Kabanata 23 Nang makauwi sa condo si Julie, kasama si Jezen ay hindi na sila nagmabagal pa. Agad na nagluto si Julie, while Jezen prepared the table setting. "Jez, saang lugar nga sa probinsya kayo?" "Probinsya? Sa Surigao Del Sur kami, sa Bislig City. Ikaw ba?" "Oh? Sa Mati City, Dahican Island." "Wow, puro may magaganda ang lugar natin ah!" masigla pang sambit nito. "Oo nga 'no? Pero gusto ko mamasyal sa inyo. Gusto ko mag-island hopping. Lalo na sa Laswitan Lagoon." "Ay totoo! Super ganda ro'n. Kaharap mo na ang Pacific Ocean kapag nagpunta ka sa Laswitan Lagoon. Don't worry, I'll tour you around. Uuwi rin naman kami ni Jarsey sa probinsya pagkatapos niya sa kolehiyo. At saka, magre-resign din ako sa private school. Balak ko magtayo ng kinder garten school sa amin. Malaki na rin