Chapter 6

1730 Words
Bandang alas singko ng hapon ay dumagsa ang mga customer, araw nang sabado ngayon kaya naman aasahan mo na maraming tao. Nakatutok si Luke sa CCTV camera inaabangan ang pagdating ni Antonette. “Tinawagan mo na ba ang mommy mo? Kagabi pa iyon nag-alala sa iyo.” nagulat pa si Luke sa presensiya ni Augusto na ngayon ay nakatayo na sa kanyang likod. “Oo naka-usap ko na si mommy, thank you dahil pinakalma mo si mommy.” nagsasalita si Luke ngunit nakatingin ito sa malaking screen. “Siya ba ang dahilan kaya ka naglasing buong gabi?” saad ni Augusto na nakatingin na rin sa screen. Tiningnan muna ni Luke si Augusto saka tinawanan ito sabay iling. “Bakit wala ba akong karapatan para magkagusto sa iba? Remember singel ako wala na akong nobya.” anito, napakunot naman ang noo ni Augusto at seryoso itong nakatingin sa mukha ni Luke. “Hiwalay na ba ka’yo ni Jasmine?” wika nito nagulat pa si Luke sa sinabi ni Augusto walang nakaka-alam tungkol sa kanila ni Jasmine kaya nagtataka ito kung paano at saan niya nalaman na sila ni Jasmine. “Huwag ka na magtaka kung ba’t ko nalaman alam mo naman basta tungkol sa mga babae lahat iyon makakarating sa akin.” wika ni Augusto na ikinangisi ni Luke. “Kilala mo ako hindi ako tatagal sa mga babae wala rin akong balak para tumagal.” anito. “Paano sila tatagal sa iyo hindi ka naman seryoso sa kanila? Kung gusto mo nang matagalang relasyon dapat stick to one ka hindi iyong para ka lang nagbibihis ng damit araw-araw.” sermon ni Augusto kay Luke, tumaas ang kilay ni Luke sanay na ito sa ugali ng pinsan niya kaya naman hindi na ito bago sa kanya. “Hindi naman ako katulad mo na mabait, pero sige pagbibigyan kita sa gusto mong mangyari. Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko kakaiba si Antonette, masasabi ko na siya na ang babaeng para sa akin. Augusto, papatunayan ko sa iyo na seryoso ako at hindi ako nagbibiro. Bago ko pa lang nakilala si Antonette sa katunayan last night ko pa lamang siya na meet dito mismo sa club. Don’t worry hindi ko siya sasaktan sa tingin ko mahal ko na siya kahit bago ko pa lang siya nakilala.” pag-amin ni Luke sa pinsan niya, napatango naman si Augusto seryoso itong nakatingin kay Antonette na ngayon ay naka-upo na sa harapan ng counter. Nakikita ni Luke sa CCTV na kinakalikot ng dalaga ang phone nito, Ilang saglit lang ay tumunog ang sarili niyang phone. Abot tainga naman ang ngiti ni Luke ng makitang si Antonette ang tumatawag. Hindi sinagot ni Luke ang tawag ng dalagita bagkos ay nilapitan niya ito at umupo ito sa tabi niya. Nagtataka naman si Antonette dahil walang sumasagot sa kanya, akmang tatayo sana ito upang hanapin sana si Luke ngunit nagulat ito ng marinig ang boses ng isang lalaki. “Miss, may kasama ka ba?” tanong ng lalaking nasa harapan rin ng counter at may hawak itong baso na may alak. “Oo ako ang kasama niya, I’m Luke boyfriend ni Antonette and you? Who are you to asking my girlfriend kung may kasama siya?” biglang uminit ang ulo ni Luke ng marinig niya sa lalaki ang pagtatanong nito. Napaisip tuloy si Luke siguro kung wala siya dito ay baka nag-usap na sila nito, sure si Luke na marami ang magkakandarapang kausapin ang dalaga dahil mabait ito. “Hey, are you okay? Binastos ka ba niya? Regor, tama na ang pag serve ng alak, Nathan tirthy minutes more mag close na ka’yo.” utos ni Luke sabay abot ng kamay ni Antonette at nagmamadali na itong lumabas ng club. Bago pa sila maka-alis ay nagsalita ang lalaki at humingi ito ng despensa sa kanyang nasabi. Hindi na lumingon si Luke hawak niya ang kamay ni Antonette at lumabas na ng club. Nakasunod naman sa likod sina Levi, Oliver, at Augusto lakad takbo naman ang ginawa ni Antonette habang hila ito ni Luke hanggang sa makarating sila sa labas. “Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka nagagalit sa tao? Nagtatanong lang naman siya walang masama doon sa ginawa niya.” mahinahon na wika ni Antonette kaya naman napahinto si Luke sa paglalakad ganun rin ang tatlo na nasa likod nila. Hinila ng dalaga ang kamay nito dahilan upang mabitawan niya ang malaking palad ni Luke. “I’m sorry hindi ko lang nagustohan ang tabas ng dila nang lalaki. At kung hindi pala ako dumating I’m sure kina-usap mo na siya.” umusok ang ilong ni Luke na para bang gusto niya sapakin iyong customer. Napakunot naman ang noo ni Antonette gusto niya pagtawanan si Luke dahil sa inasta nito pero napaisip siya na lasing pala ang kanyang kausap. Kaya naman imbis na mainis ay minabuti ng dalaga na hawakan ang kamay nito at dinala ito sa kotse niya. “Ihahatid na kita sa inyo umaga na narito ka pa rin sa labas naglalasing.” sabay bukas ng pinto ng kotse at pinasok ni Antonette si Luke sa loob. Sina Levi, Oliver, at Augusto ay nakatingin lang sa dalawa walang salitang lumabas sa bibig nila. Nang maka-alis ang kotse ni Antonette ay saka pa lumabas ang tatlo sa likod ng sasakyan ni Augusto kung saan sila nagtago kanina para hindi sila makita ng dalaga. “Suwerte naman ni Luke hinatid pa nong magandang babae.” wika ni Oliver. “Oo nga eh, jackpot ang tawag doon dahil mismo si girl na ang nagkusa.” hirit naman ni Levi, napatigil lang sila sa pagsasalita ng tumikhim si Augusto. “Sasakay ba ka’yo o mag-tataxi na lang ka’yong dalawa.” ani Augusto sabay buhay ng makina sa kotse nito. Mabilis naman nakapasok ang dalawa at tahimik ng sumakay sa likod. Nakasunod ang kotse ni Augusto sa sasakyan ni Antonette sinigurado ng binata na sa bahay talaga ihahatid ng dalaga ang pinsan nito. Hindi naman sa nagduda si Augusto pero iba na kasi ang panahon ngayon. Samantala sa loob ng kotse ni Antonette ay tahimik lang si Luke. Bigla itong nahiya dahil sa ginawa niya kani-kanina lamang sa loob ng club. Kahit alam ni Luke na mali ang ginawa niya ay hindi niya pinagsisihan ang sinabi niya. Alam ni Luke malinaw na narinig ni Antonette ang sinabi nitong nobya niya ang dalaga. “Okay ka lang ba? Luke, magsabi ka kung nasusuka ka.” nag-alala si Antonette sa binata na guilty rin ito dahil kung hindi lang nangako si Lore ay hindi maghihintay si Luke sa club na ganun katagal. Napahinga si Antonette ng malalim huli na kasi ang lahat at ito nga lasing na lasing si Luke at pakiramdam ng dalaga ay kasalanan niya. Walang imik si Antonette habang binabagtas nila ang kalsada papunta sa bahay ni Luke. Nakapikit ang dalawang mata ng binata pero naririnig niya ang buntong hininga nito. Mabuti na lang nakuha ng dalaga ang address ni Luke kaya hindi na ito magtatanong. Namangha naman si Antonette ng pumasok sila sa isang subdivision magtatanong na sana ito sa guard ngunit nagsalita si Luke. “Idiritso mo lang kapag may makita kang puting bahay sa bandang dulo diyan ako nakatira.” naka-upo na si Luke ng maayos at nakatingin ito sa mga kamay ni Antonette. Napaisip tuloy si Luke kung ano ang trabaho ng dalaga sa itsura pa lang ng mga daliri nito ay alam mo na wala itong ginagawa sa buhay. “Luke, nandito na ta’yo.” medyo nagulat pa ang binata nakatutok kasi ito sa manubela. “Thank you Antonette, tumuloy ka muna sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko. Don’t worry mababait sina dad at mom, saka nandito naman ako hindi kita pababayaan.” wika ni Luke sabay baba nito ng kotse at pinagbuksan si Antonette. “Luke, puwidi next time na lang.” nahihiyang sabi ng dalaga. “I’m sorry I know wala sa plano ito pero nandito ka na sa bahay namin and I’m sure kapag makita ka ni mommy hindi ako pagagalitan noon dahil kasama kita.” wika pa ni Luke sabay hawak sa kamay ng dalaga na ikinalaki ng mata ni Antonette. Ramdam ng dalaga ang init ng palad ni Luke, napaiwas ito ng tingin. Sa totoo lang mas natatakot si Luke sa mommy niya kumpara sa daddy nito. “Please samahan mo na ako.” nag puppy eyes pa ito sa dalaga para kaawaan siya. Inabot ni Luke ang mukha ni Antonette at pinadama niya sa dalaga ang init ng kanyang dalawang palad. “Namumutla ka.” anito, pinisil pa ni Luke ang pinkish nitong pisngi kaya naman napatingin si Antonette sa salamin at nagulat nga ito dahil putlang putla siya. “I’m sorry hindi lang ako sanay na may humahawak sa kamay ko.” pag-amin ni Antonette dito. Napangiti naman si Luke ibig sabihin wala pang nakahawak sa kamay ng dalaga kundi siya pa lang. Nang dahil sa narinig ni Luke ay hindi na niya binitawan ang kamay ni Antonette hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng bahay. “Mommy!” tawag ni Luke, napatayo naman ang kanyang Ina. At nagmamadali itong lumapit sa anak upang yakapin siya. “Pinag-alala mo kami ng daddy mo.” malalim na bumuntong hininga ang kanyang mommy. . “Si Antonette po nobya ko.” lumaki naman ang mata ng kanyang mommy dahil sa unang pagkakataon ay mismo si Luke ang nagpakilala sa kanila na may nobya na ito. “Really, I mean hindi ka ba lasing anak?” ani mommy, hindi lang ito makapaniwala. “Honey, narinig mo naman ang sinabi ng anak natin, hija have a seat. Luke, masaya kami ng mommy mo dahil sa wakas ay may napusuan ka na. Hija, sabayan mo na kaming kumain.” saad ng daddy niya na abot tainga ang ngiti. “Anak, bakit hindi mo man lang ako tinawagan para naman makapagluto ako ng masarap na ulam na paborito mo?” saad nang mommy ni Luke at pinagsandok pa niya ng pagkain si Antonette. “Salamat po!” ani ng dalaga. Panay naman ang himas ni Luke sa kamay ng dalaga dahil nanginginig ito. “Are you okay? Relax ka lang nandito lang ako sa tabi mo.” bulong ng binata sa dalaga. “Hija, feel at home don’t be shy.” magkasabay pang wika ng mga magulang ni Luke kay Antonette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD