Kanina pa pagulong-gulong si Antonette sa kanyang kama hindi niya maintindihan kung ba’t niya iniisip ang mga sinasabi ni Luke. Inamoy pa ni Antonette ang kanyang sarili dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin ang mabangong amoy ni Luke. Napangiti si Antonette sabay hawak sa malambot na labi nito. Ramdam pa rin ng dalaga ang mainit na labi ni Luke na humahagod sa loob ng kanyang bibig. Sa buong buhay ni Antonette ay hindi pa ito nakatikim ng halik sa isang lalaki. Oo lumaki siya sa ibang bansa ngunit hindi ibig sabihin na may nobyo na ito. Sa katunayan ay ayaw pa ni Antonette magkaroon ng karelasyon. Maraming manliligaw ang dalaga pero ni isa sa mga iyon ay hindi niya binigyan ng pagkakataong kausapin. Naka fucos si Antonette sa kanyang pag-aaral higit sa lahat gusto niya maging isang professional model dito sa bansang Paris kaya naman nagsumikap ito para maabot ang kanyang pangarap sa buhay. Ngayon nakilala niya si Luke hindi sigurado ang dalaga kung matutupad pa ba niya ang pangako nito sa sarili na hindi muna papasok sa isang relasyon.
“Aahhh!” sigaw ni Antonette saka pinagtatapon ang mga unan sa pintuan ng silid nito. Nalilito ang dalaga sa nararamdaman niya kay Luke may punto naman kasi ang binata sa lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Nagising ang diwa ni Antonette ng kumatok mula sa labas ng pinto ang kanyang mommy.
“Anak, are you okay? Antonette open the door!” sabay kalampag ng Ina sa pintuan ng silid nito. Mabilis naman bumababa ng kama ang dalaga at tumakbo ito papuntang pintuan upang pagbuksan ang Ina.
“Antonette, what happened?” hindi na nakapagsalita ang dalaga dahil diritsong pumasok na ang mommy nito. At nagulat pa ang Ina nang makita ang mga unan na nakaharang sa pinto.
“May problema ka ba? Sino ba ang kaaway mo? At ba’t ang mga unan na iyan ang pinagbobontunan mo ng iyong galit? Anak, kilala kita kaya huwag ka na maglihim kay mommy.” wika ng Ina umupo na ito sa coach at naghintay sa sasabihin ng anak.
“Mommy, actually naiinis po ako sa aking sarili dahil nagpahalik po ako sa lalaking bago ko lang nakilala.” napahawak pa si Antonette sa noo nito at tila nahihirapan pa itong ipaliwanag sa Ina ang kanyang sitwasyon ngayon.
“Teka, bakit ka naman naiinis sa sarili mo? Ginusto mo ang nangyari at palagi mong tandaan ang isang babae hindi magpapahalik sa isang lalaki kung hindi niya ito gusto o mahal? Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil walang masama sa ginawa mo lalo na kung parehas lang ka’yo ng nararamdaman? Nasa tamang edad ka na Antonette I think this is the time na bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo. Alam ko pag-aaral ang uunahin mo pero ga-graduate ka na this coming year so hindi mo kailangan parusahan ang sarili mo. Palagi mong tandaan bigyan mo ng oras ang iyong sarili, look at you now? Ilang weeks ka pa lang dito sa Pilipinas pero nakikita ko sa iyong mukha ang kakaibang saya. Anak, sundin mo ang t***k ng iyong puso maniwala ka kay mommy hindi ka magsisisi. At puwidi mo bang sabihin sa akin kung sino ang lalaking nagpapangiti sa iyo para mapanatag ang kalooban ko?” malambing na wika nito habang nakahiga ang anak sa hita ng kanyang Ina.
“Thank you mommy kahit hindi ko na po sabihin sa inyo alam kung kilala mo siya.” napatango naman ang Ina sa sinabi ng anak.
“Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap.” dagdag pa ng mommy ni Antonette bago ito lumabas ng silid.
Nang mapag-isa na ang dalaga agad niya tinawagan si Lorilay, hindi naman nagtagal ay may sumagot sa kabilang linya.
“Antonette, napatawag ka namis mo ba ako?” wika ni Lore sabay tawa pa ng mahina.
“Busy ka ba ngayon? Puntahan mo ako dito sa bahay wala akong maka-usap.” ani Antonette hinilot pa niya ang kanyang ulo dahil bigla itong sumakit.
“Pagkatapos ko sa school diritso ako diyan, don’t worry hindi naman ako magtatagal ipasa ko lang itong pinagawang report sa akin.” aniya.
“Okay then hintayin na lang kita.” saad nito at binaba agad ang phone. Humiga ulit si Antonette pinikit ang dalawa nitong mata at pinilit na makatulog. Nasira tuloy ang tulog niya dahil sa maagang pagpunta ni Luke sa bahay nila ay nahihirapan itong ibalik ang ang kanyang antok.
“Antonette, may bisita ka!” Isang malakas na katok mula sa labas ng pinto nito ang nagpabalikwas ng bangon sa kanya. Napakunot ang noo ni Antonette binuksan niya ang pinto at nagulat pa ito dahil ang daddy niya ang nakatayo sa labas.
“Dad, sino po ang bisita ko?” gulat na tanong nito.
“Magbihis ka harapin mo nang maayos ang bisita mo nandon siya sa sala hinihintay ka. Anak, wala ng maraming tanong ayusin mo ang sarili mo at bumaba ka na.” utos ng ama nito, hindi na nakapagsalita si Antonette nagugulohan ito dahil wala naman talaga siyang bisita sa mga oras na ito.
Mabuti na lang tapos na naglinis ng katawan ang dalaga nagtataka lang ito dahil pinagbihis siya ng kanyang ama. Magkahalong kaba naman ang nararamdaman ni Antonette sa mga oras na ito dahil baka magkatutuo ang nasa isip niya.
Inayos ng dalaga ang kanyang buhok nagsuot ito ng dress na hanggang tuhod ang haba. Natural na natural ang kagandahan ni Antonette kaya naman kahit hindi na ito mag-aayos ay lumilitaw pa rin ang ganda nito.
Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Antonette kinakabahan talaga siya kung sino ang bisitang sinasabi ng kanyang daddy. Pagdating ng dalaga sa sala ay wala namang tao kaya umikot siya upang silipin ang terrace.
“Anak, mabuti naman bumaba ka na kanina pa naghihintay itong bisita mo.” boses iyon ng kanyang mommy. At laking gulat ni Antonette dahil si Luke pala ang tinutukoy nilang bisita niya.
“Luke?” gulat na saad ni Antonette dito.
“Good morning have a nice day, para sa iyo alam kong paborito mo ito.” kumunot ang noo ng dalaga dahil hindi naman niya sinabi kay Luke na paborito niya ang Lavender flowers.
“P-paano mo nalaman na ito ang paborito kong bulaklak?” sabay abot ni Antonette sa bulaklak na ibinigay ni Luke.
“Nakita ko sa wallet mo.” anito.
“Salamat dito nag-abala ka pa!” saad ni Antonette at umupo ito sa kabilang upuan kaya naman mas nakikita ng dalaga ang guwapong mukha ng kaharap. At ngayon lang napansin ni Antonette na wala na pala sa tabi nila ang mommy niya.
“Diba pinauwi na kita, bakit nandito ka pa rin hanggang ngayon? Luke, ano ba ang kailangan mo sa akin at ayaw mo akong lubayan. Akala ko kung sinong bisita ang sinasabi ni daddy iyon pala ikaw?” napahinga pa ng malalim si Antonette hindi na niya alam kung anong gagawin upang tantanan siya ni Luke.
“Bakit may ibang bisita ka bang hinihintay bukod sa akin? Antonette, hindi ako titigil hangga’t hindi ko makuha ang sagot mo. Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka na mahal kita? Sabihin mo sa akin babaguhin ko ang lahat.” wika ni Luke sabay abot sa malambot na kamay ng dalaga at hinahalikan iyon.
Lumaki naman ang mata ni Antonette nang makitang nakaluhod si Luke sa harapan niya.
“Please stop it! Huwag mo nga gawin iyan? Luke, natatakot ako? Natatakot ako dahil baka sa bandang huli ay iiwan mo ako. Natatakot ako dahil sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang magmahal. Masisisi mo ba ako kung ba’t ganito ang reaksiyon ko? Takot akong masaktan, takot akong maiwan at higit sa lahat takot ako dahil alam ko sa sarili ko na kapag magmahal ako ibibigay ko sa taong mahal ko ang lahat-lahat at wala akong ititira para sa akin.” napaiyak na si Antonette ramdam niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
“Antonette, magtiwala ka sa akin katulad ng pangako ko sa’yo na mamahalin kita ng buong puso. Kasama mo ako kaya wala kang dapat ikatakot, mahal kita iyon ang palagi mong tandaan. At mamahalin kita nang higit pa sa buhay ko kaya please sagutin mo na ako.” pagmamakaawa ni Luke nakaluhod pa rin ito sa carpeted floor.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko makukuha ang sagot mo? Sorry kung hindi ako umuwi kahit tinaboy mo ako ay nanatili pa rin akong nandito. Nakatulog nga ako sa loob ng aking kotse at alam mo hindi pa ako kumakain hanggang ngayon.” napatakip sa bibig si Antonette dahil sa narinig mula kay Luke hindi ito makapaniwala na natiis ng binata ang gutom alang-alang sa kanya.
“Tumayo ka na diyan?” aniya.
“Ayoko!” matigas na saad ni Luke.
“Kapag hindi ka sumunod sa gusto ko hindi mo makukuha ang sagot ko.” banta naman ng dalaga kaya naman mabilis pa sa kidlat ang kilos ni Luke.
“Ta’yo na ba?” panigurado nito.
“Oo, basta ipangako mo sa akin na susundin mo ang lahat ng gusto ko.” wika ni Antonette
abot langit naman ang ngiti ni Luke dahil sa sinabi ng dalaga. Agad hinalikan ng binata ang labi ni Antonette at niyakap ito nang napakahigpit.
“I love you Antonette, lahat gagawin ko para sa iyo at sa relasyon natin.” bulong nito.
“Nakahanda na ang mesa kakain na ta’yo.” wika ng mommy ni Antonette. Nagulat pa ang dalawa.
“Opo mommy!” mabilis inalis ni Antonette ang mga kamay ni Luke na nakayapos sa maliit nitong baywang. Ngunit huli na ang lahat dahil nakita na ito ng kanyang Ina.