Nakaraan... SUNOD-SUNOD na tawag ang nagpagising kay Angelica kaya napabangon siya bigla. Ang lakas pa naman ng ring ng telepono. Nagising na rin si Jen dahil sa lakas ng ring. Dalawa ang kama sa kanilang silid. Nagkatinginan silang dalawa. Inabot niya ang telepono at sinagot ang makulit na tumatawag. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa tabi ng aircon. Alas dos na ng madaling araw. "Angelica," umiiyak ang boses niya sa kabilang linya. Nabosesan niya kaagad ang Tita Naty, kapatid ito ng kanyang ama sa Hongkong at kasama nito ang kanilang mga magulang ngayon for vacation. Bigla siyang kinabahan sa boses ng kausap. "Bakit po kayo tumawag Tita?" "Angelica, ang mga magulang ninyo," humahagulhol na nitong wika. "Bakit po?" nagsimula na siyang magpanic. Si Jen ay tumabi na sa kanya. "