Malakas ang ulan kaya naman hindi maiwasan ni Antonette ang mag-alala para kay Luke. Bumeyahe pa naman ang binata papunta sa bahay nila at medyo may kalayuan iyon sa opisina ng daddy niya. Tumayo ang dalaga sumilip ito sa bintana upang makita ang labas ng bahay nila. Tama nga ang lakas ng ulan may dala itong malakas na hangin na may kasamang kulog at kidlat. Hindi mapakali si Antonette hindi niya makontak si Luke at out of coverage area ang phone nito.
“Anak, what happened? Bakit parang balisa ka? Kanina pa kita napapansin panay ang tingin mo sa phone mo.” sabay hawak ng mommy ni Antonette sa kamay ng kanyang anak upang siguraduhin na okay lang ito. “Mommy, hindi ko matawagan si Luke baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kanina pa iyon tumawag na papunta na siya dito sa bahay pero hanggang ngayon wala pa siya.” malungkot na saad ng dalaga sabay dial ulit sa number ni Luke ngunit ganun pa rin ang nangyari hindi ito makontak.
“Baka na traffic lang o di kaya na lowbat ang phone niya.” pagpapakalma ng mommy nito sa kanyang anak. “Mom, magkasama sila ng pinsan niya imposible naman iyon.” aniya.
“Tawagan mo si Augusto? Tanongin mo kung nasaan na sila?” napatingin si Antonette sa hawak nitong phone dahil tumunog iyon.
Kumunot ang kanyang noo ng makita ang screen nang kanyang phone hindi naka save ang number ng taong tumatawag ngayon.
“Sagutin mo baka si Luke iyan?” utos ng kanyang mommy na agad naman sinunod ng dalaga. Mabilis sinagot ni Antonette ang tawag at nagulat nga siya ng mag salita ang nasa kabilang linya.
“Hello Antonette, may love. I’m sorr—!” Hindi pa natapos ang sasabihin ni Luke ay bigla itong nawala sa linya. At kasabay noon ay ang malakas na ingay na para bang salpukan ng sasakyan. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Antonette hindi siya sigurado kung sasakyan ba ang nagsalpukan o salamin na nababasag. Dahil sa ingay ng ulan ay hindi alam ni Antonette kung ano na ang nangyayari ngayon kay Luke. Masama ang kutob nito kinakabahan siya, mas lalong natakot si Antonette baka kung ano ang nangyaring sa kanyang nobyo.
“Helllo Luke! Luke, what happened? Napasigaw si Antonette ng malakas puno ng takot ang puso nito. Sobrang nabahala ang dalaga ng mawala sa linya si Luke at hindi na nagsasalita pa.
“Mommy, si Luke, m-may nangyaring masama sa kanya..” malakas na pumalahaw ng iyak si Antonette na parang bata hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na ito. Natatakot siya na baka tama ang kutob nito na na aksedenti si Luke.
“What happened? Anak, relax ka muna hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? Stop crying magsalita ka ng maayos.” tarantang wika ng Ina
nanginginig ang buong katawan ni Antonette takot na takot ito. Hinawakan ng Ina ang braso ng kanyang anak at niyugyog nang malakas.
“Mommy, puntahan ko si Luke kailangan niya ang tulong ko” sabay pahid ni Antonette sa pisngi nito na puno ng luha.
“Anak, are you sure? Baka naman hindi siya iyon? O baka hindi mo masyadong narinig dahil sa lakas ng ulan.” saad ng mommy nito ngunit ang totoo niyan ay natakot rin siya dahil paano kung tama nga ang anak niya.
“Mommy, boses iyon ni Luke ibang number lang ang ginamit niya hindi ko alam kung nasaan ang phone niya? Humingi pa siya ng sorry sa akin kaya lang hindi na niya naituloy ang ibang pang sasabihin dahil naputol nga ang connection.” saad Antonette na panay ang agos ng luha.
“Anong nangyari dito?” Nag-alalang tanong ng daddy ni Antonette na nagising dahil sa ingay ng dalawa.
“Daddy, si Luke po!” aniya hindi na nakapagsalita si Antonette dahil ang mommy na niya ang nagpaliwanag dito.
Malakas ang ulan at halos lahat na ng kalsada ay umaapaw na sa tubig. Nakabukas ang malaking flat tv sa sala at nasa balita na may malakas na bagyong paparating.
Gusto man puntahan ni Antonette ang bahay ni Luke ngunit napakadelikado.
“Tinawagan mo na ba ang pamilya niya?” saad ng kanyang ama na ngayon ay pinapakalma ang anak na dalaga.
“Kanina pa po ako tumatawag ngunit walang sumasagot, ngayon hindi ko na po sila makontak dahil nawala na ang connection. Dad, puwidi po ba akong magpasama kay manong? Gusto ko po puntahan ang pamilya ni Luke at ipaalam sa kanila ang nangyari.” Mabilis pinunasan ng dalaga ang luha nito at tiningnan ang reaction ng mukha ng ama.
“Anak, narinig mo naman ang balita diba? Bawal lumabas ngayon lalo na’t gabi na malakas ang bagyong paparating kaya hindi ka puwiding lumabas.” Masakit man sa loob ng daddy ni Antonette ang sabihin ito ngunit kailangan. Hindi naman papayag ang kanyang ama na mapapahamak ang anak nito.
Walang magawa si Antonette kundi ang umiyak hindi niya alam kung kailan titila ang malakas na ulan. “Anak, alam ko nag-alala ka kay Luke ipagdasal natin na walang nangyaring masama sa nobyo mo.” haplos ng Ina ang likod ni Antonette hindi hinayaan ng ginang na mag-isa ito. Mabuti na lang ay may sarili silang generator kaya naman hindi sila nawalan ng Ilaw.
Pasado alas tres na ng madaling araw dilat pa rin si Antonette, ang kanyang Ina ay nakatulog ito sa sofa kung saan sila naka-upo simula kanina. Nakatingin ang dalaga sa phone nito at nagbabakasakaling may tumatawag sa kanya.
“I’m sorry kung wala man lang akong nagawa sana okay ka lang.” Kausap ni Antonette sa larawan ni Luke napaluha na naman ang dalaga dahil naalala niya ang mga masasayang sandali nilang dalawa. Napatayo ang dalaga ng tumunog ang door bell sa labas ng pintuan. Nagmamadali itong tinungo ang pinto hindi man lang nag-abalang silipin ni Antonette ang monitor kung sino ang nasa labas. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha at basang-basa na si Lorelay.
“Couz, okay ka lang ba? Bakit bumeyahe ka pa ng ganitong oras? Natanggap mo ba ang mensahe ko?” suno-sunod na taong ni Antonette sabay abot kay Lorelay na nanginginig sa lamig.
“I’m sorry naabala ko pa ka’yo, mahigit tatlong oras akong na stuck sa kalsada sobrang lakas ng baha. Tita, pasensiya na po ka’yo kung dito ako dumiritso sa inyo.” sabay abot ni Lore sa kamay ng mommy ni Antonette at nagmano ito.
“Ikaw bata ka kung ano-ano ang pinagsasabi mo magbihis ka na muna baka lalagnatin ka ipaghanda kita ng makakain mo.” ani ng ginang
“Thank you po tita!” umakyat na ang dalawa at dumirtso sa silid ni Antonette. Pagkapasok nila ay kaagad pumasok si Lore sa loob ng banyo. Mag-isang naiwan si Antonette kaya naman naisipan niyang tawagan ang number kung saan niya nakausap si Luke kanina. Napahinga ito ng malalim dahil hindi na talaga makontak iyon.
“Magsabi ka sa akin ng totoo kung saan ka galing.” saad ni Antonette, kakalabas lang ni Lore galing sa banyao. Matalim na tiningnan ng dalaga ang kanyang pinsan napaiwas naman ng tingin si Lore dito.
“Ang lakas talaga ng pakiramdam mo.” ngiting saad ni Lore sabay kamot sa ulo nito.
“Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ng mga magulang mo sa mga oras na ito. Lore, paano kung may nangyari sa iyo? Paano kung natanggay ka ng malakas na baha? Sa tingin mo ba hindi malulungkot ang pamilya mo? Mabuti na lang mahina ang pang-amoy ni momny kaya hindi niya nahalata na lasing ka. Kapag nagkataon hindi lang galit ang makukuha mo don kilala mo si mommy.” sermon ni Antonette dito.
“Kaya nga dito ako dumiritso dahil alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Sorry na hindi ko naman alam na may paparating na bagyo kung hindi pa umapaw ang tubig ulan sa bar nandon pa ako hanggang ngayon.” umiling pa si Lore na para bang kasalanan pa ng ulan kung ba’t natigil ang masayang gabi nila kasama ang kanyang mga barkada. “Huwag mo na akong pagalitan promise hindi na mauulit ang ginawa ko ngayon. Teka, ba’t namaga ang mata mo? Inaway ka ba ni Luke? Sabihin mo sa akin ang totoo sasapakin ko iyon.” aniya.
“Kumain ka muna bago ko sasabihin sa iyo ang lahat.” sakto naman kumatok ang mommy ni Antonette sabay pasok nito kasama si manang na may dalang pagkain.
“Kumain muna ka’yong dalawa habang mainit pa ito anak, humigop ka ng soup para may laman iyang tiyan mo. Hindi ka pa kumakain simula kanina hayaan mo kakausapin ko ang daddy mo para makapunta ka sa bahay nila ni Luke bukas.” saad ng mommy nito biglang lumiwanag ang mukha ni Antonette.
“Salamat po mommy, magpapasama po ako kay Lorelay sasakyan na lang po niya ang gagamitin namin bukas ng umaga.” masayang sabi nito nakikinig lang si Lorelay nagtataka ito pero hindi na siya nagsalita.
“Sige na matulog na muna ako at ka’yong dalawa matulog na rin pagkatapos ninyo kumain.” wika ng mommy ni Antonette na ngayon ay nakangiti sa anak.
“Opo mommy!”
“Salamat po tita!”
sabay pa nilang saad.