Chapter 12

1370 Words
Walang kapantay na saya ang nararamdaman ni Antonette sa mga oras na ito. Hindi niya lubos maisip na ang pinapangarap niya noon ay matutupad na sa gabing ito. Masaya nilang pinagsaluhan ang dinner na hinanda ni Luke at Manang Cecile. At dahil nasa tabi lang sila ng pool ay hindi sila nakaramdam ng init malamig ang simoy ng hangin kaya masarap sa balat ang bawat dampi nito. “Gusto mo bang maligo?” tanong ni Luke sa dalaga, napangiti si Antonette sabay iling nito. “No!” “Why, takot ka ba sa tubig? O takot ka sa akin?” sabay kindat ni Luke kay Antonette na nagpakilig ng sobra sa dalaga. “O baka naman hindi ka marunong lumangoy kaya ayaw mong maligo?” dagdag pa ng binata napakunot noo naman si Antonette. “Tapusin mo muna ang pagkain mo mukhang gutom ka pa.” wika ng dalaga na ikinatawa ng malakas ni Luke. “Titigan lang kita mabubusog na ako, how much more kung kakainin kita.” saad ni Luke na nagpalaki sa mata ni Antonette. “What?” “ I said masarap maligo ngayon lalo na medyo mainit ang panahon.” pag-iiba ng binata sa usapan. “Don’t worry may hinanda akong susuotin mo pagkatapos mong kumain pumasok ka sa kuwartong iyon para makapili ka ng swimsuit mo.” sabay turo ni Luke sa kanang bahagi kung saan naroon ang mga bakanteng rooms. Sa tingin ni Antonette para sa mga guest ang silid na iyon may gym pa para sa mga gustong mag exercise at palaruan ng mga bata. “C’mon my love hindi naman kita kakainin titigan lang kita kaya huwag ka ng mahiya sa akin.” ngiting saad ni Luke habang nagpapatuloy ito sa pagsubo ng pagkain. Pakiramdam ni Antonette namula ang kanyang pisngi natatakot ito sa sinabi ni Luke. “You look’s cute when you blush!” ani pa ni Luke at mas lalo pa itong napangiti. “Puro ka kalokohan kumain ka na nga diyan.” kunwaring naiinis ang dalaga pero ang totoo niyan ay kinikilig ito sa mga banat ni Luke. “I’m sorry!” hindi pa natapos ng dalaga ang kanyang sasabihin ay pinigilan na ito ni Luke. “Ako dapat ang mag sorry sa iyo alam kong nagtatampo ka sa akin dahil ilang araw akong hindi nagparamdam sa’yo. Hindi ko sinabi sa’yo na dito ako na busy this few days gusto ko kasi e surprisa ka kaya hindi ko pinaalam ang ginagawa ko dito.” napalabi pa si Luke ilang araw din itong hindi nakatulog dahil tiniis niyang hindi makita si Antonette. Ngayon nakahinga na ito ng maluwang dahil nasabi na niya sa dalaga ang kasalanan niya. Natawa ng mahina si Antonette na ikinagulat naman ni Luke. “May kasalanan rin ako sa’yo I’m sorry, nong araw na binaliwala mo ako akala ko nagbago na ang pagmamahal mo sa akin. Sorry, kung pinag-isipan kita ng hindi maganda Ilang araw rin akong walang gana sa sarili iniisip ko na tama ang mga naririnig ko na hindi ka talaga magtatagal sa isang relasyon. Luke, I’m verry sorry hindi ko sinasadyang mag-isip ng ganun.” Kahit nahihiya si Antonette na sabihin iyon sa binata ang mahalaga ay nailabas niya ang kanyang nararamdaman para dito. Hindi sanay magsinungaling ang dalaga kaya naman ayaw niya maglihim kay Luke gusto rin niya maging open siya sa lahat ng bagay para sa binata. “I love you my love hindi na mauulit I promise. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para mapaniwala kita.” Inabot ni Luke ang kamay ni Antonette at hinalikan iyon. “Dito ko gusto bumuo ng pamilya kasama ang magiging asawa ko. Alam ko naman hindi ako perpektong tao marami akong pagkakamaling nagawa sa buhay. Pero simula ng makilala kita nagbago na ang lahat sa akin hindi na ako ang dating Luke noon. Antonette, mahal kita at gusto ko Ikaw ang magiging Ina ng mga anak natin. Kung noon wala akong pangarap ngayon naman pangarap ko na magkaroon ng masayang pamilya kasama ka.” wika ni Luke na diritso lang ang tingin sa mata ng dalaga. Pakiramdam ni Antonette ay asawa na siya ni Luke sa araw