Tatlong buwan ng may relasyon sina Luke at Antonette at sa tatlong buwan na iyon ay walang nagbago sa katunayan ay mas lalong naging super sweet si Luke at lalong minahal si Antonette. Halos hindi naman makapaniwala ang mga pinsan ni Luke na sina Levi, Oliver, Augusto, at Carter. Hindi nila akalain na tatagal si Luke kay Antonette samantalang sa mga naging babae niya noon ay isang linggo ang pinakamatagal.
“Mukhang tinamaan na yata ng pana ni kupido ang manok natin? Kita mo naman pinaayos niya ang bahay para sa date nila bukas.” tumaas pa ang leeg ni Oliver para makita si Luke na nakatayo sa di kalayuan. Nandito sila sa painthouse ni Luke ngayon gusto kasi ng binata masulo si Antonette kaya nagpatulong ito sa mga pinsan niya para sa date nila sa susunod na araw. Napatango naman si Levi tumingin rin ito sa gawi ni Luke kinalabit pa niya si Augusto sabay turo kay Luke.
“Tumigil nga ka’yong dalawa magnobya na ka’yo para hindi ka’yo magselos sa kanya.” saad ni Augusto na ngayon ay salubong na ang kilay.
“Porket may nobya ka na ganyan ka na magsalita sa amin?” sita naman ni Oliver dito sabay pa silang natawa ng malakas kaya naman napatingin si Luke.
“Oh, ba’t ka’yo natahimik?” tanong ni Luke saka binalingan si Augusto na tumayo na para tingnan kung maayos na ba ang arrangement ng mga inutosan nitong trabahante.
“Boss, kung may gusto ka’yo ipadagdag o ipaayos ulit huwag po ka’yo mahiyang magsabi baka kasi may kulang sa pinapagawa ninyo.” saad ng isang lalaki lumayo pa ito ng kunti upang tingnan ang ayos ng kanilang trabaho. May sariling kasambahay dito sa painthouse ni Luke kaya palagi itong malinis at nasa maayos na pag-aalaga ang mga gamit dito.
“Augusto, sa tingin mo ba mapapasaya ko si Antonette dito? Kinakabahan ako baka mamaya hindi niya magustohan ang hinanda kong surprisa para sa kanya. Ayos na ba ang kulay ng mga bulaklak na ito? O papalitan natin ng ibang kulay?” saad pa ni Luke sabay kamot ng kanyang batok, natawa naman ng mahina si Augusto.
“Relax ka lang masyado kang exited alam mo kung mahal ninyo ang isa’t isa hindi na mahalaga kung saan ka’yo magda-date. At bakit kasi dito mo napiling e date si Antonette? Marami naman mamahaling restaurant sa labas?” wika ni Augusto na ikinangiti naman ni Luke.
“Gusto ko ng kakaiba mayaman si Antonette sa tingin ko sawa na iyon sa mga ganun klaseng lugar kaya naisip ko na dito na lang sa sarili kong bahay.” Sa buong buhay ni Luke ay ngayon lang ito nakaramdam ng kilig sa katawan .
“Tama ka, mas gusto ng mga babae ang simple at tahimik na lugar. Kaya nga mas lalo kong minahal ang asawa ko dahil kahit mayaman siya mas pinili niya ang magdate kami sa lugar na tahimik at kami lang.” huminga pa ng malalim si Augusto bigla niya tuloy namis ang kanyang basawa.
“Maraming salamat alam ko naman hindi ka’yo maniniwala sa akin, pangako hindi na ako ang dating Luke noon. Salamat dahil palagi ka’yong nandiyan para sa akin lalo ka na kahit minsan hindi ta’yo magkasundo ay hindi mo pa rin ako iniwan.” mapait na ngumit si Luke inaamin niya na masama siyang pinsan kay Augusto noon kaya bumabawi ito sa kanya. Ngunit kahit ganun pa man ang pinapakita nitong ugali ay hindi ito pinapatulan ni Augusto. “Huwag mo na isipin iyon ang mahalaga ay maayos ta’yo at kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami sino pa ba ang magtutulongan kundi ta’yo lang.” napatango si Luke sabay tapik nito sa balikat ni Augusto.
Bandang alas otso na ng gabi sila natapos sa lahat ng gawain dito sa painthouse ni Luke kaya naman dumaan muna ang magpinsan sa bar upang makapagrelax.
Pagkaupo ni Luke agad naman lumapit ang babaeng maganda at sexy. Kahit hindi ito nakatingin kay Luke ay kilala niya nito, ito iyong babaeng inutusan niyang sayawan siya noong gabing naglasing siya.
“Can I know your name?” tanong ni Luke napaangat ng mukha ang babae at nginitian si Luke. “I’m Celine, nice meeting you boss.” aniya sabay abot sa kamay ni Luke upang kamayan ito.
“Bago ka lang ba dito?” tanong ni Luke nakatingin ito sa kamay ni Celine.
“Mag limang buwan na po Sir Luke bihira lang po ako pumapasok dito sa club dahil nag-aaral po ako.” aniya, napakunot naman ang noo ni Luke.
“What do you mean?” naguguluhan si Luke sa sinabi ni Celine.
“Sorry po sir hindi ko na dapat sabihin ito sa inyo nakakahiya po. Ibig kong sabihin nag working student po ako para may pangtustos ako sa aking pag-aaral.” saad nito sabay yuko pa ni Celine sa kanyang ulo nahihiya ito sa kaharap.
“It’s fine mabuti nga nagsumikap ka para makapag-aral.” ani Luke at tuloyan ng kinamayan si Celine.
“Celine, nandito ka lang pala maraming customer sa kabilang table kanina pa kita hinahanap Ikaw ang gusto nilang mag serve para sa kanila. Go and do your work hindi kita pinasahod dito para makipag tsimisan.” galit na saad ni Ethan kay Celine sabay hawak sa bridge ng kanyang ilong. Nagmamadali namang umalis ang dalaga hindi na ito nakapagsalita samantalang si Luke naman ay nagulat sa sinabi ni Ethan.
“Pasensiya ka na ayaw ko lang masanay si Celine na kausapin ka palagi.” anito, mas lalong kumunot ang noo ni Luke.
“Bakit may problema ba sa kanya? Ethan, kahit may ginawa man siyang mali hindi tama na pagalitan mo ang tao ng ganun na lang. Tinanggap mo siya at tumagal siya sa trabaho ng limang buwan so ibig sabihin maayos ang performance niya? Lahat ng babaeng nag wo-work dito sa club ay hindi ko sila kilala hindi na nga ako nagtanong sa iyo kung sino sila. Oo babaero ako pero nererespito ko pa rin sila bilang babae tao rin sila marunong masaktan. Please baguhin ninyo ang patakaran dito sa club na ito baka ako pa mismo ang magpasara nito.” napahilamos si Luke sa kanyang mukha hindi niya akalain na ganun na pala ka strict si Ethan.
“I’m sorry hindi ko napigilan ang galit ko, hindi lang kasi ito ang unang beses na makipag-usap si Celine sa mga customer. Okay fine hindi ka customer may ari ka ng club na ito at iyon ang delikado doon. Last night I found na tinanggap niya ang alok ng customer natin, actually kagabi pa ako galit kay Celine dahil sa ginawa niya. Isa sa mga customer natin ang nagyaya na Ilabas siya without my permission pinagbigyan niya ang customer na iyon ng hindi ko alam. Bago ko tinanggap ang mga babae dito sa club na ito ay pinagbabawalan ko silang lahat na hindi puwidi lumabas kasama ang customer. Pero anong ginawa niya? She breaks my rule kaya nararapat lang sa kanya na pagalitan. Maraming trabahanteng babae ang nauna kay Celine pero hindi naman sila ganun sumunod sila sa rule ko at nererespito nila ang diccision ko. I’m sorry kahit ikaw pa ang may-ari ako pa rin ang masusunod dahil sa akin nakasalalay ang club na ito.” saad pa ni Ethan napanganga naman ni Luke.
“Tama naman si Ethan kaya huwag mo ng kontrahin ang diccision niya.” wika ni Augusto na kanina pa nakikinig sa usapan ng dalawa.
Samantala sa mansyon nila ni Antonette ay masayang nag swimming ang mag-pinsan na sina Gwen, Lorelay, at Antonette. Araw ng sabado bukas holiday ni Gwen kaya naisipan nilang tatlo na mag overnight swimming sa bahay nila Antonette. Kanina pa tinatawagan ng dalaga si Luke ngunit hindi ito sumasagot sa kanyang phone. Nagtataka tuloy si Antonette dahil kahapon pa ito hindi nagparamdam sa kanya.
“Ang lalim naman niyan?” saad ni Lore sabay abot ng towel at binalot sa basa nitong katawan.
“Hindi kasi sinasagot ni Luke ang tawag ko, hindi naman siya ganun dati kapag hindi niya ako maka-usap buong araw hahanapin ako. Ngayon ni message wala, ganun ba talaga kapag matagal na ka’yong may relasyon?” malungkot nitong sabi tumingala pa si Antonette upang tingnan ang mga bituin sa langit.
“Baka busy, o baka naman kasama niya ang kanyang mga magulang? Isa lang ang ibig sabihin niyan mahal mo na siya. Ganyan naman ta’yong mga babae kapag hindi ta’yo sasagutin marami ng tumatakbo sa isipan natin. Nagsisimula na ta’yong magselos kahit hindi dapat, you know it’s normal naman sa isang relasyon ang mga bagay na iyan. Kaya ta’yong mga babae alamin muna natin ang dahilan upang sa ganun ay magkaintindihan ang bawat isa.” saad ni Gwen na naka-upo na sa gilid ng pool habang naka tampisaw ang dalawa nitong paa.
“Wow, kaya sobrang Idol kita eh?” ani Lorelay inalog pa niya ang baso na may ladies drink bago tinunga.
“Lore, kanina ka pa diyan? Mukhang hindi ka na naliligo.” wika naman Antonette. Napapailing na lang si Gwen dahil mukhang lasing na itong kasama nila.
“Tama ka baka nga busy siya. Gwen, thank you sa lahat dahil pinagbigyan mo kami na makasama ka.” ani Antonette.
“You’re always welcome basta Ikaw hindi kita matatangihan.” aniya.
“Paano naman ako?” hirit ni Lorelay tumabi na rin ito sa dalawa ngayon naka-upo na silang tatlo sa gilid ng pool na parang mga batang paslit.
“Thank you God for this wonderful night.” ani Lore, kahit lasing na ito ay naalala pa nitong tumawag sa itaas.
Sabay pa silang natawa at masayang pinagmamasdan ang mga bituing kumikislap sa langit.