Kabanata 1
Kabanata 1
Halos maiwan na ni Julie ang kanyang kaluluwa sa katatakbo makarating lamang sa Sta. Rosa Forbes, Laguna. Inutusan kasi siya ng kanyang among doktora na maghatid ng pagkain sa anak nitong binata. Hindi raw kasi ito kumakain kapag lutong bahay lamang ang nakahanda sa hapag. Sumatutal ay mapili at maselan ito sa pagkaing kinakain.
"Ma'am Julie! Good morning po!" bati sa kanya ng guwardya sa subdivision. Napaupo siya sa sementong upuan at huminga ng malalim. Hapong-hapo ang kanyang nararamdaman at hindi na muna pinagtuunan ng pansin ang guwardyang bumati sa kanya. Huminga pa siya ng ilang beses hanggang sa medyo kumalma na ang kanyang paghinga.
"Nako chief! Masama ang umaga ko. Na-flat po iyong taxi na sinakyan ko papunta rito. Ang layo nang itinakbo ko makarating lang dito," anang dalaga habang hinahabol pa ang kanyang hininga.
"Nako ma'am Julie, dapat po nagpasundo kayo sa driver ng mga Villaraza." Agad siyang umiling nang marinig niya iyon.
"Abala lang iyon, chief!"
Napatayo siya at pinagpagan ang kanyang puwetan para maalis ang alikabok na dumikit sa kanyang palda.
"Sige po chief," paalam niya pa sa guwardya. Tumango lang din naman ang matanda. Mahigit limang buwan na rin niyang kilala ang mga guwardyang nagsasalitan sa subdivision para magbantay. Sino ba naman ang hindi makakikilala sa kanya gayong halos araw-araw ay pumaparoon siya sa bahay ng kanyang amo para maghatid ng kung ano-anong mga bagay.
Tinungo na ni Julie ang mansyon ng mga Villaraza. Nang tumapat naman siya sa malaking bahay ay agad din naman siyang pinapasok ng family guard ng kanyang amo.
"Kuya Ivan! Si sir Clayd ba nariyan?" ani Julie nang makita niya ang butler ng kanyang amo.
"Good morning ma'am Julie. Actually, sir Clayd is waiting for you at the pool area and..." Bahagya pa itong napatigil dahilan para biglang makaramdam ng kaba ang dalaga.
"He's not really on his mood right now." Sa sinabi nito ay agad na napalunok si Julie. Kung wala ito sa mood, malamang ay baka siya ang pagbuntunan nito ng galit.
"Go Julie, just don't make any wrong move," cheer pa nito sa kanya.
Agad nalukot ang kanyang noo at kabadong napalakad papunta sa pool area. Ito ang pangalawang beses na naghatid siya ng pagkain para rito. Hindi naman talaga siya ang nakatoka para sa trabahong ito pero wala siyang choice. May sakit si Rhea kaya kailangang palitan niya ito pansamantala. Ito pa naman ang unang beses na makikita niya ang anak ng kanyang amo. Noong nakaraan kasing paghatid niya ay nasa shower room ito at pinaiwan na lang ang kanyang dalang pagkain sa mga katulong. Nang tumuntong ang mga paa ni Julie sa pool area ay agad niyang nakita ang binata. Katatapos lang nito mag-shower at parang halos sumayad na ang kanyang panga sa semento. Hindi niya lubos na inakala na kasing guwapo nito ang lalaking amo niya, si sir Caldwill. Parang pinagbiyak na bunga pero mas fresh at mas mainit pa ito. Pandesal lang!? Lumakad pa ito palapit sa kanya nang makita siya. Ang kaninang bibig niyang nakanganga ay agad niyang naitikom. Napalitan ito ng paglunok nang dumapo ang kanyang mga mata sa tiyan nito pababa sa pusod.
"Why are you looking at me like that?" Agad na natauhan si Julie dahil sa kanyang narinig.
"Po?" Naningkit naman ang mga mata nito. Sa loob-loob ng dalaga ay gusto na niyang mapatili dahil sa katimangang nagawa ngayong araw.
