Chapter 3

1865 Words
KINABUKASAN tanghali na nagising si Antontte masakit ang kanyang ulo at para itong mabibiyak. Napatingin sa pinto ang dalaga ng bumukas iyon, ngumiti si Antonette at bumangon sa pagkakahiga. “Good morning mommy!” “Good morning, kumusta na ang pakiramdam mo? Ito dinalhan kita ng sabaw para mainitan iyang tiyan mo. Anak, hindi ka pa kumakain anong oras na nag-alala na ako sa iyo. Kakaalis lang ni Gwen babalik raw mamayang gabi kapag tapos na siya sa kanyang trabaho.” malambing na wika ng mommy nito na ikinangiti ni Antonette. “I love you mommy, I’m sorry kung pinag-alala kita okay lang po ako. Hindi naman po ako lasing kagabi, opo uminom kami pero kunti lang.” natawa pa ng mahina si Antontte ng maalala si Luke. Nang mapansin ito ng kanyang mommy ay napangiti ito. “Ang ganda ng ngiti mo ah, may magandang nangyari ba kagabi? Anak, handa akong makinig sa mga kuwento mo.” halata sa mukha ng mommy ni Antonette ang saya at exitment. “Wala naman po, naalala ko lang iyong lalaking nakilala ko sa club kagabi.” wika ni Antonette na ikinalapad ng ngiti ng kanyang ina. “Really? That’s good news anak. Baka dito mo pala makilala ang mapapangasawa mo sa Pilipinas. Ibig sabihin nakita mo na siya? So, ano itsura guwapo ba? O baka naman puro lang kaguwapohan ang mayroon siya pero pangit naman ang ugali? Anak, lagi mong tandaan di bale ng pangit ang Itsura ang mahalaga mabait at mahal ka.” seryosong saad ng mommy ni Antonette. “Mommy naman kagabi ko pa lang po siya nakilala asawa agad ang iniisip mo? Saka hindi pa naman niya ako nililigawan. At alam mo naman na wala akong oras sa ganyang bagay.” natawa ng mahina ang dalaga mas exited pa ang mommy nito kaysa sa kanya. “Anak, pasensiya ka na masaya lang ako alam mo naman matagal na naming hinihintay nang daddy mo ang magkaroon ka ng nobyo.” napayakap naman si Antonette sa Ina, hinalikan naman ng Ina ang kanyang noo. “Malay natin ka’yo pala ang para sa isa’t isa, matutuwa ang daddy mo kapag sasabihin natin sa kanya ang totoo.” lumaki naman ang mata ng dalaga sabay bitaw nito sa pagkakayakap sa Ina. “Mom, saka na lang po kapag sigurado na ako, promise mo sa akin secret muna natin ito kay dad. Baka mamaya kukulitin ako noon at hindi na ako papayagang bumalik ng Paris.” lambing na wika ni Antonette sa mommy niya, napahinga naman ng malalim ang Ina sabay tango. “Siya sige maligo ka na para sabay-sabay na ta’yo kumain ng lunch. Gigisingin ko na rin si Lorelay kanina pa nagtatanong ang mommy niya kung okay lang ba raw siya.” napatango na lang si Antonette at ngumiti ng matamis. Nang lumabas ng ang kanyang mommy saka pa ito pumasok sa loob ng banyo. Nagulat pa ang dalaga dahil nakahanda na pala ang bathtub nito para sa kanyang pagliligo. Agad naghubad ng saplot si Antonette at nagmamadaling ilublob ang katawan nito sa bathtub na puno ng petals. Napapikit pa ang dalaga ng maramdaman ang malamig na tubig. Habang ene-enjoy ng dalaga ang pagliligo nito ay hindi niya namalayan na may tumatawag sa kanyang phone. Hindi naman niya maririnig dahil naka sarado ang pinto ng banyo nito. Pakiramdam ni Antonette natanggal ang lahat nang pagod at sakit ng ulo nito. Puno ng petals ang bathtub kaya naman halos hindi na makita ang hubad na katawan ng dalaga. Dahil gusto ni Antonette magrelax ay halos tumagal ito ng thirty minutes sa loob ng bathtub. Nang magsawa ang dalaga ay agad itong tumayo upang magbanlaw. At pagkatapos inabot ang puting towel at binalot sa basang katawan nito. Pagbukas ni Antonette ng pinto ay rinig na niya ang tunog ng kanyang telepono. Nagmamadaling Inabot ng dalaga ang phone nito at sinagot ng hindi man lang inalam kung sino ang nasa kabilang linya. “Hello, good afternoon.” magalang na sagot ni Antonette, ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. Kaya naman napatingin ito sa kanyang phone, magsasalita na sana ang dalaga pero nagsalita ang taong kausap nito. “Have a good day, I’m sorry kung naabala ko ang pagtulog mo, It’s me Luke, remember? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot kaya naisip ko na ihatid na lang itong wallet mo. Nandito ako sa labas ng bahay ninyo, can I come in para ibigay sa iyo itong wallet mo?” saad ni Luke sa kabilang linya na ikinalaki ng mata ni Antonette. “What? You mean nasa labas ka ng bahay namin?” pag-uulit ni Antonette sa sinabi nito. Hindi makapaniwala ang dalaga dahil ang akala niya ay nagbibiro si Luke. “Yeah, kahit silipin mo pa ako sa bintana makikita mo ang yellow sports car sa harap ng bahay ninyo.” nakangiting wika ni Luke na ikinatakip ng bibig ni Antonette. Parang hangin itong nakalapit sa bintana upang tingnan kung totoo ba ang sinabi ng binata. At laking gulat niya dahil tama nga ang sinabi nito, napahawak si Antonette sa kanyang noo. Hindi alam ng dalaga ang kanyang gagawin kaya naman nataranta ito nasagi pa niya ang flower vase na nasa tabi ng vanity mirror niya. “Hey, don’t panic gusto ko lang naman ibalik itong wallet mo at gusto ko ako mismo ang magbibigay sa iyo nito. And I know na emportante ang nasa loob nito, don’t worry kompleto ang laman ng wallet mo kaya relax ka lang.” anito at natawa pa si Luke dahil halos marinig na niya ang t***k ng puso ni Antonette. “Wait me there okay? Magbibihis lang ako, just go back to your car ako na ang lalabas please.” paki-usap nito sa binata mas lalo tuloy na exited si Luke dahil pakiramdam nito ay may tinatago ang dalaga sa kanya kung kaya’t takot itong makita siya ng ibang tao. “Okay, sabi mo e.” anito, hindi na nagpaalam si Antonette at agad ng pinatay ang phone nito. “Oh, ba’t ganyan ang itsura mo? Sino ba ang kausap mo at parang hindi ka mapakali diyan.” saad ni Lore na kanina pa nakaupo sa kama ng dalaga. Muntik pa malaglag ang phone ni Antonette dahil nagulat ito kay Lore. “Ano ka ba naman Lore, aatakihin ako sa puso ng dahil sa ginawa mo.” wika ng dalaga na ikinatawa ni Lorelay ng mahina. “I’m sorry hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag-usapan ninyo. Kanina pa kasi ako kumakatok dahil kakain na raw ta’yo e hindi mo naman ako narinig kaya pumasok na ako.” nakadekwatro pa si Lore habang pinapanoud si Antonette. “Alam mo ang mabuti pa kausapin mo muna si Luke sa labas baka makita ni daddy ang mokong na iyon.” alalang wika ng dalaga, lumaki naman ang hutas ng ilong ni Lore dahil sa narinig. “Ano? Si Mr. Luke iyong nakilala natin sa club kagabi nasa labas siya? Anong ginagawa niya dito? Hmmm, don’t tell me na ka’yo na.” aniya, sumakit tuloy ang ulo ni Antonette dahil sa bintang nitong pinsan niya. “So, ano naman ngayon kung makita ng daddy mo si Luke? May problema ba doon?” dagdag pa ni Lore. “Please Lore do it for me, alam mo naman si daddy kapag nakita niya si Luke, lalo na ako ang sadya ni Luke I’m sure maraming itatanong si dad sa kanya, kung saan at paano kami nagkakilala. Ba’t nahulog ko pa kasi iyong wallet ko? God.” sabay padyak pa ni Antonette sa paa nito, seyempre hindi pumayag si Lore na mauna siya kaya wala ng magawa si Antonette kundi sabay-sabay silang lumabas ng kanyang silid. Nasa sala pa lang sila ay rinig na ni Antonette ang malakas na tawa ng kanyang daddy. Nagkatinginan silang dalawa ni Lore, hindi naman maipaliwanag ng dalaga ang kabang nararamdaman nito. “Narito na pala ang anak ko, Antonette anak, may bisita ka.” tumayo pa ang daddy ni Antonette at iginiya siya sa upuan na parang bata. Pasensiya ka na pinasok ko na si Luke nakakahiya naman sa kanya kung sa labas ka niya hihintayin.” wika ng daddy ni Antonette sabay upo nito sa tabi ni Luke. Parang gusto na lang ng dalaga na mawala siya sa kina-uupuan nito. Nahihiya si Antonette dahil hindi pa niya lubos kilala si Luke. “Hi Luke, mabuti naman nakapasyal ka dito at mabuti alam mo ang address nitong pinsan ko.”saad ni Lorelay na masaya ang awra at talaga naman buto pa sa pagpunta ni Luke dito sa kanilang bahay. “Luke, hijo, kumain ka na.” aniya ng mommy ni Antonette at pinagsilbihan pa ang binata. “Salamat po!” anito, nakamasid lang ang dalaga at wala itong masabi sa pagtrato ng pamilya niya kay Luke. “Antonette anak, are you okay? Hindi mo ba nagustohan ang ulam?” wika ng mommy niya mabilis naman umiling ang dalaga. “I’m fine mommy!” tipid na sagot ni Antonette dito, pakiramdam ng dalaga ay lumiit ang space ng kanilang dining area dahil sa bisitang hindi inaasahan na nasa harap niya ngayon. “Anak, siya ba ang sinasabi mo sa akin? Si Luke ba ang nakilala mo sa bar na pinuntahan ninyo ni Lorelay at Gwen kagabi?” napapikit naman ng mariin si Antonette parang gusto na niya tumakbo at magtago na lang sa kanyang silid. Nahihiya talaga siya dahil binuking siya ng kanyang mommy sa harap pa mismo ng binata. “Yes po tita ako nga po, I’m sorry kung doon pa sa lugar na iyon kami nagkakilala. Siguro nga sinadya ng pagkakataon na mahulog ang wallet ni Antonette para makilala ko pa siya ng lubos lalo na po ka’yo na magulang niya.” lumapad naman ang ngiti ng daddy ni Antonette. Sa boung durasyon ay tahimik si Antonette ni hindi ito makapagsalita dahil ang mommy at daddy niya ang bida sa mga oras na ito. Masayang nakikipagbiruan si Luke sa mga magulang ni Antonette habang siya ay nakamasid lamang at panay tingin niya sa binata. “Thank you so much po tita and tito sa masarap na food. Ngayon lang po ako nakakain ng ganito kasarap na luto.” pasalamat nito, tumayo naman ang daddy ng dalaga at iginiya si Luke sa sala. Ang akala pa naman ni Antonette ay uuwi na si Luke. “Anak, dito muna ka’yo sa sala kausapin mo muna itong bisita mo.” At ang buong akala pa ng dalaga ay sila ni Luke at ang daddy niya ang mag-uusap iyon pala ay silang dalawa. “Okay po daddy!” aniya at umupo ito sa kabilang sofa. Nang makaalis na ang daddy niya ay nagkatinginan silang dalawa. “Diba sabi ko huwag kang lalabas ng sasakyan?” matalim ang tingin na ipinukol ng dalaga sa binata. “Ginawa ko naman ang sinabi mo kaya lang kinatok ako ng daddy mo sa loob ng aking sasakyan. Sorry na huwag ka na magalit, wala namang masama kung makilala ako ng parents mo diba?” tumaas pa ang kilay ni Luke na parang masaya pa ito dahil sa nangyari ngayon araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD