijudge si mommy nang gano'n-gano'n lang? You don't judge someone you don't know! "Tandaan mo 'tong araw na 'to Switzel Valderama!” She pointed her fingers on my direction. “I'll make sure na magbabayad ka!" "Sabihin mo lang kung magkano, I'll pay you. May interest pa," pahabol na pang-aasar ko. Bakas pa rin sa tinig ko ang inis.  Nang magawa na niyang umalis ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Naramdaman kong muli ang panginginig ng katawan ko ngunit kung nakaraan ay dahil sa takot, ngayon ay dahil sa galit. "Calm down Switzel," bulong sa 'kin ni Rain at saka ako inalalayang maupo. Si Allyson naman ay umalis para kumuha ng tubig. Nang makabalik ito ay agad niya iyong iniabot sa akin. Hindi ko inaasahang makakagawa ako ng gano’ng bagay. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakasampal ng tao. Ramdam ko pa rin ang init sa palad ko kaya nasisiguro ko na napalakas ang pagsampal ko sa kaniya. Bigla akong tinamaan ng guilt. She deserves it pero bakit parang nilalamon ako ng konsensiya ko? Dapat ba akong humingi ng tawad? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD