Pakiramdam ni Luke lumulutang na ito sa langit dahil sa sobrang saya. Hindi pa rin ito makapaniwala na sinagot na siya ni Antonette. Gustong isigaw ni Luke ang kanyang nararamdaman ngayon kaya lang nasa hapagkainan pa sila kumakain kasama ang pamilya ng dalaga.
“Luke, are you okay? Kanina ko pa napapansin parang hindi ka komportable. May problema ba hijo? Hindi mo ba nagustohan ang pagkain?” nag-alalang tanong ng Ginang mabilis naman umiling ang binata tumingin ito sa gawi ni Antonette bago nagsalita. “Tita, masaya lang po ako dahil sinagot na po ako ni Antonette. I’m sorry kung nagmamadali po ako. Gusto ko po magpasalamat sa inyo dahil sa pagmamahal at suportang ibinigay ninyo sa aming dalawa. Tito, aalagan ko po ang prinsesa ninyo pangako po iyon.” Nagsasalita si Luke habang kumakain sila hindi na palalampasin ng binata ang pagkakataong ito. Gusto na niya ipaalam sa kanila na nagkasundo na sila ni Antonette. “Ingatan mo ang nag-iisang anak ko isa lang ang gusto kong mangayari mahalin mo ang anak ko at huwag sasaktan. At mahalin ninyo ang isa’t-isa alam na ninyo ang tama at mali, kapag may problema idaan ninyo sa mabuting usapan upang magkaintindihan ka’yong dalawa. Anak, masaya ako para sa inyo ni Luke walang dahilan upang hindi namin tanggapin si Luke. Sa nakikita namin ng mommy mo isang mabait at mapagmahal na bata si Luke.” masayang wika ng ama ni Antonette.
“Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin hindi ko po ka’yo bibiguin mamahalin ko po si Antonette ng buong puso.” ani Luke sabay abot sa kamay ng dalaga at hinalikan pa iyon. Lumaki naman ang mata ni Antonette dahil sa ginawa ni Luke. Gustong bawiin ng dalaga ang kamay nito ngunit mahigpit itong hinawakan ni Luke. Nahihiya si Antonette sa kanyang mga magulang dahil sa buong buhay nito ay hindi pa nila nakita na may nobyo ang anak nila.
“Mommy, ako na po ang magliligpit ng mesa magpahinga na po ka’yo.” malambing na saad ni Antonette, natawa naman ng mahina ang kanyang Ina sabay tango nito. Araw ng linggo ngayon kaya wala ang mga kasamabahay napangiti si Antonette at tumayo na ito. Si Luke naman nanataling naka-upo nakatingin ito kay Antonette na nagliligpit ng mesa.
“Tulongan na kita!” sabay abot ni Luke sa mga baso at inilagay ito sa tray.
“Anak, magpapahangin lang kami ng daddy mo sa garden para naman makalanghap ng sariwang hangin.” aniya.
“Sige po mommy ako na ang gagawa ng tea magpahinga muna ka’yo.” humalik pa ang dalaga sa noo ng Ina. Samantala si Luke naman dinala na sa lababo ang mga plato napapailing na lamang si Antonette dahil kahit hindi sanay si Luke ay pinapakita pa rin ng binata na kaya niya.
Tahimik ang dalaga habang naghuhugas ng plato sanay na ito sa trabaho kaya baliwala lang sa kanya ang ganitong gawain.
“Puwidi ba akong tumulong?” nagulat naman si Antonette sa biglang paglapit ni Luke sa likuran nito. “Huwag na baka masira pa iyang kamay mo mapagalitan pa ako ng mommy mo.” aniya, napakunot noo si Luke imbis na mainis ito ay napangiti pa.
“Grabe ka naman anong akala mo sa akin hindi marunong sa gawaing bahay? I can wash dishes and clothes naman kaya don’t worry.” saad pa ni Luke sabay abot ng plato at pinunasan ito.
“Wala akong sinabing ganun nag-alala lang ako sa kamay mo masyadong malinis baka magasgas iyan ako pa ang dahilan.” aniya, napasinghap si Antonette ng hawakan ni Luke ang baywang nito at pinaharap sa kanya.
“Stop saying that!” anito.
“Bakit may gagawin ka ba sa akin?” pinadilatan pa ni Antonette ng mata si Luke.
Napaiwas naman ng tingin ang dalaga ng makitang binasa ni Luke ang mapulang labi nito.
“Bitawan mo na ako baka makita ta’yo ng parents ko nakakahiya nandito pa naman ta’yo sa kusina.” pinilit tanggalin ng dalaga ang kamay ni Luke ngunit mas lalo niya itong idiniin sa matigas nitong dibdib.
“Walang masama sa ginawa natin normal lang sa may relasyon ang ganito.” bulong ni Luke gumapang na sa balikat ni Antonette ang labi nito. Ramdam na rin ng dalaga ang kakaaibang init sa pagitan nilang dalawa. Iyong hawak ni Antonette na pinggan ay nawala na sa kamay niya ng tingnan niya ito ay nakataob na pala.
“Can I kiss you right here?” paalam ni Luke na ikinalaki ng mata ni Antonette. Nasa pisngi ng dalaga ang dalawamg kamay ni Luke at ilang pulgada na lang ay lalapat ang labi ng binata sa labi ni Antonette.
“Luke, baka papasok si mommy!” mahinang sabi ng dalaga sabay tingin pa sa labas. Mula sa kusina ay tanaw nila ang dalawa na masayang nagkukuwentohan.
“Pagkatapos dito sasamahan natin sila doon.” hinahaplos ni Luke ang magandang mukha nito, at lumaki ang mata ni Antonette nang siilin ito ng halik ni Luke sa labi.
Tumagal ng dalawang minuto ang halik ni Luke kaya naman napapikit ang dalaga. Hindi namalayan ng dalaga napakapit na pala siya sa leeg ni Luke at hinayaan ang labi nito na lamunin ng binata.
Napamulat si Antonette ng maramdaman niya ang kamay ni Luke gumapang na ito sa likod pababa sa baywang.
Isang malakas na tikhim ang nagpagising sa diwa ng dalawa kaya naman nagkahiwalay sila.
“Kaya pala nakalimutan na ang tea dahil abala ka’yo sa ibang bagay. Sige lang ipagpatuloy ninyo iyan wala akong nakita at higit sa lahat wala akong narinig.” ngiting saad ni Lorelay sabay abot sa tray upang dalhin ito sa labas. Kanina pa nakahanda ang tea ngunit ng dahil sa kakulitan ni Luke ay hindi ito naihatid agad.
“I’m sorry, sorry hindi ko naman alam na naghahalika—.”
Nabitin ang sasabihin sana ni Lore dahil tinakpan ng mabilis ni Antonette ang bibig nito.
“Ako na ang maghahatid ng tea sabihin ko na lang kay tita na hindi pa ka’yo tapos sa paghuhugas ng pinggan.” At nagmamadaling lumabas si Lorelay napanganga si Antonette dahil hindi man lang ito nakapagpaliwanag. Narinig pa ng dalawa ang masayang tawa ni Lore na akala mo siya ang nahalikan.
Inayos ni Antonette ang kanyang sarili nilinis na rin niya ang lababo at niyaya ng lumabas si Luke.
“Are you okay?” tanong ng binata dito.
“Yeah I’m fine.” tipid nitong sagot alam ni Luke na hindi okay si Antonette kaya naman niyakap niya ulit ang dalaga para kumalma. Ramdam ni Luke ang mabilis na t***k ng puso ni Antonette kaya bago sila lumabas ay pinakalma muna ito ng binata.
“I’m sorry kung hindi ako nakapagpigil.” saad ni Luke sabay tingin nito sa magandang mukha ni Antonette. Hindi nagsalita ang dalaga naglakad na ito palabas kaya naman sumunod si Luke.
“Mabuti tapos na ka’yo sa paghuhugas ng plato.” saad naman ni Lorelay na tudo sulyap sa dalawa nakadekwatro pa ito. Masamang tingin naman ang pinukol ni Antonette sa kanyang pinsan pinadilatan rin niya ito ng mata upang sa ganon ay tigilan na siya sa pang-aasar.
Bandang alas singko ay nagpaalam na si Luke sa mga magulang ni Antonette. Nangako ito na ibabalik niya ang dalaga sa eksaktong oras.
“Thank you dahil pumayag ka na sumama sa akin matutuwa si mommy nito.” saad pa ni Luke habang magkahawak kamay silang dalawa.
“Simula sa araw na ito ay masasanay ka na sa presensiya ko.” saad ni Luke sabay halik pa sa likod ng kamay ni Antonette.
“Seloso ka ba?” aniya.
“Yes, seloso ako kahit sinong lalaki magseselos kung ganito ba naman kaganda ang kasama mo araw-araw. Bakit ikaw hindi ka ba selosa?” balik tanong ni Luke kay Antonette.
“Maraming ibig sabihin ang selos kaya dapat gamitin ito ng tama. Kung may tiwala ka’yo sa bawat isa wala kang dapat ipangamba.” ani Antonette na nasa daan nakatingin.
“Don’t worry hindi ako gagawa ng kamalian na alam kung ikakasira ng relasyon natin pangko iyan. Basta ang alam ko mahal kita at gusto kita magiging Ina ng mga anak ko.” ang madamdaming saad ng binata inilagay pa niya sa bandang dibdib nito ang kamay ni Antonette upang maipadama dito na bumibilis ang kabog ng kanyang puso kapag kasama siya.
“Naririnig mo ba ang t***k ng puso ko?” anito.
“Oo sobrang bilis!” nakangiting wika ng dalaga.
Pagdating nila sa mansyon ng mga Villiamor ay agad bumaba si Luke upang pagbuksan ang nobya.
“Thank you Luke!”
“You’re welcome my love.” anito.
Nasa hall way pa lang ang dalawa ay sinalubong na sila ng mommy ni Luke. Agad niyakap ng Ginang si Antonette na ngayon ay nakangiti sa kasiyahan.
“Thank you for coming hija akala ko hindi ka na pupunta dito.”
“Hindi ko po matanggihan itong anak mo tita isa pa napakakulit nito.” aniya.
“Luke, ikuha mo si Antonette ng mainom.” utos ng mommy nito.
“Opo mommy!”
Napapailing na lang si Luke hindi pa rin masulo ng binata si Antonette dahil kaagaw niya ang kanyang mommy.
Napangiti si Luke ng may naisip itong paraan dadalhin niya ang nobya sa sarili nitong painthouse upang magkaroon sila ng privacy.