Tahimik lang si Antonette sa kanilang mesa habang hinihintay niya si Lorelay. Ayaw kasi ni Lore mag-utos kaya naman siya na mismo ang tumayo para umorder ng mainom nila. Kahit maraming customer ay tahimik ang paligid, bilang lang ang maingay at karamihan doon ay mga babae. “Hi, are you alone?” saad ng lalaking nakatayo sa harapan ng dalaga. Kahit hindi pa nakita ni Antonette ang mukha ng lalaki ay alam niyang mabait base sa tuno ng boses nito.
“Hello, I’m sorry may kasama ako!” maiksing sagot ni Antonette. Hindi nakapagsalita ang lalaki nanatili itong nakatayo at halos hindi na kumurap.
“Ma’am, excuse me puwidi po ilipat ko ka’yo ng mesa?” sabay yuko ng lalaki na parang takot na takot, nagtataka naman si Antonette kung ba’t natatakot ang lalaki gayong wala naman itong ginawa sa kanya.
“Yeah sure!” wika ng dalaga at tumayo na ito upang lumipat ng mesa. Naawa ang dalaga sa itsura ng lalaki tela ba may mahalagang taong naka reserve sa mesang inu-upuan nila. Ayaw naman ni Antonette ng gulo kaya minabuti nitong umalis na lang.
“Ops wait, sir, excuse me? For your information kami ang nauna dito kaya wala kang karapatang agawin ang puwesto namin. Baka gusto mong isumbong kita sa manager mo? Customer kami kaya karapatan namin ang umupo kahit saan.” medyo lumakas ang boses ni Lore kaya napapatingin ang ibang mga customers sa gawi nila. “Ma’am pasensiya na po ka’yo pero ito po kasi ang puwesto ni booo—.” nabitin ang sasabihin ng lalaki nang biglang dumating ang isa pang lalaki sa harap nila.
“Eheeeemm Regor, you can go back to your work now, ah miss I’m sorry no need na lumipat ako na ang bahala.” sabay bow pa ng guwapong lalaki na ngayon ay nakatingin kay Antonette.
“Thank you Mr. Pogi!” sagot naman ni Lorelay sabay lapag sa Ice tea na dala nito.
“Thank you!” wika ni Antonette, bago pa ito maka-upo ulit ay inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya upang magpakilala.
“I’m Ethan, nice to meet you.” wika ni Ethan na ngayon ay nakalahad ang kamay nito kay Antonette.
“Antonette, nice to meet you too.” pagpapakilala ng dalaga sa sarili nito at inabot ang kamay ni Ethan. Napasinghap sa gulat ang dalaga nang batukan ito ng isa pang lalaki na ubod naman ng guwapo.
“Nandito ka lang pala hinahanap ka nang nobya mo mabuti hindi siya pinapasok ng mga security. Magwawala na naman iyon kapag nakita niya ang ginawa mo ngayon, and I’m sure away na naman ang patutunguhan. Nasa labas siya hinihintay ka puntahan mo na at kausapin.” saad nito, hindi naman nakapagsalita si Antonette ni hindi man lang niya mabawi ang kamay nito sa lalaking kaharap. Nakaramdam si Antonette ng hiya kaya naman pilit niya hinihila ang kamay nito.
“Excuse me, iyong kamay ko po pakibitawan.” sabay hila ni Antonette sa kamay nito natawa naman ng mahina ang lalaki.
“I’m sorry pasensiya ka na sa kanila mukhang ngayon lang sila nakakita ng babaeng maganda, at mabait.” binitawan na ng binata ang kamay ni Antonette. Si Lore naman na nakatingin sa kanila ay kinikilig, hindi niya tuloy namalayan na nasa mesa na ang order nila. Napakurot naman si Antonette sa sarili nitong kamay hindi pa kasi nawala sa sestema nito ang hiya.
“Are you okay, umupo ka muna. By the way I’m Luke Villamor, madalas ba ka’yong pumupunta dito sa lugar na ito?” hindi namalayan ng dalaga na inabot na pala niya ang kamay ni Luke upang makipag-kamay sa binata. Nahihiya man si Antonette ngunit mas nakakahiya kung hindi niya tanggapin ang kamay ni Luke.
“Ako nga pala si Antonette Tan. Actually ngayon lang ako nakapunta dito, ang cousin ko na si Lorelay ang palaging pumupunta dito kasama ang kanyang mga barkada. At kaya ako nandito ngayon dahil sabi niya maganda raw dito.” Napatango naman si Luke sabay pisil nito sa malambot na kamay ni Antonette. Ramdam ng dalaga ang init nang kamay ni Luke tela ba kuryente iyon na dumadaloy sa bawat himaymay ng buong pagkatao niya.
“Anyway thank you for coming!” saad ni Luke, nakatitig ito sa mata ng dalaga na para bang may gusto pa itong malaman sa pagkatao niya.
“Ahem, Luke right? Sorry mahiyain kasi itong pinsan ko kaya tipid siya magsalita. You can join us if you want? Wala kaming ibang kasama isa pa mukhang mag-isa ka lang.” ngiting wika ni Lore dito na sinang-ayunan naman ng binata. Agad itong umupo sa couch at sa laki niyang tao ay halos sakop na niya ang kalahating upuan.
Napapatingin naman si Antonette sa dalawa para kasing matagal na silang magkakilala.
“Hindi ka ba uupo?” sabay urong naman ni Luke kaya nagkaroon ng space sa bandang kanan.
Pabilog ang couch na ito kaya naman umurong si Luke para maka-upo si Antonette.
“Couz, may gusto ka pa bang orderin?” wika ni Lore na ikinailing ng kaharap, Inabot ng dalaga ang baso ng Ice tea at ininom. Nakatingin naman si Luke sa kanya habang uminom ng juice napaiwas ng tingin si Antonette hindi niya alam pero parang may kakaiba sa tingin ng binata. Nagulat naman si Antonette ng lumapit ang mga lalaki sa mesa nila. May mga dala silang alak, pagkain at Inilapag iyon sa mesa. “Sabihin mo lang kung anong kulang ipapahatid ko, I know you hindi ka mag-sasayang ng oras dito kung hindi mo siya type.” pinasadahan pa ni Ethan ang kabuoan ni Antonette napangiti naman si Luke alam niya sa kanyang saril iyon.
“Pretend that we don’t know each other, you know what I mean.” anito.
“Sure, Ikaw pa?” sabay kindat ni Ethan dito.
“Ethan, bigyan mo ako ng ladies drink para sa dalawa.” utos ni Luke sa kanyang pinsan, mabilis naman tumalima ang isa.
“Magkakilala ba ka’yo?” tanong ni Lorelay nang maka-alis na si Ethan, napangiti naman ni Luke.
“Yeah, I mean matagal na nila akong customer dito kaya magkakilala kami. Every night dito kami tumatambay ng mga barkada ko kaya kilala na nila ako dito sa club. Alam ni Luke na masama ang magsinungaling pero ito ang paraan niya upang makilala ng lubos ang dalaga.
Sa buong buhay ni Luke ay ngayon lang ito humanga sa isang babae.
“Luke, are you single?” tanong ni Lore na ikinalaki ng mata ni Antonette, ngumiti si Luke bago sinagot si Lorelay.
“Bakit mukha ba akong may asawa?” ani Luke, natawa naman ng mahina si Antonette.
“Lore, nakakahiya naman sa kanya.” bulong ng dalaga na ikinakunot ng noo ni Lorelay.
“Bakit naman nakakahiya? Wala namang masama sa tanong ko diba? Isa pa para naman malaman natin mamaya may nobya pala siya tapos bigla ta’yong sugurin dito masakit kaya sa dibdib ang ganun.” seryosong saad ni Lore, napangiti naman si Luke bilib ito kay Lorelay dahil hindi siya plastic na pagkatao.
“Yeah tama ka walang masama sa tanong mo ang masama doon kapag hindi ako nagsasabi ng totoo diba? Anyway I’m singel hindi pa yata pinanganak ang babaeng para sa akin. Pero sabi nila kusa raw iyon dumarating kaya wait for the right time, and I think nahanap ko na ang babaeng magpapatibok ng aking puso.” masayang wika ni Luke habang nasa mukha ni Antonette ito nakatingin.
Napaiwas naman ng tingin ang dalaga seryoso kasi itong nakikinig kay Luke habang nagsasalita.
“Alam mo Luke pareho talaga ka’yo nitong pinsan ko, Antonette is single hindi ko alam kung ano bang ayaw nila sa pinsan ko. Mabait naman siya, maganda, matalino, masipag at higit sa lahat mayaman pa.” wika pa ni Lorelay na hindi man lang pinansin ang tadyak ni Antonette sa ilalim ng mesa. Napahawak si Antonette sa kanyang noo nahihiya ito sa mga pinagsasabi ni Lore. Hiniling na lang niya na sana lamunin siya ng lupa upang hindi na niya marinig pa ang ibang sasabihin ni Lore.
“My God Lore, lasing ka na yata? Ahem sorry don’t mind her nagbibiro lang itong pinsan ko.” Natawa ng malakas si Lore kaya naman natawa na rin si Luke.
“Why are you scared? Nagsasabi ng totoo si Lorelay.” sang- ayon pa ni Luke dito.
“N-oo, I’m not hindi lang ako sanay.” nabulol pa si Antonette.
“Oh come on, from now on masanay ka na dahil palagi na ta’yo magkikita. Hey, are you okay? I think ikaw ang lasing namumula ang mukha mo eh. Stop drink this one.” sabay kuha ni Luke sa baso na hawak ng dalaga na ikinakunot nang noo nito. Sa daming nangyari ay hindi na mabilang ni Lore kung ilang beses na siya kinilig.
“You’re looking good together.” dagdag pa ni Lorelay. Lumapad naman ang ngiti ni Luke na para bang nanalo ito sa jackpot.
“Thank you Lore, hindi ko akalain na ma-meet ko ka’yo dito.” seryosong saad ni Luke.
Makalipas ang dalawang oras ay naging tahimik na ang mesa kung saan naka-upo ang tatlo. Lasing na si Lorelay kaya hindi na maingay sa puwesto nila. Napahinga naman ng malalim si Antonette sobrang nahiya ito sa ginawa ni Lore humilik pa ito ng napakalakas.
“Hey, okay ka lang ba? Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid ko na ka’yo.” saad ni Luke na ikinalaki ng mata ni Antonette.
“Noo, thank you nakakahiya naman sa’yo, parating na ang sundo namin.” wika nito, hindi malaman ni Antonette ang gagawin dahil panay ang titig ni Luke sa kanya. Kaya naman tinawagan niya si Gwen, minamadali niya ito upang sunduin sila.
“Why, may magagalit ba kapag ihahatid ko ka’yo?” anito, kung nakakatunaw lang ang tingin ni Luke ay kanina pa natunaw si Antonette.
Sasagutin na sana ng dalaga ang tanong ni Luke ngunit biglang sumagot si Gwen sa kabilang linya.