"Ano!? Iyong pagkain niyo sir," halos pabulong na anas ng dalaga.
"Late ka ng three minutes but you're still fast and better than Rhea. I already told mom to replace Rhea and requested that you're going to take her place. She'll be assign somewhere."
"Po?" gulat na reaksyon ni Julie.
"Is there a problem with that?" Tinaasan pa siya ng kilay ng binata.
"Wala po," sagot din naman agad ng dalaga.
"Serve it. Now!" Awtomatikong nabuhay ang dugo ni Julie dahil sa narinig na pagtaas ng boses ng binata. She immediately move and set the food at the table. When she's done, she stepped back.
"Okay na po sir," anang dalaga sa binata.
Tumango lang ito ngunit hindi naman nakatingin sa kanya. Busy ito sa pagkalikot ng cell phone. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad siyang napaiwas dito. She can't be caught staring at his abs. She will be foul if he noticed it.
“Excuse po sir, kung wala na po kayong kailangan ay aalis na po ako," ani Julie. Hindi siya pinansin ng binata kaya nilagpasan na niya ito pero bigla nitong hinawakan ang kanyang braso dahilan para mapaurong siya.
"Mom wants you to go back now," anito.
"Sige po," sagot din naman niya. Bumitiw din naman ang binata at pumuwesto na sa mesa. Halos pigilan ni Julie ang kanyang paghinga. May kakaiba siyang naramdaman kanina nang lumapat ang kamay nito sa kanyang braso. Iyon ba 'yong tinatawag nilang spark? Ewan! Pinilig niya ang kanyang ulo at humakbang na papuntang labasan.
"Galit ba?" salubong ni Ivan.
"Hindi naman po kuya. Aalis na po ako," ani Julie at nagpaalam na.
Nang makalabas siya ng mansyon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. Hindi siya makapaniwalang siya ang papalit kay Rhea gayong mas matagal na ito sa pagsisilbi kay sir Clayd. Mukhang tama nga ang kanyang mga co-nurses, masiyado itong mapili sa mga magsisilbi para rito. Mariin siyang napapikit. Kung ganoon ay araw-araw na niyang makikita ang guwapong mukha ng binata. Hindi lang ito basta magandang lalaki dahil maganda rin ang pangangatawan nito. Mukhang mapapasubo siya nito. Inasar pa naman siya ni Nurjan kanina na baka raw ay chance niya na ito sa binata. Napangiwi siya nang maalala niya iyon. Wala naman siyang gusto sa binata porke't guwapo ito.
Tumunog naman ang kanyang cell phone at nang makita niya agad ang caller ay automatic niya itong sinagot.
"Ma'am Marinel, hello po," bati ng dalaga sa kausap sa kabilang linya.
"Sinabi ba ng anak ko ang tungkol sa pagpalit mo kay Rhea?"
"Opo ma'am," sagot naman ng dalaga.
"Pagpasensiyahan mo sana kung hindi magiging maganda ang pakikitungo ng panganay ko. Mana sa ama, may topak!"
Narinig naman niya ang malutong na pagtawa ng kanyang amo. Maging siya ay napatawa na rin.
"Ayos lang po ma'am, pagtitiisan ko na lang po."
"Nako Julie, hayaan mo't magiging mabait din iyan sa iyo. Huwag kang mag-alala. Ipapasok kita sa private hospital ng anak ko as soon as you get your license. Okay!?"
Sa sobrang tuwa ng dalaga ay halos mapatalon siya sa sobrang galak. Hindi niya inakalang ito pa ang gagawa ng paraan para makapagtrabaho siya sa magandang ospital.
"Salamat po talaga ma'am Marinel!" Halos maluha-luha na niyang sambit.
"It's just nothing Julie. You deserved my help. I need to go."
"Sige po ma'am," sang-ayon din naman niya agad. Nang matapos ang tawag ay hindi na niya mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Worth it naman pala ang pagtitiis niya kung sakali mang hindi magiging maganda ang pakikitungo sa kanya ng anak ng kanyang amo. Itinago na niya ang kanyang cell phone at lumakad na. She's skipping steps while heading at the exit of the subdivision.