Kabanata 22 Tinungo ni Clayd ang bahay ni Cole sa Sta. Rosa Forbes. He almost forgotten, magkalapit ang kanilang bahay, five blocks away from his parent’s house. "Manang, si Cole?" aniya sa katulong nang makalabas siya ng kanyang sasakyan. "Magandang umaga po, sir. Nasa opisina niya po." "Salamat," tipid niya lamang na sagot. Agad niyang tinungo ang opisina ng kaibigan. Hindi pa man niya napapasok ang opisina ni Cole ay agad niyang narinig ang matinding paghagulhol nito. He close his fists and sighed. Bigla siyang pumasok at agad niyang nakita si Cole sa sulok ng sofa. Yakap nito ang picture ng yumao nitong asawa. He sat beside him. Iyak pa rin nang iyak ang kaibigan niya at sa totoo lang ay nasasaktan si Clayd sa kanyang nakikita. "It's been five years Cole," he said at inagaw niya