CHAPTER SEVEN

1920 Words
LUMAKAS ang t***k ng dibdib ni Angelica ng biglang may yumakap mula sa likuran niya. Kakababa niya lang ng sasakyan niya dahil magkikita sila ni Kiel. Nagyaya kasi itong lumabas at hindi niya ito mahindiin. Nagiging makulay nga ang kanyang mga araw kapag kasama niya ang lalaki. Mahigit isang taon na silang magkaibigan ni Kiel. Maituturing niya itong bestfriend niya, napagsasabihan ng problema at karamay sa lahat ng oras. Napakabuti ni Kiel sa kanya. Perfect ito kung ilalarawan niya. Ang lalaking papangarapin mo na makasama habang buhay. Pinamulahan siya ng mukha. Kung ano-ano ang kanyang naiisip. Napangiti siya ng maamoy ang pabango ni Kiel. Alam niyang kahit hindi ito magsalita ay alam niyang si Kiel ang nasa likod niya at mahigpit na nakayakap. Ito lang kasi ang nagpapawindang sa puso niya. Lihim siyang kinilig sa mahigpit nitong pagyakap. Nasa leeg niya ang isang kamay nito samantalang nasa bewang niya naman ang isang kamay nito. Ganoon na ito kakampante sa kanya at maging siya ay ganoon na rin dito. Kung may makakakita lang sa kanila tiyak na iisipin ng mga ito na may ugnayan na sila. Ayon nga sa mga kasamahan niya sa bangko ay perfect couple raw sila. Isang maganda at gwapo. Hindi raw alangan ang ganda niya sa sobrang gwapo ni Kiel. Isa sa mga nagugustahan niya sa lalaki ay ang mga mata nito. Pakiramdam niya kapag nakatitig siya rito ay higit niya itong minamahal pero pilit niyang itinatanggi iyon sa sarili kahit pa halata naman na mahal niya rin ito. Natatakot siyang ipagkanulo ng nadarama para sa lalaki. Kinuha niya ang mga kamay nito at humarap sa lalaki. Nasilayan niya na naman ang maganda nitong ngiti. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. “Bakit ang tagal mo yata?” tanong nito sa kanya. Natraffic kasi siya kaya medyo na-late siya sa usapan nila. Kanina pa nga ito tawag nang tawag. Natatakot na baka hindi niya siputin. “Mabuti nga sinipot pa kita,” nakaingos niyang sagot dito. “Sa gwapo kong ito hindi mo ako sisiputin?” nakangisi nitong turo sa sarili kaya napangiti siya. Sanay na siya sa mga hirit nitong wala sa lugar. Kung sa iba ay kayabangan ang dating ng mga sinasabi nito pero hindi sa kanya dahil higit na kilala niya ito. Palabiro lang talaga ito. Masyado lang talaga silang kampante sa isat-isa. “Yabang mo!” sabay hampas niya sa balikat nito. Ginagap nito ang kamay niya at hinila siya nito sa loob ng mall. Nagyaya kasi itong manood ng palabas kaya pinaunlakan niya ito kahit pa busy siya sa trabaho. Hinapit siya nito sa bewang na ikinagulat niya. Napatitig siya kay Kiel. “Mister, yang kamay mo!” nandidilat ang matang turan niya dito. “Baka mamaya bigla nalang may sumabunot sa akin dito,” dagdag niya pa kahit nagugustuhan niya naman ang paglalambing nito. “Don’t worry dahil wala sila dito,” biro nitong sagot. “Sayo lang ako,” dagdag pa nitong binulong sa tenga niya kaya bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagselos siya sa sinabi nito… Iyon yata ang masamang biro sa kanya ni Kiel. Tahimik siya hanggang sa makarating sila sa loob ng sinihan. Pitch perfect 2 ang gusto nitong panoorin. Nang makapasok sila sa loob ng sinehan ay saglit itong nagpaalam sa kanya at pagbalik nito ay may dala na itong popcorn at softdrinks. Pinagsaluhan nila ang malaking popcorn na binili nito habang tag-isa naman sila ng softdrinks. Nasa kalagitnaan sila ng panonood ng bigla siya nitong kinabig at hinilig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi niya kinontra ang ginawa nito dahil kanina pa naman nangangalay ang leeg niya. Sa dulo kasi ang upuan na nakuha nila. Nasa balikat pa rin niya ang kamay nito habang tahimik na nanonood samantalang siya ay nakikiramdam lamang. Hindi niya maintindihan ang pinapanood niya dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. Nagseselos siya dahil mahal niya na si Kiel. Hindi niya na yata kaya pang mawala ito sa kanya o di kaya ay maagaw pa ito ng iba. “Angz?” pukaw nito sa atensiyon niya kaya tumingin siya dito. Angs kung tawagin siya nito, shortcut ng pangalan niyang Angelica. “Alam mo bang mukha mo ang nakikita ko habang nanonood ako? Hindi ka kasi maalis sa isip ko,” wika pa nito. “Puro ka naman biro eh,” sagot niyang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito. All of a sudden kasi bigla nalang ito hihirit ng ganun. “Lahat ng sinasabi ko ay totoo,” turan pa nito. “Tanging ikaw lang ang nakilala kong babae na nagpapawindang sa puso ko. Hirap nga akong matulog sa gabi kapag hindi kita nakikita,” pahayag pa nito kaya muli siyang natigilan. “Akala ko ba kaya tayo nandito para manood? Nagiging makata ka yata ngayon,” biro niya dito kahit na ang totoo ay kinikilig siya habang sinasabi nito ang mga katagang yun. “Kahit anong dahilan gagawin ko makasama ka lang. Boring ang araw ko kapag hindi ka kasama. Gusto ko palaging nasa tabi lang kita,” wika pa nito. Alam niyang nagtatapat na naman ito ng pagmamahal sa kanya pero tulad ng palagi niyang ginagawa palagi niyang iniiwas ang pagtatapat nito. “Alam mo ba ang hiling ko ngayon?” tanong ni Kiel sa kanya. “Ano?” sabik niyang tanong. “Hinihiling ko na sana hindi na matapos ang oras na ito-----na sana palagi tayong ganito,” sagot nito kaya natahimik siya. Umayos siya ng upo at tiningnan ito. Ngayon lang ito naging seryoso sa pagtatapat ng pag-ibig sa kanya kaya iba ang kaba ang nararamdaman niya lalo pa at mahal niya rin ito. “Bakit kahit ilang ulit kong tinanggihan ang pagmamahal mo ay hindi ka pa rin sumusuko? Hindi ka ba napapagod magmahal sa taong walang kasiguraduhan kung mamahalin ka rin?” tanong niya dito. “Yan nga rin ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit hindi ako napapagod na mahalin ka? Siguro dahil sayo lang ako nagiging masaya ng ganito. Sayo lang kasi tumibok ng ganito ang puso ko at alam ko na titigil ang pagtibok nito kung hindi na kita makakasama,” turan pa ni Kiel sa kanya. Bagamat madilim sa loob ng sinehan ay kita niya pa rin ang paghihirap ng loob nito dahil sa mukha nitong napakalungkot. Kung pwede nga na yun ay ginawa niya na. “Kahit alam mong hindi pa ako handang pumasok sa relasyon?” tanong niya ulit. “Sapat na sa akin na maging magkaibigan tayo. Siguro titigil nalang ako kapag nakita kong may mahal ka ng iba,” tugon nito kaya muli siyang natigilan. “Hindi ako magmamahal ng iba dahil ikaw ang mahal ko Kiel,” sa loob loob niya. Hanggang sa natapos ang palabas ay wala silang naintindihan dahil sa kanilang paulit-ulit na usapan. Tama nga ito---- gumawa lang ito ng rason para magkasama sila. Alas-sais ng gabi natapos ang pinanood nila at agad din silang lumabas ng mall. Nagdinner muna sila sa labas pagkatapos nilang manood. Tulad nito ay ayaw niya rin na matapos ang gabing magkasama sila. Asikasong-asikaso siya ni Kiel habang kumakain sila at kulang na nga lang ay subuan siya nito. “Ginagawa mo naman akong bata,” saway niya dito ng akmang susubuan siya ng cake. “Hindi bata dahil ikaw ang prinsesa ko------ang prinsesa ng buhay ko,” sagot nito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at itinuon niya ng pansin sa kinakaing cake para sa panghimagas nila. Namagitan ang katahimikan sa kanila hanggang sa matapos sila sa pagkain. “Gusto mo ihatid na kita?” alok nito sa kanya nang makalabas sila ng restaurant. “Naku ‘wag na, tiyak na makikita ka ng kapatod ko,” tutol niya. Ayaw niya kasing mag-isip ng kung anu-ano ang kapatid lalo pa at ayaw pa nitong mag-asawa siya. Iyon ang palagi nitong iniisip kapag may lalaking naghahatid sa kanya sa kanila. Advance masyado ang isip ni Jenyfer. Iniisip nito na iiwan niya rin ito tulad ng pag-iwan sa kanila ng kanilang mga magulang. “Hindi naman kita kukunin sa kanya,” sagot nito. Ilang beses na itong humirit sa kanyang ihatid sa bahay nila o di kaya naman ay puntahan pero palagi siyang tumatanggi. Minsan lang itong pumunta sa kanila upang sunduin siya pero never niya itong pinapasok. “Hindi mo kilala ang kapatid ko, konting bagay lang nagtatantrums na ‘yun. Lahat nga ng nanliligaw sa akin hindi niya binibigyan ng pagkakataon makalapit sa akin,” tugon niya. Gustuhin niya man na ipakilala si Kiel ay hindi niya magawa. Ayaw niyang pag-awayan nila iyon. Ang kapatid niya ang nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang sagutin si Kiel. “Sana kapag naging tayo hindi siya tumutol sa atin,” hiling nito sa kawalan. At hindi niya alam ang isasagot sa sinabi nito. “Baka mamaya hindi ka na magpakita pa sa akin kapatid tumutol ang kapatid ko.” “Kahit harangan niya pa ako ng sibat at pana ay walang makakapigil sa akin para mahalin ka. Ipinaglalaban kita, Angz,” sagot nito sa kanya. Binabaybay nila ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nilang dalawa. “Paano papasok na ako?” tanong niya dito dahil parang ayaw siya nitong pakawalan. “Sandali lang,” pigil nito sa kanya. Nabigla pa siya nang ikulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito at bahagyang nilapit ang mukha niya sa mukha nito. Lumakas ang t***k ng puso niya sa pag-aakalang hahalikan siya ni Kiel. Nagkatitigan silang dalawa dahil maliit lang ang distansiya sa pagitan sa nila. Wala siyang balak tumutol kung sakali man na halikan siya nito dahil gusto niya rin matikman ang halik nito. Ang halik nitong matagal niyang pinapanabikan. “I am totally addicted to you,” bulong nito sa kanya. “Naniniwala akong were meant for each other kaya hindi ako magsasawang mahalin ka. My love for you grows each and every day, Angz,” pahayag nito sa nararamdaman. Akmang maglalapat na ang mga uhaw nilang labi nang biglang may bumusina sa likuran nila. Napamura si Kiel sa inis kaya napangiti nalang siya. Kapwa sila gumilid para padaanin ang sumira sa pagkakaton ng una nilang halik. Kung ito ay napamura sa pagsira sa una nilang halik siya ay labis na nanghihiyang. Napalunok na lamang siya na umiwas. “Umuwi ka’na,” taboy niya dito ng hindi ito kumibo. Para itong inagawan ng lollipop. “Hindi ba pwedeng ulitin natin yun?” hiling nito sabay nguso ng bibig. “Nope,” sagot niya sabay iling. Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Kiel dahil sa kanyang naging sagot ----sa halip ay ginagap niya ang kamay nito at hinila palapit sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Thank you for everything Kiel----- you made my day. You always made my day,” tugon niya. “And you made my day too. Kulang ang araw ko kung hindi kita nakukulit at nakakasama,” sagot nitong nakangiti. “Huwag ka sanang mapagod sa akin, Kiel.” “Hindi ako mapapagod, Angz. Ang mahalaga ay masaya ka rin sa ginagawa natin. Maghihintay ako.” “Goodnight,” wika ko. “Goodnight mahal ko,” he answered. Isang matamis ng ngiti ang binigay niya kay Kiel bago niya binuksan ang sariling sasakyan. Kumaway pa siya dito ng simulang umandar ang sasakyan niya. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Tears of joy iyon dahil mahal siya ng lalaking mahal niya pero hanggang kailan siya maiintindihan ni Kiel? Paano kung magsawa ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD