Chapter 1

1539 Words
Chapter 1 Nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Antonette ay hindi niya maipaliwanag ang saya ng kanyang puso. Excitement ang nararamdaman ni Antonette dahil ilang taon itong hindi umuwi ng Plilipinas. Sa tagal ng dalaga sa Paris ay marami na ang nagbago sa Pilipinas. Bahagyang pumikit si Antonette upang langhapin ang sariwang hangin na dumadampi sa balat nito. Pagbukas ng dalaga sa dalawa nitong mata ay bumungad sa kanya ang pinakamamahal niya sa buhay ang kanyang Mommy at Daddy. “Welcome home anak, sobrang namis ka namin.” ani ng mommy nito, sabay yakap kay Antonette na ngayon ay umiiyak na sa tuwa. “Namis ko rin po ka’yo dad, mom, I love you so much.”wika ni Antonette at sinuklian ang yakap ng dalawa. “Anak, mas lalo ka yata gumanda ngayon?” puna ng mommy nito na ikinangiti nang malapad ng dalaga. “Thank you mommy, mana lang po ako sa inyo.” aniya, nang mapansin ng dalaga na tahimik ang daddy nito ay niyakap niya ng mahigpit ang ama. “Dad, are you okay? Bakit po parang hindi ka’yo masaya?” nakangusong wika ni Antonette napangiti naman si Don Luccio at napayakap sa anak nito. “Hindi mo lang alam kung gaano kami kasaya ngayon, akala nga namin ng mommy mo hindi ka matutuloy. Hindi lang ako makapaniwala na narito ka na sa tabi namin.” sabay halik ng don sa prinsesa nito. Nag-iisang anak si Antonette kaya lahat ng atensiyon at pagmamahal ay nasa kanya lang. Halos maluha-luha naman ang dalaga ng makarating sila sa kanilang mansyon. Pagkapasok ng dalaga ay agad itong dinala ng kanyang mommy sa dining area. “Alam kong namis mo ang pilipino food kaya nagluto ako ng mga paborito mo.” saad ng Ina ni Antonette na ngayon ay pinaghila na siya ng upuan upang makaupo. Nakatingin lang ang dalaga sa ginagawa ng kanyang mommy. Sa totoo lang namis niya ang ganitong buhay na siya naman ang pagsilbihan. “I love you mommy, thank you sobrang namis ko po ito.“ ani Antonette sabay abot nito sa kubyertos upang makakain na. Nakangiti naman ang mag-asawa habang pinapanoud nila ang kanilang anak na masaya itong kumakain. “Mom, dad, sabayan niyo naman po ako.” ani ng dalaga. Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang dinner sa mahabang mesa na puno ng pagkain. Sa daming nakain ni Antonette ay muntik na niya makalimutan ang diet nito. Matapos kumain ay nagpaalam na ang dalaga upang magpahinga busog na rin ito kaya naman gusto na niya matulog. “Mom, dad, thank you good night po.” paalam ng dalaga, napatango naman ang dalawa gusto man nilang makasama ang kanilang anak ngunit alam nilang pagod ito. Pakiramdam ni Antonette nawala ang lahat ng pagod nito nang makita ang kanyang silid. Iba talaga ang saya kapag nasa sariling bansa dahil ang hindi mo magagawa doon ay magagawa mo ngayon dito sa Pilipinas. KINABUKASAN nagising si Antonette sa ingay nang mga taong nasa paligid nito. Akala ng dalaga nanaginip ito ngunit ng idilat niya ang kanyang mata ay nagulat siya sa nakita. “Anong ginagawa ninyo dito?” sabay kusot ni Antonette sa kanyang mata, natawa naman sina Gwen at Lorelay sa sinabi ng dalaga. “Bumangon ka na riyan para maka-alis na ta’yo ng maaga.” saad ni Lorelay sila ang magpinsan na sobrang close sa isa’t isa kaya naman magkasundo sila sa lahat ng bagay. “Ito naman hindi ka ba masaya na makita kami? Dinadalaw ka dahil kararating mo lang galing Paris at seyempre kunin namin ang aming pasalubong. Namis ka namin kaya hindi na kami makapaghintay bukas, pumili ka nang susuotin mo mag bar ta’yo ngayong gabi para mag-enjoy ka at hindi na lang puro trabaho ang nasa isip mo.” ani Lore na ngayon ay hinanda na ang susuotin ng pinsan sa night out nila. Napapangiti lamang si Gwen habang inaayos ang mga nagkalat na gamit ni Antonette sa sahig. Nang bumangon na si Antonette ay doon pa lamang lumapit ang dalawa at sabay nilang niyakap ang dalaga. “I’m happy to see you, sige na mag-ayos ka na para maka-alis na ka’yo.” mabilis tinakpan ni Lore ang bibig ni Gwen natatakot itong marinig ng ama ni Antonette. “What do you mean kami, hindi ka ba sasama sa amin?” nagtatakang tanong ni Antonette. “Sinamahan lang ako ni Gwen dito para pumayag ang daddy mo, alam mo naman laging busy itong isa kaya hindi iyan makakasama sa atin. But she promise sa sunday mag nightout ta’yong tatlo, sa ngayon dalawa muna ta’yo.” ani Lore at matamis itong nakangiti kay Antonette. “Thank you sa inyong dalawa.” Inosenteng pasalamat nito iniisip pa kasi niya kung ba’t hindi man lang siya nagising ng pumasok silang dalawa. Habang nasa loob ng banyo si Antonette sina Gwen at Lore naman ay masaya. Plano ng dalawa ang ilabas si Antonette dahil gusto nila itong magkaroon ng nobyo. Bente otso na si Antonette at hanggang ngayon ay wala pa rin itong manliligaw. “Kapag maaga akong matapos sa trabaho susunduin ko ka’yo, Lore huwag mo pabayaan si Jolie. Baka mamaya e take out siya ng mga lalaki sa club na pupuntahan ninyo.” natawa ng malakas si Lorelay sa sinabi ni Gwen. “Grabe ka naman e take out talaga? Ano siya pagkain? Subukan lang nila makakatikim sila sa akin.” banta naman ng isa, napapailing na lang si Gwen dahil kilala naman niya ang pinsan pagdating sa mga lalaki. Kaya nga takot ang nobyo ni Lore dahil para itong lalaki kapag magalit. “Oh, tapos ka na pala, alin ba ang susuotin mo dito.” sabay taas pa ni Lore sa mga damit na hawak nito. “Ano ba ang maganda? Iyong nababagay naman sa club baka mamaya pagtatawanan nila ako kapag magsuot ako ng gown.” aniya. “Hmmm, sa tingin ko ito bagay sa iyo.” inabot ni Gwen ang black dress na hanggang tuhod. Napaisip naman si Antonette kung okay ba ang napili ni Gwen. “Sapawan mo ng cardigan para hindi lantad ang balikat mo.” wika ni Gwen na sinang-ayunan ni Lore. “Kahit manang ka manamit may taste ka rin pala.” sabay tawa pa ni Lore kaya naman nagtawanan silang tatlo. Natigil lang sila sa pag-iingay ng pumasok ang mommy ni Antonette. “Kumain muna ka’yo bago aalis.” saad naman ng mommy nito. “Tita, sa labas na po kami kakain, hindi na po date ang tawag diyan kapag dito kami kakain sa bahay. I mean magda-date kaming tatlo kaya sa labas na kami kakain.” ani Lore, napatango na lang ang Ginang dahil kapag itong tatlo ang magkasama ay wala na silang masasabi pa. “Siya sige, magpaalam ka’yo kay tito bago umalis.” aniya. “Okay mommy, don’t worry may kasama naman ako.” napangiti naman ang mommy ni Antonette sabay hawak nito sa pisngi ng anak. “Anak, enjoy your vacation, hindi ka namin pinagbawalan ng daddy mo. Basta know you’re limit okay? Gwen ikaw ang nakakatanda alam mo na ang gagawin.” Bilin pa ng mommy ni Antonette. “Opo tita, don’t worry uuwi po kami sa tamang oras.” ani Gwen sabay halik sa pisngi nito. Nang makababa na sila ay humalik muna ang tatlo kay Don Luccio. Masaya naman ang don dahil sa wakas ay nagkasama rin ang magpinsan. “Mag-ingat ka’yo, remember no boy’s allowed.” anito, natawa naman ng mahina ang magpinsan at sabay na silang lumabas ng mansyon. Habang nasa loob sila ng kotse ay masaya binalita ni Antonette sa dalawa ang mga successful nito sa buhay. “Masaya kami para sa iyo pero alam mo kung anong mas masaya ay ang magkaroon ka ng nobyo. Ikaw lang yata ang singel sa ating tatlo kasi itong si Gwen ay may napupusoan na rin.” malakas na natawa naman si Gwen sa sinabi ni Lore. “Ikaw puro ka kalokohan wala akong nobyo okay? And I’m not ready for that alam mo naman na wala akong oras sa mga ganyan.” wika ni Gwen, hindi nila namalayan dumating na pala sila sa VIP Club kung saan dito nila dinala si Antonette. “Alam mo balita ko maraming guwapo raw dito, last week pumunta kami ng mga barkada ko dito grabe ang po-pogi nga ng mga customers. But anyway gusto ko makilala ang may-ari kaya lang sabi nila bihira lang raw pumupunta rito.” tsimis pa ni Lore. “Mag-ingat ka’yo.” ani Gwen, hindi na ito bumaba ng kotse isa pa nagmamadali siya dahil kanina pa tumatawag ang kanyang boss. “Ikaw rin mag-ingat ka sa pagmamaneho salamat.” sabay kaway ng dalawa. Nang makapasok na sina Antonette at Lorelay lahat ng customer ay nakatingin sa kanila lalo na kay Antonette. Sa ganda ba naman ng dalaga ay lahat sila napapatingin dito. Sanay naman si Antonette sa ganito pero naninibago ito dahil buwan na rin ang lumipas nong huli itong nag bar kasama ang mga ka model nito sa Paris. “Cousin, are you okay? Let’s go doon ta’yo banda.” turo naman ni Lore na ikinatango ni Antonette. Habang naglalakad sila papunta sa kabilang table ay nakasunod ang mata ng mga mayayamang customer sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD