MALALAKAS na tugtog at hiyawan ang maririnig mo. Iyon ang gusto niya na hindi naiintindihan ng lahat. Siguro nga ay dahil sa barkada kung bakit siya nalilihis pero masaya siya kapag barkada niya ang kanyang kasama. Pakiramdam niya ay malayang malaya siya.
Napaungol siya ng hawakan ni Jackson ang kanyang p********e. Nasa kabilang table sila, malayo sa mga nagsasayawan. Hindi niya nobyo si Jackson---friends with benefits iyon ang tawag sa kanila. Wala pa naman siyang balak na pumasok sa isang relasyon dahil hindi niya nahahamak ang kanyang katapat. Masaya siya sa ganito.
Pinigilan niya ang kamay ni Jackson na kanina pa naglulumikot.
“Stop!” malakas ang boses niya upang marinig nito dahil sa lakas ng tugtog.
“Bakit? Ito naman ang gusto mo hindi ba?”
“Oo pero hindi dito. Ginagawa mo naman akong aso,” irap niyang inabot ang bote ng alak at tinunggap iyon.
Inakbayan siya ni Jackson at hindi naman siya tumutol.
“Hindi ka na naman pumasok ano?” tanong pa nito kaya napaangat ang kanyang kilay.
“Hindi pa kasi naaayos ni Ate ang problema ko sa school. Banas na banas lang sa akin ang professor ko. Akala mo naman ay kagwapuhan.”
“Bakit ka naman kasi pumapasok na lasing. Alam mo naman na bawal yun.”
“I can manage. Mabuti nga pumasok ako. Isa pa kahit lasing ako ay kaya ko naman dalhin. Hindi ako tulad mo na kapag lasing ay lasing,” irap niya pa rito.
“Anong nangyari sa pagpasok mo ng lasing? Naitago mo ba?”
“Alam mo katulad ka ng ate. Makasermon akala mo end of the world na. Subukan mo kayang pumalit sa sitwasyon ko. Pag-uwi wala kang makitang tao at bihira lang kung magkita kami sa umaga. Sa gabi naman ay pareho kaming pagod lalo na siya na nagdadala pa ng trabaho sa bahay.”
“Sa tingin ko naman ay ginagawa niya yun dahil kailangan niyang kumita ng pera para sa inyo. Mag-isa ka lang niyang itinataguyod.”
“Teka nga, kanino ka ba talaga kampi? Ipaalala ko lang sayo na ako ang kaharap mo ngayon at hindi si Ate. Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na mawalan ng magulang kaya ganyan ka magsalita.”
“Kailangan ba talaga na maramdaman ko pa ang mawalan ng pamilya. Nag-aalala lang naman ako sayo bilang kaibigan mo.”
“Stop, okay? Wala kang alam at hindi ko kailangan ag advise mo,” inis na inis niya ng sagot bago niya ito iniwan at sumali sa mga kaibigan na sumasayaw sa saliw ng musika. Napailing na lamang si Jackson sa kanyang tinuran.
Sa halip na umuwi ay nagtext na lamang siya sa kanyang kapatid na may modelling siya kung kaya hindi siya makakauwi, kasunod non ay pinatay niya ang kanyang cellphone upang hindi na siya nito kulitan pa. Nakitulog na lamang siya sa condominium ng kanyang kaibigan. Ganoon siya palagi kapag lasing. Hindi na siya umuuwi pa para hindi malaman ng kapatid niya ang kanyang ginagawa.
Paggising niya kinaumagahan ay masakit ang kanyang ulo dala ng hangover. Napatingin siya sa kanyang katawan at tulad ng inaasahan ay wala siyang damit at katabi niya rin ang walang saplot na si Jackson at Warren. Mukhang naging pulutan siya ng mga ito kagabi dahil wala na siya sa katinuan. Sabagay sanay naman siya sa kanyang ginagawa. Hindi na bago ‘yun.
Isa-isa kung dinampot ang aking damit at nagbihis sa banyo. Pagbukas ko sa kabilang kwarto ay nandun ang mga babae kung kaibigan at tulad niya ay hubot-hubad din ang mga ito kasama ang mga lalaki naming kaibigan.
Napatingin siya sa kanyang orasan. Tanghali na pala. Inayos niya ang kanyang sarili at ng matiyak na okay ay umalis na siya upang umuwi. Sigurado siyang nasa bahay ang kanyang kapatid dahil sabado ngayon. Tiyak an sermon ang aabutin niya dahil nalaman na nito ang sumbong ni Mr. De Guzman. Madali niya naman malambing ang kanyang Ate Angelica dahil pagdating sa kanya ay mahina ito kahit ano pa ang kasalanan na gawin niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate at nakita niya si Mang Vener. Ang katiwala sa kanilang negosyo. Napansin nitong nagtaxi lamang siya kahit na may-ari sila ng mga taxi.
“Sana tumawag ka nalang para pinasundo kita,” wika pa ni Mang Vener sa kanya.
“Okay lang po. Ang ate?”
“Nasa loob. Kahapon ka pa niyang hinihintay,” wika pa ni Mang Vener.
“Galit po ba?”
“Kailan ba ‘yan nagalit sayo?” tanong nitong ngumiti kaya napangiti na rin siya. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya pinihit ang pinto ng maindoor. Tulad ng kanyang inaasahan ay nakaupo ito sa sofa at naghihintay sa kanya.
“Bakit ngayon ka lang?” bungad nito sa kanya.
Lumapit siya rito at humalik sa pisngi.
“Hindi ba nagpaalam ako sayo? Sabi ko sayo ay may modelling kami kaya ngayon lang ako,” wika niyang sagot bago niya binaba ang kanyang backpack na dala.
“At pagkatapos ng text na ‘yun ay nag-off ka ng cellphone. Kapatid mo ako Jenyfer at pinapatay mo ako sa pag-aalala.”
“Nalowbat ako,” katwiran niya pa.
“Nalowbat? Don’t tell me na brownout sa pinuntahan mo kaya hindi ka nakapag-charge.”
“Wala akong time,” dagdag niya pang napapakamot sa mga sinasabi nito.
“Para kang walang pamilya Jenyfer. Ginagawa mo lang kung ano ang gusto mo at uuwi ka kung kailan mo gusto. Galing ako sa school mo kahapon at nalaman ko ang ginagawa mo. Nakakahiya. Kung alam mo lang kung paano magsalita ang prof mo sigurado akong tatablan ka ng hiya dahil ako ay wala na akong mukhang ihaharap sa kanila para lang makiusap na bigyan ka ng pagkakataon.”
“Mainit lang talaga ang ulo sa akin ng prof kung ‘yun!” ismid niyang sagot.
“Totoo ba na pumapasok kang lasing? Kung hindi man ay nilalandi mo ang mga lalaki mong classmates?”
“What? Minsan lang ako pumasok na nakainom dahil hindi ako nakatanggi sa mga kasamahan ko sa modelling pero hindi ako lasing. Kaya ko ang sarili ko kaya ako pumasok at hindi ako pokpok para landiin ang mga tao. Ka-lalaking tao ay intrigero.”
“Watch your word, Jenyfer!” malakas ang boses na sagot ng kanyang ate kaya natigilan siya. Sa unang pagkakataon ay pinagtaasan siya nito ng boses. “Para kang hindi nag-aaral sa asal mong ‘yan. Kung naririnig ka ngayon ng mga magulang natin ay sigurado ako na hindi nila palalagpasin ang lahat ng ginagawa mo.”
“Ang kaso, wala na sila.”
“Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Jenyfer. Lahat ginagawa ko pero binabalewala mo. Ano pa ba ang dapat kong gawin?” mangiyak-ngiyak na tanong sa kanya ng kapatid. Napabungtong-hininga siya.
“I’m okay ate. Huwag na kayong mag-alala pa. Hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko at susubukan ang lahat ng makakaya ko para mapabuti ang aking pag-aaral. Hindi ko na sasayangin ang pera mo.”
“Hindi ito tungkol sa pera Jenyfer. Tungkol na ito sa ugali mo dahil hindi na kita maintindihan.”
“Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil wala ka naman palagi. Nasanay na ako na walang makausap sa bahay na ito kaya gumagawa ako ng sarili kong mundo.”
“Kasalanan ko pa ngayon kung bakit ka nagkakaganyan? Hindi mo alam ang hirap ng trabaho ko sa maghapon. Kung pwede nga lang na dito lang ako sa bahay ay bakit hindi? Gustong-gusto ko yun Jenyfer. Gusto kong magpahinga rin pero hindi pwede dahil marami ang bayarin. Anong kakainin natin dalawa? Paano ka? Aasa tayo sa taxi business natin na hindi naman kumikita na?”
“Tinanong mo ako kung bakit at sinagot kita kung ano ang dahilan ko. Alam ko na ganito ang mangyayari----ang isumbat mo sa akin ang lahat,” sagot ko pa.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Jenyfer. Hindi ko na alam kung saan ba ako nagkulang sayo. Pinaparusahan mo ba ako?”
“I’m really sorry ate… but don’t worry, I will do my best next time,” sagot niya na lamang upang matigil na ang pagdadrama ng kanyang kapatid. Isa pa malambot naman ang puso nito pagdating sa kanya. Tinabihan niya ito at niyakap. “Sorry na ate ko.”
Walang nagawa ang kapatid niya kundi ang yakapin din siya at patawarin.
“Mahal kita Jenyfer at nasasaktan ako na sinisira mo ang buhay mo.”
“Mahal din kita Ate and I’m thankful dahil hindi mo ako pinabayaan.”
“Hindi ko yun gagawin, Jenyfer. Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo.”
Napangiti siya sa sinabi ng kapatid. Alam niyang sobra siya nitong mahal kaya nga kung minsan ay umaabo na siya----hindi lang pala minsan kundi madalas na inaabuso niya ang kapatid ganun pa man ay mahal na mahal niya rin ito.