na ito. Tahimik lang ang dalaga habang nakikinig ito kay Luke na seryoso ang mukha. “Bakit ayaw mo ba na Ikaw ang magiging asawa ko? Antonette, alam ko masyado akong nagmamadali na magkaroon ng pamilya tumatanda na ako sawa na ako sa buhay singel.” saad nito sabay hawak sa kamay ng dalaga at dinala iyon sa kanyang dibdib. “Pakinggan mo Ikaw ang sinisigaw nito.” saad pa ni Luke at pinakapa nito sa dalaga ang kanyang dibdib na para may mga kabayong tumatakbo sa loob nito. “Naiintindihan kita pero hindi ba puwiding ganito muna ta’yo? I mean e enjoy muna natin ito at saka darating din naman ta’yo diyan. . Luke, nandito lang ako hindi ako mawawala gusto ko maranasan kung gaano kasaya ang kasama ka.” walang paalam na hinalikan ni Antonette ang labi ni Luke na ikinalaki ng mata ng binata. “I love you so much, thank you sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa surprisang hinanda mo.” dagdag pa ng dalaga at sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan ulit ni Antonette si Luke. Napapikit ang binata sinuklian nito ang halik ng dalaga hanggang sa muntik na nilang makalimutan kung nasaan na sila. “Let’s go maligo na ta’yo!” wika ni Antonette sabay bitaw sa labi ni Luke. Nagising naman ang diwa ng binata kaya agad itong napamulat. “Sure my love, let’s go samahan muna kita para makapagbihis ng swimsuit.” anito sabay hawak sa kamay nito at tinungo ang silid. Pagkapasok nila sa loob nagulat pa si Antonette mistulang nasa loob sila ng malakaing mall dahil sa sobrang dami ng swim wear. Hindi tuloy malaman ng dalaga kung alin ang susuotin nito iba’t ibang design ng swimsuit ang nakahanger sa paligid. Sa isang kuwarto ay puro gamit pampaligo may pambabae at panlalaki rin. “Wow, nakakatuwa naman ang gaganda ng mga swimsuit.” puri nito na ikinatawa ng mahina ni Luke. Pakiramdam ni Antonette nasa work siya ganitong ganito kasi ang mga sinusuot niya sa tuwing rarampa ito sa model. Hindi namalayan ng dalaga na almost five months na pala siya dito sa Pilipinas. “Are you okay?” puna ni Luke dito nang mapansing natahimik ang dalaga. “Yeah, namis ko lang ang trabaho ko!” aniya. “Work? What do you mean?” takang tanong ni Luke dito. Sa totoo lang hindi pa nasabi ni Antonette na isa siyang modelo sa bansang Paris kung saan siya nag-aaral. Nahihiya pa ang dalaga na sasabihin ito kay Luke pero hindi naman ililihim ni Antonette sa kanya kung anong klaseng trabaho ang pinasok nito. “Nothing kalimutan mo na iyon, anyway may napili na akong susuotin sana bagay sa akin.” Inabot ni Antonette ang kulay gold na two peace iyon ang gusto ng dalaga. At mabilis itong pumasok sa banyo upang magpalit. Napanganga naman si Luke hindi niya akalain na paborito iyon ni Antonette. Ilang saglit ang lumipas ay lumabas na ito at agad lumapit kay Luke. “Wow, you look’s beautiful bagay na bagay sa iyo.” ngiting saad ni Luke sabay hapit sa baywang ng dalaga at dinala iyon sa matigas nitong katawan. Napasinghap naman si Antonette ramdam tuloy niya ang mga namumukol sa bandang tiyan ni Luke. Lumaki ang mata ni Antonette ng masagi nito ang bumubukol sa gitnang bahagi ni Luke. Nakabihis na rin kasi ang binata ng kanyang panligo kaya naman ramdam ng dalaga ang malaking bukol doon. “Oh, sorry c’mon let’s go!” baliwalang hinila na ni Luke ang nobya palabas ng silid magkasabay pa silang tumalon na parang mga bata sa malinis na tubig. Malalakas na halakhak ng dalawa ang pumuno sa buong paligid. “Are you okay?” hindi binitawan ni Luke ang kamay ni Antonette natatakot ito baka hindi marunong lumangoy ang nobya. “Yeah, I’m good, wooohh ang sarap ng tubig.” sigaw pa ni Antonette na nagpangiti ng malapad kay Luke. Masayang nagtampisaw sa tubig ang dalawa na para bang ngayon lang sila nakaligo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD