Maagang nagising si Angelica dahil pupunta pa siya sa eskwelahan ng kanyang kapatid. Para na naman siyang trumpo na nagmamadali dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho. Nagbukas na lamang siya ng cup noodles at iyon ang inalmusal. Alas siyete na ng umaga pero tulog pa rin si Jenyfer samantalang alas nuwebe ng umaga ang pasok nito. Binuksan niya ang cellphone ng may napansin siyang friend request sa f*******:. Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa kung sino ang nag friend request sa kanya. Walang iba kundi si Kiel Miranda. Lihim siyang napangiti. Kung kanina ay stress siya ngayon ay biglang gumaan ang pakiramdam niya dahil sa lalaki. Agad niyang tinanggap ang friend request nito. Hindi niya rin mapigilan ang sarili na tingnan ang profile nito at isang post ang nakita niya sa wall nito.
I DON’T BELIEVE IN LOVE AT FIRST SIGHT,
BUT I THINK I ALREADY FOUND HER. MY THE ONE..
Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa nabasang post ni Kiel. A controversy post from a business tycoon kaya unami iyon at ibat-ibang reactions and comments. Hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti dahil sa ginagawa ni Kiel. Mukhang seryoso nga ito sa sinasabi nito sa kanya pero bakit parang ang bilis naman para tawagin siya nitong The One?
Muntikan niya pang mabitawan ang kanyang cellphone ng tumunog iyon. Video call iyon galing kay Kiel. Naging abnormal na naman ang t***k ng kanyang puso. Inayos niya muna ang sarili bago iyon sinagot. Nakangiting mukha ni Kiel ang nakita niya sa screen ng cellphone. Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na rin siya.
“Good morning,” bati sa kanya ni Kiel.
Umangat ang kanyang kilay. Ayaw niyang isipin nito na kinikilig siya dahil sa presensyang binibigay nito sa kanya. Hindi niya rin pinahalata na nabasa niya ang post nito sa f*******:.
“Good morning,” sagot niyang hindi man lang sinuklian ang matamis na ngiti nito.
“Nag-breakfast ka’na?” tanong pa ng lalaki kaya itinaas niya ang kinakaing cup noodles upang makita nito.
Napangiwi si Kiel nang makita ang kinakain niya kaya natawa siya sa reaksyon nito na akala mo ay nakakadiri ang kinakain niya.
“Tumingin ka sa labas,” utos pa nito kaya napakunot noo siya.
“Bakit?” hindi niya mapigilang tanong.
“Just do it,” wika ni Kiel kaya wala siyang nagawa kundi ang sumilip sa bintana. Muntikan pa siyang maubo nang makita si Kiel sa labas ng sasakyan nito at kumakaway sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” nanlalaki ang mga mata na tanong niya.
“Ihahatid na kita sa trabaho mo,” ani pa nito.
“Pero may ibang lakad pa ako,”pagtanggi pa ni Angelica sa lalaki.
“Sayang naman ang paggising ko ng maaga para tanggihan mo ako,” paawa effect pa ni Kiel kaya nakonsensiya naman siya. Para itong batang sumimangot kaya agad niyang pinindot ang screenshot para makuhaan ito ng picture. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa ginawa.
“Give me ten minutes,” tanging nasabi ni Angelica na napapangiti. Kung bakit ba kasi napakagwapo ni Kiel. Sino ba namang babae ang makakatanggi rito?
“No! Five minutes,” lumiwanag ang ngiti nito sagot sa kanya.
“How demanding!” mataray niyang sagot kaya napahalakhak ito. Pinatay niya ang cellphone at nagmamadaling inayos ang mga gamit. Kung kanina ay para siyang trumpo ngayon naman ay hindi niya malamang ang gagawin. Pakiramdam niya ay nawala siya sarili dahil sa lalaki.
Paglabas niya ng bahay ay nasa tapat ng gate nila ang lalaki. Nakasandal ito ng kotse at naghihintay sa kanya. Nakamaong na pantalon ito at nakatshirt na kulay puti. Naka-eyeglasses din ito na lalong nagpagwapo sa lalaki. Nagwawala na naman ang kanyang puso ng masilayan ito ng malapitan. Inakay siya ni Kiel papasok sa loob ng sasakyan nito. Ilalagay niya na sana ang sariling seatbelt pero inunahan siya ng lalaki. Mabuti nalang at nagawa niyang iiwas ang mukha dahil kung hindi ay baka tumama ang mukha nito sa mukha niya. Napabungtong-hininga siya nang umikot na ito para sumakay sa driver seat. Pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa paglapit nito sa katawan niya. Hindi niya rin maiwasan na hindi malanghap ng malapitan ang mabango nitong amoy.
“Hindi mo naman ako kailangan sunduin Kiel. Kaya ko naman ang sarili ko,” agad niyang turan sa lalaki. Baka mamaya kasi hanap-hanapin niya ang ginagawa nito at bigla siyang i-ghost. Mahirap ng umasa. Inaayos ni Kiel ang seltbelt nito at hindi pinansin ang kanyang sinabi. Mamaya pa ay may inabot ito sa may likuran ng kotse at inabot sa kanya.
Napatingin siya sa lalaki. Malaking lunch box iyon.
“Ano ito?” nagtataka niyang tanong.
“Hindi pa kasi ako nag-almusal kaya minabuti ko na sabay na tayo total mukhang hindi ka pa rin nag-almusal,” sagot pa ni Kiel kaya napanganga siya rito.
“Seryoso ka?” hindi niya mapigilang tanong.
Ngiti lang ang sinagot sa kanya ni Kiel. Naamoy niya ang laman ng lunch box. Bigla yata ay nagutom siya. Binuksan niya ang lunch box.
“Gutom ka nga,” natatawang wika ni Kiel.
“Masama daw ang tumanggi sa grasya,” natawa niya ring sagot.
Pancake, sausage and bacon ang laman ng lunch box at ilang sliced fresh fruits.
Inayos niya ang pagkain sa loob ng lunch box. Hindi naman iyon mahirap dahil magandang klaseng lunch box ang dala nito. Nagsimula na siyang sumubo ng magsalita si Kiel.
“Pahingi,” paglalambing sa kanya ng lalaki kaya natawa niya. Nag-slice siya ng pancake at sinubuan ito. Tinalo pa nila ang magnobyo dahil sa ginagawa nila. Sinusubuan niya ang lalaki habang nagmamaneho ito at dahil wala siyang dalawang inumin napilitan siyang uminom sa tumbler ng lalaki na labis na nagpasaya sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay nahalikan niya rin ito dahil sa kanyang ginawa. Hindi rin maselan si Kiel na labis niyang ikinatuwa sa lalaki.
Naging masaya ang usapan nila habang kumakain. Pakiramdam ni Angelica ay matagal niya ng kilala si Kiel. Napagaan nitong kasama.
“Ang takaw mo pala” natatakang biro sa kanya.
“Akala ko ikaw! Hindi nga ako makakain sa kakasubo sayo,” balik niyang pang-aasar kaya nagkatawanan sila.
“Napapakain ako kapag ikaw ang kasama ko,” sagot ni Kiel kaya natigilan siya. Bigla na naman siyang nailang at napansin din yata iyon ni Kiel. “Hindi ako nagmamadali Angelica. Ang gusto ko lang ay hayaan mo akong makilala ka at makilala rin ako,” wika ni Kiel kaya tiningnan niya ang lalaki.
Nginitian niya ito.
“Hindi ako sanay na may lalaking nakakasama o nakakausap. Ayokong magmadali sa lahat ng bagay Kiel,” pag-amin niya sa lalaki.
“Naiintindihan ko. I like you from the start Angelica kaya hayaan mo lang ako dahil masaya ako sa ginagawa ko. Ang makasama ka lang sa ganito ay napakasaya ko na,” sagot sa kanya ni Kiel. Seryoso ito sa mga sinasabi nito at sa tingin niya ay kontento na rin ito sa pagiging magkaibigan nila.
“Ako rin naman. Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay.”
“Saan pala ang punta natin?” natatawang tanong sa kanya ni Kiel kaya natawa rin siya. Nagmamaneho itong hindi alam kung saan pupunta kaya itinuro niya ang daan. Hinatid siya ni Kiel hanggang sa eskwelahan ni Jenyfer. Sinamahan pa siya nito sa loob ng eskwelahan na akala mo talaga ay nobyo niya. Hindi mapigilan ng mga estudyante ang mapatingin kay Kiel. Lahat ng tumitingin kay Kiel ay lihim na kinikilig pero kapag siya na ang tiningnan ay tinataasan siya ng kilay. Napangiti siya ng hawakan siya ni Kiel sa braso. Kulang nalang sabihin nito sa kanya na ‘wag siyang mag-alala dahil kanya lamang ito. Assuming ang lola niyo pero bakit ba, kung yun naman talaga ang pinaparamdam niya sa akin?
“Gusto ka yata ng mga estudyante dito,” bulong niya sa lalaki pero may kirot siyang naramdaman ng sabihin iyon.
“Hayaan mo sila. I’m taken,” bulong din sa kanya ni Kiel kaya siniko niya ito. Aaminin niya kinilig siya sa huling sinabi nito.
Nagulat pa si Angelica na kilala pala ni Kiel ang may-ari ng university na pinapasukan ng kapatid. Agad na inuna ang concern niya dahil kay Kiel. Iba talaga kapag mayaman, maraming connection.
“Mabuti naman at napasyal ka sa University namin Mr. Miranda?” wika ng may-ari ng eskwelahan. Hindi ito mapalagay habang kausap si Kiel at maging ang principal na nasa tabi nito. Naalala niya lang nang nakaraan niyang punta ay kulang nalang ay sigawan siya ng principal sa labis na konsumesyon sa kapatid niya pero ngayon ay asikasong-asikaso siya ng mga ito. Gusto niya na lamang mapaismid.
“Sinamahan ko lang po ang girlfriend ko,” sagot ni Kiel kaya napatingin siya sa lalaki. Kininditan siya nito at inakbayan. Tila ba sinasabi nitong sakyan niya ang drama nito. Napatingin sa kanya ang mga kausap at tumango na lamang.
“Pakisabi sa mga Papa mo na maraming salamat sa mga donations niya. Sana naman ay makadalaw din siya rito,” dagdag pa ng may-ari ng university.
Tumango lang si Kiel.
“Hayaan niyo po at makakarating.”
Mayat-maya pa ay pumasok na ang may edad na lalaki na professor ng kanyang kapatid. Nang makita siya ay agad na tumaas ang kilay nito. Bruha yata ang tingin nito sa kanya. Hinawakan ni Kiel ang kanyang kamay samantalang napakamot naman sa ulo ang lalaking may-ari ng university. Mukhang napahiya ito sa inasal ng empleyado nito.
“Maupo ka Mr. De Guzman,” wika ng principal sa bagong dating. Napansin niyang pinanlakihan ito ng mata ng principal pero likas na estrikto ito ay ayaw paawat.
“Mabuti naman at dumating ka Ms. Angeles. Hu’wag ka na sanang magtaka kung bakit na naman kita pinatawag,” agad na wika ni Mr. De Guzman. Mukhang galit na galit ito sa kanyang kapatid. “Mukhang wala na talagang pag-asa na magbago ang kapatid mo. Sakit lamang siya ng ulo ng eskwelahan na ito,” dagdag pa nito. Napayuko siya sa sinabi ni Mr. De Guzman.
“But wait Mr. De Guzman,” sabat ng may-ari ng school. “Nandito si Ms. Angeles para pag-usapan ang mga bagay-bagay.” dagdag pa nito kaya tumango siya.
“Sa tingin ko po ay nagsasayang lang tayo ng pagkakataon at concern lang ako din ako sayo Ms. Angeles. Ang kapatid mo ay hindi pumapasok sa kanyang klase. Kapag pumapasok naman ay lasing at kung hindi man ay nilalandi ang mga lalaki dito sa campus,” dagdag pa nito kaya natigilan siya. Hindi kasi yun ang sumbong ng kapatid niya. Ang alam niya ay absent ito dahil busy ito sa modelling. “Hindi siya nagiging magandang ihemplo sa mga kapwa niya studyante.”
“Excuse me po, baka po nagkamali kayo kasi po kinausap ko si Jenyfer at ang sabi niya ay absent lamang siya dahil natataon na may mga event siya,” pagtatanggol niya sa kapatid.
“Mukhang hindi mo rin alam ang sinasabi mo Ms. Angeles. Hindi mo kilala ang kapatid mo. Nagagawa niyang magsinungaling ng deretso sa kahit sino. Kung alam niyo lang po na pumapasok siyang bangag na bangag. Hindi ko po kayo ipapatawag kung hindi mo ganun katindi ang ginagawa ng iyong kapatid,” dagdag pa nito kaya hindi niya maiwasan mapikon. Pakiramdam niya kasi ay pinag-iinitan nito ang kanyang kapatid. Sasagot sana siya kung hindi lang siya pinigilan ni Kiel.
“Baka naman po pwede pa nating bigyan ng isa pang pagkakataon si Jenyfer? Besides narinig niyo naman ang sabi ng girlfriend na kakausapin niya ang kapatid niya. Nandito siya para makipag-usap. Hindi ba eskwelahan kayo? Nandito kayo bilang pangalawang magulang ng mga estudyante niyo at sa tingin ko po kailangan kayo ni Jenyfer,” mahabang wika ni Kiel.
“Tama ka Mr. Miranda. Bibigyan namin ng isa pang pagkakataon si Jenyfer,” wika ng may-ari ng school.
“Hindi naman po tama yata yan Sir. Sinisira ni Jenyfer Angeles ang kredibelidad ng eskwelahan natin at hahayaan nalang natin na gawin niya iyon? Rediculous!” natatawang wika ni Mr. De Guzman.
“Enough Mr. De Guzman. You can go now!” Pagtataboy ng principal dito.
Hindi alam ni Angelica kung maaawa siya o maiinis sa guro ng kapatid. Gusto niyang humingi ng pasensiya sa guro ng kapatid pero hindi niya magawa. Pag-aaral ng kanyang kapatid niya ang nakasalalay rito.
“Pasensiya na ho kayo at hayaan niyo po at kakausapin ko ang kapatid ko,” hingi niya ng paumanhin sa mga kausap ng umalis si Mr. De Guzman.
“It’s okay Ms. Angeles. I’ll assure you magiging maayos sa school namin ang kapatid mo,” sagot ng may-ari ng university.
Nakahinga nang maluwag si Angelica ng makalabas sila ng eskwelahan ni Kiel. Hindi niya rin mapigilang maiyak. Hindi niya maintindihan kung saan siya nagkulang sa kapatid. Kung totoo nga ang sinasabi ng prof nito tungkol sa kapatid ay hindi niya alam. Baka kung hindi niya kasama si Kiel ay tiyak na wala ng pag-asa ang kanyang kapatid. Ilang university na ang pinasukan ni Jen at lahat ng mga yun ay ayaw tanggapin ang kapatid niya dahil sa bad records nito. Hindi niya na alam ang gagawin kapag hindi na rin ito tanggapin ng eskwelahang pinapasukan. Hanggang sa makapasok ng sasakyan ni Kiel ay umiiyak pa rin siya. Hinayaan lang siya ni Kiel.
Binigyan siya ni Kiel ng tissue.
“Are you okay?” tanong sa kanya ni Kiel.
“Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Lahat naman binigay ko. Hiyang-hiya ako sa ginagawa ng kapatid ko,” hikbi niya.
“That’s the problem,” sagot ni Kiel kaya napatingin siya nito. “Hindi mo alam kung saan ka nagkulang dahil lahat ay ginagawa mo para sa kanya.”
“Kapatid ko siya.”
“I know pero pinahihirapan ka niya. Lahat naman ay ginagawa mo para sa kanya. Hindi mo rin siya pinababayaan,” ani pa ni Kiel kaya natigilan siya. “I’m sorry, Angelica pero naiintidihan naman kita dahil alam kong mahal mo siya pero hindi lahat ng pagmamahal ay tama,” pangaral pa nito sa kanya.
Hindi niya magawang sumagot sa sinabi ni Kiel. Baka nga tama ito. Sobra niyang mahal ang kapatid kaya hindi niya alam na mali na.