Ala una pa lang ng hapon ay nakahanda na si Antonette. Ito ang unang date nila ni Luke kaya naman sobrang exited ang dalaga. Halos hindi na nga siya makatulog kagabi ng tumawag si Luke at sinabi dito na magdate sila ngayong araw.
“Lore, okay na ba itong make up ko?” wika ni Antonette sabay lapit sa salamin upang tingnan ang kanyang magandang mukha.
“Hindi halata na exited ka, kanina ko pa napapansin nakailang retouch ka na sa mukha mo baka mamaya magkapalit ta’yo ng mukha niyan? I’m sure kapag makita ka ni Luke hindi ka niya makikilala mas lalo iyon maiinlove sa’yo. Ilugay mo ito lalagyan ko na lang ng clip para hindi sasabog sa mukha mo.” tukoy ni Lore sa buhok ni Antonette magaling si Antonette sa pagma-make up sa kanyang sarili pero hindi pa rin ito satisfied kaya tinatanong niya si Lore.
“Kung puwidi lang akong sumama sinamahan na kita, kaya lang baka maabala ko pa ang unang date ninyo.” ani Lore at pinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa para matapos na sila.
“Masaya ako para sa iyo balitaan mo na lang ako bukas para naman alam ko kung ano ang nangyari sa date ninyo ni Luke.” dagdag pa ni Lorelay kinikilig ito habang nagsasalita na para bang siya ang may date sa araw na ito.
Pagsapit nang alas tres ng hapon ay bumaba na sina Antonette at Lorelay, muntik pa madapa si Lore dahil sa pagmamadali ni Antonette. At nagulat ang kanyang mommy ng makita ang dalaga dahil muntik na niya hindi makilala ang sariling anak.
“Anak, Ikaw ba iyan? Wow you look so gorgeous.” Inayos pa ng mommy niya ang kanyang salamin upang makita si Antonette.
“See pati ang mommy mo hindi ka na kilala?” natatawang saad ni Lore sabay ayos pa sa damit ni Antonette.
“Si mommy naman eh parang hindi niya ako anak mom, si daddy po?” wika ni Antonette ginala pa niya ang paningin sa buong sala.
“Ako na ang bahala sa daddy mo. Injoy your date anak huwag mo kaming alalahanin dito sa bahay.” kakapahinga lang kasi ng ama nito kaya naman ayaw na rin ng asawa na abalahin pa ang ama. Sabay silang napatingin sa pinto ng may mag doorbell mula sa labas.
“Ako na po ang magbubukas tita.” saad ni Lore at nagmamadali itong pagbuksan ang taong nasa labas. Nang mabuksan ni Lore ang doble door ay napatakip pa ito mg sariling bibig, nagulat ito ng makitang nakatayo si Luke sa labas ng pinto at may dalang bulaklak.
“Magandang hapon Lore, si Antonette?” ngumiti ng malapad si Luke sabay lagay sa kamay nito sa bulsa ng kanyang slacks.
“Nasa sala akala nga niya hindi na matutuloy ang date ninyo, kanina pa siya naghihintay sa’yo.” ani Lore na nakatingin lang sa itsura ni Luke.
“Sorry natagalan ako Lore?” anito.
“Okay lang iyan bumawi ka naman sa ka guwapohan, hindi mo kasalanan iyan kung natagalan ka itong pinsan ko ang masyadong exited kaya hindi na siya makapaghintay sa pagdating mo.” sumbong ni Lore habang papunta sila ng sala, dala ang bulaklak at masayang tinungo ang malaking sala kung saan naghihintay ang mag-ina.
“Magandang hapon po tita, mano po.” sabay abot ni Luke sa kamay ng mommy ni Antonette bago ibinigay ang dala nitong bulaklak.
“Para po sa inyo tita!” saad ni Luke, napasinghap naman si Lorelay ang akala kasi nito ay para kay Antonette ang bulaklak na dala ni Luke iyon pala ay para sa mommy niya.
Nagtataka man ang Ginang ay minabuting tanggapin ang bulaklak at nagpasalamat sa binata.
“Tita, magda-date po kami ni Antonette kung okay lang po sa inyo.” napatingin pa si Luke sa kanyang nobya na ngayon ay nakatitig rin ito sa kanya.
“Sinabi na Antonette sa akin, Luke, ingatan mo ang anak ko huwag ka’yo masyadong mag pagabi.” nakangiting wika ng mommy ni Antonette napangiti na rin ang dalaga dahil sa sobrang saya.
“Opo tita, Ihahatid ko si Antonette sa tamang oras.” anito at mabilis naman kumapit ang dalaga sa braso ni Luke sabay pa silang nagpaalam sa Ginang. Napapaluha naman si Lorelay habang nakatanaw ito sa dalawa na sweet na sweet sa isa’t isa.
“You look so gorgeous my love!” puna ni Luke kay Antonette napatingin naman ito sa binata na seryoso ang mukha.
“Ikaw rin naman ang guwapo mo.” napangiti pa si Antonette kinikilig ito na para bang lumulutang na siya sa ulap.
“Flowers for you my love!” Inabot ni Luke ang bulaklak para sa dalaga. “I’m sorry baka magtaka ka kung ba’t ko binigyan ng flowers ang mommy mo. Ganun kasi ako, para sa akin mas una kong mamahalin ang mga parents ng nobya ko nang sa ganun ay mamahalin nila ako bilang isang anak.
“Thank you hindi lang si mommy ang pinasaya mo salamat sa pagmamahal sa family ko lalo na sa akin.” Inamoy pa ni Antonette ang bulaklak kaya naman napangiti ng malapad si Luke.
“Anything for you mahal gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita. Today we celebrate our first date in my own house I hope magustohan mo ang hinanda kong munting surprisa para sa’yo.” saad ni Luke sabay halik sa kamay ng dalaga.
Tahimik nilang binabagtas ang daan papunta sa paint house ni Luke. Nakatanaw naman sa labas si Antonette at masayang pinagmamasdan ang malinis na kapaligiran.
“Akala ko ba pupunta ta’yo sa bahay ninyo? Bakit parang ibang daan ito.” takang tanong ni Antonette sumilip pa ito sa mga mayayabong na puno sa paligid.
“Yes mahal sa bahay ko mismo ta’yo pupunta hindi sa bahay nila mommy.” anito Ilang sandali lang ay pumasok na sila sa isang subdivision hanggang sa marating nila ang mismong bahay ni Luke.
Lihim na namangha si Antonette sa maraming mamahaling sasakyan nakaparada sa isang malaking parking area.
Hawak ni Luke ang kamay ng dalaga at sabay na silang pumasok sa loob.
Tahimik na nakamasid si Antonette sa buong bahay oo alam ng dalaga na mayaman si Luke pero hindi niya akalain na may ganitong bahay pala ang binata.
“Nagustohan mo ba?” saad ni Luke.
“Amazing place, ang ganda dito at ang tahimik.” puri ni Antonette naputol ang usapan nila ng dumating si Cecile.
“Good afternoon Sir and Ma’am!” bati ng isang matanda na ikinalingon ng dalaga.
“Manang, si Antonette girl friend ko po. Antonette si Manang Cecile ang pinagkakatiwalaan ko dito sa bahay. Don’t worry makakasama natin si manang alam ko kanina ka pa nag-alala dahil akala mo ta’yo lang ang nandito.” saad ni Luke halata kasi sa mukha ng dalaga na natatakot ito.
“Magandang hapon po, ikinagagalak ko po ka’yong makilala.” sabay yuko ni Antonette sa ulo nito tanda ng pagbibigay galang nito sa matanda.
“Kapag may kailangan ka huwag kang mahiyang tawagan ako.” nakangiting saad ni manang sa dalaga.
“Salamat po!” aniya.
“Maiwan muna kita dito.” paalam nito at umalis na.
Nagtatakang napatingin si Antonette sa sofa kung saan naka-upo kanina si Luke.
“Nasaan kaya ang lalaking iyon? Bakit bigla na lang siya nawala dito?” hindi napansin ni Antonette ang pag-alis ni Luke kaya naman umupo ulit ito sa sofa.
“Antonette!” tawag ni Luke sa dalaga napalingon at nagulat ito ng makita si Luke. Dala ng binata ang isang tray na puno ng pagkain at inilapag iyon sa mesang naroon.
“Tulongan na kita!” ani Antonette sabay tayo nito at lumapit kay Luke. Napapalibotan ng magagandang bulaklak ang buong paligid may mga nakalagay na ilaw sa bawat sulok na parang bituing kumikislap.
“Hijo, ako na ang tatapos umupo ka na para may kasama ang nobya mo.” saad ni manang at inilapag ang mga dala nitong pagkain.
“Puwidi ba akong tumulong?” pag-uulit ni Antonette natawa naman ng mahina si Luke.
“Kaya na ni manang iyon umupo ka na para makakain na ta’yo. Alam kong nagugutom ka sa kakahintay sa akin kaya kumain muna ta’yo.”
Sa totoo lang simula kaninang umaga ay hindi pa kumakain si Antonette dahil sa sobrang exited nito ay nakalimutan na niya ang kumain kaya naman nakaramdam ito ng gutom. Kompleto ang nasa ibabaw ng malaking mesa na akala mo naman ay ilang tao ang kakain.
“Luke, hindi ba sasabay si manang sa atin kumain?” wika nito napatingin naman ang binata sa mukha ng nobya.
“Hija, kumain na ka’yo sa tingin ko gutom na ka’yong dalawa huwag ninyo akong alalahanin kumain na ako kanina.” saad pa ni manang at kukuha na sana si Antonette ng pagkain ngunit naunahan ito ni Luke.
“Thank you Luke, puwidi naman ako ang kumuha para sa akin.” napangiti si Luke at hinalikan ang kamay nito.
“Ayaw kong mapagod ka hayaan mo akong pagsilbihan kita.” anito.