“Thank you, mabuti ikaw ang nakapulot sa wallet ko. Your right mahalaga ang laman nito alam mo hindi ko alam na nahulog pala ito kung hindi ka pa tumawag hindi ko talaga napansin.” saad ni Antonette na ikinagiti naman ni Luke.
“Ako dapat ang magpasalamat dahil sa wallet na iyan ay nakapsok ako sa bahay mo at nakilala ko pa ang mga magulang mo. At nakakain pa ako ng masarap na pagkain, Antonette, puwidi ba kita maging kaibigan?” napatingin naman ang dalaga sa mukha ni Luke seryoso ang mga salitang lumabas sa bibig ng binata. Ramdam ng dalaga na galing sa puso ni Luke ang mga sinasabi nito. Napaiwas ng tingin si Antonette hindi alam ng dalaga kung tatangapin ba niya si Luke bilang kaibigan. Natatakot si Antonette dahil baka hindi lang kaibigan ang gusto ni Luke. Inaamin ng dalaga na humanga siya sa binata pero hanggang doon lamang iyon.
“Oo naman.” nabigla man si Antonette sa kanyang sagot ay hindi na niya puwiding bawiin iyon. Agad naman tumayo si Luke at wala sa sariling niyakap ang dalaga, nanigas ang mga tuhod ni Antonette sa ginawang pagyakap ng binata dito. “Thank you Antonette, I promise magiging mabuting kaibigan ako sa’yo.” saad ni Luke, kahit nagulat ang dalaga ay ngumiti pa rin ito. Nang bumitaw si Luke sa pagkakayakap kay Antonette ay bumalik ito sa kanyang upuan. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. At mabuti na lang ay dumating si Lore at may dala itong tatlong mug na kape.
“Luke, pasensiya ka na dito sa pinsan ko mapapanis yata ang laway mo kapag siya ang kasama mo buong araw.” wika ni Lore sabay lapag ng tray sa mesa. “I think masasanay na ako sa katahimikan ni Antonette.” ani ng binata at ngumiti pa ito ng matamis.
“Magkape ka muna para matikman mo kung gaano kasarap ang timpla ni tita.” ngiting saad ni Lore, agad naman inabot ni Luke ang isang mug na kape na katamtaman lamang ang init.
“Tama ka Lore ang sarap nang timpla ng kape.” saad ni Luke at nagpatuloy ito sa paghigop ng kape. Hindi maiwasan ni Antonette ang mapatitig sa adams apple ni Luke kanina pa ito napapansin ng dalaga ngunit hindi siya nagpahalata. Masayang nagkuwentohan sina Luke at Lore habang si Antonette ay nakikinig lamang. Pasado alas kuwatro ng hapon ay nagpaalam na si Luke sa dalaga.
“Maraming salamat, Antonette.” paalam ng binata.
“Mag-ingat ka, salamat din.” wika ng dalaga sabay kaway pa nito kay Luke.
Pagkatapos ihatid ng dalawa si Luke sa labas ay tumili naman ng napakalakas si Lorelay.
“Lore, anong nangyari sa’yo? gulat na tanong ni Antonette dito.
“Kinilikilig ako kay Sir Luke, grabe ang guwapo niya at ang bait pa? Biruin mo siya mismo ang pumunta dito para maihatid lang ang wallet mo. Naku Antonette sa panahon ngayon bihira na lang ang mga lalaking katulad ni Sir Luke.” Binida pa ni Lorelay ang bisita nila na parang matagal na nitong kilala.
“Ikaw hindi ko alam kung pinsan ba talaga kita? Ano naman ngayon kung guwapo siya? Obligasyon niyang ihatid ang wallet ko dahil nga siya ang nakapulot diba? Alangan naman ibang tao.” naiinis na wika ni Antonette sabay alis nito sa harap ni Lorelay. “Ito naman napaka OA mo sinasabi ko lang kong ano ang nakikita ko at sa tingin ko naman type mo rin siya. Kailan mo ba balak magkaroon ng jowa kapag pumuti na iyang buhok mo? Antonette, masaya ang buhay kapag mayroong nagmamahal sayo, lalo na kung mahal ka ng taong iyon.” makahulugang saad ni Lore, nagsasalita ito habang sinusundan niya ang dalaga papunta sa kusina. “Lore, alam mo naman ang pangarap ko diba? Marami akong gustong gawin sa buhay kaya ayaw ko muna pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.” malungkot na saad ni Antonette, napabuntong hininga naman si Lore. “Okay fine opinyon ko lang naman iyon para kahit papano ay may insperasyon ka sa buhay.” pagsuko ni Lore sabay taas pa ng dalawa nitong kamay. Natawa naman ang mommy ni Antonette na kanina pa nakikinig sa dalawa.
“Nagtalo pa ka’yong dalawa na pareho naman walang nobyo. Pero alam mo anak tama si Lorelay mas masaya kapag may nagmamahal sa ating mga babae.” sang-ayon naman ng mommy nito, napahawak ang dalaga sa kanyang noo ang akala pa naman ni Antonette ay papanigan siya ng mommy niya. Natawa ng mahina si Lore sabay akbay nito kay Antonette at umalis na sila ng kusina.
“Saan ta’yo gagala mamaya.” saad ni Lore habang papasok na sila sa silid ni Antonette.
“Ayaw kong umalis ng bahay ngayon gusto ko muna magpahinga. Isa pa sumasakit ang aking ulo kaya gusto kong matulog.” aniya.
“Diba nagpromise si Gwen na lalabas ta’yo kasama siya, magpahinga ka muna habang wala pa siya.”saad ni Lore, nakukulitan na talaga si Antonette dito ngunit sadyang ganito talaga ang ugali ni Lorelay kaya naman siya na ang mag-aadjust. Maraming pinsan si Antonette ngunit silang tatlo lang talaga ang magkasundo. Nakahiga ang dalawa sa malaking kama hanggang sa dinalaw na sila ng antok.
KINABUKASAN ay napabalikwas ng bangon si Antonette. Nagulat pa ang dalaga dahil hapon na pala, agad niya Inabot ang kanyang phone. At napatakip ito sa kanyang bibig dahil marami na palang miscall si Luke at Gwen sa kanya.
Bumaba ito ng kama at tinungo ang terrace, napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumampi sa balat nito. Sinubukan niyang tawagin si Gwen ngunit walang sumasagot sa phone nito. Dahil maraming miscall si Luke ay naisip ng dalaga na tawagan ito, baka may kailangan ang binata sa kanya kaya naman mabilis dinayal ni Antonette ang number ni Luke. At nagulat pa ang dalaga dahil agad itong sumagot sa kabilang linya.
“Hi, Good afternoon!” sagot agad ni Luke.
“Magandang hapon, I’m sorry Luke ngayon lang ako nagising. Hindi ko namalayan ang oras ang buong akala ko gabi pa.” paliwanag ni Antonette na kung tutuosin ay hindi na kailangan sabihin kay Luke iyon. Napahawak ang dalaga sa kanyang batok pati tuloy siya nagtataka sa kanyang sarili.
“Hey, I’ts fine wala ka naman dapat ipaliwanag sa akin alam kong pagod ka kaya naintindihan ko. Marami pa ta’yong araw para magbonding kaya huwag mo ng alalahanin iyon.” anito, nakahinga naman si Antonette ng maluwang ngunit nahihiya ito sa kanyang sarili. Nangako pa naman si Lore kagabi kay Luke na pupunta sila sa club kung saan sila pumunta last night, ngunit sa kasamaang palad ay nakatulog ang dalawa.
“Thank you Luke, babawi ako I mean babawi kami ni Lore.” aniya, sabay hingang malalim.
“Luke, okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon?” lakas loob na tanong ni Antonette.
“Huwag mo na akong alalahanin, I’m fine matulog ka na sorry kung naabala kita.” saad ni Luke sa kabilang linya, alam ni Antonette hindi nagsasabi si Luke ng totoo at alam niya kung nasaan ito ngayon.
“Luke, just wait me pupuntahan kita.” hindi na hinintay ni Antonette ang sagot ni Luke agad niya binaba ang kanyang phone. At nagmamadali itong pumasok ng banyo para maligo.
Nakonsensiya si Antonette, alam niya na hanggang ngayon ay naroon pa rin si Luke sa club kung saan magkikita sana sila kagabi. Mabilis lang natapos ang dalaga sa pagbibihis nagsout lang ito ng dress na abot hanggang tuhod ang haba. Hindi na niya ginising si Lorelay kaya naman iniwan niya itong tulog.
“Mom, may pupuntahan lang po ako, saglit lang po ito uuwi ako agad. Pakisabi kay Lorelay tawagan ako kapag gising na siya, I love you mommy.” sabay halik ni Antonette sa pisngi ng Ina.
Hindi na makapagsalita ang Ginang dahil nagmamadali ng umalis ang kanyang anak.
Habang nagmamaneho si Antonette ay tinatawagan niya si Luke. Napahigpit ang kapit ng dalaga sa manubela nag-alala ito sa binata.
“Please Luke sagutin mo naman ako.” kausap ni Antonette sa kanyang sarili, hindi niya alam kung tama ba itong ginawa niya. Isa lang ang pumasok sa isip nito ang puntahan si Luke sa club.
Ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating rin ang dalaga sa VIP Club. Inabot ni Antonette ang susi ng kotse nito sa isang lalaki at nagmamadaling pumasok sa loob ng club.
Pagkapasok ng dalaga lahat nang kalalakihang naka-upo ay nakatingin sa kanya. At kahit hapon pa lang ay marami ng customer ang pumapasok dito. “Ma’am may reservations po ka’yo?” tanong ng lalaking kalbo na malaki ang katawan.
“No, wala, thank you!” kahit medyo tumaas ang boses ng dalaga ay malambing pa rin itong pakinggan. Maingay kasi ang paligid kaya kailangan lakasan ang boses.
“Okay ma’am enjoy po.” anito.
Umupo muna ang dalaga sa harap ng counter kung saan maraming lalaki rin ang nakapila. Katulad niya solo sila at walang kasama, ginala ni Antonette ang kanyang mata ngunit hindi niya makita si Luke.
“Ma’am ladies drinks?”
tanong ng lalaking nasa counter.
“No, thank you, sir.” saad ng dalaga sabay abot sa kanyang phone upang tawagan si Luke.