Kabanata 2

1104 Words
Kabanata 2 "Aalis na po kayo ma'am Julie?" tanong pa ni Mang Noel, ang guwardyang kausap niya kanina nang pumasok siya. "Ay oo chief, sige po. Bukas po ulit chief." Sumaludo pa siya sa matanda bago tuluyang lumakad at huminto sa paradahan ng mga taxi. Bigla namang may bumusina ng malakas dahilan para magulat siya ng todo. Mumurahin niya na sana iyong driver ng kotse pero agad na umurong ang kanyang dila. Ang binatang amo ang kanyang nakita habang nakasakay sa magarang Lamborghini Aventador na kotse. Nakababa ang dalawang bintana ng kotse nito at nang magtama ang kanilang mga mata ay bahagya pa siya inismiran nito. Napangiwi si Julie at napairap sa kawalan. Suplado! Pumara na siya ng taxi at agad din naman siyang nakahanap ng masasakyan. "Manong, sa Villaraza Medical Hospital po," aniya sa tsuper. Tumango lang din naman ang driver ng taxi na kanyang sinakyan. Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ng dalaga na mapaisip. Kung makukuha niya ang license ng maaga bilang isang certified registered nurse ay paniguradong gaganda ang buhay niya at makapagpapadala na siya ng malaking pera sa probinsya. Nang makarating si Julie sa ospital ay agad niyang nakasalubong si Jezen, ang kanyang matalik na kaibigan. "Jezen!" tawag niya at agad na yumakap sa kaibigan. "Ang tagal mo naman Julie! Kanina pa ako rito e!" Napanguso siya sa kaibigan. "Inutusan ako e. Bakit ka naparito? Wala ka bang klase ngayon?" tanong ni Julie sa kaibigan. Hindi kasi ito naka-uniform. "Mamaya pa ang klase ko, exam ngayon ng mga bata. Dinalaw lang kita at saka para naman maibigay ko ito sa iyo." Ipinakita naman ni Jezen ang kanyang dalang paper bag kay Julie. "Ano naman ito?" anang Julie sa kaibigan. "Night gown!" pilya pang sagot ng kanyang kaibigan. Agad na namilog ang kanyang mga mata at nakutusan ito. "Baliw! Ano nga!?" Napakamot naman sa leeg ang kanyang kaibigan at mukhang hindi yata maganda ang kutob niya rito. "Ano kasi..." "Kasi ano?" aniya. "Kainis naman kasi! Naalala mo? Si Jarsey? Iyong pinsan ko? Iyon! May project sa school. Kailangan mag-interview ng doktor." Napaismid siya. "Sinusuhulan mo na naman ako, 'no?" panghuhuli niya sa kaibigan. Agad na umiling ang kanyang kaibigan. "Very slight! Pagkain ang laman nito at saka questionnaire." Agad na natampal ni Julie ang kanyang noo. "Sige na naman Julie. Konting mga tanong lang naman ang nandito e." Kinuha pa nito ang maliit na kuwarderno at ipinabasa sa kanya. "Ngek! Ito talaga? Eh parang slumbook question ito e!" maktol niya nang mabasa ang mga tanong sa notebook. Para kasing ninja moves lang ito ng isang teenager na may crush sa isang doktor. Dinaig pa ang resume nito. "'Di ba ang sisiw lang ang mga tanong," wika pa nito sa kanya. Napangiwi siya. "Sige na nga. Oh siya, late na ako sa shift ko, ingat ka," aniya sa kaibigan. Mahigpit niya pa itong niyakap at humalik sa pisngi. "Ingat ka rin!" pahabol pa nito. Kumaway lang siya sa kaibigan. Nang masagi bigla sa isip niya kung anong klaseng doktor ba ang dapat niyang tanungin. Tumakbo siya ulit palabas at nang makitang hindi pa nakalalayo ang kaibigang si Jezen ay agad niya itong tinawag. "Jezen! Bruha ka! Anong doktor ba 'to!" Nilingon naman siya nito. "Isang heart surgeon!" sagot nito sa kanya. Napatango rin naman siya. Doktor pala sa mga puso ang dapat niyang tanungin tungkol dito. Ang tanga! Hindi siya malapit sa mga doktor dito sa ospital. "Julie! Late ka na!" sigaw ni Nurjan sa kanya. Head ito ng utility service ng ospital at naging matalik niya rin itong kaibigan. Agad siyang napakilos at nag-time in sa kanyang shift. "Hulog ka ng langit Nurjan!" "No problem!" anito. Nang papunta na siya sa emergency room ay nakasalubong pa niya ang binatang amo. Tiningnan lang siya nito at nilagpasan na. Mukhang dapat na nga siyang masanay na ganito ang ugali nito. Pinilig na lamang niya ang kanyang ulo at nagsimula nang magtrabaho. Halos mahilo na si Julie sa kaa-assist sa mga doktor sa emergency. Kanina pa ang break niya pero hindi niya magawang mag-break dahil mas kailangan niyang unahin ang kapakanan ng mga pasyente. Bigla namang tumunog ang kanyang cell phone at muntik pa niya itong mahulog. "Hello?" sagot niya agad nang 'di man lang tinitingnan kung sino ang caller. "Come right here at my office," anito sa kabilang linya. "Sir Clayd?" aniya nang makilala ang boses. "Now Julie!" Agad niyang inilayo ang cell phone sa tainga. Ibig niya yatang mapamura. Puwede naman siyang utusan ng kalmado. "Doc. may I excuse for moment?" Agad na sumama ang aura nito sa kanya. Doc. Klaire glared at here. "Can't you see how busy we are!? If it's not life and death, drop it!" singhal nito sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig. Ngunit kung hindi siya susunod sa binatang amo, posibleng matanggal siya sa trabaho. Mariin niyang nakuyom ang kanyang mga kamao. "Si Doc. Villaraza po ang nagpatawag sa akin," aniya. Pinaningkitan siya nito. "I don't care!" Naigting ang kanyang panga. "Kung wala po kayong pakialam do'n! Puwes ako po mayro'n!" sagot niya dahilan para pagtinginan sila ng mga taong naroon sa emergency room. Agad siyang tumalikod at tinungo ang opisina ng binata. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Hindi niya puwedeng balewalain ang binata. Posible siyang matanggal sa trabaho kapag hindi siya sumunod. Nang marating niya ang opisina ng binata sa third floor ay agad siyang kumatok at pumasok. "Clean the mess," anito nang makita siya. Makalat ang opisina nito at mukhang may mga files itong hinahalughog sa drawer. Hindi niya mapigilang mainis. "Pinapunta niyo po ako rito para maglinis? Bakit po hindi utility staff ang tinawag niyo para rito. Nasa emergency po ako naka-assign Doc. at mahalaga po ang bawat oras do'n." Gusto niya rin sanang sabihin na wala pa siyang lunch kaya mas lalong uminit ang ulo niya. Nahinto naman ang binata at pumaling sa kanya. May kinuha itong papel at ibinigay sa kanya. "Then resign," he said. Her knees started to numb after she heard that and read what's written on the paper. It's a resignation letter. "Bakit?" Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Here's your intro letter. Alam na ni Mama na inilipat kita. You still get the same salary. Once you get your license, you're automatically assign as my assistant. You'll received higher salary, better than this hospital paid for you. And don't think I did this for you, mom requested this," mahabang paliwanag nito at walang salitang lumabas sa bibig ni Julie. Masiyado siyang natuwa sa narinig. "You're ten minutes late. What took you so long?" Napakurap siya. "Nagkaaberya lang po sa emergency, Doc.," sagot niya at halos mawalan siya ng boses. Masiyado kasing takaw atensyon ang itsura nito. Parang hindi ito doktor kung umasta. May square diamond piercing kasi ito sa magkabilang tainga at panay pa ang pagnguya nito ng chewing gum. Nahinto naman ang binata sa kanyang ginagawa at humarap sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD