Chapter 13

1503 Words
“Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita.” malungkot na saad ni Luke sabay yakap nito kay Antonette. Inabot niya ang noo nito at hinalikan iyon napapikit naman ang dalaga ramdam niya ang init ng labi ni Luke. “Parang ayaw ko nang matapos ang gabing ito mamimis kita.” bulong ni Luke kay Antonette. Mas lalo naman sumiksik ang dalaga sa hubad na katawan ni Luke at pinaramdam niya dito na kung puwidi lang rin ay hindi na sila maghihiwalay pa. Tiningala ni Antonette ang guwapong mukha ng nobyo sabay haplos niya dito. “Huwag ka ng malungkot, uuwi lang naman ako sa bahay saka kahit anong oras mo ako bisitahin ay puwidi naman diba? I love you, please ngumiti ka na.” saad na ng dalaga at isang matunog na halik sa kamay ng binata ang ginawa nito. “Alam ko naman na hindi mo ako matitiis kaya kapag namis mo ako susugod ka agad sa bahay ng wala sa oras.” ngiting saad ni Antonette, ito kasi ang nakasanayan ng dalaga madaling araw pa nasa labas na si Luke at naghihintay ito kay Antonette kapag namis niya ito. Natawa naman ng mahina si Luke sabay pisil pa sa pisngi ng dalaga. “Talagang alam na alam mo ang gagawin ko ah? Hindi kasi ako mapakali kapag hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya para hindi na ako mag-alala mas mabuti ng puntahan kita.” pag-amin ni Luke dito na ikinatuwa ng puso ni Antonette. “Gusto mo bang tawagan ko si mommy na bukas na lang ako uuwi?” saad ng dalaga. “Noo, nangako ako kay tita na ihahatid kita sa eksaktong oras at isa pa ayokong sirain ang tiwala ng mommy at daddy mo. At baka hindi ka na nila papayagan sa susunod na magpapaalam ako sa kanila.” napangiti si Antonette takot talaga si Luke sa mga magulang niya. “Kaya love na love kita eh, dahil hindi lang ako ang minahal mo pati na rin sila daddy at mommy.” Ito ang pinakagusto ni Antonette kay Luke, sinulit muna ng dalawa ang kanilang oras hanggang sa hinatid na ng binata ang dalaga. “Mag-ingat ka, tawagan mo ako kapag nakarating na sa bahay.” wika ni Antonette sabay halik niya sa labi ni Luke. “I love you para sa’yo mag-iingat ako, alam kong pagod ka kaya matulog ka na.” halik sa noo naman ang ginawa ng binata dito. “Pumasok ka na bago ako aalis.” anito. Kumaway muna si Antonette bago tuluyang sinarado ang gate. Pangiti-ngiti naman si Antonette habang paakayat ito sa second floor kung saan ang kanyang kuwarto. Hindi alam ng dalaga na gising pa ang mommy nito at nakita ang saya sa mukha ng anak. Agad sumampa si Antonette sa kanyang kama mabuti na lang nakapagbanlaw na ito kanina sa bahay ni Luke kaya matutulog na lang siya. Hindi na ito nagpalit ng pantulog dahil mas komportable siya sa malaking t-shirt na pinasuot sa kanya ni Luke kanina. Napapikit ang dalaga pakiramdam nito ay kasama pa niya si Luke sa oras na ito. Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang phone ni Antonette agad naman niya sinagot ng makitang si Luke ang tumatawag. “Nandito na ako bahay!” masayang saad ni Luke nakahiga na ito sa kanyang malaking kama. Ganito naman sila kapag magka-usap ni Antonette gusto ni Luke makita ang nobya. Kaya naman bawat galaw ni Luke sa loob ng kanyang kuwarto ay makikita ni Antonette dahil nakabukas ang camera. “Good night mahal, sweet dreams. I love you thank you for the wonderful night dahil nakasama kita.” pasalamat ni Luke dito napangiti naman ang dalaga dahil hindi na mabilang kung pang ilang beses na ito nagpasalamat. “Matulog na ta’yo maaga pa ako gumising bukas.” saad ni Antonette agad naman hinalikan ni Luke ang screen ng kanyang phone upang magpaalam na sa nobya. KINABUKASAN kahit late night ng natulog si Luke ay maagang pa rin itong gumising. May lakad sila ni Augusto kaya naman nagmamadali itong bumaba. Dumiritso si Luke sa dining tamang-tama ang kanyang dating dahil kalalapag lang ng mommy niya sa mesa ng kape. “Good morning, maaga pa para puntahan mo si Antonette?” kunot noong sabi ng mommy nito. “Good morning mommy, hindi po si Antonette ang pupuntahan ko sa opisina kami ni daddy pupunta ni Augusto kaya siya ang kasama ko ngayon.” masayang saad nito sa kanyang Ina sabay halik sa noo at nagmamadali itong nagpaalam. “Anak, hindi ka pa nag almusal huwag mong kalimutan kumain sa labas, mag-ingat ka.” hinabol pa ng Ginang ang anak hanggang sa kanilang pintuan. “I love you mommy, opo sasabay na ako kay Augusto.” kumaway pa ang binata bago sinarado ang salamin ng kanyang sasakyan. Napailing na naglalakad papuntang dining ang Ina masaya ito dahil nakikita niyang masaya si Luke. Nag-iisang anak si Luke kaya naman mahal na mahal nila ito. “Mukhang Inlove na ang anak natin?” napangiti naman ang magandang asawa sa sinabi ng daddy ni Luke. “Sweetheart, hindi ka ba masaya para sa anak mo? Supportahan natin dahil bihira lang iyon mag seryoso sa buhay lalo na sa mga babae. Mabuti nga ngayon hindi na sakit sa ulo ang binibigay sa atin.” Saad ng ginang sabay sandok ng pagkain para sa asawa nito na kanina pa nakatitig sa kanya. “Alam mo kuhang-kuha talaga ni Luke ang ugali ko ganyan ako dati nong nililigawan kita. Halos hindi na nga ako umuuwi sa bahay dahil palagi na lang akong nasa bahay ninyo. At simula ng makilala kita nagbago ang buhay ko kaya salamat sa iyo dahil hindi ka bumitaw. Marami man ang humadlang sa pagmamahalan natin noon ay hindi sila nag tagumpay.” ngiting wika ni Don Miguel. “I love you, tumanda man ta’yo ngunit walang nagbago sa pagmamahalan natin. Hindi ko makakalimutan kung paano mo ako pina-ibig ng husto.” nakalimutan ng dalawa na nasa hapagkainan sila. Nakahilig pa ang mommy ni Luke sa balikat ng kanyang guwapong asawa. Sa kabilang banda naman masayang nagtatawanan sina Luke at Augusto habang nasa loob sila ng opisina. “Kumusta ang date ninyo ni Antonette?” tanong ni Augusto na kahit halata sa mukha ni Luke ang saya ay nagtanong pa ito. “Hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking puso, Iwan ko ba basta kakaiba ang saya ko sa piling ni Antonette.” pag-amin ni Luke sa pinsan nito. “Masaya ako para sa iyo,” Iyon lang ang nasabi ni Augusto. Abala ang dalawa sa kanilang ginagawa maraming papeles ang pipirmahan ni Luke. Nakamasid naman si Augusto sa kanya panay kasi ang tingin nito sa kanyang phone. “Baka tulog pa? Don’t worry kapag nagising iyon sigurado tatawagan ka noon.” ngiting sabi ni Augusto dito. Nagkatinginan ang dalawa ng tumunog ang phone ni Luke. Nang makita ng binata kung sino ang tumatawag ay bigla itong nag seryoso. “Good afternoon.” mahinang boses ni Antonette ang bumungad kay Luke sa kabilang linya. “Good afternoon my love, ngayon ka lang ba nagising?” anito. “Pasensiya ka na napasarap ang tulog ko.” nahihiya pa si Antonette aminin na ngayon lang ito nagising. Natawa naman ang binata dahilan upang mapakunot ang noo ng dalaga. “Nasaan ka?” tanong ni Antonette dito. “Nasa opisina kami ni Augusto ako muna ang papalit kay daddy masama kasi ang pakiramdam niya. Kaya kami muna ni Augusto ang tatapos sa mga trabahong naiwan niya dito sa opisina. Kumain ka na diyan baka malipasan ka ng gutom anong oras na?” Pag-alala ni Luke sa nobya, napapangiti naman si Augusto na nakikinig sa tabi nito. “Bababa na nga ako nakaramdam na rin ako ng gutom.” dagdag pa ng dalaga. “I love you, kapag matapos kami ng maaga dito diyan ako didiritso sa inyo namis kita kaya gusto kitang makita.” napakagat labi naman si Antonette kinikilig ito kahit hindi pa siya kumakain pakiramdam niya ay busog na siya. “I love you Luke, I miss you too, maghihintay ako sa’yo.” paglalambing pa ni Antonette abot tainga naman ang ngiti ni Luke dahil sa narinig mula sa dalaga. “I love you more my love!” hinalikan pa ni Luke ang screen ng kanyang phone at nagpalaam na. “Iba talaga kapag Inlove hindi mo na maalala na may kasama ka. Ganyan ka pa rin ba kapag nasa harap ka ng maraming tao parang wala ka sa iyong sarili? Kasi kapag ibang tao ang makakita sa’yo isipin nila nasisiran ka na ng bait.” sabay tawa ng malakas ni Augusto. “Walang akong paki-alam sa sasabihin ng ibang tao.” anito. Sabay pang nagtawanan ang dalawa hindi na tinapos ni Luke ang ibang papers works nagmamadali na itong tumayo. “Uuwi na ba ta’yo?” saad ni Augusto. “Bukas na ulit ito, gusto ko ng makita si Antonette.” tango na lang ang sagot ni Augusto sa pinsan nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD