“Good morning lola, kumusta po ka’yo.” masayang bati ni Luke sa Lola Sella nito maagang gumising si Luke upang ibalita sa kanyang lola na may natitipuhan na itong babae.
“Good morning apo maaga ka yata ngayon may lakad ba ka’yo? Wika naman ng matanda sabay silip pa sa camera natawa naman ng mahina si Luke dahil parang hindi pa sigurado ang kanyang lola na siya ang tumatawag.
“Lola, ako po ito ang guwapo mong apo.” napangiti si Lola Sella sa sinabi ni Luke kahit matanda na si lola ay ubod pa rin ito ng ganda. “Lola, may sasabihin po ako sa inyo? Kaya po ako tumawag dahil exited na akong ipaalam sa inyo na may nagugustohan na akong babae. Lola, diba gusto mo mag-asawa na ako?” nakangiting saad ni Luke kumunot ang noo si Lola Sella hindi ito makapaniwala sa sinasabi ni Luke.
“Apo, huwag kang magbiro ng ganyan sa akin alam mo naman na may nerbeyos ako.” ani pa ng matanda at inayos pa ang salamin nito sa mata.
“Anita, narinig mo ba ang sinasabi ng Sir Luke mo?” tanong nito sa kanyang taga-alaga na si Anita. “Opo lola!” tipid na sagot ni Anita.
Malapad na ngumiti si Lola Sella bago ulit ito humarap sa camera.
“Apo, masaya ako para sa iyo sana maging seryoso ka na sa buhay at sana nga ito na ang babaeng makakasama mo habang buhay.” saad pa ni Lola Sella sabay buntong hininga. Kung may nakakaalam man sa ugali ni Luke si Lola Sella iyon. Kaya mahal na mahal ito ng binata dahil siya palagai ang nakakaintindi sa kanya.
“Luke, matanda na ako gusto ko bago ako mawala sa mundong ito ay sana maging maayos ang buhay mo kapiling ang iyong sariling pamilya.” Madamdaming wika ni Lola Sella, sanay na si Luke sa lola niya pero sa pagkakataong ito ay parang hindi normal sa kanya ang mga sinasbi nito.
“Lola, bata pa ka’yo huwag ka magsalita ng ganyan dahil makikita mo pa ang magiging anak ko.” natawa naman ng mahina si Lola Sella sabay punas nito sa kanyang mata.
“Lola, malapit na po ta’yo magkikita kaya dapat masaya ka dahil makakasama mo na kami nila mommy at daddy.” saad ni Luke dito halata sa mukha ng matanda ang saya ng marinig niya sa binata na malapit na sila magkita.
Pagkatapos mag-usap nina Luke at Lola Sella ay nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hindi naman maipinta sa mukha ng binata ang saya nito dahil sa wakas nasabi na nito sa kanyang pinakamamahal na lola ang gusto nitong sabihin. Pakanta-kanta pa si Luke habang bumababa ng hagdan kahit may elevator sila ay mas pinili ng binata ang maglakad pababa dahil para sa kanya ay isa itong exercise.
“Good morning mommy!” sabay halik ni Luke sa noo ng Ina at umupo na ito upang kumain ng almusal. “Good morning mukhang masaya ka ngayon? Sabihin mo nga kay mommy kung sino ba iyang nagpapangiti sa anak niya? Anak, naninibago ako sa iyo dati kasi kapag ganitong oras ay hindi ka namin makakasama sa almusal. Ngayon nandito ka sumasabay sa amin ng daddy mo iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.” ngiting wila ng mommy ni Luke napatango naman ang kanyang ama na nakikinig lang sa mag-ina.
“Tama ang mommy mo at sana magtuloy-tuloy na iyan. Para naman kahit papaano ay hindi puro night out ang maiisip mo. Anyway anong plano ninyo ni Antonette?” seryosong tanong ng daddy ni Luke sabay hiwa nito sa karne na nasa kanyang plato.
“Dad, hindi pa kami nag-usap ni Antonette but don’t worry ako na ang bahala sa kanya.” taas noo pang saad ni Luke at nagpatuloy na sa pagkain.
“Anak, dalhin mo dito ulit si Antonette para naman makapagbonding kami bago ta’yo aalis papuntang America. O kung gusto mo isama natin siya?” masayang wika ng mommy ni Luke napaisip naman ang binata.
“Kakausapin ko muna siya mommy.” tinapos na rin ni Luke ang kanyang pagkain at nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang.
“Mag-ingat ka, dahan-dahan sa pagmamaneho.” bilin ng mommy ni Luke sabay yakap pa niya dito.
“Opo mommy, dad I promise good boy na po ako.” anito, napatngo naman ang daddy nito tinapik pa niya ang balikat ng anak.
Habang nagmamaneho si Luke ay tinatawagan niya si Antonette. Napahinga ng malalim ang binata dahil kanina pa nag ring ang phone ng dalaga ngunit walang sumasagot. Binilisan ni Luke ang pagmamaneho upang makarating ito sa bahay ng dalaga. Ilang saglit lang ay nasa tapat na nga ito ng bahay ni Antonette kung dati ang mga babae ang nagbibigay bulaklak kay Luke ngayon siya ang gumagaw. Umaga pa lang pina-deliver na ni Luke ang red roses sa kanilang bahay upang wala na itong alalahanin.
“Good morning boss. May kailangan po ba ka’yo?” tanong ng guard na nakatayo sa gate sabay tingin nito sa binata mula ulo hanggang paa.
“Good morning. I’m Luke nobyo ni Antonette
nariyan ba siya?” relax na relax pa si Luke habang sinasabi ang katagang nobyo. Lumaki naman ang mata ni manong guard hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng kausap. Matagal ng naninilbihan si manong sa pamilyang ito ay wala pang pumunta sa mansyon upang magpakilala na nobyo o manliligaw ng kanyang amo kaya naman sobrang nagtataka ito.
“Manong, mukha ba akong magnanakaw?” saad ni Luke kung makatingin kasi itong si manong ay parang nakita na nito ang kaluluwa ni Luke.
“Hindi naman po sir kaya lang nakakagulat dahil may nobyo na agad si ma’am Antonette eh kararating lang niya galing Paris.” wika nito kahit matanda si manong kay Luke ay ginalang niya ang kanilang bisita.
“Manong ako na po ang bahala sa kanya.” napangiti naman si Luke ng makita si Antonette. Nakasuot pa ito ng pajama at naka tsinilas na pambahay.
“Sige ma’am, pasensiya na.” anito.
Agad naman ipinasok ni Antonette si Luke at dinala niya ito sa kanilang garden upang doon sila mag-usap.
“Luke, may kailangan ka ba? Ba’t ang aga mong sumugod dito?” Nang mapansin ng dalaga na natulala si Luke ay kinalabit niya ito. Saka pa ito natauhan ng dumapo ang kamay ng dalaga sa kanyang balikat.
“I’m sorry, ano nga iyong tanong mo?” sabay kamot ni Luke sa ulo at napayuko pa dahil napahiya ito. Hindi naman nakaligtas kay Antonette ang malagkit na titig ni Luke.
“Sabi ko guwapo ka sana kaya lang bingi.” sabay tawa ng mahina ni Antonette na ikinakunot ng noo ni Luke.
“Really?”
“Yeah!” tumango pa ang dalaga nagulat na lang ito nang hawakan ni Luke ang baywang nito.
“Okay lang na mabingi ng habang buhay basta ikaw ang dahilan.” bulong ni Luke sa tainga ni Antonette ramdam niya ang init ng hininga nito.
“Antonette, gusto kıta hindi bilang kaibigan kundi bilang isang nobya.” diritsong saad ni Luke sabay haplos sa mukha ni Antonette. Napasinghap ang dalaga ng sakupin agad ni Luke ang labi nito ng walang paalam.
“Luke, sandali!” habol hiningang wika ni Antonette sabay hampas sa balikat ng binata ngunit hindi naman niya pinakawalan ang labi nito.
“Alam ko wala kang karanasan sa bagay na ito but don’t worry ako ang bahala sa’yo. I promise hindi kita sasaktan mamahalin kita ng tapat at pangako ikaw lang.” seryosong saad ni Luke habang nakatingin sa mata ni Antonette. Napayuko ang dalaga nakaramdam ito ng hiya sa kanyang sarili. Aminin man niya o hindi ay may kakaibang nararamdaman na rin siya kay Luke.
“Umuwi ka na baka makita pa ta’yo ni daddy.” aniya.
“Antonette, please sagutin mo muna ako.”
“Luke, masyadong pang maaga bago lang natin nakilala ang isa’t isa. Ayaw ko na parehas nating pagsisihan itong ginagawa natin ngayon.” malungkot na saad ni Antonette.
“Hindi na ta’yo mga bata upang maghintay pa ng tamang pagkakataon. Nasa tamang edad na ta’yo walang pinag-kaiba ang bukas at ngayon.” tumaas pa ang boses ni Luke tatalikod na sana ang dalaga nang magsalita ulit si Luke.
“Mahal na kita Antonette, oo dati gusto ko na magkaibigan lang ta’yo ngunit habang tumatagal hindi na kaibigan ang turing ko sa iyo. Wala akong pakialam kung bago lang natin nakilala ang isa’t isa hindi naman iyon ang basihan kung ba’t kita nagustohan.” Sa ikalawang pagkakataon ay sinakop ulit ni Luke ang labi ng dalaga. Kung kanina ay pinipigilan ni Antonette ang binata ngayon ay hinahayaan na niya ito. Pinaubaya ni Antonette ang kanyang malambot na labi sa binata. Hindi na nagsayang ng pagkakataon si Luke agad niyang ginalugad ang bibig ni Antonette. Napaungol ng mahina ang dalaga ramdam niya ang init ng dila ni Luke.
Nang matagpuan ni Luke ang dila ng dalaga ay agad niya iyong sinipsip dahilan upang mapakapit ito sa balikat ng binata.
“I love you Antonette.” habol hininga na saad ni Luke. Hindi makapagsalita ang dalaga nanatili itong nakapikit at nimamnam ang bawat init ng dila ni Luke sa loob ng kanyang bibig.
Ilang minuto sila sa ganung posisyon bago sila naghiwalay.
Niyakap ni Luke si Antonette nang mahigpit bago niya ito hinalikan ulit sa noo.
Pakiramdam ni Antonette matutumba ito nanginig ang dalawa nitong tuhod. Nag-alala naman si Luke kaya mabilis niya pina-upo ang dalaga sa upuan na naroon.
“I’m sorry kung binigla kita don’t worry masasanay ka rin sa akin.” saad ni Luke habang haplos niya ang likod nito.
“Handa akong maghintay sa mahabang panahon.” anito.