PAKIRAMDAM ni Angelica ay kasabay si Jen nang mawala ang kanilang mga magulang. Nagkaroon si Jen ng postraumatic stress (PTSD). May mga therapy na ginagawa sa kanyang kapatid pero hindi iyon nakatulong kay Jen. Binibigyan na rin ito ng antidepressant para makatulong. Maging ang makipag-cooperate ay hindi ginagawa ni Jen kung kaya umabot sa punto na sinasaktan na nito ang sarili. Hindi malaman ni Angelica ang gagawin ng mga araw na yun. Pasan niya ang mundo. Hirap na hirap siya. Mabuti na nga lang at tinutulungan sila ng kanilang Tita Naty sa lahat ng gastusin kung kaya kahit paano ay hindi niya iniisip ang financial nilang gastusin sa araw-araw at gamutan ni Jen. “Angelica!” tinig iyon ni Mang Vener. Humahangos itong lumapit sa kanya. Ito ang nagbantay kay Jen dahil nag-grocery lamang siy