Chapter 5

1556 Words
Nakangiti si Luke habang nakatingin sa mga babaeng sumasayaw sa harapan nito. Kagabi pa siya nandito sa club umaasa pa rin ang binata na darating sila Antonette at Lorelay. Dahil kagabi pa nandito si Luke sa club ay lasing na ito at wala na sa katinuan ang kanyang pag-iisip. Kumuha ito ng pera sa kanyang wallet, tinawag ng binata ang isang babaeng sumasayaw sa harapan niya at pinalapit ito sa kanya. “Sayawan mo ako hanggang sa mapagod ka galingan mo para bigyan kita ng malaking tip.” utos ni Luke sa babae na agad naman itong sumunod, sinabit agad ng binata sa bandang dibdib ng babae ang pera na hawak nito. Hindi naman inaasahan ng dalaga na siya ang pipiliin ng lalaking matagal na nitong gusto. Dahil sa sobrang saya ng babae ay agad itong umupo sa hita ni Luke. At kahit lasing ang binata ay ramdam niya ang kakaibang init, init na nakakabaliw mula sa babaeng gumigiling sa kanyang kandungan ngayon. Napapikit si Luke nagugustohan ng katawan niya ang ginagawa ng babae ngunit kumukontra naman ang isip niya. “Regor, ikaw muna ang bahala dito puntahan ko muna ang isang iyon.” saad naman ni Ethan sabay turo sa gawi ni Luke, nagulat pa si Ethan dahil nandito ngayon si Luke at mukhang may probleam. Nang makalapit na si Ethan kung saan naka-upo si Luke ay napangisi pa ito dahil sa nasaksihan. “Wow, si rich boy Luke Villiamor ay nag-iisang umiinom ngayon. Parang nakakapanibago ka? Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Sa pagkakaalam ko kasi ay nakalimutan mo na kaming bisitahin dito sa club na pagmamay-ari mo. Sino ba ang hindi magtataka kung bigla ka na lang sumulpot dito na wala man lang pasabi. Tell me anong problema? Kilala kita Luke, ano babae ba?” nakataas pa ang kilay ni Ethan habang nagsasalita ito at nakatitig sa babaeng naka-upo sa hita ni Luke. “Masakit ka na sa mata sige na umalis ka na dito.” taboy ni Ethan dito ng matauhan ang babae ay mabilis itong tumayo. “Sorry po Sir Ethan.” hinging paumanhin nito sabay yuko ng kanyang ulo. “Ethan, hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko pero sa tingin ko mahal ko na siya.” sabay tunga ni Luke sa isang basong alak, napatingin naman si Ethan dito ka kaharap. “Ano bang pinagsasabi mo? Sino ba iyang tinutukoy mo? Kaya ka ba naglasing dahil may natipohan ka pero binasted ka niya tama ba?” sabay tawa naman ni Ethan ng malakas kaya naman napatingin ang ibang mga customer sa gawi nila. Napangisi naman si Luke, tatayo sana ito ngunit napa-upo ulit dahil sa sobrang kalasingan. “Alam mo ikaw kung makapagsalita ka akala mo naman hindi ka rin binasted ni Veron noon. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil ako ang gumawa ng paraan para maging ka’yo ulit ngayon.” lasing nitong wika sabay taas pa ng baso nito na may lamang alak. Napapailing na lang si Ethan at tinabihan si Luke na ngayon ay nakayuko na sa mesa. “Regor, isang bote pa iyong matapang ang ibigay mo sa akin para makauwi na ako. Wala e, hindi sumipot ang mga kaibigan ko kaya maglaklak na lang ako ng alak hanggang sa makatulog ako.” anito, nang sinubukan ulit ni Luke tumayo ay napa-upo ito. “Don’t touch me, hindi ako lasing kaya ko pa!” bulol na sabi ni Luke sabay baklas pa sa kamay ni Ethan. Tumayo ulit ang binata pinilit talaga niyang makalakad para makapunta sa kanyang private room. Dito sa club na pagmamay-ari ni Luke ay may sarili itong kuwarto para kapag ganito lasing siya hindi na kailangan umuwi para iwas disgrasya na din. Nasa likod lang si Ethan nakasunod kay Luke ng makapasok silang dalawa ay agad dumiritso ang binata sa kanyang malaking kama. Si Ethan na ang naghubad ng kanyang sapatos at polo, si Ethan na rin ang nagsuot ng t-shirt upang hindi ito lamigin. Nang mapansin ni Ethan na nakatulog na si Luke ay nagpasya na itong lumabas ng silid. Bandang alas dos ng madaling araw ay tinawagan ni Ethan sina Oliver at Levi upang ipaalam sa kanila ang problema ni Luke nagayon. Natawa pa ang mga ito dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Ethan. Maraming babae si Luke pero hindi ito naging seryoso kaya para kay Ethan ay pampalipas oras lang niya ang mga babaeng dumaan sa buhay ng kanyang pinsan. “Ethan!” tawag ng pamilyar na boses napalingon naman ang binata sa bandang kanan. “Mabuti dumating na ka’yo, pinatulog ko muna si Luke para mahimasmasan.” ngiting sabi ni Ethan kina Oliver at Levi, napatango naman ang dalawa sabay upo sa bakanteng sofa. “Totoo ba ang sinabi mo na nang dahil sa babae naglalasing si Luke? Wow, good iyan.” saad naman ni Oliver na nakatingin sa mga babaeng seksi at halos wala ng saplot. “Oliver, okay ka lang ba?” mukhang naglalaway ka na diyan.” sita ni Levi dito. “Ito naman napaka KJ mo kaya nga may mata para tumingin diba?” ngisi ni Oliver sabay dila pa sa labi nito. “Luko ka wala pa akong sinasabi!” At binatukan ni Levi si Oliver nagtawanan naman ang tatlo. Natigil lang ang kanilang masayang tawanan ng dumating si Augusto at seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanila. “Nasaan si Luke? Bakit wala siya?” tanong ni Augusto sabay hingang malalim. Hindi inaasahan ni Ethan na pupunta si Augusto kaya naman nagtataka ito. Agad tumayo si Ethan at pina-upo si Augusto, silang lahat na magpinsan ay takot kay Augusto dahil seryoso ito. “Dito muna ka’yo kukuha lang ako ng maiinom ninyo. Pinatulog ko muna si Luke kaya huwag ka mag-alala okay lang siya.” wika ni Ethan dito at umalis na ito upang kumuha ng maiinom nila. Bago pa makatalikod ang binata ay nagsalita si Augusto. “Ethan, kape lang ang sa akin.” utos nito. “Okay boss!” ani Ethan. Kapag si Augusto ang kasama nila ay nadadamay sila sa kaseryosohan ng ugali nito. “Alam mo na ang gusto namin kaya ikaw na ang bahala.” hirit naman ni Oliver sabay kamot ng kanyang ulo. Simula ng dumating sina Oliver, Augusto, at Levi ay mas dumami ang customer sa club kaya naman maingay ang buong paligid. Nasa bandang huli sila naka-upo kaya nakikita ang mga kababaihan na gumigiling sa harapan. Hindi lang kasi lalaki ang pumapasok dito sa club pati mga babaeng may kaya sa buhay ay dito sila nagpapalipas ng oras. “Marami palang dancer dito sa club at mukhang mga fresh pa.” puna ni Oliver sabay kindat pa sa babaeng papunta sa gawi nila. “Thank you!” pasalamat ni Oliver sa babaeng may dalang sigarilyo at astray muntik pa itong masubsob dahil nakatingin siya kay Augusto na wala namang pakialam sa mundo. “You’re welcome pogi.” hinimas pa ng babae ang balikat ni Oliver at umalis na. Ilang sandali lang ay bumalik si Ethan, may dala itong mug na may mainit na kape. Si Rigor naman dala niya ang mga baso, Ice, alak, at pulutan. “Namis ko ito matagal na panahon rin ta’yong hindi nag bonding.” saad ni Levi. “Kaya nga eh’ dahil sa kabisihan ay halos hindi na natin magagawa iyong dati nating bondingan.” dagdag naman ni Oliver. Tahimik lang si Augusto habang umiinom ng kape ay panay ang tingin nito sa kanyang pambisig na relo. “May lakad ka ba sa ganitong oras?” puna naman ni Levi kay Augusto. “Wala, naawa lang ako sa mga magulang ni Luke kagabi pa sila nag-alala sa anak nila. Pagkatapos ninyo gisingin si Luke ihahatid natin siya sa bahay nila. “ anito. Bandang alas kuwatro e medya ay nagising naman si Luke at agad itong lumabas ng silid. Nagulat pa sina Ethan, Oliver, Levi ng bigla itong sumulpot sa tabi nila. “Okay ka na ba?” magkasabay pang tanong ng tatlo, si Augusto nakatingin lang kay Luke. “Wow, bakit nandito ka’yo?” nagtataka si Luke kahit lasing siya ay alam naman niya na wala siyang kasama kanina. “Ayaw mo bang makita ang guwapo naming mukha?” natatawang sabi ni Oliver. “Wala naman akong sinabing ayaw, nagtataka lang ako dahil hindi pa naman weekend.” anito. Inayos ni Luke ang kanyang pagkaka-upo at sinuot ang jacket nito. Napamura si Luke nang makita ang maraming miscalls ng kanyang mommy. “Fvck, si mommy, I’m sorry mommy.” anito at napatingin ulit sa kanyang phone ng tumunog iyon. Lumaki ang mata ni Luke ng makitang tumatawag si Antonette, mabilis sinagot ng binata ang tawag nito. “Helllo, Antonette?” “Luke, I’m sorry!” hinging paumanhin ng dalaga sa kabilang linya, pakiramdam ni Luke tumigil ang kanyang mundo ng marinig ang malambing na boses ng dalaga. Hindi inaasahan ng binata ang pagtawag nito kaya naman bumilis ang t***k ng kanyang puso. “Antonette, It’s okay hindi mo na kailangan mag sorry.” anito, narinig pa niya ang buntong hininga ng dalaga na para bang pagod ito. Hindi naman maitindihan ni Luke ang kanyang nararamdaman masaya ito dahil narinig niya ang boses ng dalaga. “Luke, wait me okay? I’m coming.” wika ng dalaga at napahawak naman si Luke sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD